Chapter 64

February’s POV

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Sapphire.

Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito sa clinic.

“Oh, mukhang hindi sasabay sa atin si Febi, tara na’t lumayas,” natatawang sambit nila sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Sapphire.

May dala kasi itong lunch box, iniwanan naman kami nina Paula.

“Sobra ba ang lunch niyo? Pinapaabot ni Mayor?” tanong ko pa. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil dito.

“No, of course not. I cooked that,” sambit niya.

“Anong meron?” hindi ko maiwasang itanong.

“Don’t forget to eat,” sambit niya na iniabot pa ang lunch sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kanya. Agad din naman siyang umalis sa tapat ko.

Hindi ko pa rin maiwasang magtaka habang nakatingin sa kanya ngunit tuloy-tuloy lang siyang naglakad paalis. Hindi ko tuloy alam kung anong trip ng lalaking ‘yon.

Napatingin naman ako sa lumchbox na binigay niya nakapaper bag ‘yon at sa loob ng paperbag may isang pang malaking brown envelope. Napasulyap pa ako sa bintana para tignan si Sapphire na siyang sakay-sakay na ng kotse niya.

Ang weird talaga nito simula kaninang umaga. Paano ba naman ay nagdala ito ng almusal at binigay sa akin. Walang kahit na anong palusot. Basta binigay niya lang.

Binuksan ko naman ang envelope at hindi ko alam kung sasabog ba ang puso ng makita ang laman nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang resume na gawa niya.

Hindi naman siya agad nag-aapply bilang boyfriend. He was seeking for opportunity daw to court me.

Napatawa pa ako nang mahina nang makita ko ang skill na nakasulat sa kanya.

“I can make you my wife. Wow!”

“Fuck!” gulat naman akong napatingin kay Paula na siyang nandito pala.

“Kaya pala ngiting-ngiti ang Lola mo,” natatawa niya pang sambit sa akin.

“Mapapasana ol na lang talaga ako sa’yo, Doc,” sabi niya pa sa akin.

“Hindi naman ako nainform na kailangan pala ng resume sa panliligaw sa’yo,” natatawa niya pang saad sa akin.

“Shut up,” naiiling ko pang saad sa kaniya at napatawa ng mahina.

“Give him a call,” sabi niya na tinuro pa ang number ni Sapphire na nasa itaas. Nandito rin ang email nito. Hindi ko alam kung pinagtitripan ba ako nito o ano. Binasa ko muna ang mga nakasulat doon. Kahit saan ata ito mag-apply ay talaga namang tatanggapin siya sa sobrang galing niyang mambilog ng utak.

Katulad nga ng sinabi ni Paula, I tried to call Sapphire. Wala pang ilang segundo ng sagutin niya ang tawag.

“Hey...” bati niya. Hindi ko naman maiwasang mapangisi dahil dito. Ang bilis sumagot, ha?

“Wow, tutok sa phone, ah. May inaabangang tawag?” tanong ko ng natatawa.

“Yeah, your call…” sambit niya naman. Napaawang naman ang mga labi ko sa tinuran nito, alam agad niya na ako ang kausap.

“What’s this?” hindi ko maiwasang itanong.

“Shrimp?” sagot niya naman pabalik.

“I mean this envelope?” tanong ko.

“My resume?” tanong niya naman.

“What the heck is wrong with you? Pinagtitripan mo ba ako?” tanong ko pa.

“Of course not. I’m serious about that. I’ll court you, Febi,” seryoso niyang saad mula sa kabilang linya. Hindi ko alam ngunit kusa na lang namuo ang ngiti sa aking mga labi. Nasusian ang aking mga labi dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Pinatay ko naman na ang tawag dahil dito.

Sapphire:

What’s wrong?

Ako:

I’m busy.

Wala pang ilang minuto ay may text na ito.

Sapphire:

Really?

Hindi ko naman mapigilang reply-an ito.

Ako:

Yeah.

Sapphire:

Have you eaten already? If you haven’t, eat now. I won’t disturb you.

“’Yan, napakaharot, Doc. Ngiting-ngiti ka na naman,” natatawang saad sa akin ni Paula. Napailing na lang ako dahil hindi ko talaga mapigilang mapangiti. Sa kaniya ko lang talaga nararamdaman ang ganitong tuwa.

Pati sa pagkain ay ngiting ngiti ako. Ang sarap nitong magluto at hindi ko pa mapigilang mapangiti sa pagkakaayos ng mga pagkain sa lunch box.

“Wow, inlove na inlove si Doc, patikim naman,” sabi ni Paula at Leah na tumapat pa sa akin. Kukurot na sana sila sa lunch ko ngunit agad kong tinapik ang kamay ng mga ito.

“Damot!” sabay pa nilang sambit.

“I’ll let you taste it. Tikim lang,” sabi ko na sinubuan pa ang mga ito.

“Ang sarap naman!” sabay pa nilang sambit at susubo pa ng isang beses ngunit pinaningkitan ko na sila ng mga mata.

Ngiting-ngiti naman ako habang kumakain. Agad kong sinamaan ng tingin si Paula nang kuhanan niya ako ng litrato gamit ang bago kong cellphone, tuluyan na kasing nasira ang keypad kong phone.

“Paula!” sigaw ko sa kaniya dahil lumayo pa siya sa akin at may kinakalikot doon.

Nang matapos ay patawa-tawa niya lang binalik ang phone ko, tinignan ko naman ang lahat kung anong ginawa nito ngunit parang alam ko na nang makita ko ang reply ni Sapphire.

Sapphire:

You look so cute. I’d like to put you in my pocket.

Sapphire:

Thanks God, You like it.

Halos himatayin ako nang makita ang sinend nitong litrato. Mata niya lang ang kita but I can see he’s smiling. Mapapangiti na rin sana ako kaya lang ay agad kong nakita ang litratong sinend ni Paula sa kanya. Ang taba-taba ng pisngi ko doon dahil punong-puno pa ng pagkain.

“Paula!” malakas kong sigaw ngunit natakasan na pala ako ng bruhilda. Ni hindi ko na magawa pang reply-an si Sapphire sa hiya.

Hanggang hapon ay abala lang kami sa mga pasyente. Ni hindi ko na nagawang pasalamatan si Sapphire sa meryendang pinadala niya. Kakailanganin na talaga naming magdagdag pa ng tao dito. Painat-inat pa akong lumabas sa office ko nang matapos ko ang mga dapat na gawin. Katulad ng nakasanayan, mag-isa ko na lang na natira maliban na lang kay Manong Guard na nasa labas pa.

Nagulat pa ako nang makita ko si Sapphire na nasa labas. I think he was waiting for me.

“Hey...” bati ko.

“You don’t have to bring your car next time,” sambit niya sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil dito.

“Let’s go,” sambit niya.

“Huh? Saan?” Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo sa kaniya. Nagkibit naman siya ng balikat. Hindi ko pa maiwasang mapatingin sa kanya nang sumakay siya sa kotse ko.

“What the? Nasaan ang kotse mo?” hindi ko maiwasang itanong.

“Nasiraan,” sabi niya pa ngunit hindi ako naniniwala rito kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

“Fine, I left it,” sabi niya.

“Let me drive,” sambit niya pa na nakipagpalit sa akin ng pwesto.

Napatingin naman ako sa phone ko nang makita ko ‘yon na tumunog.

Aya:

Enjoy your date, Ate! It’s okay to go home late.

Napakunot naman ang noo ko ng dahil dito. Pinagtaasan ko naman ng kilay si Sapphire na nilingon ako at mayamaya ay bigla na lang ngumiti.

“Let’s have a date, Febi,”! sambit niya pa.

“What? Tignan mo nga ang suot ko, para na nga rin akong isang inang may sampung anak sa sobrang haggard ng mukha ko,” hindi ko mapigilang sambitin sa kaniya.

“What are you talking about? What’s wrong with your face? You look good,” sambit niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dito o ano. Ramdam ko tuloy ang lakas ng tibok ng puso dahil sa kaniya.

“You’re just saying that,” sambit ko na inirapan pa siya. Napatingin naman ako sa labas ng salamin ng kotse ko. Hindi ko maiwang mapatingin sa daan kung saan kami tutungo ngayon.

Mayamaya ay nakarating kami sa isang mataas na lugar. Hindi ko kailanman napuntahan ang lugar na ito. Inalalayan niya naman akong umakyat.

Makikita sa ibaba ang magandang tanawin ng mga puno habang sa kabilang banda naman ay ang mga bahay bahay dito sa probinsiya namin. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito.

“Ang ganda!” hindi ko mapigilang ituran. Sa pananatili ko sa probinsiyang pinagtirhan namin nina Cali at Aya, hindi ako kailanman nagkaroon ng pagkakataon na mamasyal para sa sarili ko.

I was always busy. Ni wala na akong oras para sa sarili ko. Wala na akong oras para mamangha sa mga bagay bagay.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa isang picnic mat na may kandila at may pagkain pa. Napatingin naman ako kay Sapphire. Kusa na lang akong napangiti sa kanya. Dahan dahan namang kumibot ang ngiti sa mga labi nito.

Nabato balani ako sa kanyang esmeraldang mga mata. Tila ba siya lang ang nakikita ko.

Napaupo naman ako doon at hindi na mawala-wala ang ngiti mula sa aking labi.

“Like it?” tanong niya. Wala naman akong pag-aalinlangan na tumango. Hindi rin mawala-wala ang tingin ko sa kalangitan. Ang ganda ng mga bituin na kumikindat.

“This is my first time for a while...” hindi ko mapigilang sambitin. Nakatingin lang naman siya sa akin.

“I’ve never experience having fun for myself for a while,” sambit ko sa kaniya.

“Why?” tanong niya.

“Hmm, busy? It’s just that, I’m too busy to have fun. I want to take care of Aya and Cali, gusto ko lang silang bigyan ng magandang buhay,” sambit ko.

“You’re already doing that now.”sambit niya at ngumiti pa sa akin.

“I’m so proud of you, Febi, remember when you told me you just want to be a succesful someday? You finally did it,” sabi niya na nakatingin lang sa akin habang malapad ang ngiti.

Hindi ko rin maiwasang mapangiti doon, naalala niya pa rin pala ‘yong mga sinasabi ko sa kanya noon.

“Same with me... this is also my first time for a while...” sambit niya.

“Huh? Ngayon ka lang ulit naka—“ Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin nang magsalita na siya.

“It’s my first time for a while to smile like this. To finally have fun,” sabi niya na ngumiti sa pa sa akin.

“Sus, ang sabihin mo lang masiyado ka lang natuwa ng sabihin kitang mas gwapo kapag nakangiti,” natatawa kong sambit sa kanya.

“Hmm, that too,” napangisi niyang saad.

“Let’s take a picture,” sabi ko sa kaniya na nilabas ang cellphone ko.

“Say cheese!” nakangiti kong saad. Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang makita ko siyang ngumiti.

Ang dami ko pang kinuhang litrato. Maganda rin naman pala ang hindi keypad na cellphone.

“Send it to me,” sambit niya kaya tumango naman ako.

“You look cute,” sambit nito. Pinamulahan naman ako ng mukha dahil dito ngunit ngumiti lang naman siya sa akin.

“Let’s just eat, ang dami pang sinasabi. Gutom na gutom na ako,” sambit ko pa sa kaniya dahil nahihiya na rin sa biglaang pamumuri niya. Napailing na lang siya sa akin ngunit nilapit din naman ang mga pagkaing kanyang inihanda.

“So how’s life being Architect? Madami ka bang chix?” casual lang na tanong ko, as if hindi ko ito naging ex.

“It’s fine. Wala,” sabi niya pa. Hindi ko naman tuloy mapigilang paningkitan ito ng mga mata.

“Sus, huwag ako, Architect! Sa dami ng dinadaluhan mong mga party? Saka ang dami ngang nalilink sa’yo e! Impossibleng wala!” sambit ko sa kaniya. Well, kapag napapatingin kasi ako sa ibang article sa kaniya, hindi ko maiwasang basahin kahit na wala na kami.

“So you’re checking on me, ha?” nakangisi niyang sambit. Napaawang naman ang labi ko dahil sa tinuran nito.

“Of course not! Nakikita ko lang ang ibang article tungkol sa’yo at maski sa hospital ay maraming may gusto sa’yo. Impossible namang wala akong malamang balita sa mga hottest bachelor in town, hindi ba? And don’t fool me! Ang dami mong chix,” sambit ko pa.

“So you’re also checking on other boys, ha?” sambit niya na tila ‘yon lang ang narinig.

“Those article aren’t true, I haven’t date for a while,” sambit niya. Hindi naman ako naniwala doon. Impossibleng hindi siya nakipagdate sa kahit na sino.

“It’s fine, Architect, hindi mo na kailangang itanggi. Hindi naman mababawasan ang puntos mo,” natatawa ko pang biro ngunit napasimangot lang siya.

“I don’t have girls, I only have you... but you left me,” mahinang bulong niya, sapat na para marinig ko. Napako tuloy ang tingin ko sa may pagkain.

Hindi makapagsalita, para tuloy bumalik sa akin ang lahat. Ang sakit na nararamdaman no’ng araw na ‘yon, ang sunod-sunod na pag-ulan. Sunod-sunod na pag-ulan kung saan nawala sa akin ang mga importanteng tao sa buhay ko.