Chapter 15
It's been heaven and hell week for me.
Heaven because it's been one week that my relationship with Renzo went well. One week kaming parating magkasama, Hinahatid-sunod niya rin ako dahil hindi ko magamit ang kotse ko. Kakapaayos ko pa lang ng kotse ko noong nakaraang lunes ng ng kinahapunan sa parehong araw rin ay may nag-vandalized at sinira ang apat na gulong ng kotse ko, may nakasulat pang SLUT all over.
Iyong araw na iyon parang ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko. Hindi ko maipasok sa utak ko kung bakit hindi na nila ako tigilan. It's been half a month that me and Renzo are married pero ganito pa din ang nangyayari sa akin at pakiramdam ko mas lalong lumalala ang pakikitungo ng mga taong nakapaligid sa akin.
I can feel their sharp stare at my back every time I walked by. Siguro kung ang mga tingin na iyon ay kutselyo matagal na akong nakabulagta sa daanan. Buti na lang may mga tao pa rin ako masasandigan , si Rezzy, Tyron and Renzo. Renzo on the other hand, alam kong nagmamalasakit lang siya out of duty because he is my husband and that he must keep me safe all the time.
Kahit anong gawing pagbulag-bulagan ko. Kahit anong sabihin ko sa sarili kong baka nahuhulog na din siya sa akin ay alam kong malabo iyong mangyari. Sa ngayon, talagang nag-eenjoy na lang ako na parati kong siya kasama at maganda ang trato niya sa akin.
Parati na kaming magkasama sa bahay pati sa school. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil para siyang glue na nakadikit na sa akin kahit saan ako magpunta. Hindi na lang ako nagsalita dahil gusto ko nga ang nangyayari ngayon na parati na kaming magkasama, sobrang saya sa pakiramdam. Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko, kaya siguro galit na galit ang ibang mga babae sa akin at ayaw nila akong tigilan.
Simula ng may mangyari sa akin noong nakaraang linggo, sumunod pa iyong pagsira at pag-vandalized sa kotse ko sinabi niya sa akin parati na daw akong sumabay sa kanya sa kotse niya habang hindi pa naaayos ang kotse ko. Sinabi ko naman sa kanyang wag na siyang mag-abala pa kasi kaya ko namang mag-commute mag-isa pero hindi siya pumayag dahil baka daw ano pang mangyari sa akin.
"It's been a week na parati kang namumula, it's been a week na parati kang nangiti na parang baliw, it's been a week na lutang ka and lastly it's been a week na hindi kita nakakausap ng maayos. Tell me honestly S, nag-dru-drugs ka ba?" Seryosong nakatingins a akin tong si Rezzy.
"Gaga! Anong drugs ka dyan, hindi no." Drugs ko si Renzo. Gusto ko sanang idagdag sa sasabihn ko.
"Ayan na naman yang pamumula mo. Ganyan ba talaga kahit isang buwan ng kasal parang parating nakatapak sa alapaap?!" Nakataas na kilay niyang litanya. Gaga talaga itong si Rezzy.
"Ewan ko sayo, kumain ka na nga lang dyan." Inirapan ko siya..
"Makapag-pakasal na nga rin ng hot na papa."
"Tse, tumigil ka nga dyan, adik lang." Natatawa kong sabi, sumabay na rin siya sa pagtawa sa akin.
Magkasama kami ngayon ni Rezzy kasi sabi niya sabay daw kaming maglunch kasi parati na lang daw kami ni Renzo ang magkasama. Nagtatampo na ang babaeng ito sa akin dahil daw wala na akong oras sa kanya kaya pinaalis at pinalayas ko muna si Renzo. Hindi joke lang iyong pinalayas, pinaalis ko muna siya pero sabi niya sa akin doon lang daw siya sa katabing table namin tatabay.
Diba parang adik lang? Adik sa akin.
Ang kapal ng mukha ko pero syempre pinaalis ko siya at hindi ko siya pinatambay sa katabing table dahil ang awkward kaya ng ganoon.
Kaya napagkasunduan namin, pero hindi napagkasunduan kasi si Renzo lang ang nagdesisyon, sinabi niyang susunduin daw niya ako dito pagkatapos ng lunch namin ni Rezzy, wala na rin naman akong magagawa dahil sabi niya iyon at tsaka ako pa iyong aayaw? Syempre gustong-gusto ko na wag na siyang lumayo pa sa akin at dito na lang siya sa tabi ko.
"Ayan ka na naman e, lutang na lutang ka na naman, si Renzo na naman ang iniisip mo?" Namula ako sa sinabi niya na kinairap niya ng makita ang mukha ko.
"Sabi ko na nga ba. Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha niya?"Ako naman ang umirap sa kanya habang siya ay tumatawa lang. Namiss ko ang babaeng 'to kasi nga minsan na lang kaming makapagbonding dalawang magbest friend. Noon si Rezzy ang parating nasa tabi ko, pinagtatanggol niya din ako sa mga nang-aaway sa akin. My only girl friend, my one and only bestfriend.
"Namiss kita Bessy, sobra." Inaayos ko ang eyeglass ko dahik pakiramdam ko maiiyak ako.
"Namiss rin kita S!." Then she hugged me. "Our time is up Girlfriend." Bumitaw na siya sa akin at tumayo ng matuwid. "See you next week girl, what do you want for pasalubong? No scratch that, ako na ang bahala sa pasalubong ko sayo." She smiled evilly, magsasalita na sana ako ng hinalikan na niya ako sa pisngi at ngumiti ng malawak. Aalis kasi siya papuntang Singapore dahil sa invited daw siya sa isang sikat na event doon.
Naramdaman ko na lang isang brasong pumulupot sa bewang ko.
"Hmm." Someone nuzzled my neck.
"Naglalampungan na, aalis na talaga ako." Natawa ako at umalis na talaga si Rezzy. Hinarap ko naman ang taong bigla-bigla na lang lumilitaw galing kung saan.
"You smell so good." Mahina niyang sambit, pinilit kong tanggalin ang pagkapulupot ng kamay niya sa bewang ko dahil nasa cafeteria kami at madaming taong nakatingin. Wala siyang nagawa at tinnggal niya ang pagkakahawak sa akin.
"Nambobola ka na naman." I tied my hair into a messy bun.
"Why do you always wear your hair like that? But on the contrary mas mabuting ganyan na lang." May sinabi pa siyang hindi ko narinig ng mabuti kaya hinayaan ko na lang.
Naglakad na kami paalis at syempre nakatingin na naman ang mga tao sa amin majorly ang mga kababaihan. Napatingin lang ako kay Renzo na hindi man lang pinansin ang mga nakapaligid sa amin kundi nilalaro lang nito ang buhok na nahuhulog sa gilid ng mukha ko habang naglalakad kami.
"HINDI PA ba tayo uuwi?" Napatingin ako sa kanya kasi ibang daan ang tinatahak namin ngayon.
"No, we're going to eat somewhere." Nakatingin pa din siya sa daan at seryosong nagmaneho. So this is a date? Tumingin na lang ako sa labas at napangiti parang kinikilig ako na ewan.
Dumating na kami sa mall. Sa mall kami? Edi mag-strolling muna kami.
"Sa mall?" Hindi ko mapigilang magtanong dahil first time na pumunta kami ng mall ng magkasama.
"Ayaw mo?" Nalilito niyang tanong kaya umiling ako agad at ngumiti para ipakita ko sa kanya na gusto ko iyong andito kami.
"No, mas gusto ko dito." 'Gusto ko pang dagdagan na kahit saan basta kasama kita' kaso ang cheesy pakinggan.
"Gusto mo bang mag-ikot-ikot muna bago kumain?" Tumango ako at ngumiti.
Nakangiti ako habang nagsimula kaming mag-ikot, first date kasi namain ito kung tutuusin. Napadaan kami sa isang jewelry shop at pumasok kami sa loob. Hindi ko alam bakit dito ang unang shop na pinasukan namin. Napatingin ako sa mga jewelries na nakadisplay.
"Maam and Sir, we have a newly arrived jewelries for you to choose from." Ngumiti lang ako sa babaeng nagsalita pero hindi naman ako pinansin na kay Renzo ang mga mata nito na para bang siya lang ang naroroon. Akala ng babaeng ito na hindi ko napansin iyong pagpapacute niya sa asawa ko. Ang sarap lagyan ng karatola itong si Renzo na nakalagay 'PRIVATE PROPERTY SO BACK OFF'
Tumingin na lang ulit ako sa mga iba't-ibang nakadisplay para hindi ako mainis. Nakuha ng atensiyon ko iyong isang silver locket heart shape.
Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si Renzo, agad na pumulupot ang kamay niya sa bewang ko. Ngumiti naman ako agad dahil sa pagsimangot nong sales lady.
"Do you want that?" Napatingin akong muli sa locket.
"Huh? No." Ngumiti ako sa kanya at kitang-kita ko pa rin ang lalong pag-asim ng mukha ng saleslady.
"Sorry Miss but my wife seems not interested in any of the jewelry." He smiled politely at inakay na niya ako palabas sa shop. Nakita ko pa iyong itsura ng saleslady, hindi makapaniwala sa sinambit ni Renzo.
"Nakabusangot ka kanina?"
"Hindi no." Pag-maangmagan ko.
"Hindi daw." Pang-aalaska niya sa akin.
"Hindi nga, ang kulit." Natatawa kong saway sa kanya.
"Selosa." Natatawa niyang sbai na kinatingin ko sa kanya.
"Sinong selosa?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"You look so damn cute," lumapit pa siya may tenga ko at may sinabi siyang ako lang ang makakarinig. "I want to take you here and now."
"Renzo!" Namula ako ng bigla sa sinabi niya at hinampas ang braso niya.
Pumasok na kami sa loob ng isang restaurant ng biglang may tumakbo papalapit sa amin at niyapos ng yakap si Renzo. Napalaki ang mata ko habang nakatingin lang sa kanila.
"Baby Boy, I missed you." Humiwalay ng yakap si Renzo na nabigla rin ata pero nakahuma din agad.
"How come you're here?" Renzo smiled at the woman.
Nabigla ako ng hinalikan ng babae sa pisngi si Renzo at itong si Renzo ngumiti lang. Hindi ko mapigilang tumaas ang kilay sa nangyayari sa harapan ko. Hindi ba nila ako nakikita?
"Ayaw mo bang nandito ako?"
"Of course not." Pumasok na kami sa restaurant habang hindi pa rin nila ako napapansin dahil nasa may likuran ako.
Umupo na kami sa isang table habang nag-uusap pa rin sila at ako ay nakatingin lang sa babae. Ang ganda niya, she has this long curly hair na bumagay sa maliit nitong mukha at katawan, she looked like one of those runaway model.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, tumingin lang sa akin si Renzo saglit at muling binalik sa babae ang tingin. I haven't seen Renzo talking to anyone like this. Parang komportableng-komportable siya sa babae, na nakakangiti siya ng ganoon kabilis samantalang pag ako ang kasama niya miminsan ko lang siyang makitang ngumiti.
Sino ba siya?
Bakit hindi man lang ako pinansin para ipakilala? Dumating lang ang babaeng nasa tabi niya ay nakalimutan na ako?
This should be our first date. Bakit ganito ang nangyari?
Tumayo na ako at tumakbo palabas ng restaurant.