CHAPTER 9 Don't fall for him
"Good morning!" Bungad agad ni Luca pagkalabas ko ng bahay.
"Morning..." Sabi ko habang humihikab.
Pinulupot nito ang kamay nya sa braso ko. Nagsimula na kaming maglakad. Naka ilang alarm na ako kanina at ayaw ko pang bumangon. Pero dahil nasa baba ang lalaking to, minadali ako ni Mama na bumangon.
"Kumain kana?" Tanong niya. Umiling lang ako. Naglalakad ako ng nakapikit. Hindi naman siguro ako mababangga no. Nakaalalay naman si Luca.
Huminto sya. "Bakit?"
"Late na'kong nagising tapos minamadali ako ni Mama dahil nasa labas ka at naghihintay."
"Tara bilisan na lang natin. Bili tayo ng Shawarma!" Sigaw niya. Bigla akong nagising sa sinabi nito.
"Libre mo?" Tanong ko. Tumango ito.
Pareho kaming tumili at nag unahang tumakbo papunta sa tindahan ng Shawarma. Pagdating namin ay maraming pila. Bigla tuloy akong nawalan ng pag asa.
"Sit here and wait for me." Pinaupo nya ako. Tumingin ito sa wrist watch nya. "I'll be back in 5 minutes." Tumakbo na ito.
"Pero mahaba pa ang pila..." Hindi nya na narinig 'yon dahil pumasok na agad siya sa loob.
Nilibang ko na nalang ang sarili ko sa panonood ng mga sasakyan sa kalsada. Hinuhulaan ko kung anong kulay ang susunod.
"Red." Pero black ang dumaan.
"Black." Red ang dumaan.
"Blue." Yellow ang dumaan.
"Yellow." Taksi ang dumaan pero kulay puti. Sasabunutan ko na sana ang sarili ko nang dumating na sya.
"Eat up." Sabay bigay sakin non.
"Salamat!" Masayang sabi ko. Akmang kakainin yon nang ngumusong tumingin sakin si Luca.
"Kiss ko?" Tanong nito. Naka nguso parin sya.
"Ano? Akala ko ba libre to?!" Sigaw ko.
Umayos ito. "Oo nga pala. Tara na?" Sabi nya at naunang naglakad.
Anong nangyari don?
Nang makarating kami sa school ay may pila na sa flag ceremony. At ang malala pa sarado na ang gate. Pag nagsisimula na ang flag ceremony ay sarado na gate. At pagkatapos non ay hindi muna papasukin ang mga late bagkus papapulutin kami ng kalat sa labas.
Oh diba? Nakakainis!
"Ang bagal mo kasi." Bulong sakin ni Luca.
"Nanisi ka pa ha? Eh kung nauna kana dito at hindi mo'ko hinintay? Kasalanan mo yun, sinisisi mo pa ako? Hampasin kita dyan e!" Madiing sabi ko.
Tumawa lang sya at nilagay ang kamay sa dibdib. Nagsisimula na ang flag ceremony. May exercise pa! Syempre hindi kami sumayaw. Nagpulot na lang kami.
Matapos ang flag ceremony ay pinapasok na kami. Papasok na sana ako nang hilahin ako nang kung sino. Dinala ako nito sa likod ng plasa.
Binitawan ako nito. Tumingin ako sa sakaniya. "Bakit? Anong gagawin mo, Tricio?" Tanong ko.
Napakamot lang sya ng batok. "Sorry, girl. Trip ko lang." Nag peace sign pa sya.
Napasampal nalang ako ng noo. "Tara na. Parang tanga 'to. Alam mong late na tayo tapos dinala mo pa ako dito." Umalis ako at iniwan siya. "Baklang Tricio! Tara na!" Sigaw ko. Bahala ka dyan.
Buti na lang at hindi pa sarado ang gate. Naglakad ako papunta sa room namin. Pagdating ko ay buti na lang wala pa si Ma'am. Umupo ako at lumapit naman sakin ang dalawa.
"Bakit ka late?" Tanong ni Arra.
"Akala ko kasabay mo si Luca? Kanina pa s'ya nasa kabila." Si Kye.
Magsasalita na sana ako nang dumating si Ma'am.
"Mamaya ko nalang sasabihin. Bumalik na kayo!" Pagtataboy ko sa kanila.
Nagsimula na ang klase. Habang tumatagal mas lalo akong nahihirapan sa Math. Bakit palala nang palala 'to?
Nang break time na ay pinili kong bumili sa kabilang cafeteria. Dalawa kasi yon. Ang Isa ay para sa year 9, 8, 7. Ang isa naman ay para sa year 10, 11, 12 and teachers. Pero choice mo naman kung saan ka bibili.
"Bakit dito tayo bibili?" Tanong ni Arra.
Pareho silang nakasabit sa mga braso ko. Ang mga gaga sumunod sa akin.
"Kasi nasa grade 10 sya." Sagot ko.
"Sino?" Tanong ni Kiera.
"Si Kinno!" Sagot ko.
"Kinno ano?" Si Kye.
"Kinno Ainsley?" Si Arra. Hindi ako sumagot dahilan ng pagkalaki ng mga mata nila.
"What?!" Sigaw nila kaya napahinto kami.
"Crush ko 'yon!" Sabi ko.
Ngumisi sya. "Bakit hindi mo sinabi?" Si Kye.
"Hindi ka naman nagtanong." Ginaya ko sya sa pagsasalita ng linyang yon.
Umiling sya. "Hindi mo alam?"
"Yung ano?"
"Tara na Kye. Hilahin mo yan dali!" Sabi ni Arra at hinila naman ako ni Kye. Wala man lang akong nagawa. Akala ko sa cafeteria kami pupunta pero ngayon ay nasa harap na kami ng…
"10 humility…" Basa ko. Ito ang section ni Kinno. Akmang tatakbo na ako nang magsalita si Kye.
"Coz! Halika dito may dalaw ka!" Sigaw ni Kye.
Coz? Bakit hindi ko alam?
Lumabas si Kinno. Ang cute nya talaga! Panay iwas ko sa mga titig nya. Baka pag magtama ang mga mata namin matunaw ako.
Tumawa lang ang dalawa. Mga gaga!
"Magpinsan kayo? Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ko. Nasa cafeteria na kami ngayon. Nakaupo kami sa isang round table.
"Hindi ka naman nagtanong." Sabay gaya nya din sa boses ko. Tapos tumawa nang malakas.
Uminom nalang ako ng juice. Nag usap naman ang tatlo na para bang wala ako dito. Kumain na lang din ako. Kahit nandito ang crush ko, hindi ko pinigilan ang inis ko!
Tumayo ako kaya napatingin sila sakin. "Aalis kana?" Tanong ni Kinno. Bigla naman akong nalusaw at naupo ulit. Ang mga gaga tumawa lang.
"Hindi. Namanhid lang ang pwet ko. Kanina pa kasi ako nakaupo." Sagot ko.
Tumango ito at tumabi sakin. Nilahad niya ang kamay niya.
"I'm Kinno Ainsley, Kye's cousin." Pakilala niya.
Tumikhim ako. "Colleen Yuna Velasco, Kye's bestfriend."
Sabay kaming ngumiti nang tanggapin ko ang palad niya. Magkatitigan lang kami. Ninamamnam ang bawat sandaling magkahawak ang mga kamay namin.
"Tutunog na ang bell. Tara na!" Singit ni Kye. Panira talaga.
Binitawan na nya ang kamay ko at tumayo. "See you around." Nakangiting paalam niya. Tipid akong ngumiti.
Nauna na si Arra sa faculty. Susunduin niya ang next subject namin. Sabay kami ni Kye na naglakad pabalik sa room. Nagulat ako nang humarap sya sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko.
Napatingin tuloy samin ang mga kasabayan naming maglakad. Umiling si Kye at dinala ako sa garden. Walang tao dito dahil kanina pa tumunog ang bell.
"What's wrong?" Tanong ko.
Tumingin siya sakin at bumuntong hininga. Tumingin siya sa mga mata ko. "Don't fall for him." Sabi nito.
"Huh? Sa pinsan mo?" Tanong ko ulit.
Tumango sya.
"Why?"
"Basta don't!" Madiing saad niya. "Kinno will break your heart. So better stay away from him."
"Crush ko lang naman sya." Sagot ko.
"Even!" Lumalim ang paghinga niya. "I'm warning you. Don't. Fall. For. Him!" Sabi nya at naunang umalis.
Naiwan akong may mga tanong sa isipan ko.
Bakit?