CHAPTER 7 Hindi pwede, Kye

Hingal na hingal kami ni Tricio nang makarating na kami sa palengke. Magkahawak kamay parin kami. Mukha siyang aso kung hingalin.

‘’Tri, b-bitawan mo na kamay ko.’’ Sambit ko habang hinihingal parin.

Kaagad niya itong binitawan. Namamalikmata ba ako? Nakita ko siyang namumula. O baka pagod lang siya?

‘’Bili ka don ng palamig, Yuna.’’ utos niya sakin. Nakaupo na kami ngayon sa isang bench malapit sa isang tindahan ng palamig.

‘’Ikaw nalang. Malapit ka oh.’’

‘’Ikaw na. Pagsilbihan mo naman ang babae dito,’’ tili niya.

‘’Hiyang hiya naman ako sayo, no?’’ tumayo ako at humarap sa kanya. ‘’Uuwi nako. Ba-bye!’’ sabay takbo.

‘’Paano kung harangin ka ulit nila?’’ tanong niya.

‘’Edi, Mag sapakan kami! Baka pagalitan pa ako ni Mader kapag hindi pa ako umuwi. Uwi kana din at baka hanapin ng mga magulang mo ang prinsesa nila, Ba-bye!’’ at binilisan ko ang takbo.

Sa ibang daan ako dumaan. Maraming mga tao sa daan nato. Sa mga taong yun ay may nag iinuman sa gilid ng daan. Nakakatakot dumaan dito pero mas nakakatakot don sa dinaanan namin kanina.

Dito maraming tao ang makakakita kung may masamang mangyayari sayo. Do'n wala. Bwisit kasing bakla yon, bakit don pa kami dumaan. Na bangag siguro ako kanina dahil kakagising ko lang nun.

‘’Yuna! Asan papa mo?’’ tanong ni Mang Jude, isa sa mga nag iinuman at kumpare ni papa.

‘’Nasa trabaho po.’’

‘’Ganon ba, sige umuwi kana at baka hinahanap kana ng mama mo. Narinig ko yun kanina, nagsisigaw.’’ sabay tawa.

‘’Sige po alis na po ako,’’ sabi at naglakad na palayo don.

Binilisan ko ang lakad ko. Lakad takbo na ang ginagawa ko. Kinakabahan ako. Sumasabay ang kaba ko sa takot na baka may bigla nalang may humarang ulit sa dinadaanan ko.

Nang nasa gate na ako ay nakita ko si Luca na nakaupo sa upuan na nasa labas ng gate namin.

‘’Luca? Magaling ka na ba?’’ nilapitan ko sya at hinawakan ang noo. ‘’Bakit ka nasa labas?’’ sunod na sunod na tanong ko.

‘’Yuna? Bakit ngayon ka lang?’’

‘’A-ano kasi ma— Basta.’’ sabi ko sabay iwas sa tingin niya.

‘’Yuna?’’

‘’A-ano kasi.’’ kinakabahan ako. Paano ba kasi sasabihin.

‘’Yuna?’’ malumanay na saad niya pero nagtitimpi na yan.

‘’M-may humarang samin sa daan kanina. Hinarangan kami ng limang lalaki na mukhang bano. Pero kita mo oh,’’ sabay turo ko sa sarili ko. ‘’Okay na, nakatakas kami.’’

‘’Sinong kasama mo?’’

‘’Si Tricio, yung bakla naming kaklase.’’ sabi ko.

Tumango tango ito. ‘’Pumasok kana. Kanina kapa hinahanap ni Tita.’’ sabay tayo. ‘’Pahinga kana. Good night.’’

‘’Good night, Luca.’’ sabi ko at pumasok na sa bahay.

That’s a relief.

Naabutan kong kumakain ang dalawa kong kapatid. Umiiyak na naman ang bunso namin. Kaagad akong lumapit dito.

‘’Anong nangyari?’’ tanong ko sa kanya.

‘’K-kasi A-ate.’’ suminghot singhot pa ng sipon. ‘’Si Ate Chloe eh. Kinain ang ulam ko.’’ sumbong niya.

‘’Chloe?’’

‘’Kasi kinain ng pusa niya ang ulam ko.’’ sabat nito.

‘’Kasalanan mo nayon. Hindi mo binantayan ang pagkain mo. Busy ka kaka-cellphone.’’ galit na saad ko.

Napayuko ito. At nagpatuloy na kumain. Bumaling ako sa isa. ‘’Kunin mo nalang ang ulam ko bunso.’’ sabi ko at dumiretso sa kwarto.

Pagkatapos magbihis ay nasa hapag na si Mama.

‘’Bakit late ka nang umuwi?’’ tanong niya. Hindi naman ito galit.

‘’May ginawa lang po, Ma.’’ pagsisinungaling ko.

Ayaw ko lang na mag alala sila sakin. Mas mabuting hindi na nila malaman yon.

Matapos kumain ay dumungaw ako sa kwarto ni Luca mula sa kwarto ko. Madilim ang kwarto nito. Siguro natutulog na siya. Sana gumaling na siya. Humiga ako at pumikit.

Pagod ako kakatakbo.

May isang tanong sa isipan ko. Sino si Farisha?

‘’Yuna! Si Luca nandito." sigaw ni Mama na nasa pintuan. Umaga na pala.

Tiningnan ko ang phone ko. Thirty minutes nalang at malelate na ako. Sarap ng tulog ko. Nagmamadali akong mag ayos.

‘’Ang bagal mo.’’ Reklamo niya at tiningnan ang kabuuan ko. ‘’At bakit ka naka uniform?’’ natatawang saad niya.

‘’Huh?’’ nagtatakang tanong ko. Tiningnan ko ang kalendaryo namin. Sh*t walang pasok ngayon!

Dali-dali akong umakyat sa kwarto at nagpalit ng damit. Bangag ako kanina. Bumaba ako pero wala si Luca don, kaya lumabas ako.

Nakita ko siyang kasama si Kye. Bakit sila magkasama? Hindi ako tuluyang lumabas dahil narinig kung nag uusap sila. Chika to panigurado.

‘’Bakit mo hinayaang mangyari yon?’’ galit na saad ni Luca.

‘’Hindi namin alam na kikilos agad sila. May pinuntahan din kami kahapon para sunduin si Kyo.’’ paliwanag nito.

Sino si Kyo?

‘’Wala akong pakialam!’’ gigil na saad ni Luca. ‘’Madami kayo diba? Bakit hindi ka man lang nagpadala ng mga kasamahan mo para bantayan siya.’’ napasabunot ito nang buhok.

‘’Hindi ko na hahayaang mangyari yon. Isa lang ang paraan para hindi sya malapitan ng mga yun.’’ si Kye.

‘’Hindi pwede, Kye. ’’

First time kong marinig kay Luca na sambitin ang pangalan niya.

‘’Anong hindi pwede?’’ tanong ko nang tuluyang lumabas don.

Kita sa mukha nila ang pagkagulat. Tiningnan ko si Keira pero umiwas ito ng tingin.

‘’Ah… W-wala, Yuna.’’ nauutal na sabi ni Luca.

‘’Okay… Saan tayo pupunta?’’ tanong ko sa kanila.

‘’Basta sumunod ka na lang.’’ sabay hila sakin ni Luca. Sumunod naman sa amin si Kye.

Alam kong may tinatago ang dalawa. At alam kong tungkol kahapon ang pinag uusapan nila.

Naglalakad lang kaming tatlo habang magkahawak parin ang kamay namin ni Luca. Himinto kami sa mall. Malapit lang kasi yon sa bahay.

‘’Anong gagawin natin dito? Wala akong pera.’’ reklamo ko.

‘’Libre daw ni Kye,’’ sabi ni Luca at humarap sakin.

‘’Kaya uubusin natin ang pera niya.’’ sabay hila ulit sakin papasok.

Nasa likod lang namin si Kye at para bang wala lang sa kanya ang gumastos. Oo nga pala, hindi ko pa siya kilala. How sad.

Kumain muna kami at nag chikahan. Matapos kumain ay naglibot muna kami sa buong mall. Namimili kami kung anong pupuntahan namin. Window gala yon, wala kaming balak mag shopping.

Naglaro kami sa arcade. Sinira ni Luca ang ring don kaya pinaalis kami. Sayang yong ticket na naipon ko, namin.

Binatukan ko sya. ‘’G*go mo talaga no? Bw*sit ka alam mo yun!?’’ nainis na sigaw ko.

‘’Easy, Yuna. Iwan nalang natin sya dito.’’ sabi ni Kye.

Nagkaayos na kami kanina. Kinukuha daw sya ng ng lola niya at doon pinapatira sa side nito. Pero hindi naman siya pinipilit. Kaya nandito pa sya hanggang ngayon. At ang tungkol sa nakita namin na nanghampas s'ya ng baseball bat, wala pang paliwanag.

‘’Hoy! Best friend ko yang hinahawakan mo!’ sigaw nya ni Luca sakaniya.

‘’Bestfriend ko din sya!’’ sigaw niya.

Nagbangayan silang dalawa wala man lang pakialam na may nanonood sa kanila. Mga baliw talaga.

‘’Tama na yan!’’ sigaw ko at sabay silang humarap sakin.

‘’Okay!’’ suko ni Luca.

‘’Tara na nga lang.’’ sabay sila sakin ni Kye.

‘’Sama ako! Saan kayo pupunta?’’ habang hinahabol kami.

‘’Sa cr. Sama ka?’’ si Kiera.

‘’Oo.’’ si Luca.

‘’Seriously?’’ tanong ko.

Tumango ito. ‘’Oo, sa labas lang naman ako.’’ sabi niya nang papasok na kami sa pang babaeng cr.

Pero bago pa man kami makapasok ay biglang may lumabas doong babae. Sya yung bagong transfer sa kabilang section.

‘’Oh, Hi Kye.’’ bati niya kay Kye at tumingin sakin.

‘’Hi, I’m Fa—,’’ hindi na nya natuloy ang pangalan niya dahil hinila ako palayo don ni Kye.

‘’Anong meron?’’ naguguluhang tanong ko.

Lumingon ako don, nakita ko si Luca na masama ang tingin sa babae. Anong nangyayari? Biglang may mga kaedaran namin na pinalibutan kami. Marami sila na magkakahiwalay.

Hindi yun napapansin ng ibang tao dahil magkakahiwalay ang mga ito. Sabay na sabay ang paghakbang namin sa pag hakbang nila.

Pagkalabas namin ng mall ay pinasok ako ni Kye sa isang van na naka park sa harap ng mall. Para bang kanina pa yung naghihintay. May tatlo pang van sa labas don pumasok ang mga kaedaran naming nakapalibot samin kanina.

WTH! What’s happening?

‘’Don’t worry, Yuna. You will know it soon.’’ saad ni Kye.