Chapter 16

NAHANAP KO ang sarili ko sa isang bar, napangiwi ako ng nilagok ko ang unang baso ng alak. Muli akong nagsalin ng alak sa baso, andito ako ngayon sa isang VIP room ng mag-isa. Ayoko kasing uminom lang sa labas kasi napakaingay at baka doon ako magkalat pag lasing ako.

Napatingin ako sa dalawang bote ng whiskey na pinkuha ko sa waiter, minabuti kong magpakuha ng pinakamalakas makatama na alak dahil hindi ko kayang hindi malasing ngayon. Kahit hindi talaga ako manginginom ay wala na akong pakialam.

Ngayon nakakailang baso na ako at ramdam ko na tinatamaan na ako ng alak na iniinom ko. Parang lutang na ang nararamdaman ko pero parang kulang pa rin ang naiinom ko kasi hindi pa rin mawala sa utak ko ang mga nangyari kanina.

Paranf sirang plaka na paulit-ulit kong naalala ang ngiti ni Renzo kanina sa babaeng nagngangalang George.

"Nakakagigil siya! napakalandi niya, ugh!" Hindi ko mapigilang sigaw at muling pinuno ang baso ko ng alak. Ngayon hindi ko na nararamdaman ang lasa ng alak sa bawat lagok ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil nararamdaman kong lumulutang na talaga ako sa dami ng ininom kong alak.

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang contact number ni Renzo, pinindot ko ang call button. Pinakinggan ko ang cellphone ko kung nagriring iyon, baka kasi pinatay niya pa ang cellphone niya para walang makadisturbo sa kanila ng babaeng iyon.

"Serena, where are you?" Agad na bungad na tanong ni Renzo, rinig ko sa boses niya ang pag-alala.

"Y-you're actually worried? E napakalandi mo k-kanina." Walang preno ang bibig na sabi ko sa kanya. Hindi na diretso ang pagsasalita ko ngayon pero wala akong pakialam, gusto kong magsalita kaya magsasalita ako.

"Baby, I'm worried, where are you?" Muling tanong ni Renzo sa akin na kinatawa ko na parang nahihibang na.

"I won't tell you because you hurt me. I don't like to see you right now." Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. Kahit lasing na lasing na ako ay naalala ko na naman ang nangyari kanina, kung pwede lang talaga piliin tanggalin sa utak ko ang nangyari kanina ay ginawa ko na.

"But I want to see you right now. Please, where are you right now?" Habang nakikinig s akanya ay muli kong nilagyan ang baso ko ng alak at muling inubos ang laman. Napadighay ako na kinatawa ko ng malakas, kinuha ko ang bote ng napansin kong naubos ko na pala ang lahat ng laman.

"I j-just drank the whole bottle." Umikot ang paningin ko at unti-unti ng nagdilim ang paligid. Hindi ko na napansin na nahulog ko ang cellphone sa lapag.

I WOKE up like a zombie. Agad akong nasapo ang ulo ko dahil pakiramdam ko umiikot ang ulo ko ngayon. Minabuting kong inalala kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon.

Unti-unti kong naaalala na nagdate kami ni Renzo kahapon sa isang restaurant ng may gumambala sa amin na babae, ang tawag pa nito kay Renzo ay 'Baby Boy' at napaka-sweet nilang kahapon na nakalimutan na ni Renzo na kasama niya ako.

Lalong sumakit ang ulo ko ngayon ng maalala ko kung paano tratuhin ni Renzo ang babaeng iyon. Kahapon lang ako nagselos ng sobra sa lahat ng babae ni Renzo, mas masakit palang makita na tunay ang saya sa mukha niya habang nakatingin sa ibang babae kesa iyong nakikipaglam-pungan siya. Hindi ko pa siya nakitang ganoon ang reaksyon sa iba, kahapon lang. At ang masaklap napakaganda ng babae kahapon na nagngangalang 'George'. Kaya hindi ko talaga napigilang umalis kagabi at pumunta sa isang bar para lasingin ang sarili ko.

Tumayo na ako at pasuray-suray akong naglakad papunta sa banyo. Pakiramdam ko masusuka ako ano mang sandali, parang nagsisisi na ako sa paglalasing ko kagabi. Tinungkod ko ang dalawa ko kamay sa lababo at tumingin sa salamin.

Mukha akong na-rape sa klase ng mukha at buhok ko. Iyong kulot kong buhok ay kung saan-saan na direksyon at nakakadiri kasi may tumigas pa ata akong laway sa gilid ng labi ko. Agad akong naghilamos dahil hindi ko nakakayanan ang nakikita sa salamin, nagsipilyo na din ako kasi ang baho ng hininga ko, amoy suka.

Nakikita kong maayos na ang mukha ko ay napadapo naman ang tingin ko sa suot ko ngayon, hindi ko kasi naalalang pinalitan ko ang damit ko kagabi. Siguro 'nong nagpalit ako ay bumunot lang ako ng kahit ano dahil nakasuot ako ng night dress ngayon na halos kita ang kaluluwa ko. Pinagkibit balikat ko na lang dahil wala talaga akong maalala.

Napatingin ako sa mukha ko sa salamin at naisip ko naman ang mukha 'nong babae kagabi, talong-talo ako sa kanya . Kahapon nang tumitig ako sa kanya ay naghanap ako ng kapintasan niya pero ang nangyari gandang-ganda ako sa kanya. At hindi ko nararamdamang masama siyang babae, wala siyang 'bitch vibe' parang ang bait-bait niya at ang amo pa ng mukha niya. Kahit naman ako, pag naging lalaki magugustuhan ko rin siya, astig pa ng pangalan niya.

Lahat na lang ata sa babaeng iyon ay maganda. Wag ko na talaga ikompara sarili ko.

Napailing ako at sinuklay ang magulo at kulot kong buhok, hirap akong kunin lahat ng buhok ko dahil nasa iba-ibang direksyon talaga sila. Pahirapang inipit ko ang aking buhok gamit ang isang lastiko.

Lumabas na ako ng banyo ng mapansin kong nakaayos at nakatupi na nakalagay sa isang upuan ang mga damit na sinuot ko kagabi. Nagawa ko pang magtupi kagabi ng ganito kaayos?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras na magpalit ng damit, lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na sa kusina para makakuha ng tubig. Uhaw na uhaw na kasi ako at pakiramdam ko mabubuway ako sa pagkahilo. Agad kong hinanap ang medicine kit na na nakatago rito sa kusina pero bago pa ako maghanap ay may nakita akong gamot na nasa lamesa kasam ang isang baso na may lamang tubig na.

"Anong gamot kaya itong nandito?" mahina kong sambit at agad na pinulot ang gamot sa mesa.

"For hungover, inumin mo na 'yan." Nanigas ako ng mairnig ang boses ni Renzo sa likuran ko.

Bakit nandito siya ngayon? Akala ko pa naman na wala siya dahil pag may kasama siyang iba, usually sa condo siya dumediretso. Sa pagkakaalam ko lang bagama't hindi ako sigurado dahil hindi naman ako nagtatanong sa kanya.

"Thank you." Mabilis kong nilunok ang gamot at ininom ang tubig. Tumalikod na ako para makaalis ng mabangga ko ang malabato niyang katawan. Hindi ko naman kasi alam na nasa likuran ko siya mismo nakatayo.

Dahil sa walang kamatayang sakit ng ulo ko na lalo ata akong nahilo dahil sa pagkakabundol ko sa kanya, nabuway ako at mabuti na lang hindi ako naglanding sa tiles kundi sa malalaki at matitigas na braso ni Renzo.

Napandantay ako sa dibdib niya dahil nahihilo talaga ako, hindi pa gumagana ang gamot na ininom ko. Sinara ko saglit ang mga mata ko ng marinig ko maya-maya ng may tumawag sa kay Renzo, isang pamilyar na boses.

"Baby, Baby Boy." Narinig ko na lang na may sumigaw na babae sa may living room at naramdaman kong bumuntong hininga si Renzo.

"Baby!" Napanbuntong hininga si Renzo habang ako ay napatayo ng matuwid sa narinig dahil pareho ang boses ng naririnig ko sa boses ng babaeng kasama niya kagabi,

Parang nawawala ang sakit ng ulo ko bigla, napalitan ng init sa galit.

Hindi ko na napansin na hinila na pala ako ni Renzo palabas ng kusina at inalalayan papunta sa sala. Kulang na lang may lumabas na usok sa ilong ko dahil nag-iinit talaga ang ulo ko lalo na ng makita kong ang ganda ng upo niya sa couch namin. Komportable siyang nakaupo na para bang wala siyang sinisira na relasyon ngayon. Nakangiti siya habang nakatingin sa aming dalawa ni Renzo, na para bang may hinihintay siyang sbaihin si Renzo.

Napabaling na lang ang tingin ko kay Renzo dahil hindi ko kayang titigan ang babaeng nasa harap ko ngayon. Hinintay kong magsalita si Renzo at magbigay ng paliwanag sa akin bakit nandito sa bahay namin ang babaeng ito.

Gusto kong sampalin si Renzo ngayon dahil sa pagdala niya ng babae dito sa pamamahay namin mismo. Dito pa talaga sa bahay namin, sa lahat ng lugar na pwede niyang pagdalhan.

"Baby Boy akala ko wala ka ng planong lumabas ng kusina e." Nagpanting ang tenga ko ng marinig ko ang sinabi ng babaeng nagngangalang 'George'. Gusto ko siyang sigawan na umalis dito sa bahay namin pero hindi ko magawa-gawa, ang rason hindi ko alam.

"Georgina, stop calling me 'baby'." Bumuntung-hininga ulit si Renzo at napatingin sa akin. Siguro halatang-halata sa mukha ko ang pagka-irita. Gusto ko talagang ipahalata ang pagka-irita ko sa kanila.

Georgina? So that's her real first name.

Bakit nga pala hindi ko napansin kanina ang babaeng ito? Siguro dahil pinapatay ako ng hilo kanina kaya wala ako sa ulirat na pansinin ang paligid ko.

"What? anong masama sa pagtawag ko sayo? My goodness, my manners!" Biglang tumayo si Georgina at lumapit sa akin. HIndi ako makagalaw sa pagkabigla ng bigla niya akong yakapin. Nang humiwalay na siya sa akin ay napatingin lang ako kay Renzo.

"George meet my dear wife. Serena this is my cousin, Georgina." Nanlaki ang mata ko habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

Cousin?

Lalo atang sumakit ang ulo ko bigla sa narinig mula sa bunganga ni Renzo. Magka-anak pala silang dalawa pero bakit ngayon lang kasi sinabi sa akin? And why am I not familiar with her is she's his cousin?