Chapter 65
February’s POV
“Don’t forget to bring my gift,” natatawa pang saad ni Isaac mula sa kabilang linya. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinasabi nito at tinulungan na lang sina Aya at Cali na buhatin ang mga gamit na dadalhin namin para sa birthday ni Isaac.
May pa-outing kasi ang Lolo mo. Oh ‘di ba? Ang yaman na? Samantalang noon ay ni singkong duling ay ayaw akong pahiramin.
Wala naman kaming masasakyan dito kaya dadalhin ko ang kotse ko para makapunta sa pagkikitaan namin.
Napatingin naman ako kay Sapphire na kasama rin sa outing. Sobrang tagal din naman kasi nilang magkasama ni Isaac. Mas pagkakamalan ko pa nga na sila ang magbestfriend. Paano naman kasi lahat ata ng projects nila ay sila itong tandem.
“Let me carry that, Febi,” sabi niya na kinuha sa akin ang bag na hawak. Napatango naman ako. Nakasunod lang naman kaming dalawa ni Aya. Si Cali ay may buhat buhat din. Akala ko’y isasakay ni Sapphire ang bag sa kotse ko ngunit walang sabi-sabi niya naman ‘tong ipinasok sa loob ng kotse niya.
Hindi naman na ako nakaangal pa dahil umupo na ang dalawa. Mayamaya lang ay nakarating na kami sa kung saan ang usapan naming magkikita. Tatlong van ang nandito ngayon. May mga kasamahan sa trabaho si Isaac at ang iba naman ay ang mga kapitbahay namin, kasama niya rin ang girlfriend niya.
Imbis na siya ang batiin ko, sa girlfriend niya ako lumapit at nakipagbeso pa. Ang ganda talaga nito. Ang malaporselana niyang kutis ay para bang nakakatakot hawakan.
Nagpaalam naman na ako para tumulong sa pagpasok ng mga gamit namin. Nakipagkwentuhan naman sina Aya at Cali kina Inigo’ng nandito rin pala. Mukhang wala naman sina Ana Marie, siguro’y abala rin dahil sa nalalapit nilang wedding ni Piolo.
Mayamaya ay nagsakayan naman na kami. Napakunot naman ako ng noo nang walang isang nagtangkang tumabi sa akin dito sa unang bahagi ng van. Maski kasi sina Aya at Cali ay nasa likod, abala sa pakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan.
Napatingin naman ako sa kakapasok lang na si Sapphire, umupo siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung no choice lang ba ito o gusto niya lang talaga akong katabi.
Mayamaya lang ay nagsimula ng umandar ang sasakyan, lulan-lulan kami. Parehas kaming tahimik ni Sapphire habang ang lahat ay ang ingay dito sa van, halatang excited sa outing na magaganap.
Hindi ko naman na namalayan na nakatulog na ako.
“Hmm.” Umungol pa ako habang yakap-yakap ang unan ko ngunit agad na napamulagat ang aking mga mata nang mapagtanto na nasa van nga pala ako.
Agad naman akong napatingin sa ekspresiyon ni Sapphire na siyang nakangiti lang habang nakatingin sa akin, it was as if he was adoring me.
“You’re too loud when you’re asleep. Naghihilik,” sambit niya pa. Bahagya naman akong nahiya dahil dito.
“Shut up,” hindi ko mapigilang sambitin at napanguso pa. Tinignan ko naman ang mukha ko kung may panis bang laway o ano.
“But still, you’re pretty,” mahinang sambit niya. Mas lalo pang namula ang mukha ko dahil dito. Ang lakas lakas talaga niyang mambola. He was always like this he keep on sending shivers down my spine.
Hindi ko na lang pinansin ng sinabi nito at iniba na lang ang usapan naming dalawa. Halos tulog na nga ang lahat at nag-uusap pa rin kaming dalawa.
“He’s doing good naman na,” sabi ko nang maitanong niya ang tungkol kay Lolo James.
“How about you? I’ve red in an article na ikaw ang gumawa ng bahay ni Mailey? Is she that pretty?” tanong ko nang maalala ang artistang si Mailey. Lagi kong sinusubaybayan ang teleserye niya noong kaedad ko pa lang siya. Balita ko’y sobrang ganda na nito.
“Hmm.” Tila nasusian naman ang kanyang bibig at ayaw magsalita.
“Don’t worry, you can be honest with me,” natatawa kong saad.
“She is,” sambit niya. Hindi ko naman mapigilang mapasimangot sandali kahit ako naman ‘tong nagtatanong tungkol dito. Magsasalita pa sana siya ngunit agad ko naman ‘yong pinutol.
“What about the model? Draco? You work with him din, ‘di ba? Ikaw ang gumawa ng bahay niya? Gwapo ba? Mabait ba?” tanong ko pa. Si Draco naman ang model na siyang kinagigiliwan nang mga kaibigan ko sa hospital. Hindi naman talaga ako interesado rito kaya lang ay gusto kong iligaw ang usapan namin dahil ayaw kong isipin nito na dumadapo na naman ang iritasiyon sa akin.
“Yes, he’s handsome but not so handsome as me.” Mataas talaga ang confident level nito. Well, totoo rin naman ‘yon, kung ako ang papililiin ay sigurado akong siya itong pipiliin ko. Mas gusto ko ang gwapo nito.
“Why? Are you interested with him?” tanong niya naman na napasimangot pa sa akin.
“Bakit naman hindi? Ang gwapo kaya niyon! May number ka ba niya? May gf ba ‘yon?” tanong ko pa at ngumisi sa kaniya. Hindi na sigurado kung bakit ko pa nga ba ‘to sinasabi. Tila dumilim naman ang mukha nito at napairap pa sa akin.
“He’s a notorious playboy, hindi ka bagay sa mga ganoon,” sambit niya pa.
“And you’re not?” natatawa ko namang tanong sa kanya.
“I’m not!” sambit niya naman na salubong pa lalo ang kilay dahil sa aking tinuran.
“Hmm, okay, sabi mo e,” natatawa kong saad na inaasar ito. Sinamangutan niya naman ako dahil dito.
“Ano ba ‘yan, Febi, Zeal? Kayo na lang ang maingay!” sambit ni Isaac mula sa gitna mg bus.
“Okay, sorry, pasalamat ka birthday mo!” sambit ko rin sa kanya. Sabay-sabay naman silang nag’shh’ kaya napatawa ako ng mahina.
Nanahimik naman na kami ni Sapphire. I was busy checking the view outside the window when Sapphire felt asleep. Hindi ko naman maiwasang sulyapan siya. Pauga uga pa ang ulo nito kaya sinandal ko na lang siya sa aking balikat. Napangiti pa ako nang makita itong payapang natutulog.
Hindi naman na ako makatulog pa dahil nauna na akong makaidlip pa sa kanila kanina. Hindi naman ako gumagalaw at hinahayaan lang si Sapphire na sumandal sa akin.
“Febi...” Napatingin naman ako kay Isaac nang tawagin niya ang pangalan ko. Napalingon naman ako rito. Tumawa naman ito habang nakatingin sa camera, tila ba nakuhanan niya na ako ng litrato.
Hindi ako tumayo at sumigaw sa kaniya, ayaw lang na magising si Sapphire.
“You’re not going to eat?” tanong pa nila sa akin bago naglabasan para kumain. Tumango naman ako at sinenyasan na lang na ipag-order ako dahil ayaw ko namang maistorbo sa pagtulog si Sapphire.
Natahimik naman ang buong van dahil nga nasa labas na ang mga ito para sa stop over namin, nagsisikainan na. Ramdam ko na rin naman ang gutom ngunit indain ko muna ngayon. Napatingin pa ako kay Sapphire nang makita kong sobrang himbing ng tulog niya. Parang pagod na pagod ito. Sabagay, ang dami dami niya rin naman kasing project at siningit pa ata ang akin.
Mayamaya lang ay nagsibalik naman na ang mga ito. Nagising na lang si Sapphire dahil sa ingay nila habang papasok.
“Ito na, Ate, kain na po kayo,” sabi sa akin ni Cali bago dumeretso sa likod ng van. Medyo nagtataka naman si Sapphire sa pangyayari.
“You didn’t come with them?” tanong niya na pinagkunutan ako ng noo.
“Yes, because of someone,” sabi ko naman na tinignan pa siya habang natatawa.
“Am I that someone?” tanong niya na medyo nag-aalinlangan pa.
“Oo, Pre. Tulog na tulog. Tignan mo.” natatawang sambit ni Isaac na pinakita pa ang picture na kinuha niya kanina. Sinamaan ko ito ng tingin.
“Sinend ko na,” sabi niya pa at tumawa nang magsasalita pa lang sana si Sapphire.
“Ni hindi nga ‘yan bumababa para lang sa’yo,” natatawang saad pa nito bago umalis.
“Ginising mo na lang sana ako,” sambit niya.
“You’re in a deep sleep. I don’t want to wake you up,” sabi ko.
“But—“ Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay sinubuan ko na siya ng burger na nakagatan ko na.
“Let’s just eat in peace, Architect. Don’t bother talking,” natatawa kong saad. Inirapan niya lang ako bago nagsimula ring kumain.
“Mr. De Silva, binilhan kita ng burger, you like it, ‘di ba?” sabi no’ng isang engineer na kasama namin ngayon. Mahinhin na mahinhin pa ang tono nito habang nakangiti ng malapad kay Sapphire. Base sa kinikilos nito, mapaghahalataan na agad na may gusto siya kay Architect. Kahit saan talaga ay mabenta ito. Hindi ko mapigilang mapangisi.
“Thanks, Engineer Guzman,” sambit naman ni Sapphire sa kanya. Ngumiti lang ‘to bago bumalik sa kanyang kinauupuan.
Nilayo ko naman kay Sapphire ang pagkain naming dalawa kaya pinagkunutan niya ako ng noo.
“May pagkain ka na, you like burger pa nga, ‘di ba?” Panggagaya ko sa tono ni Engineer Guzman. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
“I don’t like it, ‘yon lang ang madaling kainin,” sambit niya na napanguso pa.
“Wow, maski pagkain ay minamadali, masiyado ka bang abala?” tanong ko na inabot na sa kaniya ang rice.
“Minsan, kailangan lalo na’t sunod-sunod ang project,” sambit niya.
“Bakit ka kasi tanggap nang tanggap?” tanong ko naman.
“I just want to make myself busy,” sabi niya na kumakain na ng chicken ngayon.
Magsasalita pa sana ako ngunit may lumapit sa aking mga architect na siyang kasama rin namin dito sa bus.
“Doctora, drinks,” sabi no’ng isang lalaking hindi ko matandaan ang pangalan.
“Thanks, Architect?” tanong ko na hindi matandaan ang pangalan nito. Napatingin naman ako kay Sapphire na napasimangot sa tabi ko. Pinagkunutan ko ito ng noo dahil hindi alam kung anong problema niya.
“Architect Lopez, Doctora, pero Gab na lang,” sabi niya at ngumiti.
“Febi,” sabi ko rin naman na ngumiti pabalik. Nagsimula naman na ring magbyahe ang sinasakyan naming van.
Napatingin naman ako kay Sapphire na tahimik at nakasimangot pa rin hanggang ngayon.
“What’s wrong with you? Ang sungit mo ahh! Kaya wala kang nagiging girlfriend,” sabi ko sa kanya. Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa kanyang pagkain. Natatawa ko namang inabot sa kanya ang inumin nang maghanap siya.
“As if I’ll drink that,” sabi niya na inirapan pa ako dahil nga inaabot ko ang binigay ni Atchitect Lopez.
“Arte, here oh, but I already drin—“ Hindi niya na ako pinatapos pang magsalita at kinuha na ang inumin na pinag-iinuman ko kanina.
“Architect Lopez likes you,” sambit niya nang matapos uminom.
“Alam ko, hindi naman siguro siya magbibigay ng pagkain kung hindi niya ako gusto, ‘di ba?” natatawa ko pang sambit para lang asarin ito. Natutuwa lang talaga akong makitang napipikon ito, hindi ko sigurado kung nagseselos ba ito pero parang ganoon na nga.
Masaya naman ako sa kung anong meron kami ngayon. We’re now in good terms. Lagi ay sinusundo ako sa clinic, lagi ay naghihintay din siya tuwing umaga sa bahay para lang ihatid ako.
Hindi niya naman ako kinausap hanggang sa makarating kami sa isla na pupuntahan namin. Sinusubukan ko ‘tong kausapin kaya lang ay kung sumagot oo o hindi lang.
Palabas na siya nang hinila ko siya para maiwan kami dito sa van. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay.
“Why are you mad ba? Bawal bang may magkagusto sa akin? And we’re not together pa naman, ah?” natatawa kong sambit sa kanya.
“Fine, get yourself ready. When you’re already mine, I’ll make sure everyone will know that you’re mine. Only mine,” mariing saad niya kaya napatawa naman ako.
“Wow, nagbabanta ka ba, Architect? Why are you sure I’ll answer you?”vsabi ko naman na pinagtaasan siya ng kilay. Napaawang naman ang labi niya ngunit agad ding nakabawi.
“I’ll make sure of that Sa akin din ang bagsak mo,” sabi niya naman at ngumisi. Magsasalita pa sana ulit ako ngunit agad kong nakita kung sino ang nasa labas ng van.
“Zeal!”vmalapad ang ngiti na tawag nito nang makalabas kami galing sa van.
Parang hindi niya pa ako nakita na tumakbo kay Sapphire. Agad ‘tong umaklang sa braso niya.
“Zeal, you’re here din pala,” sabi pa nito. Napaawang naman ang labi ko habang tinitignan si Fiona na dikit na dikit kay Sapphire ngayon.