Chapter 28

SERENA's POV

"Sa tingin mo ano ang mga bagay na gusto ng mga lalaki?" Tanong ko kay Renzo habang nilululon ko ang pagkaing kakasubo ko lang. Nakatingin lang siya sa akin na parang binabasa niya ang iniisip ko.

"Anong tanong iyan?" Balik tanong din niya sa akin. Mabilis niyang kinain ang isang piraso ng french fries na hawak-hawak ko, ngumunguya siya ngayon kaya kumuha akong muli ng siya na naman ang kumain. Sinamaan ko siya ng tingin na kinatawa niya lang.

Nandito kami sa tambayan naming dalawa sa school, actually tambayan ko lang talaga itong lugar na ito, wala kasing pumupunta rito lalo na kakahuyan na ito. Pero dahi parati na naman kaming magkasama nitong mga nakaraang araw mula noong nanggaling kami sa hacienda, naging clingy at sweet na naman si Renzo na kinatuwa ko. Lagi siyang sumasama sa kung nasaan ako.

Napapaisip ako kung hanggang kailan kaya ang ganito niyang trato sa akin dahil baka mamaya maging masungit na anman siya at makipaglandian sa ibang babae, Pero paulit-ulit kong tinatanggal sa isipan ko ang mga naiisip.

"Sagutin mo na lang tanong ko, at wag ka pong mang-agaw ng fries ng iba." Pinanlikhan ko siya ng mata. Kailangan ko talagang makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga gusto ng mga lalaki. Tatanungin ko din pala si Rezzy dahil alam kung marami siyang alam tungkol sa mga ganitong bagay kung ikokompara sa akin na walang kaalam-alam. Walang experience sa lalaki dahil ni wala naman akong naging boyfriend, na kay Renzo lang ang buong atensyon ko. Pero wala din akong nakuhang maayos na sagot kay Rezzy kanina.

"Babae." Nabilaukan ako sa sagot niya.

"Ano ba namang sagot iyan?" Tawa siya ng tawa habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin ngunit nilapit niya lang ang mukha niya sa akin at binuka ang bibig.

Pinilit kong hindi mapangiti dahil sa pagpapacute niya ngayon, tinuturo ng mga mata niya ang french fries, gusto pang magpasubo ng mokong. Sinubuan ko na lang siya ng isang piraso nasobrang liit na kinanguso niya na kinabungisngis ko.

"Dali na, sagutin mo tanong ko," ungot ko sa kanya.

"Bakit? Totoo naman, Iyan naman talaga ang mga gusto ng mga lalaki. Bakit mo ba tinatanong?." Sinuri niyang mabuti ang mukha ko. Habang ako ay napatingin lang sa kanya? Ano bang naiisip ng lalaking ito?

"Nagtatanong kasi si Rezzy, wala naman akong maisagot kaya nagtatanong ako sayo." Mabilis kong rason dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na ako talaga ang nagtatanong dahil gusto kong malaman kung anong pwede kong ibigay sa kanya.

"Really?" si Renzo.

Halata pa din sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko kaya tumango agad ako.

"Yes, really."

"But for me, as long as I have you. I'm good." Seryoso niyang sambit na kinabigla ko. Hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi niya na para bang nag-loading ang utak ko, dinaig pa ang mahinang internet connection dito sa Pilipinas,

Tumayo na si Renzo sa pagkakaupo kaya hindi na ako nakapagtanong kung tama ba ang narinig ko mula sa kanya. Inilahad niya ang kanan niyang kamay para tulungan akong tumayo na agad ko namang kinuha habang nakatitig pa rin sa kanya.

"Lets go, we only have ten minutes for the next class starts." si Renzo.

Tinalikuran na niya ako habang nagsimulang maglakad, hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko ngayon.

Hay, totoo kaya iyong narinig ko o guni-guni ko lang iyon?

SA SUMUNOD na araw ay si Rezzy naman ang tinanong ko. Mabuti naman at wala si Renzo, hindi na naman pumasok dahil may ginawa sa kompanya. Tinanong ko siya kung paanong pinapayagan siya ng mga professor, ang sagot niya lang sa akin ay advance daw siyang binibigyan ng mga gagawin ng Professor namin at pinapasa niya na agad para kahit absent siya ay ayos lang. Nakanganga ako no'ng marinig ko iyon mula sa kanya, paano niya nagagawa iyon?

Oh well, parati ko nakakalimutan na genius si Renzo.

"Hay, ano kayang magandang ibigay sa lalaki?" Tanong ko kay Rezzy na nakatingin lang sa akin.

"Ibigay like a gift?" si Rez.

"Yup, ano kayang mga gusto ng kalalakihan?" Kinagatko ang labi ko habang nagsusulat ng kuno ano-ano sa notebook ko.

"Katawan natin." Diretsang sagot niya na kinalaki ng mga mata ko.

Ano ba iyan, medyo pareho ng sagot si Renzo at Rezzy. Nakakaloka, wala akong makuhang matinong sagot.

"Iyong seryosong sagot please." Nakairap kong sabi.

"Oo nga, tss." Napatingin naman ako kay Rezzy, nakalukot ang noo niya na parang malalim ang iniisip.

"Meron ka atang hindi sinasabi sa akin?" Tumingin ako sa kanya at sinuri ang mukha niyang mabuti na para bang doon ko makukuha ang gusto kong malaman. Alam ko ang mukha niya pag nagsisinungaling siya o may tinatago sa akin.

"Wala, tigilan mo nga iyang tingin na iyan." Bumuntong hinga siya. Pansin ko kaagad na hindi niyang magawang sabihin sa akin ngayon ang pinagdadaanan niya. Nirerespeto ko ang desisyon niya dahil hindi lang kami mag best friend kundi magkapatid na din kahit na di kami magkadugo, kung hindi siya handa na sabihin sa akin ay wala iyong problema.

"Ehem," napatingin kami kay Tyron na nakatayo sa harapan namin. Pinaupo namin siya sa mesa namin, tumabi siya sa akin at napatingin siya sa notebook na sinusulatan ko.

"Oy wag kang tumingin." Pero huli ko nang nasabi dahil nabasa na niya ang mga nakasulat roon. Mabilis kong inilayo sa kanya ang notebook ko. Nakatingin siya sa akin na parang may hindi siya nagustuhan.

Nagkatinginan kaming dalawa pero ako ang unang nag-iba ng tingin, napunta ang paningin ko kay Rezzy na lutang pa din ata dahil sa lalim ng iniisip niya. Kung kelan naman kailangan ko ng kadaldalan niya , ngayon pa siya tumahimik. Walang nagsalita sa amin, napansin ko na nakatingin lang sa akin si Tyron kaya minabuti ko siyang hindi tignan. Masyadong awkward sa akin ang sitwasyon naming dalawa.

"May gagawin pa pala ako. Mauna na ako sa inyo." Tumayo na si Tyron kaya napalingon ako sa kanya.

"By the way, I like necktie's." Pagkasabi niya ay naglakad na siya palayo sa amin.

Necktie?

Napatingin ako sa maliit kong notebook at nakasulat doon ang salitang necktie. Will he prefer a necktie as a gift?

NAPATINGIN AKO sa garahe, walang nakaparadang kotse, ibig sabihin wala pa si Renzo. Saktong-sakto lang ang dating ko para magawa ko ang plano ko.

Mabilis ako pumasok sa bahay, nagpalit ng damit. Mabilis ang galaw ko dahil hindi ko alam kung anong oras makakauwi si Renzo, baka maya-maya lang ay nandito na siya. Nasa labas ako ng kwarto niya, pinihit ko ang siradura at napangiti dahil hindi nakalock ang pinto.

Agad akong pumasok sa loob at napatingin sa mga kagamitan roon. Kailangan ko talagang makahanap ng ibibigay sa kanya dahil malapit na ang kaarawan niya.

Oo, malapit na ang kanyang kaarawaan. Isang linggo lang ang pagitan ng kaarawan namin. Kung ang kaarawan ko ay mabilis kong makalimutan ang petsa, ang kanya ay hinding-hindi ko magagawang makalimutan.

Naaalala ko pa ang ginawa niyang pag-surpresa sa akin, hindi ko pa rin mapigilang mapangiti ng maalala ko ang gabing iyon. Parati akong nakangiti pag-naaalala ko ang mga ginawa niyang effort sa kaarawan ko.

Ang gusto ko lang naman mangyari bigyan siya ng regalo na magugustuhan niya lalo't babahain siya ng regalo sa araw ng kaarawan niya. Gusto ko dapat na kaming dalawa lang sa araw ng kaarawan niya kaso sinabihan kami ng parehong pamilya namin na sa araw ng kaarawan ni Renzo ay may malaking celebration at late celebration na din daw sa akin. invited lahat ng relatives namin at mga business associates ng kompanya.

Dapat talaga ang celebrasyon na ito ay sa petsa ng aking kaaarawan kaya lang ay nagpunta kami sa hacienda kaya napagpansayahan na sa kaarawan na lamang ni Renzo. Isang lang naman itong pagtitipon ng mga malakapit sa pamilya at negosyo ng dalawang pinagsamang korporasyon at ginamit lamang ang kaarawan ni Renzo para dito.

Inoobserbahan ko ang mga gamit ni Renzo dahil sa tingin ko ay makakakuha ako ng ideya sa magugustuhan niyang regalo na galing sa akin. Huminga ako ng malalim, sininghot ko na ata lahat ng amoy sa kwarto niya, smells so masculine and fresh.

Napatingin ako sa paligid ng kwarto niya, puti at itim ang kulayng mga gamit niya, mapa-higaan, pader at cabinets. Lalaking-lalaki ang dating. Napakalinis at organize din ng kwarto ni Renzo, ni isang kalat man lang wala.

Nag-iikot ako sa kwarto niya ng mapatigil ako sa harapan ng cabinet niya. Ito ang cabinet niya sa mga undies niya na lahat ay nakaayos ng lagay. Namula ako sa naisip kaya mabilis kong isinara iyon. Isang pang cabinet ang unti-unti kong binuksan na ang mga laman ay mga polo, longs sleeves at t-shirts na nakaayos lahat.

Kinuha ko ang isang nakatuping damit, isang long sleeves na kulay pink. Bagay na bagay sa kanya ang kulay na ito. Inamoy ko ang damit niya pagkatapos ay tinupi ko pabalik ng mapansin ko ang isang paper envelope na kulay dilaw nakaipit sa pinakagilid tabi ng mga polo. Kinuha ko ang envelop ng dumulas sa kamay ko kaya naman nagkalat ang mga laman at inisa-isa kong pinulot.

Umupo ako sa kama niya dahil babashain ko sana ang dokyumento para tignan ang pagkakasunod-sunod ng bawat pahina, baka kasi malaman ni Renzo na galing ako dito dahil nagalaw ang gamit niya.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit mo pinapakialaman ang mga gamit ko?" Nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang malakas niyang boses, halata ang galit sa mukha niya. Mabilis niyang inagaw sa akin ang envelope pati ang dokyumento sa kamay ko. Tumalikod siya sa akin at binalik ang envelope sa ibang drawer na may lamang ibang dokyumento. Muli siyang humarap sa akin habang ako ay hindi makapagsalita.

"I'm sorry, hindi ko sinasadyang makialam ng mga gamit mo at pumasok sa kwarto mo, " mahina kong sambit. Tumayo na ako habang ang tingin ay nasa lapag. Alam ko namang hindi dapat ako nakialam sa gamit niya kaya bagay lang sa akin ang masigawan.

"Labas na ako," Nilagpasan ko siya ngunit agad niyang nahawakan ang braso ko at naramdaman ko ang pag pulupot ng braso niya sa bewang ko.

"I'm sorry for shouting. Hindi ko iyon sinasadya at hindi na iyon mangyayari pang muli." Hinarap niya ako sa kanya at pinatingin sa mukha niya.

"Kasalanan ko naman," turan ko.

"No baby, I'm sorry." Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Ngumiti ako sa kanya para iparating na ayos na ako.

Naisip ko kung gaano kaya kaimportante ang dokyumento na iyon para magalit siya sa akin ng sobra.