Chapter 6 Who's Farisha?
Kinabukasan ay hindi ko na ulit nakita si Kye. Ni hindi man lang ito nag chat sakin kung anong nangyari sa kanya.
Grabe ang kaba ko kagabi. Kung wala si Luca sa tabi ko. Malamang sa malamang bangkay na ako ngayon. Kahit na kaibigan ko si Kye ay hindi ko naman alam kung ganun din ang turing niya sakin.
They said, hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sayo.
We have a same features. She have a long hair like mine. A same nose. Pero medyo matangos lang akin pag nakatagilid. Mas matangkad ako sa kaniya dahil hanggang balikat ko lang ito. In academics, ako ang mas mataas sa kanya.
Lagi itong nasa around rank 16. Ako naman ay sa rank 8. Minsan naman nagiging rank six. She seems like grades doesn't matter on her.
Halos wala akong nasalo sa lahat ng lecture ngayon dahil sa nangyari kagabi. Muntik pa kaming habulin ng baseball bat ng mga yun. Kung hindi lang kami kilala ni Kye. Marami siyang kailangang ipaliwanag samin o sa akin lang?
‘’You want some?’’ tanong ng katabi ko.
‘’Ayaw....’’
‘’Yu! don't be upset about what happened.’’ sabi ni Arra. Ang ibig niyang sabihin ay ang nangyari kanina. Napagalitan ako ng isang teacher dahil kanina pa pala ako nito tinatawag.
Hindi naman dahil don kung bakit ako tahimik ngayon. It’s about Kye!
Matapos ang lunch break ay bumalik na kami sa classroom. Hindi ko nakasabay si Luca dahil may sakit ito. Hindi siya pumasok. Kaya hindi ko na siya pinuntahan sa bahay nila. Bibisitahin ko na lang siguro mamayang uwian.
‘’Good afternoon class!’’ bati ni Ma’am.
‘’Good afternoon, Ma’am!’’ sabay na bati namin.
‘’Okay, sit down. In a weeks will be your next performance.’’ sabi nito.
‘’Ano yun, Ma’am?’’ tanong ng isang kaklase namin.
‘’Good question. All of you are in category of zumba dance this upcoming event. And today is your first day of practice. May meeting pa ang buong faculty kaya wala ako ngayon dito. Be a good student everyone. Good bye,’’ paalam nito at lumabas. Kinausap muna ni Ma’am ang class president namin.
‘’Okay. Sabi ni Ma’am ay dapat lahat tayo ay sasali. Mara and Aki will be our choreographer. Sumunod kayo ng maayos!’’ babala niya samin.
Nag uusap pa ang mga lider ng sayaw. Hindi kami kasama sa usapan nayon, kaya nakaupo lang ako sa pwesto ko. Nilapitan ako ni Arra para chikahin.
‘’Yuna, alam mo? Alam ko na ang pangalan ng new student sa kabilang section.’’ bulong niya sakin.
‘’Ano daw pangalan?’’ tanong ko habang ang ulo ko ay nasa armchair.
‘’Si—’’ naputol ang sasabihin nito nang may tumatawag sa phone ko.
‘’Sandali lang. Magpapaalam lang ako kay Pres.’’ sabi ko at tumungo sa class president namin para sagutin ang tawag sa labas ng room. At pumayag naman ito.
Unknown ang number kaya nagtataka ako. Pero sinagot ko padin.
‘’Hello?’’ tanong ko sa kabilang linya.
Tahimik lang ito. Naririnig ko sa kabilang linya ang malakas na hangin. Parang nasa sasakyan ito.
‘’Hello? Sino to?’’ tanong ko ulit.
‘’Ahmm...’’ tikhim nito.
Nanatili akong tahimik. Narinig ko ang napakalalim na bungtong hininga nito.
‘’Ako to, si Kye.’’ sabi nito.
‘’Nasaan ka?’’
‘’No need to know. Gusto ko lang sabihin na wag kang lumabas ng mag isa. Hindi ko muna sasabihin ang dahilan pero please lang huwag mong hahayaan na mag isa ka.’’ sabi nito.
‘’Huh? Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako at the same time natatakot...’’ sabi ko.
‘’Always be with Luca. Or someone you know well.’’
‘’But Luca isn't here.’’ sabi ko.
‘’Sh*t!’’ Mura nito. May narinig pa akong paghampas kung saan.
‘’Kye?—’’ naputol ang kabilang linya.
‘’Yuna! Pumasok kana daw. Baka pagalitan tayo pag nandyan ka sa labas!’’ sigaw ni Arra.
Pumasok ako at naupo sa upuan ko. At sinubsob ang mukha sa armchair.
‘’Sino ang tumawag?’’ ususa nito.
‘’A someone.’’ sagot ko.
‘’Ano sabi?’’ tanong niya ulit.
‘’You have a lot of questions, Ra. Just shut up!’’ pigil na inis na sabi ko.
Napatango ito at umalis sa tabi ko. At tumabi na si Tricio sakin. Kanina pa pala nito pinapaalis si Arra.
‘’Anyare, Yu?’’ tanong nito.
‘’Nothing, Tri.’’ sabi ko.
Naramdaman kung hinawakan nito ang buhok ko. He always doing it. Bini-brade nya minsan ang buhok ko. Mga kabaklaan niyang ginagawa sa buhok ko dahil mahaba ito.
‘’You know, Yuna. Just chill. Pumapangit tayo e. Ay ikaw lang pala, ‘cause I am born beautiful.’’ sabi ito.
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya.
‘’Saan banda, TRICIO?’’ pinamukha ko sa kaniya ang pangalan niya.
‘’It’s Tricia not Tricio. Eww girl!’’ sabi nito na para bang nandidiri.
‘’Ang bakla mo!’’ sabay paikot ng mata sakaniya.
‘’Ay bet ko yang tumitirik mong mata, Yuna.’’ sabi niya na ikinagulat ko.
‘’What!?’’ sigaw ko.
‘’I said your eyes. Ang mga mata mo, bhe ang ganda. Kagaya ko.’’ sabi na nag beautiful eyes pa sa harap ko.
‘’Yawa ka, alam mo yun?’’ sabi ko at binalik ang posiyon ko kanina.
Nilaro na naman nito ang buhok ko. He brush it using his fingers. May binubulong bulong pato na hindi ko naman maintindihan.
‘’Girrrllll! ano ba! Sasaraduhan na tayo ng gate!’’ sigaw ni Tricio.
‘’Huh?’’ iminulat ko ang mga mata ko.
‘’Y*wa! Anong oras na?’’ tanong ko.
‘’6:30 p. m,’’ sabi niya.
‘’Bakit hindi mo'ko ginising, TRICIO!?’’ sigaw na tanong ko.
‘’Sarap ng tulog mo, sis. Tapos iniwan pa ako ng mga kasamahan ko sa cleaners.’’ sabi niya habang pakembot kembot.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng room. Madilim na pero bukas pa ang school. Tuwing 7 ito nagsasara.
‘’Tricio tara na, sasaraduhan na tayo bilisan mo!’’ sigaw ko.
‘’Sandali! isasarado ko lang 'tong pinto,’’ tili niya. Naghihimakas din ito.
Pagkatapos niyang isarado yun ay dali dali kaming tumakbo patungong gate. Nakita namin si Kuya Tolights na isasarado na ang gate.
‘’Sandali! Kuya Tolights!’’ sigaw ko. Napalingon naman ito sa amin.
Nagtataka ito dahil gabi na at halata sa lace ng id namin na kanina pa ang uwian ng grade 9.
‘’Anong ginawa nyo?’’ mapanghusgang tanong nito.
‘’Grabe ka naman, Kuya Tolights! Girl kami oh!’’ sabi ni Tricio.
‘’Sure?’’ tanong niya. Parang hindi ito kumbinsido.
‘’Yes huhuness!’’ tili niya.
‘’Okay. sige lumabas na kayo. Ingat sa pag uwi. Gabi pa naman. Ikaw, bakla ka. Kahit ganyan ka, Ihatid mo pa rin ang kasama mo. Lalo’t totoong babae yan’’ bilin nito.
‘’Ang sama mo kuya lights,’’ tawang saad ni Tricio.
Nagpaalam na kami at nagsimula nang maglakad. Hindi naman nakakatakot mag lakad mag isa sa lugar namin. Dahil may mga sasakyang pabalikbalik sa daan at maliwanag ang mga street lights.
‘’Naku, Yuna! Bumaha ang room kanina dahil sa laway mo!’’ sigaw niya sakin.
‘’Shut up, Tricio!’’ sigaw ko sakaniya.
‘’Sabing Tricia e!’’ reklamo niya.
Magsasalita na sana ako nang harangin kami ng limang lalaki sa daan. Ito ang pinaka madilim na parte ng lugar nato. At wala masyadong dumadaan dito dahil sa madilim nga.
‘’Ito na nga pre.’’ Sabi ng lalaking maraming hikaw sa bibig.
‘’Kahinaan ba to ng Avison? Parang ang hina naman.’’ Nailing pa ito.
Napakapit si Tricio sa kamay ko. Bakla nga talaga siya.
‘’Yuna, pagkatapos ng tatlo sabay tayong tatakbo ha?’’ sabi nito.
‘’Sige, sa kaliwa o sa kanan?’’ tanong ko.
‘’Sa kaliwa.’’
‘’Hindi, sa kanan dapat! Doon tayo galing. Mas ligtas don dahil palengke yun. Maraming tao.’’ sabi ko.
‘’Sige na lang nga.’’
‘’Isa, Dalawa.’’ sabay na bulong namin. Busy ang limang lalaki sa pagtatalo dahil nakalimutan daw ang inutos ni Farisha sa kanila.
Sino si Farisha?
‘’Tatlo!’’ sabay na sigaw namin at tumakbo patungong kanan.
Napansin yon ng lima kaya hinabol nila kami. Sigurado akong pagkatapos nito ay aatakihin na naman ako ng pagkatulala.
Magkahawak kamay kami ni Tricio na tumatakbo. Seryoso ang mukha nito. Ramdam ko rin ang higpit ng kapit niya sa likod ko. Bakla talaga.
Book cover: