Chapter 3 The Urge

ERA’S POV

“Why would I demand such thing? I just asked you to clean my house, to cook food, to separate garbage, to wash dishes like a maid would do. Why are you expecting such dirty doings?”

May sinabi ba ‘kong dirty? Sabi ko lang extra eh. Bakit ba napakadefensive nya masyado?

“Isa pa, mas maiintindihan ng mga magulang mo kapag ako mismo ang pumunta. Kesa naman ikaw ang magsabi baka abutin ka pa ng siyam-siyam.”

Wahhh. Napasinghal ako ng wala sa oras. Pwede ko ba syang sapukin?!

“Guys, nasa meeting daw si Ma’am. Sign nalang kayo dito para sa attendance.”

Sa sinabi ko, nagkaroon ng makikinang na mga mata sa kanila sa inanunsyo ko. Mga estudyante nga naman. Sino ba naman ang may ayaw ng ganitong set up? Walang professor, walang activity na pinapapasa, walang quiz na kailangang isipin.

“YOWN!”

“Nice one, Pressy!”

Tangina, hindi ako si Pressy. Era ang pangalan ko. Batukan ko kayo dyan eh.

Dahil nga mga hunghang sila, pinagkumpulan nila ang nakakaawang papel na binigay sakin. Naghihintay lang ako sa sulok, nakatingin sa kanila na mga mukhang tanga. Na parang akala mo hindi makakauwi ng maaga eh. Mga kupal.

“Bye!”

“Una na kami, Era!”

Iniwan na nila ako. Lahat sila. Hmm, “Ge. Bahala kayo.”

Pumirma ako sa representative's signature at nilagyan ng petsa. Ang gulo ng lab, kaya minabuti ko munang ayusin bago ako umalis sa building dala ang attendance sheet.

Pero teka. Maghihintay ba talaga ako sa parking lot ng school o uuwi na ‘ko sa bahay?

Napatalon ako sa gilid nang may biglang bumusina sakin. Shit! Bakit nandito agad sya?!

“I told you to wait at the parking lot. Tsk. Hop in.”

Pursigido talaga sya, hala! Ano? Sasakay ka ba Era? Hindi naman fake taxi ‘to eh, si Sir naman to. Pero kahit na! Bakit ba nya ako gustong maging maid?!

“Kapag di ka pa sumakay sa bilang ng tatlo, mauuna na ‘ko sa bahay nyo. Isa, dalawa— “

“Oo na! Oo na! Sasakay na po!”

Binuksan ko agad ang pintuan at sumakay. Tinaas nya ang bintana ng kotse at umaalingasaw ang mabangong pabango ng kotse nya. Hindi matapang at hindi masakit sa ilong. Tama lang para sa mga stress na kagaya ko.

“Type the address on the monitor para hindi ka na magtuturo.”

Nasa gitna ako ng pagtatype nang sumagi sa utak ko ang gusto kong isiwalat sa kanya. Kailangan ko talagang malaman. Nangangati talaga ang dila ko na magsalita.

“Sir, sigurado ka ba talaga sa pinapasok mo?”

Nagdikit ang kilay nya sa tinatanong ko. Halatang may saltik din ‘to eh.

“Bat naman hindi?”

“Eh kasi sa totoo lang Sir hindi talaga makatotohanan ‘to eh. Ano ba talagang pakay mo sakin?”

“Why don’t you just type your address? A simple task doesn’t require a query, you know?”

Tahimik ang naging byahe namin. Nakatingin lang ako sa bintana.

Tangina, pano na kaya mamaya? Baka biglang jombagin ng Papa ko si Sir. Alam ko namang hindi ganung klase ng tao si Papa, pero pag nag-iisip ka talaga ng negative, wildest daydream ang napoproduce mo eh.

“We’re here.”

Nagitla ako. Tangina, oo nga. Nasa tapat na kami ng eskinita ng bahay namin. Kinakabahan na ko.

“Gusto mo bang ako nalang ang pumunta? Mukhang ayaw mong bumaba eh.”

Padabog kong tinanggal ang seatbelt na nakakabit sakin. May multiple personality disorder ba si Sir? Kanina pangiti-ngiti lang, ngayon nakasimangot na. So, ako pa talaga ang may kasalanan?!

Nauna akong naglakad sa madilim na eskinita. Ramdam kong nakasunod lang sya sakin, halatang nakapamulsa lang at nakikiramdam.

“Nandito na pala ang baby ko— “

Patay! Bakit si Papa ang bumungad samin?!

“P-Pa, si Sir Mikhail pala. Professor ko sya. Nandyan ba si Mama?”

Pinapasok ko si Sir, habang nakanganga lang si Papa na nakatingin sa kanya. Ano kayang tumatakbo sa utak ni Papa? At bakit nasa bahay na sya?! Hindi ba naka-admit sya sa ospital?!

Teka?! ‘Di ba dapat yun ang tinatanong ko sa sarili ko?!

Casual lang akong umupo sa sofa habang nagtatanggal ng foot socks at sapatos. Nakangiti lang si Sir Mik na nakaupo sa tapat ko. At ang nakakagulat, si Tisoy na aso naming dachshund ay nakakalong kay Sir, hinahalik-halikan sya at magiliw ang pagkawag ng buntot. Wah. Parang ako ata ang amo mo, Tisoy?

“A-Anong maipaglilingkod namin sayo, Sir? May nagawa ho ba si Era?”

Inabot ni Papa ang isang basong tubig na lumalabo na sa lamig. Nakasandal lang si Mama sa mesa namin. Hindi magkamayaw ang pagpapalitan nila ng tingin dahil nag-iisip na rin sila nang hindi maganda. Hay.

“Suspended ba sya Sir? Ma-eexpel?!”

Buntong-hininga ang nailabas ko habang pinandidilatan si Mama. Ang oa talaga!

"Naku, hindi po. Sa katunayan nga po, presidente po sya ng block nila. Responsable po si Era sa lahat ng anggulo, kung tutuusin.”

Wah. Pinupuri nya ata ako ngayon? Kasi kanina kung anu-anong itim na bula ang pinuputak nya eh. May sakit nga ata si Sir.

“Kasi ngayon lang ho nagdala si Era ng ibang tao, kayo pa na professor nya. Kahit sinong kaibigan nya wala syang dinala dito. Pwede ko bang itanong kung anong pakay nyo?”

“Gusto ko pong maging maid si Era. Personal maid.”

Dug. Dug. Dug. Dug.

Hindi ko man gustuhin na isulat ang tunog ng tibok ng puso ko, pero kailangan kong gawin para mas maemphasize na para akong bomba na ilang segundo nalang sasabog na. Nawiwindang ako! Bakit naman nya dineretso ang pakay nya?!

“P-Pakiulit nga po, Sir?”

“Era,” sumenyas sya na lumabas muna ako ng bahay. Mukhang ayaw nyang iparinig sakin ang sasabihin nya. Pero sige. Aalis muna ako. Para medyo mabawas-bawasan ang tensyon sa loob ng bahay.

Sinuot ko ang tsinelas kong itim na medyo maputik pa saka pumunta sa pinakamalapit na tindahan. Bumili ako ng polvoron na mamiso. Mga ilang minuto rin akong nakatayo, tensyonadong nginunguya ang malapulbos na kending nasa bibig.

Ano na kayang nangyayari sa bahay? Hindi naman siguro bubugbugin ng tatay ko si Sir, ‘di ba? Masyado nang tuyo ang lalamunan ko dahil sa paulit-ulit na paglulon. Pwede na ba akong umuwi? Rescue-hin ko na kaya si Sir?