CHAPTER 8 Kyo
Nagising ako na nasa loob parin ng van. Nasa likuran ko ang dalawa na nag-uusap. Lima kami sa loob nitong van. Kaming tatlo at isang driver at katabi nito sa harap.
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil napakahina ng mga boses nila. Napansin ni Luca na gising na ako kaya nilapitan ako nito.
‘’Okay ka na ba?’’ tanong nya sakin.
‘’Anong nangyari?’’ tanong ko.
‘’Nakatulog ka kanina habang nasa byahe tayo.’’ Ngayon ko lang nalaman na nakahinto pala kami.
‘’Nasaan tayo? Anong nangyari doon sa...’’
‘’Nasa labas tayo ng bahay nila Kye. At yung nangyari kanina? Hindi mo pa dapat malaman.’’ Na dismaya ako sa sagot nito pero nasa bahay kami ni Kye?
Binuksan ko ang pinto ng van. Napanganga ako sa nakita ko. Ang laki ng bahay nila! Nasa harap ng bahay ang van na sinakyan namin. Sinarado ko ulit ang pinto at tumingin kay Kye.
‘’Bahay mo 'to?’’ di makapaniwalang tanong ko.
‘’Bahay ng parents ko,’’ pagtama niya sakin.
Tumango tango ako. ‘’Bakit ngayon mo lang ako dinala sa bahay nyo?’’ tanong ko.
‘’Hindi ka naman nagsabi na gusto mong pumunta dito.’’ Wika niya at bumaba.
‘’Welcome to our house, Yuna.’’ Sabi n'ya nang nakangiti.
Bumaba si Luca at inalalayan akong bumaba. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napansin kong madaming bantay sa labas ng bahay nila.
‘’Bakit maraming bantay?’’ tanong ko.
‘’Dahil ako lang mag-isa dito. Wala sila Mom and Dad.’’ May biglang lumabas sa bahay nila.
‘’Yo, Sis.’’ Sabi niya kay Kye.
‘’May kapatid ka?’’ tanong ko at tumango naman ito.
Tumingin sa akin ang kapatid nito. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Isa lang ang nasabi ko, 'G*go!'
Tingnan ba naman akong parang pagkain.
‘’Stop staring at her, Kuya,’’ suway ni Kye sa kaniya.
Tinanggal naman niya ang tingin sa'kin.
‘’Yuna this is Kuya Kyo. Kuya Kyo this is Yuna, ’’ pagpapakilala ni Kye samin sa isa't isa.
Akmang yayakapin ako nito nang pigilan sya Kye. Nilahad niya ang kamay niya sakin at tinitigan ko lang ito. Naiinis ako sa kanya.
Tatanggapin kona ang kamay niya nang bigla niya itong kunin at hinalikan ang likuran ng palad ko.
Kaagaad kong binawi ang kamay ko sa kamay niya. Diko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kaniya. Sarap n'yang ilibing sa sementadong sahig.
‘’Tara na, Yuna.’’ Hinila ako ni Kye papasok sa bahay nila.
Napakalaki ng bahay nila. May malawak na sala at napakataas na staircase sa ginta. Hinila ako ni Kye sa dining area nila. At pinaupo sa tabi niya.
‘’Yuna, kumain kana muna. Kanina ka pa natutulog at hindi ka pa kumakain simula non.’’
‘’Yuna!’’ sigaw niya sakin.
‘’Huh, A-ano yun?’’ tanong ko.
"Gaga ka! Kanina pa ako nagdadal dito hindi ka pala nakikinig?" inis na sabi nya.
‘’Sorry, nagulat lang talaga ako sa nalaman ko ngayon.’’ Tumango naman ito at nilagyan ng pagkain ang pingan ko.
‘’Si Luca?’’ tanong ko habang ngumunguya.
‘’Nasa labas kausap si Kuya.’’
‘’Bakit hindi mo sakin sinabi na may kuya ka pala?’’
‘’Hindi ka naman nagtanong.’’
‘’Kahit na!’’
‘’Paano ko sasabihin kung hindi ka nagtanong ha! Baka sabihin mo na ‘may nagtanong ba?’ Wala ka pa namang pinipiling barahin.’’
‘’Ganun ba ako? 'Di ko alam eh. Pasensya na.’’ Bahagya pa akong yumuko.
Matapos kumain ay pumunta kami sa kwarto niya. Malaki din ang kwarto n'ya. Ang theme ng kwarto ay kulay black. As in aakalain mo pa ngang lalaki ang may ari ng kwartong to.
‘’Mahilig ka pala sa black,’’ sabi ko at naupo sa kama niya. Ang lambot!
Pumunta ito sa harap ng tv at binuksan. ‘’Anong gusto mong movie?’’ tanong niya.
‘’Hmmn... Ano nalang Rim of the World.’’Humiga ako sa kama.
‘’Gusto mo pala yun? Same,’’ sabi niya at kinalikot ang tv.
Nagsimula na ang movie. Kahit ilang beses ko pa panoorin yun ay hindi ako nagsasawa.
‘’Sis! Ano yan huh?!’’ biglang pasok sa kwarto ni Kyo.
‘’Pakialam mo?!’’ si Kye.
‘’Easy lang. Highblood agad,’’ tumingin ito sakin at kinindatan ako. Yuck!
‘’Patabi,’’ sabi niya at umupo sa tabi ko.
Pumasok din si Luca at tumabi din sakin. Apat na kaming nakaupo sa kama. Wala kaming pakialam basta tutok na tutok ang mata namin sa tv.
Unti-unti na namang bumibigat ang talukap ko. Nakatulog ako sa balikat nang kung sino.
Nagising ako nang may yumuyog sakin. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang pagmumukha ni Kyo-langot. Tinulak ko ito kaya nahulog s'ya sa kama.
Napatingin ako sa paligid. Nanonood na ng ibang movie sila Kye. Nakatingin sila kay Kyo na nasa baba parin ng kama.
‘’Anong ginagawa mo sa sahig, Kuya.’’ nagtatakang tanong ni Kye.
‘’Ang magaling mong bestfriend tinulak ako. S'ya na nga 'tong nakatulog sa balikat ko. Tinulak pa ako.’’ Tumayo ito at tumingin sakin. ‘’Ginigising kita kasi ihing-ihi na ako!’’ reklamo nya at lumabas ng kwarto.
Tang*na! Namula ang buong mukha ko sa sinabi niya.
‘’Anong oras na?’’ tanong ko. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay Mama.
‘’Exactly 5:30, Yuna. Tara na uuwi na tayo.’’ sabay tayo ni Luca. Tumayo din si Kye para patayin ang tv.
Tumango ako at sabay kaming bumaba. Pagkababa namin ay sumakay kami sa van na sinakyan namin kanina.
‘’Ako na ang mag mamaneho, Kuya.’’ Sabi ni Kye sa isang lalaki na nakaupo sa driver's seat.
Tumango ito at bumaba. Sumakay do'n si Kye at binuksan ang makina. Marunong din pala siya magmaneho?
"Hindi mo naman kami papatayin no?" Tanong ko.
Lumingon sya sakin. "Wala ka bang tiwala sakin?"
"Medyo."
Umayos s'ya ng upo sa harap. "Don't worry. You can trust me on this." Tumango lang ako.
Hindi ko pa talaga siya kilala. Maski edad niya 'di ko alam. Ayaw niya naman sabihin kasi hindi ko daw tinatanong. Tama naman siya.
Tahimik lang kami sa loob hanggang makarating na kami sa bahay.
‘’Ingat ka sa pagda-drive, Kye,’’ paalala ko sa kanya.
Umalis na ito at tumingin ako kay Luca.
‘’Matagal mo nang alam?’’ tanong ko.
Tumango ito at umupo. Umupo din ako s tabi nito. ‘’Since?’’ tanong ko ulit.
‘’Noong hindi na siya masyadong pumapasok. Nag-aalala ka kasi sa kanya kaya minsan sinusundan ko sya.’’
‘’Bakit 'di mo agad sinabi sakin?’’
‘’Pinagbawalan ako ni Kye at ayaw ko rin namang sabihin, kasi baka layuan mo sya.’’ sabi nito at tumingin sa mga mata ko.
‘’Alam kong matagal mo nang gustong magkaroon ng kaibigang babae na magtatagal sa tabi mo.’’
‘’Hindi naman ah,’’ dipensa ko sabay iwas ng tingin.
‘’Hindi? Pero ikinikilos mo?’’ natatawang anito.
‘’Pero bakit hindi niya rin sinabi?’’
‘’Ayaw ka niyang mapahamak, Yuna. As long as kaya niyang huwag mo nang lumapit sayo gagawin niya.’’
‘’Kaya ko naman ang sarili ko.’’
‘’Alam namin, pero…. ayaw naming mapahamak ka.’’
‘’Siya ba ang dahilan kung bakit kami hinarang?’’
‘’Hindi. Pakana yun ni Farisha. Yung babaeng yun ang leader ng isang gang na kalaban ng gang nila Kye.’’ Hindi na ako nagulat na leader ng gang si Kye.
Umpisa palang na nakita ko ang nakapalibot sa'min kanina ay alam ko na. Ang mga taong yun ay nababalitaang kasama sa gang. Hindi nga lang sigurado ang iba. Pero ngayon totoo pala.
‘’Akala ko ba hindi sya dito nakatira. Sabi niya galing siyang Manila.’’
‘’Oo, pero dito ang hometown nila.’’
"Si Farisha ba yung babae kanina?" Tanong ko.
"Oo. Hindi ko sinasabing lumayo ka sa kanya. Pero sya ang kalaban ni Kye. Baka kung anong gawin nya sayo."
Namuo ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Napabuntunghininga na lang ako sa mga nalaman ko.
‘’Okay, matulog ka na ah,’’ sabi ko at tumayo. Akmang tatalikod ako nang hawakan niya ang kamay ko.
‘’Anong iniisip mo, Yuna?’’ tanong niya at tumayo din.
‘’Hindi naman masama ang iniisip ko, Luca. Wag kang mag alala.’’ Nakangiting sabi ko.
‘’Don’t overthink to much, Yuna.’’ Kita ko sa mga mata n'ya ang pag aalala.
‘’Good night, Luca.’’
‘’Sleep well, Yuna.’’