Chapter 68

February’s POV

Nangatal ang mga labi ko sa ginaw pagkaahon ko sa tubig dito sa swimming pool. Gabing-gabi na’t wala pa rin silang kasawa-sawang nagbabad.

Kusa na lang na kumibot ang ngiti sa aking mga labi nang ipatong sa akin ni Sapphire ang tuwalyang kakakuha niya lang ata sa taas.

“Want to take a walk?” sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya muna ako na nangangatal pa rin ang mga labi sa sobrang lamig.

“Huwag na, masiyadong malamig sa dalampasigan,” sambit niya. Hinila ko lang siya. Nakapaa lang kaming dalawa habang naglalalad dito. Hindi ko maiwasang matuwa habang pinagmamasdan ang karagatan ngayong gabi. Tanginang ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.

Hindi ko pa maiwasang mapangiti habang nakatingin sa katabi kong inabot pa ang extra’ng tuwalya sa akin at pinatong pa ulit.

“I’m fine, bagong ahon lang kanina kaya ganoon,” natatawa kong saad sa kaniya. Hindi niya naman ako pinansin.

Nagkukwentuhan lang kaming dalawa habang naglalakad sa ilalim ng buwan. Nang magsawa ay parehas kaming bumalik na sa kaniya-kaniya naming kwarto dahil nakabalik na ang mga kasama namin.

“Good night, Doctora,” bulong niya na hinalikan ako sa noo. Napaawang naman ang labi ko doon at hindi pa nakapagsalita. Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob at ramdam na ramdam ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nang kumalma na ay kinuha ko ang phone ko at nagtipa doon.

Ako:

Good night, Archi.

Napakagat naman ako sa aking mga labi at hindi na binasa pa ang reply niya. Naligo lang ulit ako at nagpatuyo ng buhok bago natulog.

Kinaumagahan naman ay cinelebrate namin ang birthday ni Isaac, pagkatapos niyon ay umuwi na rin kami.

Ilang linggo ang makalipas pagkatapos ng araw na ‘yon, mas lalo pa kaming nagkamabutihan ni Sapphire pero hindi niya naman ako kailanman minadaling sagutin na siya. He was just there courting me. At unti-unti kong napatunayan na it’s worth to try. Hindi ko pa sinasabi sa kanyang sasagutin ko siya, malapit na ang birthday nito. I want it to be my gift for him.

“Ate, hindi ka pa rin po ba tapos diyan? Hinihintay na po tayo ni Kuya Jigs,” sabi ni Aya sa akin.

“Ito na,” sambit ko naman na sinuot na ang pumps ko. Napatingin naman sa akin si Jigs nang makalabas kami. Agad itong ngumiti sa akin.

“You look gorgeous,” sabi niya.

“Thanks,” sambit ko naman. Kasal na kasi nina Piolo at Ana Marie ngayon at tutungo na kami sa simbahan ngayon. Minadali kasi talaga nila ang kanilang kasal, gusto na atang pikutin ang isa’t isa. Napatawa naman ako sa sarili kong naiisip.

Nang makarating kami sa simbahan, hindi pa naman ‘yon nagsisimula. Partner ko si Jigs na maglalakad sa aisle. Hinanap naman ng mga mata ko si Sapphire. Agad ko naman siyang nakitang kasama si Fiona. Napaiwas na lang ako ng tingin. Anong ginagawa ni Fiona rito? Hindi naman ako nainform na invited din pala siya.

Marami ang kumakausap sa kanila lalo na’t artista nga si Fiona. Hindi ko na lang sila pinansin at nagfocus na lang sa harap.

“Hey, are you okay?” tanong sa akin ni Jigs. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Kinakausap ako nito kaya sinasagot ko na lang ang kanyang mga tanong.

Mayamaya lang ay nagsimula naman na ang ceremony. Naglakad lang kami sa aisle ni Jigs. May mga iilang nakangiti sa amin. Ang iba naman ay walang pakialam dahil hinihintay na ang bride na siyang bida ngayong araw.

Nang makarating ako sa kinauupuan ko. Nagulat na lang ako na katapat ko si Sapphire. Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago ko iniwas ang tingin dahil parating na rin si Ana Marie. Habang naglalakad ito patungo sa altar. Akala ko’y hindi iiyak si Aling Ruby dahil ito naman ang pinapangarap niya para sa anak niya ngunit napatawa na lang ako ng mahina habang pinagmamasdan ko siyang humahagulgol ngayon.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang mapait. Paano kung ako ang maglalakad sa altar? Sino ang maghahatid sa akin? Sinong iiyak dahil mag-aasawa na ang anak nila? If they’re still here paniguradong ako pa ang iiyak dahil iiwanan ko na sila and they’re probably tap my shoulder.

Sa pag-iimagine ko, hindi ko na namalayan pa ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ko lang din maiwasang maisip kung makakabuo rin ba ako ng sarili kong pamilya. Hindi naman sa naghahangad pa ako ngunit gusto ko rin namang magkaanak. Gusto ko ring iparanas sa kanila ang pagmamahal ng isang ina.

Napapahid naman ako ng luha dahil dito. Nang mapatingin kay Sapphire, imbis na kay Ana Marie ang tingin, nabato balani ang kaniyang mga mata sa akin.

Napanguso naman ako dahil nahuli na lang ako nitong umiiyak. Hindi ko mapigilang matuwa para kina Piolo at Ana Marie, they finally find their own happiness with the arms of each other.

Nang matapos ang ceremony ay lalapitan na sana ako ni Sapphire ngunit nilapitan na ako ni Jigs at nilapitan naman na siya ni Fiona na nakikinood lang kanina.

Dumeretso naman na kami sa venue kung saan gaganapin ang kainan. Hindi pa rin humihiwalay sa akin si Jigs, kasama naman namin sina Aya at Cali ngunit hindi lang ako kumportable rito dahil kung saan kami tutungo ay nandoon din siya. O baka naman nag-ooverthink ka lang talaga, Febi? Isinawalang bahala ko na lang ‘yon.

Nang umuwi naman kami ay inihatid niya kami nina Aya at Cali.

“Susunduin na lang kita mamaya, Febi,” sabi niya sa akin dahil nga may party pa mamaya na gaganapin.

“Hindi na, Jigs, dadalhin ko na lang ang kotse ko,” sambit ko naman. Aangal pa sana ito ngunit nagsalita na ulit ako.

“Sige na, Jigs, kaya nga ako bumili ng kotse para sa akin. Hindi mo na ako kailangan pang sundui,” saad ko at tipid na ngumiti pa sa kanya.

“Alright,” sambit niya naman at tumango. Umalis na rin naman siya pagkatapos.

Kinagabihan naman ay lumabas na kami para tumungo sa bahay nina Piolo, doon kasi gaganapin ang party nila.

“Hey…” Halos himatayin naman ako sa gulat ng may humawak sa braso ko.

“What the heck, Sapphire? Papatayin mo ba ako sa nerbiyos, ha?” inis kong sambit sa kanya. Napanguso naman siya dahil dito.

“I’ll give you a ride, parehas lang naman tayo ng pupuntahan,” sambit niya sa akin. Hindi ko naman alam pero ang bilis-bilis kong pumayag pagdating dito.

“Alright,” sambit ko. Naglakad lang kami patungo sa kotse niya. Mayamaya lang ay nakarating na rin naman kami sa bahay nina Piolo, marami na ang tao sa loob at halos lahat sila’y inaanyayaan na kaming pumasok.

Katulad sa mga nakaraang party nandito rin ang mga pamilyar na mukha. Napatingin naman ako sa gawi ni Fiona na palinga linga. Agad niya namang nakita si Sapphire. Ang nakangiting mukha nito’y napalitan nang simangot nang makitang kasama ako nito.

“Zeal!” nakangiti niyang sambit at agad na nakalapit dito. Umaklang pa siya sa braso ni Sapphire, inalis naman ‘yon ni Architect.

Hindi pa sana ako aalis ngunit agad akong nilapitan ni Jigs na nakangiti ngunit nang makita niya ang katabi ko ay nawala ang ngiti niya. Hindi ko rin maiwasang mapakunot ang noo dito.

“Sumabay ka sa kaniya?” tanong niya sa akin.

“Yeah...” sambit ko naman. Kita naman ang pagkapikon sa mukha nito.

“Akala ko ba’y gusto mong gamitin ang kotse mo?” iritado niyang tanong.

“Malapit lang ang bahay niya,” saad ko naman. Alam kong may mali rin ako sa part na tinanggian ko siya ngunit mas malapit naman kasi talaga ang bahay ni Sapphire at parehas lang naman kami ng way. Hindi ko na lang pinansin pa ang nakasimangot na mukha ko Jigs. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang kinakagalit nito.

“This is February.” Pakilala niya sanisang business partner niya na lumapit sa amin. Medyo good mood naman na ito ngayon.

“Oh.. your girlfriend?” tanong naman ng lalaki. Napakunot naman ako ng noo nang hindi niya ‘yon tinama at ngumiti lang siya.

“No, I’m not.” Ako mismo ang nagtama at ngumiti pa. Napaawang naman ang labi ng kausap at tumango. Sinamaan ko naman ng tingin si Jigs ngunit nag-iwas lang siya ng tingin.

Nagtungo naman kami sa lamesa nila ng kanyang mga kaibigan. Gusto ko na sanang umalis kaya lang ay nagpapakilala na ang mga ito at pinaupo niya pa ako sa isang upuan. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa mga kaibigan niya, wala ni isa roon ang kilala ko. Hindi ko pa rin nakikita sina Owen at Ryan, si Samuel lang talaga dahil kasama nina Mayor sa site.

Kahit na nandito na sa table na ‘to. Hindi ko maiwasang hanapin sina Sapphire at Fiona, nakita ko naman silang magkatabi nito at parehas na may kausap ngunit ang masamang tingin ni Sapphire ay nasa akin lang na wari ba’y may kasalanan ako rito. Hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin lalo na’t nang makita kong ikinawit pa ulit si Fiona ang kamay sa kaniya.

May mga kumukuha pa ng litrato sa kanilang dalawa. Hindi ko maiwasang mapangisi nang mapait dahil dito.

Tila nagbalik naman sa akin ang mga alaalang nangyari noong birthday niya, ganitong ganito rin ‘yon. Lagi’y si Fiona itong kasama niyang kumausap ng mga bisita.

Binaling ko na lang ang atensiyon ko dito sa mga nasa lamesa. Nagkwentuhan naman sila at hindi ako makarelate doon, hindi ko maiwasang mapakunot ang noo nang makita kong unti-unting umaakbay sa akin si Jigs.

Tumayo naman ako kaya nagulat siya. Maski ang mga kaibigan niya’y napatingin sa akin.

“Cr lang,”bsambit ko na naglakad na paalis. Hindi ko gusto ang inaasta nito sa mga araw na ito. Hindi naman siya ganito noon. Hindi ko alam kung oa lang ako, hindi naman ako ganito magreact pagdating kay Sapphire.

Nang makarating ako sa cr ay nagulat na lang ako nang sumunod pala si Fiona dito sa loob at walang sabi sabi niyang nilock ang pintuan. Napaawang naman ang mga labi ko nang dahan dahan siyang lumapit sa akin. Sa takot ko namang sasaktan ako nito’y napaatras ako.

“What’s wrong with you?!”bHindi ko mapigilang mapasigaw sa takot habang tinitignan ang kanyang mga mata na para bang kayang manakit.

“Let me ask you that question, February. What’s wrong with you? Bakit ka pa bumalik? Masaya na ako e! Masaya na kami ni Zeal pero eto ka nanaman! Nanggugulo sa aming dalawa,” galit na sambit niya na dinuro pa ako. Napaawang naman ang labi ko sa kanya at unti-unting nawala ang takot. Napatawa pa ako ng malakas dahil doon.

Nagulat na lang ako ng sampalin ako nito ng pagkalakas lakas. Hindi ako bumawi o ano. Tinignan ko lang siya mismo sa kanyang mga mata.

“Sinisisi mo ako dahil bumalik ako?” natatawa kong tanong sa kanya. Matapang niya lang akong tinignan.

“Oo! If you’re not here kami na sana ni Zeal! For 8 years ako ‘yong nandito! Samantalang anong ginagawa mo? Magboyfriend sa ibang lugar!” galit na galit na saad niya.

“You fucking seduce him again!” iritado niyang saad. Mas lalo pa siyang nainis nang tumawa ako.

“Oh... seduce him? I don’t need that,” nakangisi kong saad.

“Sinisisi mo ako. Bakit hindi mo sisihin ang sarili mo?” tanong ko.

“If in that 8 years, kahit isang beses lang. If he ask you to stay with him in that 8 years, I’ll reject him right away,” sambit ko. Natulala naman siya. Tama nga ang hinuha ko.

“Para ‘yan sa pagsampal mo sa akin,” sambit ko na sinampal siya ng isang beses. Sinampal ko pa ulit siya sa kabilang pisngi.

“That’s for you. Wake up, Fiona. It’s not worth it. Find another man to love, you’re beautiful. Don’t waste another year for the wrong person,” sambit ko na tipid na ngumiti sa kaniya at tinapik siya sa braso. I heard her sob kaya lumabas na ako ng cr para bigyan siya ng espasiyo. Somehow, I felt really bad for her, sobrang tagal niya ring nanatili sa tabi ni Sapphire.