Chapter 13: Malaria
YVONNE'S POV.
Nakakatulog na ako nang bigla akong magising. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kamay ni Ervin na unti-unting lumalamas sa dibdib ko. Naramdaman ko na rin ang paghalik niya sa balikat ko. Pati na rin ang pagdikit ng kaselanan niya sa pang-upo ko.
Tinapik ko ang kamay niya sa dibdib ko at bahagyang lumayo sa kaniya. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya.
"Ano ba, Ervin? Nakikita mo namang natutulog na ako," galit na sabi ko.
"Isa lang naman, honey..." hinahapong sabi niya.
Napasinghal ako sa inis.
"Ervin, please! Ayoko! Inaantok na ako. Tsaka na lang 'yan," suway kong muli sa kaniya ngunit nagpatuloy lamang siya sa ginagawa niya.
"Ervin, ano ba?!" Bumangon ako nang pagalit. Bumangon din siya at sumimaktol sa akin. Nagmamakaawa ang mukha niya.
"Sana naman irespeto mo ako. Kung ayoko, huwag mo akong pilitin!" iritableng sigaw ko at bumangon sa kama. Akma na akong aalis nang hawakan niya ang kamay ko. Doon ko lang napagtanto na wala na siyang damit pang-itaas. Madilim na kasi ang buong kwarto.
"Honey, sorry na. Humiga ka na ulit dito. Hm?" anyaya niya at tinapik-tapik ang kama.
Inirapan ko siya kasunod ang pagbuntong hininga.
"Fine! Hayaan mo lang akong makatulog, Ervin."
Humiga ulit ako sa kama. Nakatalikod ako sa kaniya nang nakatulala. Nakakasama ng loob. Natutulog na ako, nagising pa ako. Ano bang akala niya? Okay lang na gawin namin iyon pagkatapos ng ginawa niya sa akin? Laruan ba ako o parausan lang niya? Nakalimutan niya yatang babae ako at ako ang misis niya.
"H-Honey, p-pwede bang huwag mo na akong tawagin sa pangalan ko?" nagdadalawang-isip na sabi niya. Kumunot ang noo ko pero hindi ako nagsalita.
"Sana ibalik na natin ang dati, honey. Nami-miss ko na kasi 'yon. Miss na miss na kita..." aniya.
Ilang minutong kumabog nang malakas ang dibdib ko. Hinintay ko siyang magsalita pero wala na akong narinig pa sa kaniya. Tinignan ko siya mula sa likod ko at mukhang mahimbing na siyang natutulog.
Dahan-dahan akong bumaling para humarap sa kaniya. Tinignan ko ang nakatagilid na mukha niya. Namumuo ang mga luha ko nang unti-unti ay idinampi ko ang palad ko sa pisngi niya.
"I'm sorry, honey..."
LUMIPAS ang maraming araw nang maayos ang pakikitungo sa akin ni Ervin. Sweet pa rin siya katulad ng dati. Hindi maiiwasan na uminit ang ulo niya dahil sa stress sa trabaho kaya hindi ko na sinasabayan pa. Maghapon at magdamag lang akong laman ng bahay at nagluluto, naglilinis, at naglalaba para sa kaniya.
Sinimulan ko na ring ayusin ang sarili ko. Pinipilit kong ibalik ang sarili ko sa dati. Pansin ko kasi, lumolosyang na ang mukha at katawan ko. Kaya siguro naghahanap ng iba ang asawa ko dahil pumapangit na ako.
Habang wala si Ervin, tutal ay tapos naman na ako sa paglilinis ng bahay, nagpunta ako sa isang gym para mag-ehersisyo. Kailangan ay mawala ang mga taba ko sa tiyan. Lumalaki pa ang braso ko.
Simula nang mag-away kami nang ganoon kalala dahil sa babae niya, naging maselan na ako sa sarili ko. Lagi akong nakatingin sa salamin. Parang bigla ay ang dami kong insecurities sa katawan. Maya't maya nga ako kung pumunta nang pamilihan para bumili ng mga pampa-sexy na inumin, skin cares, make-up, at kung ano ano pa nang maibalik ko ang natural na alindog ng katawan ko.
Natatakot ako na ulitin ulit 'yon ng asawa ko. Pakiramdam ko kasi ay inaapakan ako. Pakiramdam ko ay ang laki ng inilamang ng babae niya sa akin samantalang ako ang asawa niya.
"Hi, Ms. Yvonne! Nagkita ulit tayo," bati ng isang lalaki na may malaking katawan. Ang pangalan niya nga pala ay Jasper. Siya ang nagtuturo sa akin kung paano gumamit ng equipment na pambabae.
"Hello, Sir! Misis na po. Tapos na tayo sa pagiging miss," pagtatama ko nang pabiro.
"Sus! Misis man iyan o miss, babae ka pa rin! Saka hindi ka naman mukhang may asawa na. Ang bata ng kutis at itsura mo. Huhulahan ko!" Itinuro niya ang mukha ko habang nakatawa, "Taong bahay ka lang, 'no?" dugtong niya.
Natawa ako sa sinabi niya.
"Opo. Ang asawa ko lang ang nagtatrabaho. Kung minsan ay katulong niya rin naman ako sa pag-aayos ng negosyo."
"Wow! Negosyo? Ano bang negosyo ninyo?"
"May isa kaming company. Ang mister ko ang CEO," proud na sabi ko.
Nakaka-proud din pa lang ipagmalaki ang achievement ninyong mag-asawa kung minsan.
"Wow! Ang galing, ah? Congrats! By the way, ano'ng gusto mong i-try? Ano ba'ng una mong gustong mawala?"
"Itong bilbil ko. Mukha na akong may salbabida sa tuwing nakaupo ako." Hinawakan ko ang tiyan ko at inipit-ipit ang bilbil ko habang inaalog iyon. Nakasuot lang ako ng isang hapit na sport bra at leggins.
Tumawa siya nang malakas. Dahil sa tawa niyang iyon ay nahahawa na rin ako.
"Oh, sige. Pero saglit— Jasper na lang ang itawag mo sa akin. Huwag ng sir. Feeling ko, kagalang-galang akong tao kahit hindi."
"Okay, Jasper."
Muli ay sabay kaming nagtawanan bago nagsimula.
Tinuruan niya ako kung paano gamitin ang elliptical exercise machine. Nakakatulong daw ito para magbawas ng taba sa katawan lalo na sa tiyan. Tuwang-tuwa at excited naman ako nang masubukang gamitin iyon. Libang na libang ako. Parang sandali kong nakakalimutan ang mga problema ko dahil sa mga ginagawa ko.
Nang mapagod ako ay nagpahinga muna ako sa gilid at uminom ng tubig nang bigla ay tumawag si Akiro.
"Hello, Akiro. Bakit?"
"Frenny, nasaan ka? Kailangan ko ang tulong mo. Ang anak ko, may malubhang sakit!"
"Ano?!" Napatayo ako dahil sa gulat. "Nasaan kayo? Saang hospital 'yan?"
"Dito sa Integrated Hospital. Bilisan mo, frenny. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala pa rin ang asawa ko."
"Oh, sige. Hintayin mo ako. Papunta na ako." Ibinaba ko ang cellphone at kinuha ko na ang mga gamit ko sa locker.
"Ah, Yvonne? Okay ka na ba? Dito na tayo sa next step," tawag sa akin ni Jasper.
"Ah, eh— n-next time na lang siguro, Jasper. May emergency ako. Bye!"
Hindi ko na hinintay pang makasagot siya at nagmamadali na akong tumakbo para umalis. Halos isang oras kong pinatakbo ang sasakyan ko bago makarating sa hospital. Inabutan kong umiiyak si Akiro sa labas ng isang kwarto.
"Akiro!"
Nang marinig niya ako ay mabilis siyang lumingon sa dereksyon ko, "Frenny!"
"Ano bang nangyari? Kumusta si Keith?"
"F-Frenny, m-mayroon siyang malaria."
"Ano?!"