Chapter 33 Unfolded Memory

"Ms. Herrera, Pagbabayaran mo lahat. Lahat ng ginawa mo. Wag kang mag-alala magkikita din tayo"

"SINO TO?! Who are you?!"

I heard a man's voice laughing, he's a devil. Nandito ba siya?! Nanginginig na agad akong tumakbo papunta sa likod ng gym. Ano bang kasalanan ko sa kanila?!

"Wala akong kinalaman sa sinasabi mo. I didn't hurt anyone. Stop this nonsense or else-----"

"Or else what? Ms. Herrera?! Magsusumbong ka?! Sino ba ang pinagkakatiwalaan mo? Mag-iingat ka, hindi lahat kaibigan mo"

"Is it about the past?! Sa party-- *toot *toot.. hello!"

Argh! What the hell! I tried to call the asshole's number but it is now unattended. I can't recognize his voice. It was unfamiliar.

I was about to leave when my phone beeps again. It was from the same unregistered number earlier, but this time it was a text message not a call.

Nanginginig ang kamay na agad kong binuksan ang mensahe nito, and the moment I've read it all, flashes of pictures comes to my mind.

"ERIS! WITH FOREIGN INTERNATIONAL STUDENTS. THE VARSITY PLAYER"

Eris, my previous school. Does this mean na may kinalaman talaga ang nangyari noon. But FIS?! Sina Essex, may kinalaman din sila.

~

"Hey"

"Whoa! Guys. Pasok kayo." The school's queen bee, Whorie. We're not friends but enemies. Kung sinong lalaking nagkakagusto sakin, gusto na rin niya. Napakamainggitin niyang tao that's why I don't like her. Same as her. She don't like me either.

I flipped my hair at her face na siyang ikinabusangot ng mukha nito. Plastic. Akala ko pa naman nagtino na siya after ko siyang sampalin. Well, wala naman talagang kabago bago sa kanya.

"Bitch! Bakit ka ba ininvite ni JD! Look at her, she ruined my make up!"

Tsk. Pano ba hindi masisira yung make up niya, sobrang kapal, at dumi. Oh wait, my hair, sayang ang shampoo at conditioner kanina. Should I take a shower again?!

I smirked at her nang isa isang umiwas ng tingin yung mga alipores niya. Great. Wala akong sasampalin ngayon.

"Argh! Bitch!"

Gosh! I didn't expect na magkakaroon siya ng tantrums sa oras pa mismo ng party. Loser!

She walked out again, actually hindi na nakakagulat, siguro masakit lang talaga ang katotohanang wala siyang ibubuga sakin.

I don't have friends in ERIS. Lahat sila takot sakin. That's why ngayon mag-isa lang akong naglalakad sa loob ng napakaingay na party. Lahat sila napapalingon sakin tapos iiwas din. Hinahanap ko si josh. He called me na hihintayin niya ko sa parking lot pero hindi siya dumating. Ilang babae na naman ba ang aawayin ko para sa kanya?!

"Math right? Nakita mo ba si josh?"

His dick friend. Tiningnan pa ko mula ulo hanggang paa. Bago nahinto ang paningin nito sa cleavage ko na talagang kapansin-pansin. Well, ganon ako kamahal ng Diyos!

"No. But I can be your date for tonight. Hindi natin ipapaalam sa kanya"

Tsk! Ni hindi man lang ako nabasa sa sinabi niya. Really, dirty little secret?! Mas gugustuhin ko pang mamatay na ngayon kesa ang makasama siya.

"No thanks. And oh kapag nakita mo si josh pasabi hinahanap ko siya."

Asshole! I rolled my eyes at him, and dahil tinatamad na kong halughugin pa ang buong venue ay umupo na ako sa bar stool.

"Three shots of tequila please"

Dapat pinilit ko na lang si Sy na sumama sakin. Hindi dahil sa napakalonely kong tingnan, pero para may dalawang maganda naman sa party.

"EVERYONE. YOUR ATTENTION PLEASE"

JD. I immediately gulp the first shot, and hindi ko maiwasang mapapikit dahil sa pag-guhit ng alak sa lalamunan ko.

"MY UNCLE. THE ERIS PRINCIPAL APPROVED US TO HAVE THIS PARTY. WHICH WE DESERVED, OF COURSE. FOR OUR VICTORY! CHEERS!"

"Cheers!"

"Cheers!"

He's really full of himself. Well, JD is JD. Nang makababa si JD sa dance floor ay nagtungo na sila sa vip area. May second floor pa ang bar kung saan naroroon ang iba pang estudyante. It was supposedly for the fourth year students but knowing JD, expected na marami siyang iinvite galing sa ibang year or ibang school man yan.

There's a small gate sa end ng stairs sa taas kung saan may bouncer na magbubukas papasok sa loob. I have a pass. It was a card given to those students who had a great influence in business or anything. Wala akong balak gamitin siya. I'm good at my place. Kung may rooftop lang siguro ang bar ay mas gugustuhin ko pang mapag-isa.

"Tequila please"

Tastes raw. Plano sadya ni JD na lasingin lahat kesa maghanda ng buffet. Gosh. Nararamdaman ko na ang pagtama ng alak sa sistema ko.

Mom and dad doesn't know na naririto ako. They're busy. Wala sila sa house kaya malaya akong nakakapuslit sa bahay. One year ago, I thought kapag bumalik na ako sa manila ay hindi na ako tatakas sa bahay. But I was wrong. My parents chose ERIS as my  University, kapalit, itatake ko pa rin ang Arts and Design course.

I was mad. Sy and I already planned na sa Foreign International School kami papasok. Same as Mori, Bea and Hannah. But of course, my parents needs to ruin it.

"One more"

Naweweirduhan na siguro sa akin si kuya bartender. Nahihirapan lang siyang magsalin ng magsalin sa shot glass ko. Why don't he give the bottle to me. Para hindi na lang ako imik na ng imik.

Again, he offers me a lemon and salt. But I wanted it raw. Nang masalinan na ulit ni kuya ay mabilis akong nagthank you. Iginala ko naman ang aking paningin sa mga taong nasa paligid. Nakakasulo ang makulit na ilaw na tumatama sa aking mukha. People were all busy doing their own business. Nang may dumaang waiter sa harapan ko ay kumuha na rin ako ng cocktail na dala-dala nito.

I loved the feeling of being wasted. In that way, nakakalimutan kong walang pakialam sakin ang boyfriend ko. And ang parents ko.

"Cheers!"

I shouted drinking the cocktail and tequila to its last drop. Of all the fame I was receiving. I just wanted josh and my parents attention.

Mas lalong kong naramdaman ang pag-ikot ng mundo nang tumayo ako para pumuntang bathroom. Both of my feet were swaying, and nagdodoble na rin ang pagtingin ko sa mga tao.

"Hey you okay?"

Mabilis na kinalas ko ang kamay ng lalaking nakaalalay sa braso ko ng muntikan na akong matumba. Ramdam ko pa rin ang presensya niya hanggang sa makarating ako sa bathroom, and thank god dahil hindi naman siya mukhang manyakis katulad ng iba.

He helped me hold my hair while I was vomiting. Damn! I'm done with alcohol.

"Relax. Don't force yourself to vomit. Madedehydrate ka nyan. Here. Water. Don't worry bago pa yan"

His voice it was familiar. I already heard it somewhere. I just can't recall it because of headache.

I looked at his face and tried to recognize him but he just covered it shyly.

"Hindi ko naman akalain na dito kita makakatitigan. Grabe ang ganda ganda mo talaga."

Huh? Anong binubulong-bulong niya?!

"Mister, what is your name? At bakit ang bait mo sakin?"

He's different. Kung ibang lalaki siguro to ay malamang hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin.

"Hindi na mahalaga ang pangalan ko. Syempre mabait ako sayo, crush kaya kita"

He blushed! The hell! He freaking blush! Infront of me.

"Cap, tara na anong ginagawa mo dyan?"

The bathroom's door open and hindi ko makita yung guy dahil nasa loob kami ng isang cubicle.

"Oo wait lang"

He helped me get up and he even fix my messy hair.

"Here. Drink it. Makakatulong yan sayo. I-i.. I need to go. See you around."

I just nodded at him, and feeling ko ayaw niya pa akong iwan dahil lumingon pa siya sa akin. And nang mawala na siya sa paningin ko ay napaupo na lang ako sa sahig dahil sa pagkahilo.

I don't know kung ilang minuto akong nagstay sa loob bago lumabas. Balak ko sanang umuwi na ng makita ko ulit si math.

"Math! Do you see josh?!"

Nakakahiyang sa iba ko pa siya hinahanap samantalang ako yung girlfriend niya. He handed me one of his beer and sa itsura pa lang nito ay mukhang isang sapak na lang ay makakatulog na.

"Noooo! Hindi ko siya nakitaaa. Bakit baa hinahabol mo yon ha?! Baka nasa vip room. Nambababae"

Sinasabi ko na nga ba! Kaya nawawala ang lalaking yon dahil nakikipaglampungan na naman sa iba. Am I not enough?! Everyone loves me! Kayang kaya kong palitan si josh nang kahit sinong lalaki, pero hindi ko ginawa.

"Pass?"

"Here. Pakibilisan"

Kahit hindi ko pa man nakukumpirma na may babae nga si josh ay naiiyak na agad ako. I just really loved him, to the point na kaya ko ng ibigay sa kanya ang lahat.

I drink Math's beer bago pumasok sa loob. Magulo, mas maingay, at may kanya kanyang ganap ang lahat, hindi katulad sa baba. They have card games, a dart board, and a billiards. May nagmamake out pa sa gilid na kulang na lang ay gawing hotel room ang sofa. So disgusting!

Agad na inilibot ng mga mata ko ang lugar para hanapin si josh. Nagmistulang fog ang mga usok ng sigarilyo dahil sa daming gumagamit nito. Oh my god! I can't breath!

"EVERYONE! LET'S START THE SHOW!"

JD screamed na siyang lalong nagpagulo sa loob. I heard the gates locked, even the curtains ay ibinaba na rin. People get wild, and hindi ko na nakayanan pa ang hilo kaya napaupo na lang ako sa isang bar stool.

I can't breath properly. Dahil wala na halos pasukan ng hangin sa lugar.

I'm tired from last night's event and now. Yet still, it's weird na I wanted to drink more.

"Hey Z want some beer?"

"JD! What are you doing here?!"

Jd's one of the heartthrob in our university. And matagal na rin niya kong kinukulit na iwan ko na si Josh dahil mas better siya kesa dito. Everyone knows him as a king of what he wants, he gets, and too bad dahil hindi ako pumapatol sa taong similar sa personality ko.

"I'm here to make you fall in love. You know, I was nicer and better man than josh. Actually, napakaswerte mo na sakin, madaming girls dyan nagkakandarapa, at gumagawa ng efforts makuha lang ako. But look at you, ako na mismo ang lumalapit sayo" tsk! Hindi lang feeling gwapo, mayabang pa. Ni hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ng mga babae sa kanya. He's so full of himself.

I don't even know his full name. Ang tanging alam ko lang ay mas ahead siya sakin ng two years. Two years yet nasa second year pa lang siya. Imagine, hindi lang mayabang, tambay din sa guidance office! Palibhasa malakas ang kapit sa principal kaya ipinapasa na rin ng ibang teachers.

"Please don't talk to me. At hindi pa rin magbabago ang desisyon ko. I love josh. At hindi ko siya ipagpapalit sayo"

Saad ko na ikinaigting ng panga nito. Ano bang hindi malinaw sa sinabi ko. God! I was saying it a multiple times now!

I rolled my eyes at him before turning my back to get my drink sa waiter na dumaan.

"Tsk. Mamahalin mo pa ba yung gagong yon kung ito ang ipapakita ko sayo" he said confidently, at mabilis nitong inilabas ang litrato ni Josh na nakikipagsex sa ibang babae. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa sakit na nakikita ko. Hindi ko akalaing yung isang bagay na hindi ko maibigay sa kanya ay hahanapin niya sa iba.

I immediately bottoms up the vodka I was holding at kahit yung beer na inooffer ni JD ay ininom ko na rin dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Slowly, I get up from my seat only to see josh making out with one bitch. They were both enjoying each other's lips. And hindi ko alam kung masusuka ba ako sa lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Gustong gusto kong burahin lahat ng halik niya sakin noon. I was so close on slapping him nang biglang nanlambot ang katawan ko. Mahuhulog na sana ako sa sahig nang may lalaking sumalo sa akin. And then everything went black.

~

"NO! I SAID NO! PLEASE. PLEASE. I SAID NO. NOOOO.. NO NO"

"Z! Sungit! Hey. I'm here. Shh it's okay"

Hinihingal na agad akong napamulat galing sa isang masamang panaginip. Someone was harassing me. At wala akong magawa. My whole body felt paralyzed, and the only thing that I do was to cry and beg.

"Shh. It's okay. Walang mananakit sayo. I'm here, panaginip lang yan"

He hugged me tightly, as if giving me an assurance na hindi niya ako pababayaan.

"I'm worried sungit. Simula nang mangyari yung incident tungkol kina Tito ay naging balisa kana. I can feel it. Pwede mong sabihin sakin"

No. Malapit na ako sa katotohanan. I already know what happened that night bago ako mawalan ng malay. And JD, he added something to my drink!

"I'm just tired Jav. And sorry kanina, hindi ko napansing.. masasagasaan na ako"

Yung text message, it triggered my memories back. And that cap, the man who helped me sa cubicle. Siya yung Captain ng FIS. But he's already dead. May.... may k-kinalaman ba ako sa pagkamatay niya?!

"Tumawag si Mamu. Bukas na ang flight mo papuntang New York. Tutuloy ka pa ba?"

After nong shoot namin ni Tim ay tinanggap ko na rin yung offer sa NYC. I just want a peace of mind. Mag iilang buwan na rin akong hindi kinakausap nina mom. Kung wala siguro si javier ay baka matagal na akong nawala sa tamang pag-iisip.

"Yeah. Sasamahan mo naman ako diba?"

Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa bago ito ngumiti at dahan dahang hinaplos ang pisngi ko.

"Oo naman. Kung nasan ka, nandon ako"

He smiled widely, slightly combing my hair.

"Pahinga kana ulit. Babantayan kita"

I nodded, before he kissed my forehead na siyang ikinangiti ko.

Javier's POV

Mahimbing na natutulog pa si Z nang tumawag sa akin si dex. I don't want to leave her here. But I also needed to answer this call.

"Balita?"

Hindi ko pa rin maintindihan si Z. Ramdam kong may hindi siya sinasabi sa akin.

"Nakuha ko na yung list ng mga tao sa vip area! Pero wala pa rin sakin yung CCTV footage. Isesend ko na lang sayo yung mga pangalan"

Kahit nasa probinsya ay malakas pa rin ang radar ng gago. Maasahan talaga siya pagdating kay Pio.

"Saka mo na isend. Aalis ako bukas. Magiging busy ako ng mga ilang araw. Ikaw na muna ang bahala"

Nang mawala si dex sa kabilang linya ay bumalik na ulit ako sa kwarto ni sungit. She's still asleep. Tinawagan ko muna si Sy para magbantay sa kanya. May kailangan lang akong daanan bago umalis ng bansa.

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Sy kasama sina Mori, Bea at Hannah. Sinenyasan ko pa silang wag maingay dahil sa pinto pa lang ay nagkakantyawan na sila.

"Kayo ng bahala kay sungit. Kapag hinanap ako pasabi may kailangan lang akong puntahan"

Tumango naman silang tatlo maliban kay Mori. Kakaiba talaga siya. Nakatingin lang siya sakin na parang may ginawa akong masama. Nang makapasok sina Sy sa kwarto ni sungit ay nagtaka ako dahil nanatili pa ring nakatayo sa harapan ko si Mori.

"May problema ba?"

Ni walang mababakasang kahit anong emosyon sa mukha nito. She's just standing there, unbothered. Ano kayang iniisip niya.

"Mahal mo si Z"

She's not asking me, she's declaring it.

"Mali ka----"

"Wala kang gagawin na ikapapahamak niya."

Kung tungkol to sa nangyayari kay Z. Wala rin akong alam. At kung meron mang mananakit sa kanya, hindi ako yon. I cared for her, hindi pa ba sapat yon?!

"Look Mori, hindi ko alam kung anong sinasabi mo, pero hindi ko intensyon ang ipahamak ang kaibigan mo o isa man sa inyo."

Tikom ang bibig na agad akong lumabas ng condo, wala akong ibang maisip kundi ang tungkol sa sinabi ni Mori. Ipinapahamak ko ba talaga si Z? Yung mga nangyayari sa kanya. Ako ba ang dahilan? Kaya ba palagi na lang siyang balisa. Hindi kaya, hindi kaya.... gumaganti na sakin yung killer sa pamamagitan ni Z?!

Tangina! Buong lakas kong sinipa ang bote ng alak sa harap ko. Wala na akong ginawang tama!

"Dude, gusto ko lang namang makuha yung hustisya para sayo! Ginagawa namin ni dex ang lahat makamit mo lang yon. Pero dude, ang hirap pala."

Ngayon ko lang naramdaman yung pagod sa halos dalawang taon naming paghahanap ng hustisya.

"Mahirap pumili sa inyong dalawa. Pero dude, ayos kana ba dyan? Pwede ko bang mahalin muna yung babaeng gusto ko bago ko gawin yung pinapagawa mo?"

Gusto kong gawin yung hindi mo ginawa dude. Gusto kong magtapat sa kanya.

Inubos ko lang yung beer na binili ko kanina bago magdesisyong umalis. Ngayon na lang ulit ako nakadalaw sa puntod ni Pio, at hindi ko akalaing masasabi ko yon. Magiging mahirap para kay dex itong naging desisyon ko, pero saka ko na sasabihin kapag nakauwi na kami. Plano ko munang gawin lahat bago iwan sa kanya yung imbestigasyon. Sana maintindihan niya ako.