Chapter 68
February’s POV
Hanggang sa maggabi ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sapphire sa akin.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bofire at halos lahat kami’y abala sa pakikipagkwentuhan, hindi ko naman tinitignan si Sapphire dahil ayaw kong lingunin ito.
Tahimik lang ako, nandito pa rin si Fiona at katabi nanaman ni Sapphire.
“Marshmallow,” sambit ni Sapphire sa akin at inabutan ako ng stick.
“Thanks...” mahina kong sambit. Tumango lang naman siya. Nasa kabilang parte naman ang mga bata, naglalaro ng sungka. Kahit na matanda na sina Aya at Cali, hindi pa rin nawawala sa kanila ang paglalaro niyon. Naging libangan na kasi talaga.
Habang kami naman dito ay nag-iinuman. Halos lasing na nga ang iba naming kasamahan. Maski ako’y nakailang shots na rin.
“Let’s play a game!” masaya nilang sambit.
Ano pa nga bang lalaruin edi ang common na spin the bottle. Napailing na lang ako at sumali pa rin naman.
“Kiss someone you like in this group,” sambit nila kay Sapphire. Napatingin naman sila sa akin.
“On the lips!” dagdag pa ni Isaac. Napaawang naman ang labi naming parehas ni Sapphire.
Tumayo naman si Sapphire, akala ng lahat ay hahalikan ako nito sa labi ngunit wala silang nagawa nang halikan ako nito sa noo. Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang dahil doon. Mas gusto ko pa ang halik niyang ‘yon, para bang walang halong kung ano kung hindi pagmamahal lang.
Napatingin naman kami kay Fiona nang umalis ito. Hanggang sa kinaumagahan ay hindi na namin siya nakita.
“Did you call Fiona?” tanong ko kay Sapphire na siyang prenteng prente na kumakain.
“No. Why would I?” tanong niya na pinagkunutan pa ako ng noo.
“Nagtatanong lang. Hindi ko siya nakita,” sambit ko.
“Umuwi na ‘yon,” aniya na napakibit pa ng balikat.
“She’s already in her shoot,” sabi niya pa. Hindi ko naman maiwasang paningkitan siya ng mga mata.
“She texted me,” sambit niya naman na inabot pa sa akin ang cellphone niya. Imbis na tignan ko ‘yon ay ang wallpaper niya ang napansin ko. It was our picture noong unang araw niya ulit akong niligawan.
“Sus! Patay na patay ka naman sa akin!” natatawa kong sambit sa kanya.
“Medyo,” sambit niya na napakibit pa ng balikat. Hindi ko naman siya maiwasang irapan.
Nang matapos kami ay agad na kaming tinawag ng mga kaibigan para sa jet ski activity ngayong umaga.
Napatawa naman ako nang mahina nang makita kong handang handa na sina Cali at Aya. Samantalang nakatingin lang naman ako sa kanila.
“Isa na lang daw, dalawa na kayo ni Sapphire, Febi...” sambit ni Isaac sa akin. Kahapon ko pa napapansin ang mga ginagawa nitong si Isaac. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit parang wala itong nakita at nakangiti pang kinausap si Sapphire.
Napailing na lang ako sa kanya at sa huli’y pumayag din naman.
“Do you want to try driving?” tanong niya sa akin.
“Sige,” sambit ko naman at tumango. Parang pinagsisihan ko naman na pumayag akong magdrive dahil nararamdaman ko ang hininga niya sa aking leeg sa sobrang lapit naming dalawa. Kahit na tumatama ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam ko pa rin ang mainit na hininga nito mula sa aking likod.
Hindi ko tuloy namamalayan na napabilis ang pagmamaneho ko.
“Fuck,” mahinang bulong niya sa akin. Muntikan na kaming magdire-diretso kung hindi niya lang siya kumilos. Naramdaman ko naman ang mainit niyang palad sa aking mga kamay. Inalis ko naman na ang kamay ko doon ngunit para pa rin akong mapapaso dahil mas dikit na ang katawan namin ngayon kumpara kanina.
Ramdam na ramdam ko kung gaano bumilis ang tibok ng puso. Para itong galit na galit na presong gusto ng makawala. Mas ramdam ko pa ang hininga niya sa leeg ko. Imbis na mag-enjoy sa view ay tahimik lang akong nagpapanalangin na sana matapos na dahil hindi na kaya nang puso ko ang bilis ng pagtibok nito.
Nang matapos ay agad akong lumayo sa kanya na tila’y napapaso. Hindi niya naman maiwasang mapatingin sa akin ngunit hindi ko na siya tinignan pa. Not good for my heart.
Nang matapos kami sa jet ski, nagbanana boat naman kami, hindi naman na ako tumabi pa kay Sapphire. Aba, kapag katabi ko ‘to’y parang sasabog na lang bigla ang puso ko.
Nasa harap ko naman ngayon si Architect Guzman. Naenjoy ko naman ang sarili ko sa banana boat ngunit nang tignan ko si Sapphire ay nakasimangot lang itong bumaba.
Mayamaya ay nagtungo naman kami sa dagat para sa parasailing na magaganap. Kaming anim nina Cali, Aya, Isaac, girlfriend niya, at si Sapphire ang nasa iisang bangka.
Katapat ko si Sapphire ngunit nasa ibang bahagi ang tingin ko. Hindi ko kayang tumingin dito. Nauna namang sumalang si Isaac at ang girlfriend niya. Natutuwa ko namang pinapanood ang mga ito habang sumisigaw sa taas. Enjoy na enjoy din naman si Cali at Aya sa panonood.
“Kayo na—“ Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Isaac.
“Kami na ni Aya ang magkasama,” sambit ko. Napatingin naman sa akin si Isaac na nagtataka at maya-maya ay napapatawa lang na napakibit ng balikat.
Nag-enjoy naman kaming dalawa ni Aya doon. Masaya lang ako ng bumalik ngunit nang makasalubong ko ang mga mata ni Sapphire ay nawala ang ngiti ko. Hindi ko na talaga alam sa sarili kung ano nga ba itong nararamdaman.
Gusto ko siya, alam ko naman na ‘yon, pero at the same time natatakot pa rin akong sumugal. Natatakot pa rin akong mawalan, saka nakakatakot ang epekto niya sa akin, nasa tabi ko lang siya pero grabe na kung magwala ang puso ko. Hindi ko naman ‘to naramdaman sa kahit na sinong naging boyfriend ko maliban lang sa kanya.
Nang matapos kami sa mga activities namin. Nagsipahinga naman na kami sa hotel. Nakita ko naman nakatingin sa akin si Sapphire habang papasok ako sa loob. Tinignan ko rin naman siya pabalik ngunit hindi ko ito kinausap.
Nakatulog naman ako nang hapon at nagising na lang ng gabi na.
“Ate, sunod ka na lang daw po sa bar, nandoon na sina Kuya Isaac,” sabi ni Aya sa akin.
“Kayo? Saan kayo pupunta?” tanong ko sa kanila.
“Diyan lang kami sa swimming pool sa baba, Ate. Kasama namin sina Inigo,” sabi sa akin ni Aya.
“Nasaan si Cali?” tanong ko naman.
“Nasa baba na, Ate,” sambit niya. Tumango naman ako.
“Alright,” sambit ko at tumango.
Nagbihis naman na ako, sinuot ko ang bikini top ko at nagsuot ng short. May bar kasi dito sa resort. Nagtungo naman na ako sa labas. Nakita ko si Sapphire na nakasandal lang sa tapat ng hotel nang mamataan niya ako’y nagsimula na rin siyang maglakad patungo sa bar.
“Oh ‘yan na pala sila! Lq ba?” natatawang tanong ni Isaac sa amin. Pinagkunutan ko lang siya ng noo at hindi pinansin, naupo naman ako sa isang gilid samantalang malayo rin naman sa tabi ko si Sapphire.
Sinusubukan naman akong kausapin ni Architect Lopez kaya lang ay wala akong pakialam sa mga tanong nito. Naiirita ako sa sarili ko dahil ang lamig-lamig ng trato ko kay Sapphire gayong wala naman ‘tong ginagawang masama.
Hindi niya naman kasalanan kung napapalakas niya ng ganoon ang tibok ng puso ko. Nagsimula naman ng mag-inuman ang lahat samantalang pashot shot lang kami ni Sapphire. Nakatingin lang ito sa akin samantalang ako naman ay paiwas iwas ng tingin sa kanya.
Mayamaya lang ay nagsitayuan silang lahat para magsayaw at magparty ngunit nanatili lang akong nakaupo, ganoon din si Sapphire. Hindi na ito nagdalawang isip pang lapitan ako.
“What’s wrong with you? Did I make you mad? Why?” sunod-sunod na tanong nito sa akin. Napaawang naman ang mga labi ko dahil sa kanya. Tila nasusian pa ito dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
“Wala, It’s just that, I’m not in the mood,” sabi ko.
“You’re not in the mood when it comes to me, hmm?” tanong niya at malungkot na nag-iwas ng tingin. Agad naman akong napabuntong hininga dito.
“It’s not like that!” sambit ko naman at napanguso.
“Then why?” tanong niya pa.
“Basta, don’t talk to me,” sabi ko pa. Inirapan niya lang ako at parehas kaming natahimik. Magkatabi na kami ngayon habang umiinom.
“May freestyle dance competition daw sa labas! Let’s watch, dali!” sambit ng iilang nasa bar at nagsilabasan.
Sabay naman kaming nagkatinginan ni Sapphire at parehas pang napangisi.
“Let’s go?” sabay pa naming tanong sa isa’t isa at sabay na tumayo para magtungo doon. Nang makarating kami sa labas ay nagtatawag lang ang isang host ng kung sino na gustong sumayaw.
Parehas naman kaming napangisi ni Sapphire. Well, kahit na madami ang nagbago. Hindi pa rin nawala sa akin ang pagiging dancer ko, ito pa rin ang nagpapawala ng stress sa akin.
“Baka naman kinakalawang ka na?” natatawa kong pang-aasar sa kanya.
“Oh, shut up, Febi, baka ikaw,” natatawa niyang sambit.
Nang magtawag ulit ay pumunta kami sa mini stage na gawa nila, kaya naman pala nagtataka kaming may stage dito. Mayroon pa lang ganito.
Nag-up here pa kami ni Sapphire habang hinihintay ang tugtog. Parehas naman kaming napangisi nang magsimula na ‘yon. Hindi namin inisip ang grandprize, parehas lang kaming nakangiti habang sumasayaw. Nililibang ang sarili at sinasabayan ang ritmo ng kanta.
Parehas pa kaming nagulat nang sabay kaming magthumbling at sabay ding namuo ang ngiti nang matapos ‘yon. Ang mga hiyawan mula sa mga nanonood ay tila naging musika sa aming mga pandinig.
Pangarap ko ito, ‘yong makaperform sa harap ng maraming tao at ang makasali sa isang dance competition. Hindi naman nawala ang ngiti naming dalawa hanggang sa matapos ang kanta. Napaup here pa kami dahil dito.
“Wow! Febi!”
“Ate! Kuya!”
“Mr. De Silva! Ang gwapo mo!”
“Zeal!”
“Ang galing niyo!” sabay-sabay na sigawan ng mga kaibigan namin.
Parehas naman kaming napaawang ang labi ni Sapphire nang makita ang mga kaibigan na nandito pala. Maski sina Aya at Cali ay manghang mangha habang nakatingin sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Sapphire at parehas napatawa nang mahina at pinamulahan ng mukha dahil sa hiya.
Nang makababa kami sa stage ay agad kaming nilapitan ng mga ito.
“Febilyn sa tagal nating magkaibigan, hindi ko kailanman nalaman na magaling ka pa lang sumayaw!” hindi makapaniwalang saad ni Isaac.
“Ate! Ang galing-galing mo!” sabi ni Aya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napatawa naman ako sa kanila ng mahina.
“Mr. De Silva, hindi ko akalain na marunong ka pa lang sumayaw, ano pa ba ang talent mo?” tanong ni Engineer Guzman habang nakangiti kay Sapphire.
“Wait! Now that I remember, kayo ba ‘yong pinost ng Mommy mo noon, Mr. De Silva?” tanong ng isa pang babaeng engineer kay Sapphire.
Tinignan niya naman ako. Napakibit ako ng balikat, anong magagawa ko kung marami siya masiyadong fans?
“Doctora, water,” sambit ni Architect Lopez na inabutan ako ng tubig.
“Salamat,” sabi ko naman na nginitian din ito pabalik. Nakita ko naman ang masamang tingin ni Sapphire at ang paglukot niya sa bottled water na hawak-hawak. Napanguso naman akong nag-iwas ng tingin.
Marami pang sumayaw sa harap at hindi naman na kami umaasang mananalo. Libang na libang lang kami, parang mas masaya pa nga ito kaysa sa loob ng bar. Nakikisabay din kami ang mga nanonood ang sa kanta. Kumbaga katuwaan lang talaga ang competition na ito.
“For our third place may we call on, Ms. Castro and Mr. De Silva,” sambit ng host na malapad ang ngiti. Nagulat naman ako roon at agad na napaawang ang labi.
Agad akong napatakbo kay Sapphire at ngiting ngiti na niyakap ito.
“Omg! We won! We won!” masaya kong sigaw. Saka lang ako dinapuan ng hiya nang makita kong nakatingin ang lahat sa amin at sobrang lapad ng kanilang mga ngiti.
Hindi ko pa maiwasang mahiya sa lalaking katapat ko ngayon. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin samantalang ako’y pinamulahan ng mukha sa sobrang hiya.
Ramdam ko rin ang paghihimutok ng puso sa sobrang lakas nito.