Chapter 63
February’s POV
Nagising ako ng madaling araw na mabuti na ang pakiramdam. Naalala ko naman ang mga pinaggagawa ko kay Sapphire kahapon. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil dito.
Tatayo na sana ako para uminom ng tubig ngunit agad kong nakita si Sapphire na natutulog na nakaupo sa gilid. Hindi pa rin pala ito umuuwi, pero nandito naman na sina Aya at Cali, ha?
“He doesn’t want to go home, Ate.” Nagulat naman ako kay Cali na uminom ata ng tubig at sumilip dito sa kwarto. Napatanga naman akong napatingin dito.
“Is there something you need, Ate? Okay ka na po ba?” tanong pa sa akin ni Cali.
“Don’t worry about me, Cali, mabuti na ang pakiramdam ko, go back to sleep, may pasok ka pa bukas,” sabi ko na nginitian siya. Tumango naman ito at hindi na nakipagtalo pa sa akin.
Kumuha lang ako sandali ng tubig at bumalik din agad sa kwarto ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin kay Sapphire na mukhang hindi kumportable sa kanyang itsura ngayon. Nalaglaga din ang comforter na nasa katawan niya. Kinuha ko ‘yon at nilagay sa kaniya.
Gusto ko sana siyang ilagay sa kama kaya lang ay siguradong magigising ito at hindi ko naman din siya kayang buhatin.
Bumalik na lang ako sa pagkakahiga at sinubukan pang matulog kaya lang ay hindi ako tinatangay ng antok. Dito na kasi ako natutulog sa kwarto nina Lola samantalang si Cali naman ay sa isang kwarto at si Aya ay sa kwarto namin dati.
Napatitig pa ako kay Sapphire, hindi ko maiwasang isipin kung bakit nga ba niya ito ginagawa. Totoo ba ang sinabi niya noon? Gusto niya pa rin ba talaga ako? Bakit parang hindi? At hindi rin naman siya nagpaparamdam, maliban lang noong party ni Mayor.
Napatingin naman ako sa porridge niyang sinabihan kong hindi masarap, nakatakip pa rin ‘yon at mukhang hindi nagalaw. Hindi ko naman tuloy maiwasang tikman. Anong sinasabi mong hindi masarap, Febi? Ang sarap #-sarap ng luto nito!
Kahit malamig na ay ayos pa rin naman ang lasa. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
“Hmm, ayos na ba ang pakiramdam mo?” Nagulat naman ako nang magsalita si Sapphire. Mukhang nagising sa ingay ko.
“I’m fine na. Thank you,” sabi ko na nginitian siya.
“Is there anything you need?” tanong niya. Napatingin pa siya sa hawak kong porridge, bahagya naman akong nahiya.
“Arw you hungry? Huwag mo ng kainin ‘yan, I’ll cook another one or should I buy na lang?” Inagaw niya pa ang porridge na hawak ko ngunit hindi ko naman hinayaang kunin niya ito.
“No, it’s fine, I’ll eat this one,” sabi ko naman.
“Febi, huwag na—” Hindi ko na siya pinatapos pa.
“It taste good, okay? Wala lang talaga akong panlasa kanina,” sabi ko naman sa kaniya.
“Really?” tanong niya na mukhang natuwa pa dahil dito. Hindi naman na nito napagilan pang mapangiti, ganoon din ako. Hindi ko alam pero talaga naman kasing nakakahawa ang ngiti nito.
“Mas gwapo ka kapag nakangiti, Atchitect,” hindi ko mapigilang sambitin, parehas naman kaming natigilan sa tinuran ko ngunit parehas ding ngumiti kalaunan.
“How about you? Do you want to eat anything?” tanong ko sa kanya.
“Hindi na. Magpahinga ka na lang, Febi,” sabi pa niya sa akin.
“Have you eaten? Pinakain ka ba nina Cali?” tanong ko sa kaniya.
“Hmm, yeah, we had dinner last night,” sambit niya at tumango. Parehas naman kaming natahimik dalawa. Hindi alam kung anong sasabihin sa kanya.
“You can rest at your house na. I’m fine na. Thank you for taking care of me,” sambit ko na nginitian pa siya.
“No, I’ll wait till this morning. Baka mamaya ay bumalik pa ang lagnat mo,” sambit niya.
“Why are you doing this?” tanong ko sa kaniya. Natigilan naman siya sa diretsahan kong tanong.
“Crush mo ako no?” natatawa ko pang tanong para maalis ang awkwardness na nasa pagitan naming dalawa.
“Higit pa...” mahinang sambit niya na nakapagpatigil sa akin. Natahimik naman kaming parehas dito.
“I’ll sleep here, you can ask me anything you want,” sambit niya na tumalikod pa sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapaisip sa sinasabi nito.
Pakiramdam ko tuloy ay mapapaniginipan ko ang sinabi nito. Tuluyan naman na akong nakatulog. Parang hinehele ako sa simpleng ‘higit pa’ nito. It was really a music to my ears.
Nagising na lang ako na umaga na’t wala na si Sapphire sa tabi ko. Lumabas naman ako sa kwarto at nakita ko silang tatlo nina Cali na nagluluto na ng almusal.
“Gising ka na pala, Ate. Let’s eat na, nagluto na kami nina Kuya Zeal,” sabi ni Aya na malapad ang ngiti sa akin.
Napatingin naman ako kay Sapphire at Cali na magkausap ngayon, parehas malapad ang ngiti nilanh dalawa habang nag-uusap.
“Let’s eat na, Ate,” sabi nila sa akin. Tumango naman ako sa kanila.
Napapatawa na lang din ako dahil sa mga kwento ni Aya, ang daldal-daldal kasi talaga nito.
“Good mor—“ Natigilan naman kaming lahat nang may babati sana ngunit hindi na niya tinuloy.
“Oh…” Napaawang naman ang labi ni Jigs nang makita niyang nandito si Sapphire.
“What are you doing here, Zeal?” tanong nito.
“Kapitbahay namin siya, Kuya,” sambit naman ni Aya kay Jigs na may mga dala-dalang pagkain.
“Good morning,” sabi ko at ngumiti sa kaniya. Hindi naman ako nito magawang ngitian. Seryosong-seryoso lang ang tingin niya habang nakatingin sa akin.
“Kain ka na rin. Ipagkukuha lang kita ng plato,” sabi ko sa kanya at ngumiti pa ulit. Nang tignan ko naman si Sapphire ay nakatingin lang ito sa akin.
Kumuha lang naman ako ng plato ngunit sumunod si Jigs sa akin.
“Anong ginagawa niyang si Zeal dito, Febi? Akala ko ba’y tapos na kayo? Ano na naman ‘to? Magpapakatanga ka na naman ba sa kanya?” tanong niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapakunot ang noo. Kahit kailan naman ay hindi ako ginago ni Sapphire kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksiyon niya.
Lagi itong ganito kapag nagkakaroon ako ng boyfriend, parang higit pa sa kaibigan kung makapagreact ito.
“Ano bang problema mo, Jigs? Ano naman sa’yo?” Hindi ko maiwasang mairita ng dahil dito. Nagulat naman siya sa aking tinuran. Noong nagkaboyfriend kasi ako, hindi ako kailanman sumagot kapag nagagalit siya sa mga nagiging boyfriend ko. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang mairita ngayon, hindi ko rin naman alam kung bakit.
“Bakit gusto mo pa rin ba siya?” tanong niya. Nawala naman ang atensiyon ko sa kanya, na kay Sapphire na siyang kakapasok lang. Nakatingin din ito sa akin ngayon.
Gusto kong sumagot ng ‘oo’ ngunit pinili ko na lang huwag pansinin ang tanong nito.
“Is there anything you need?” tanong ko. Bahagya naman siyang tumango.
“Kukuha lang ng inumin,” sambit niya na kumuha na sa ref at lumabas na rin.
“Let’s stop this, Jigs, wala ring magandang maidudulot ‘tong usapan nating dalawa,” sambit ko. Kaibigan ko si Jigs at ayaw ko rin naman na nagtatalo kaming dalawa ng ganito.
Hindi na siya nagsalita ngunit kitang-kita ko pa rin sa mukha niya ang iritasiyon na hindi ko naman maintindihan kung saan nanggagaling.
Lumabas naman na kami nang makuhanan ko siya ng pinggan. Parang wala namang nangyari akong nakipagkwentuhan kay Aya. Laking pasasalamat ko na lang din na madaldal ang kapatid kong ito.
“You’ll stay home, Ate, right?” tanong sa akin ni Cali.
“I can work naman na, Cali, ayos na ang pakiramdam ko,” sabi ko sa kaniya.
“Really?” tanong naman sa akin ni Sapphire na pinagtaasan pa ako ng kilay. Sinalat niya pa ang noo ko.
“Stay at home,” sambit niya kaya napanguso ako.
“Mukhang hindi naman ata ikaw ang dapat magdesisyon niyan, Pre,” natatawang saad ni Jigs. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo sa kaniya. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan ang dalawang ‘to kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang iritado si Jigs sa kaniya.
“So are you?” mahinang tanong ni Sapphire habang nakangisi. Kaunti na lang naman ay mapipikon na si Jigs dito.
“Kagagaling lang kasi sa sakit ni Ate, Kuya,” sabi naman ni Aya na tila ba nakikitang nagkakainitan ang dalawa.
“Nagkasakit ka? Why didn’t you tell me?” tanong naman nito sa akin.
“As if she have a time to do that…” bulong-bulong naman ni Sapphire kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinikom naman nito ang bibig niya. Napatingin naman ako kay Jigs na masama na ang tingin ngayon.
“I’ll stay here,” sabi ni Sapphire sa akin.
“Hindi na, Architect. Ayos naman na ako,” sabi ko pa at ngumiti sa kanya.
“It’s my day off. Sasamahan na lang kita rito, Febi,”sabi ni Jigs. Napatingin naman sa akin si Sapphire na tila ba gustong umangal sa suhestiyon ni Jigs ngunit sumang-ayon na ako roon.
“Alright,” sambit ko at tumango. Ayaw ko naman kasing makaistorbo pa kay Sapphire dahil magdamag niya na akong binantayan kagabi at ayos na rin naman ang pakiramdam ko ngayon.
Nang matapos na sila ay nagsi-alisan naman na sina Aya at Cali para pumasok na sa school. Ganoon din naman si Sapphire na hindi pa rin maiwasang mapatitig sa akin bago umalis.
Naiwan naman kaming dalawa ni Jigs na parehas lang na natahimik sa tahimik na lugar na ito.
“What do we supposed to do? Let’s just go to the mini market dito,” sabi ko sa kanya at ngumiti.
“Magpapahinga ka pa, ‘di ba?” tanong niya naman sa iritadong tono.
“Why are you mad? Anong problema mo?” hindi ko maiwasang itanong sa kaniya. Naiirita na rin dito. Nakita niya naman na iritado na rin ako kaya huminto na siya.
“I’m sorry about that, Febi,” sambit niya na naguilty naman sa galit na pinapakita sa akin. Tumango naman ako sa kanya.
Nagtungo naman kami papunta sa palengke dito sa amin. Hindi pa ulit ako nakakapunta dito kaya gusto ko ring bumisita.
“Danielo!” malakas kong sigaw ang baklang si Danielo na ang laki-laki na ang katawan ngayon. Agad ko ‘tong niyakap.
“Te, ang gwapo mo naman,” natatawa kong saad. Napalangutngot ako ng ngipin nang pakiramdam ko’y naalisan ako ng anit dahil sa sabunot ng kung sino. Pucha.
“Rebecca!” sambit ni Danielo sa lalaking lalaki na tinig. Napatingin naman ako sa baba na nabunit sa akin. Gaganti pa sana ako ng hilain ako ni Jigs. Saka ko lang din namukhaan na si Bec pala iyon.
“Febi?!” gulat na sigaw niya habang nakatingin sa akin.
“Hala, Sorry!” sabi niya habang nakatingin sa akin.
“Pasensiya na talaga, Febi, hindi ko alam na ikaw iyan,” sambit niya.
“Akala ko makikita ko na ang babae nitong si Danielo,” sabi pa niya. Nakita ko namang may maliit na bata na nakasakay sa stroller. Napaawang naman ang labi ko nang makitang buhatin ni Danielo ang bata, saka ko lang napagtanto na sila pala. Saka ko lang din naalala ang sinabi ni Isaac noon na may girlfriend na raw si Danielo.
Hindi rin kasi ako naniniwala noon, akala ko’y pinagloloko lang ako nitong si Isaac.
“Hala! Ang cute ng baby niyo!” hindi ko mapigilang sambitin habang nakatingin sa bata. Napangiti naman sa akin ni Rebecca.
“Kukunin ka nga sana naming Ninang kaya lang ay baka abala ka,” sabi niya.
“Hindi no! Pwedeng-pwede ako!” natatawa kong saad. Nagtungo pa kami sa bahay ng mga ito para lang magkwentuhan. Hindi naman sa walong taon kong hindi nakita ang mga ito pero nasa ilang taon na rin siguro.
Nang matapos naman kami sa bahay nila ay umuwi na rin kami ni Jigs. Hanggang sa maggabi ay nandoon pa rin siya. Nakikipgakwentuhan kina Aya at Cali. Lumabas naman ako para magpahangin. Nakita ko namang nasa bakuran niya si Sapphire. He was just staying there, drinking milk perhaps.
Napatingin naman siya sa akin nang makita niya akong nakatingin sa kaniya.
“Drinking milk? Hindi ka makatulog?” tanong ko na lumapit pa sa kanya. Hindi nanan siya nagsalita.
“Your visitor still there?” balik tanong niya naman.
“Ah, kausap sina Aya. Tinutulungan sa homework,” sabi ko naman at tumango.
“Is he your boyfriend?” tanong niya pa. Napaawang naman ang labi ko sa tanong nito ngunit mas lalo lang akong nagtaka sa sarili nang wala pang isang segundo ay napailing na.
“No,” sambit ko pa.
“Good.” Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa kaniya.
“What about a boyfriend? Do you have one?” tanong niya pa. Umiling din agad ako.
“Can I apply?” tanong niya kaya agad akong natawa rito.
“Wala ka pa ngang pinapasang resume,” natatawang sambit ko naman sa kanya. Sinasakyan ang trip nito kahit ramdam na ramdan ko ang lakas ng tibok ng puso dahil seryosong-seryoso ang kaniyang mukha tila walang halong biro ‘yon.