Chapter 12 Duty

ERA’S POV

“Sir. Mag-usap nga tayo—"

“I’m tired. Go to sleep now.”

“Ayoko. Naiinis na ko eh. Kagabi ka pa. Hindi mo ko pinatulog kagabi kakaisip kung ano bang ginawa kong mali. Maid mo ko, maglilinis ako ng bahay, magluluto ako, maglalaba, magsesegregate ng basura. Bat naman ganun, Sir? Sobra sobra sa pang-aalila yung hindi nyo pagpansin sa’kin eh. Nandidiri ka ba sakin?”

Hindi ko mapigilan ang boses ko na magcrack. Puta, umiiyak na ‘ko sa ganitong sistema ah. Hindi nya lang ako pinapansin nag-ooverthink na ko.

Bumukas ang pinto, kaya agad kong pinunasan ang luha ko. Nakapamulsa lang sya, suot pa rin ang pantalon nya kanina. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Nahihiya ako.

“Sorry... I was just tired of work— I-I’m sorry, Era.”

Tumalikod na ko sa kanya. Ayokong makita nya akong umiiyak dahil lang sa ganong kababaw na dahilan. Natulog akong mabigat ang loob, hindi nakapagreview, at bumangon na pagod kahit wala pang ginagawa.

Nawiwindang na ‘ko kakaisip ng problemang hindi naman nag-eexist.

Nagluto muna ako ng almusal bago umalis ng bahay. Hindi na ko nagpaalam sa kanya, baka umiyak na naman ako. Basta ginawa ko ang trabaho ko sa kanya.

Papasok palang ako, biglang nagring ang phone ko. Ah? Si Ma’am Weng.

“Good morning po, Ma’am. Bakit po?”

(San ka, Miss Ponciano? May free time ka ba ngayon?)

“Ma’am, may klase po ako ngayong seven to ten. Si Mam Can po ang prof namin—“

(Nagdefense sya sa Masteral nya, ah? Hindi ba nya nasabi sa inyo?)

Hala, patay tayo dyan. Bakit pa ‘ko nagsayang ng pamasahe? Well, buti nalang hindi ako nagreview. Wala pala sya eh.

“Hindi Ma’am eh. Bakit po? Need nyo po ba ako sa stockroom?”

(Wala kasing ibang magsasub sakin sa mga first year ng phlebotomy. Nasa SOCI community ako eh. Baka pwedeng ikaw muna ang maghandle sa kanila?)

Ano?! Bakit ako? Ang daming ibang section representatives dyan na kilala nya, ba’t ako pa?

“M-Ma’am magtuturo po ba ako? Pwede po ba yon?” I mean, mga freshman ang tuturuan ko at hamak na nakakaangat lang ako sa kanila ng isang taon. Pa’no kung i-judge ako ng mga estudyante nya? Pa’no kung sabihin nilang masyado akong nagmamarunong?

(Not necessarily na magtuturo ka. I-discuss mo lang ng konti yung sa evacuated tube system since tapos na kami sa needle and syringe. Step by step procedure lang naman ituturo mo. Laboratory lang naman, no need to discuss the lecture part. Okay lang ba?)

May magagawa ba ko Ma’am? ‘Di ba wala?

“Sige po, Ma’am. Text ko nalang po yung liaison officer ng section namin about kay Ma’am Can. San po ‘yung room ng phlebo?”

(Sa MT207, late na ko do’n ng fifteen minutes. Pakikuha mo nalang sa locker yung venikit ko. Alam mo naman passcode, ‘di ba?)

“Yes Ma’am. May dala rin naman po akong labcoat.”

(Sige Miss Ponciano. Salamat ha? Pasyensya ka na sa abala.)

Madali kong tinawagan si Franz habang tumatakbo papunta sa locker katabi ng stockroom. Sumilip pa ko sa katapat nalab which is yung MT207 nga. Nakatunganga sila.

“Franz, gawa ka ng attendance sheet tas papirmahan mo sa kanila. Wala si Mam Can ngayon.”

(Sige, Era. Ako na bahala—)

Pinutol ko na agad ang linya at pumasok sa lab nang hindi pa suot ang labcoat. Ang ingay nila, grabe. Kaya ang ginawa ko, umupo ako sa mismong table habang nagsusuot ng labcoat ko.

Wala. Walang tumatahimik. Akala nila naligaw lang ako sa section nila. So nagsulat ako ng -1 na malaki sa whiteboard tsaka dinagdagan ng tatlo. Ayun. Tumahimik sila.

“Pakisuot po lahat ng PPE. Within 5 minutes kapag may hindi pa nakasuot ng PPE, minus kayo kay Ma’am Weng. Mag-aalarm ako.”

Wah! Sorry na! Alam kong wala ako sa lugar para magmando pero hindi sila susunod sa’kin hanggat walang panakot.

At sa kalagitnaan ng paghihintay ko sa kanila, may pumasok na matangkad na prof. Nakalabcoat. Shet, putangina. Bakit nandito yan?!

“S-Sir? Kayo po ba sub?”

“Ah, no. Dumaan lang ako kasi akala ko walang naghahandle—“

Nagkamot ako ng kilay. Tangina talaga. Parang nagkakahiyaan ata kami dito. Sinadya nya ba talagang pumasok dito? Nang-aasar ba sya?

“Kayo po, Sir? Gusto nyo pong kayo nalang maghandle sa kanila?” paubaya ko sa kanya. Pero wala eh, parang tinatamad ata sya.

“Hindi, sige ikaw na. Experience na rin sa’yo yan. Magbabantay nalang ako.”

“Wala po ba kayong next class?”

“After an hour pa naman.”

Tipid na ngiti lang ang napakita ko sa sobrang kaba habang kausap sya. Grabe, nakakahiya. Ngayon lang ako nahiya nang ganito. Pa’no ba naman kasi naaalala ko na naman yung nangyari kagabi.