Chapter 66
February’s POV
“Oh... you’re here na pala talaga...” sabi niya sa akin na nakataas pa ang kilay. She’s still pretty, mas lalo nga lang gumanda ngayon, mas lalo pang humaba ang kanyang buhok at mas lalo pang pumuti.
Napangisi naman ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito kay Sapphire, maraming bali-balita ang tungkol sa kanila lalo na’t artista si Fiona kaya lang ay huminto rin ito ilang taon ang nakalipas.
Nakita ko naman kung paano ang pag-alis ni Sapphire sa pagkakahawak ni Fiona sa kanya. Nakangiti ako ngunit nakataas ang kilay ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanya nang lumapit sa akin si Sapphire.
“Is it really true that you’re courting that girl?!” malakas na sigaw niya kay Sapphire. Medyo nagulat naman ako roon kung sabagay kalat nga sa buong probinsiya namin na nililigawan ako nitong Sapphire. Paano’y lagi nilang nakikitang nag-aabang sa tapat ng clinic si Sapphire at hindi rin naman niya ‘yon tinatago. Kapag may nagtatanong ay sumasagot siya ng ‘oo’.
“Yeah,” sagot ni Sapphire, masamang tingin naman ang binaling sa akin ni Fiona as if kasalanan ko na nililigawan ako ng rumored boyfriend niya.
“What are you doing here, Fiona?” tanong ni Sapphire sa kanya.
“Vacation?” nakangiti nitong sambit. Napakibit naman ako ng balikat doon at nagpatuloy nang maglakad para tumungo sa hotel room namin dito sa resort.
Kasama ko sa kwarto sina Aya at Cali. Buhat-buhat ko na ang ilang gamit dahil binuhat na ni Cali ang iba. Nasa room na rin siya habang si Aya naman ay abala na sa pagkuha ng litrato.
Napatingin naman ako nang may umagaw sa mga buhat-buhat ko. Nakita ko naman si Sapphire na siyang masama ang tingin sa akin as if may kasalanan ako.
“What?” tanong ko na pinagkunutan siya ng noo. Nakita ko naman si Fiona na palibutan ng ilang fans niya.
“Why can’t you wait?” tanong iya.
“Why? I thought you’re still talking with your rumored girlfriend,” natatawa kong saad ngunit walang kabuluhan.
“It’s not true,” sambit niya. Napakibit na lang ako ng balikat. It doesn’t matter naman kung naging girlfriend niya ito o ano, huwag lang girlfriend niya ngayon habang nililigawan niya ako.
Katapat lang namin ang kwarto niya. Solo ng lolo mo.
“Ate, do I look okay ba?” tanong sa akin ni Aya. She’s wearing a red bikini. Umikot pa siya sa akin at ngumiti ng malapad. Hindi ko naman ito pinagbabawalan na suotin ang mga gusto niyang damit, maluwag naman ako pagdating sa kanila. ‘Yon nga lang ay ayaw ko pang magboyfriend at maggirlfriend ang mga ito hangga’t hindi pa nagiging legal.
Lumabas naman na kaming tatlo. Nakita ko namang naghihintay si Sapphire sa harap ng pinto. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Kahit na anong confident ko sa sarili, kapag ginagawa niya na ito’y hindi ko na lang talaga mapigilang maconcious.
“Let’s go,” sambit niya. Nakasunod lang naman sa amin ang magkapatid. Nang makababa kami ay nakita kong nandito rin si Fiona at tila ba hinihintay niyang lumabas si Sapphire.
Balingkinita ang katawan nito. Kung ikukumpara ang katawan ko sa kaniya, ‘di hamak na mas maganda ito at talaga namang maputi. Kahit sino atang tumingin dito’y maakit na lang. Katulad ng mga lalaking nasa likod niya na nakailang sulyap pa sa kanya.
“Zeal!” sambit niya at ngumiti pa kay Sapphire. Tinignan ko naman si Sapphire nang nakangiti ngunit nakataas ang kilay. Iniwan ko ulit siya roon. Ayaw ko namang mapagkamalan pa akong third party nang mga sumusuporta kay Fiona.
“Doctora!” sigaw nang mga kasama namin na siyang nagsusunbathing na, aba’t gusto ata nila agad na magpaitim.
Ngumiti naman ako sa kanila at lumapit. Sina Cali at Aya naman ay dumeretso na sa beach kasama sima Inigo.
“Hindi lang maganda, sexy pa!” natutuwang sambit ng ilang kaibigan nina Isaac. Hindi ko alam kung may kasama ba itong kung ano ngunit nginitian ko na lang sila.
Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ng ilang engineer at architect na babae. Tinignan pa nila ako mula ulo hanggang paa, tila ba ng iinsulto. Hindi ko na lang pinansin ang tingin nila at nagtungo na rin sa dagat.
I was busy enjoying myself when I saw Fiona and Sapphire in front of the beach taking pictures with their fans. Hindi ko man gusto pero nakakaramdam ako ng iritasiyon. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
“Remember when we’re college, Febilyn? The look in your face right now, looks exactly what you look when you were jealous with Ana Marie,” natatawang saad sa akin ni Isaac.
“Shut up, I’m not!” inis kong sambit sa kanya. Natatawa lang ako nitong tinignan, mapang-asar pa ang tingin nito kaya mas lalo lang akong nainis sa kanya.
Umalis naman siya sa harap ko habang tinatawanan ako. Pumalit naman si Architect Lopez na siyang nakangiti sa akin ngayon. Hindi naman sa nagmamagaling ako pero ramdam ko na may gusto talaga ito sa akin at hindi naman ako interesado sa kanya kaya lumayo ako at sumama kina Isaac na siyang kakwentuhan nina Cali.
Nalibang din naman ako sa pakikipagkwentuhan sa mga ito, ni hindi ko na namalayan na nandito na si Sapphire, pinagtaasan ko naman siya ng kilay ngunit hindi niya ‘yon pinansin.
Halos babad na babad kami buong umaga at kumuha rin ng litrato.
“Look at here,” sambit ni Sapphire. Siya lang ‘tong gustong kumuha ng litrato sa akin. Malapad naman ang ngiti ko doon. Maski siya ay nakangiti habang kinukuhanan ako.
“Tatlo tayo!” sabi ni Isaac na niyaya pa si Sapphire na tumabi sa amin. Tumabi naman ito sa akin. Mayamaya ay umalis si Isaac.
“Kayo naman,” sabi niya pa, sabi ko na nga ba may pinaplano ang gago.
“Closer naman!” sambit naman ni Isaac at lumapit pa para akbayan ako ni Sapphire. Hindi ko naman tuloy maiwasang pumulahan ng mukha sa sobrang dikit naming dalawa. Ramdam na ramdam ko pa ang lakas ng tibok ng puso at ang mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan.
“Smile naman!” demanding pa na saad ni Isaac. Ngumiti naman ako, hindi ko nga lang alam dito sa katabi ko.
“Isa pa!” sabi niya pa. Kaunti na lang ay tuluyan ko na ‘tong bubulyawan.
“Isa pa, hahambalusin na kita,” sabi ko na umalis na sa tabi ni Sapphire dahil nangangalambot na ang tuhod sa sobrang lapit nito sa akin. Paano’y ang katawan nitong hubad ay dumidikit din sa akin.
Natapos naman ang umagang ‘yon na libang na libang kaming lahat. Dumating naman ang hapon at nagulat na lang kami na may maliit na yate na sa gilid.
“Ito ba ang yate mo, Architect?” tanong nila kay Sapphire. Napatingin naman ako sa kanya.
“Ah, yeah, it’s my parent’s yatch,” sambit niya.
“Malapit lang ata rito ang private island ni Atchitect e. Pupwede ba tayong pumunta do’n?” tanong ni Engineer Guzman.
“Pupwede naman,” sambit ni Sapphire at tumango. Nagsisakayan naman na sila sa yate. Napatingin naman ako sa humahabol na si Fiona.
“Hi! Can I join you guys? Wala kasi akong kasama,” sabi niya na ngumiti pa sa amin. Pumayag naman ang mga ito. Hindi ko mapigilang mairita nang tumabi pa siya kay Sapphire. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nilibang ang sarili na pinagmamasdan ang payapang karagatan.
“Oh, sinong gustong sumubok magsnorkeling?” tanong ni Isaac. May mga apparatus kasi kami dito.
“I want to try,” sambit ko naman kay Isaac.
“Okay,” sabi niya at nag-okay sign pa sa akin. Napailing na lang ako sa kanya.
Gusto ko rin naman ‘yon maranasan saka marunong naman akong lumangoy.
“I’ll try it too,” sambit ni Sapphire.
“Ako rin!” nakangiting sambit ni Fiona.
“I thought you didn’t know how to swim?” tanong ni Sapphire sa kanya.
“Alam ko naman kahit paano,” sabi niya at ngumiti pa. Hindi ko naman maiwasang mapairap dahil nasa tapat ko pa talaga sila.
Nang nasa kalagitnaan naman na kami ay huminto ang yate. Nakaready naman na kami at handa ng tumalon sa dagat. Pagkatalon ko pa lang ay ramdam na ramdam ko na ang lamig ng tubig.
Hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ang karagatan, asul na asul ito. Kung iniingatan lang sana ng mga tao ang dagat paniguradong lahat ay ganito pa rin.
Nalibang ako sa mga nakikita kong isda kaya hindi ko namalayan na napalayo na pala ako sa yate pero wala namang problema dahil kayang-kaya ko namang bumalik doon at lumangoy.
“What are you thinking, Febi? ‘Di ba ang sabi huwag lumayo sa yate? Bakit ang tigas ng ulo mo?” nakasimangot na tanong ni Sapphire nang makabalik kami roon. Nakasunod pala ito sa akin.
Napanguso naman ako dahil dito. Hindi ko lang naman kasi mapigilang mamangha. Ang ganda kaya. Nagsibalikan na rin naman ang iba nang tumagal.
“Shit! Si Fiona wala pa rin!” malakas na sigaw ni Isaac na natataranta na. Wala pang umaahon na ulo. Walang sabi-sabi naman akong tumalon sa dagat. Hinanap si Fiona’ng hindi naman ata talaga marunong lumangoy.
Nakita ko naman siya na nasa gilid, kanina’y nakaahon ito ngunit nang makita ako’y unti-unti siyang pumikit at lumubog. Hindi ko naman mapigilang mapakunot ng noo roon ngunit agad ko pa rin siyang dinaluhan. Sinubukan ko itong kunin, nakita ko naman sa gilid si Sapphire. Agad naming dinala sa yate si Fiona.
Hindi ko na inayahan si Sapphire ang magcpr dito, bago ko pa maipalit ang mukha ko ay minulat na nito ang kaniyang mga mata at sinamaan na agad ako ng tingin. Hindi pa magpasalamat na niligtas ko siya.
Umubo-ubo pa ito. Hindi ko alam kung umaarte ba o ano ngunit alam ko naman na magaling na artista si Fiona, hindi ko nga lang alam kung totoo nga ba ito.
“Zeal...” malambing niyang tawag dito. Nakita ko naman ang paglapit ni Sapphire sa kanya. Hindi ko maiwasang mapairap dito.
“I want water,” sabi niya pa. Tumayo naman si Sapphire ara kuhanan siya. Nakita ko naman ang pagngisi niya sa akin nang makitang sumunod sa kanya si Sapphire.
“Panira ka talaga ng plano kahit kailan...” mahinang bulong niya sa akin na ako lang ang nakakarinig. Napaawang naman ang labi ko dahil doon. May hinuha naman na ako ngunit hindi ko alam na totoo nga.
Pagbalik ni Sapphire ay para ng linta si Fiona na dikit ng dikit dito. Buong hapon tuloy ay hindi ko na mapigilang mairita. Kahit na kausapin pa ako nito’y hindi ko siya magawang pansinin lalo na’t nakikita ko siyang nauuto ng magaling na artistang si Fiona.
Hanggang sa makabalik tuloy kami sa resort ay nakasimangot ako. Lalo na’t nang makita ko pang inalalayan niya ito pababa. Dire-diretso lang naman ang lakad ko paalis at pabalik na sana sa hotel room namin ngunit bago pa ako tuluyang tumungo roon. May mga lalaki akong nadaanan na sumisipol pa habang tinitignan ang boobs ko. Myghad, 2020 na pero ang dami pa rin talagang bastos sa paligid. May mga ubo pa rin ang mga utak.
Sasabuyan ko na sana ng buhangin sa mga mata ng tuluyan na silang hindi makakita ngunit may humawak na sa baywang ko.
“Are catcalling my wife? Hindi lang kulong ang aabutin niyo,” aniya sa mga lalaki. Agad naman na natakot ang mga ito at kaniya-kaniyang alis.
Agad ko namang siniko si Sapphire nang makaalis na sila.
“Wife, ha?” Pinagtaasan ko siya ng kilay at iritado pa siyang tinignan.
“Why can’t you wait? What do I supposed to do if something happenned to you?” kunot noo niyang tanong sa akin na sinamaan pa ako ng tingin. Binalik ko rin ang sama ng tingin niya sa akin. Ano bang pakialam niya?
“What? I can take care of myself! Bakit hindi mo na lang alagaan si Fiona?” tanong ko na sinamaan din siya pabalik ng tingin. Pinagkunutan niya naman ako ng noo nang dahil dito.
“What? Why would I? Ikaw itong nililigawan ko!” sambit niya.
“Wow! Hindi pa pala alaga ‘yon?” tumawa pa ako ng walang kabuluhan.
“Alam mo kung paano ako mag-alaga, February Jane,” nakangisi niyang saad sa akin.