Chapter 15: Badya ng Kapahamakan
YVONNE'S POV.
Inabangan ko sa bahay si Ervin. Tinignan ko ang relos na suot ko at pasado nang alas-siyete ng gabi nang makauwi siya. Nagpa-park pa lang siya ng kotse sa harap ng bahay ay mahigpit ko nang hinahawakan ang dos por dos na hawak ko.
"Siraulo ka talaga. Humanda ka ngayon sa akin!"
"Honey, I'm here!" sigaw niya mula sa labas ng bahay. Nang kakatukin na niya ang pinto ay kaagad ko iyong ibinukas at itinutok ko sa mukha niya ang hawak kong dos por dos na ikinalaki ng mga mata niya.
"Bwisit ka!"
Nakakapanggigil! Sobra na!
"H-Honey, b-bakit?" kinakabahang tanong niya at itinaas ang dalawang kamay kapantay ng ulo niya. Para siyang isang arestado na sumusuko sa mga pulis.
"Ang lakas ng loob mo para magtanong! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Ilang ulit ko siyang inambaan ng hawak kong dos por dos.
Sobrang nanggigigil na ako!
"H-Honey, a-ano bang kasalanan ko sa 'yo? Napapano ka ba?"
"Ikaw ang napapano! Ano ba ang tingin mo sa akin, ha? Kabit lang para makikabit ka rin sa iba?"
"Ha? Ano'ng kabit?"
"T*rant*do! May nakita akong plastic ng condom sa bulsa ng pantalon mo at bahid ng pulang lipstick sa puting polo mo!"
Napanganga siya at natigilan. Halatang-halata rin ang pamumutla ng mukha niya. "H-Ha?"
"Ano'ng ha?" Muli kong iniamba sa kaniya ang hawak kong kahoy.
"H-Honey, teka!" Hinawakan niya ang dulo ng dos por dos na hawak ko. "M-Magpapaliwanag ako—"
"Ano'ng magpapaliwanag? Wala ka nang ipapaliwanag! Tapusin na natin 'to! Ayoko na!" Nag-walk out ako at kinuha ko ang mga damit ko. Isinaksak ko iyon lahat sa maleta ko.
"H-Honey, ano ba? Mag-usap muna tayo."
"Palagi na lang tayong nag-uusap. Palagi mo na lang din akong pinipigilan. Hindi ka pa ba nagsasawa, Ervin? Binigyan kita ng second chance pero ano'ng ginawa mo? Gagawa ka na lang ng kalokohan, mag-uuwi ka pa ng ebidensya!"
Padabog kong kinuha ang maleta ko at nagmamadaling lumabas ng bahay.
This time, hindi na ako magpapapigil pa!
"Ano ba? Aalis ka na naman ba?"
"Na naman? Excuse me? Umaalis ako no'n, ano'ng ginawa mo? Pinigilan mo ako, 'di ba? Tinutukan mo ako ng baril, binugbog, at pinilit na makipagsiping sa 'yo!"
Napalunok siya ng laway. Inirapan ko siya at tuluyan nang umalis ng bahay.
"Honey, ano ba?" Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at pinangdilatan ng mga mata.
"Ano? Sasaktan mo na naman ako? Saktan mo 'ko! Diyan ka naman magaling, 'di ba? Imbis na humingi ka ng tawad, ang galit mo pa ang pinaiiral mo!" Iwinaksi ko ang kamay ko at lumabas na ng bahay. Nang may dumaan na taxi, pinara ko iyon at sumakay.
Narinig ko siyang nagsisisigaw sa labas ng bahay namin nang galit na galit.
Hindi ko na siya muli pang nilingon at tinawagan ko na si Akiro.
"Yes, frenny?"
"Diyan muna 'ko." Ibinaba ko ang telepono at masamang tinitigan ang daan. Nakakuyom ang kamao ko habang nanggagalaiti.
"Sana hindi na lang ako nagkaroon ng asawa..."
LASING na lasing ako habang umiinom sa harap ng bahay nila Akiro. Nandito kami ngayon sa terrace at aaminin kong may tama na ako.
"Isang bote paaa!" sigaw ko at tinungga ang bote ng alak na hawak ko pero wala na iyong laman.
"Hoy, isang bote pa!" sigaw ko sa kaibigan kong kanina pa umiiling.
"Tama na nga, frenny. Lasing ka na," naiinis na sabi niya.
"Ano ka ba? Hindi pa ako lasing. Nagsisimula pa lang tayo, e. Cheers!" Iniuntog ko sa hawak niyang bote ang boteng kakadampot ko pa lang. Nang tumama iyon sa bibig ko ay kumunot ang noo ko.
"Bakit nakasara pa 'to, ha? Buksan mo nga!" utos ko sa kaniya nang maiabot ko sa kaniya ang alak na hawak ko.
"Frenny, hindi mo na kaya! Tama na!"
"No! Kailangan ko 'to. Sawi ako, e."
"Frenny, walang mangyayari sa 'yo kung kada lolokohin ka ng asawa mo, e, umiinom ka. Ano bang gusto mo? Dapuan din ng sakit at matulad sa inaanak mong ilang araw sa hospital?"
"Tss! Sermon nang sermon!" Ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa nang nakanguso.
Damang-dama ko ang sakit ng ulo ko lalo na ang sakit ng puso ko.
"Ano bang wala ako na meron ang babae niya? Bakit hanggang ngayon, pakiramdam ko, wala pa rin akong kwentang asawa?"
KINABUKASAN, nang magising ako ay laman na ako nang isang pamilyar na kwarto. Hinawakan ko ang ulo ko at dinaing ang matinding sakit nito.
Naparami yata ang ininom ko kagabi. Teka, nasaan na ba si Akiro?
Babangon na sana ako nang bigla akong may mapagtanto.
"Hala!" Napatakip ako ng bibig. "Huwag mong sabihin sa akin na iniwan ni Akiro si Keith sa hospital? Ngayon pa lang dapat ang uwi ni Keith, ah?" Dali-dali akong bumangon at binuksan ang pinto nang kumunot ang noo ko.
"Teka? Bahay ko 'to, ah?" Nagpalinga-linga ako sa paligid nang makumpirma ko ang hinala ko.
"Paano ako nakauwi?"
Inayos ko ang damit ko bago ako bumaba ng kama. Posible kayang ipinasundo ako ni Akiro sa kaniya o 'di kaya ay kinuha ako roon ni Ervin?
Hinanap ko si Ervin at laking gulat ko nang makitang wala siyang suot pang-itaas na damit habang suot naman niya ang apron ko at nagluluto sa kusina.
Napasinghal ako. "So, pagkatapos niyang may gawin na kalokohan, ipagluluto na naman niya ako at susuyuin? Tapos ma-i-inlove na naman ako sa kaniya at patatawarin ko siya? Ang lakas ng tama!" bwisit na bwisit na bulong ko pero sa pagbulong kong iyon ay ang saktong paglingon niya sa akin.
"Oh, honey? Halika rito. Nagluto ako ng breakfast para sa ating dalawa."
"Pwede ba? Bakit nandito ako? Sinundo mo ba ako kila Akiro?"
"Iyon ang utos niya. Sinunod ko lang," kibit balikat niyang sagot.
Napakuyom ako ng kamao. "Akiro!" gigil na bulong ko.
"Pabayaan mo na ako, Ervin. Tigilan mo na 'to! Gusto ko nang makipaghiwalay sa 'yo! Pagod na 'ko!"
"Paano ka makikipaghiwalay sa akin, e, kasal tayo?" nakangisi niyang tanong.
"Kasal man tayo o hindi, once na gusto ko, wala kang magagawa!"
"No! Walang hiwalayan na magaganap. Akin ka lang, Yvonne! Walang ibang pwedeng magmay-ari sa 'yo." Nilapitan niya ako nang may masamang titig habang nakangisi ang labi niya.
"What? Ako pa talaga ang sinasabihan mo niyan imbis na ako ang magsabi niyan sa 'yo? Sino ba ang nambababae? Ikaw, 'di ba? Ang kapal ng mukha mo para sakalin ako!"
"Kaya mo lang naman ako gustong hiwalayan dahil sa coach mo, 'di ba?"
Kumunot ang noo ko.
"Ano? Coach? Sinong coach ang sinasabi mo?"
"Huwag ka nang magmaang maangan pa! Iyong si Jasper. Iyong lalaking kaharutan mo sa gym."
"Ano?! Si Jasper? Nagpapatawa ka ba?"
"Nakuhanan kayo ng video, Yvonne. Masaya lang naman kayo habang nagtatawanan at naghaharutan sa gitna ng gym. Sabihin mo nga? Kaya ka lang ba nagpupunta ng gym para magpapansin sa Jasper na iyon?"
"Ano ka mo? Wow! Saan ba galing ang balitang iyan at hindi ako na-informed? Si Jasper ay isa lang sa mga lalaking nag-gi-gym doon. Hindi ko siya coach. Inutusan lang siyang turuan ako sa paggamit ng equipment na maaring gamitin ng isang babae. Dahil tinuturaan niya ako, kailangan ko siyang pakisamahan nang maayos. Bukod doon, wala na. Ikaw nga itong ilang beses ko nang nahuli, e. Ako pa itong babaligtarin mo?"
"Yvonne, Yvonne, Yvonne. Tumigil ka na! Once na nahuli ka na, wala ka nang kawala pa." Hinawakan niya ang batok ko at mahigpit iyong hinawakan. Pinilit niya akong palakarin sa harap ng lamesa at iniupo sa upuan. Iniharap niya sa akin ang iniluto niya.
"Kumain ka na, honey."
"Hindi ako kakain. Aalis na ako at huwag na huwag mo nang guguluhin ang buhay ko!" Tumayo ako at tumakbo nang mabilis palabas ng bahay.
"Hindi ka pwedeng umalis ng bahay!"
Napahinto ako sa pagtakbo nang harangin niya ako. Nakatutok sa akin ang hawak niyang baril kaya napaatras ako. Nakasuko ang magkabilang kamay ko. Muling nanginig ang katawan ko dahil sa takot.
"E-Ervin, h-huwag mong g-gawin iyan," utal-utal at namumutlang pakiusap ko.
"Pumasok ka sa loob!" sigaw niya kaya napatakbo ako sa loob ng bahay at nagkulong sa kwarto naming dalawa.
Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
Jusko! Ano ba talagang gusto niya? Bakit palagi niyang ginagawa sa akin 'to? Paano ako makakatakas kung laging nagdedelikado ang buhay ko?
"Ervin, ako ang asawa mo! Ano ba?!"