Chapter 9-Hates A Lot Pt.1

[Dion's Point of View]

Why do I act like this? Why I'm feeling this way?

"Hey, Cole Dion. She is just a crush. You just admire her, there's no reason for you to feel hurt," I said to myself.

Kanina nang bumalik na ako sa room ko na kinaroroonan ni Vida, I caught her talking with someone on the phone. Kitang-kita ko kung paano s'ya ngumiti right after n'yang patayin ang tawag. But it didn't end there, she even kissed the phone screen, and it made me feel something that I didn't expect to feel—I was hurt. Yeah, I admit. Iniisip ko pa lang na baka boyfriend n'ya ang kinausap n'ya para na akong maiiyak. Kaya nga kanina after I witnessed what she did, I immediately hid and walked away.

Andito ako ngayon sa terrace, nakatingala sa room ko sa kasunod na palapag.

"She's probably waiting for me," I mumbled.

"And why would she wait for you? Sino ka ba?" kontra naman ng isip ko.

This is insanely weird. Ilang linggo ko pa lang s'yang nakilala yet I'm acting like this. Is this the definition of 'love at first sight'? So weird.

Few minutes later, I decided na balikan na s'ya doon sa taas. Baka may kailanganin s'ya tapos pawala-wala ako. Dinaanan ko muna ang ginawa kong banana shake kanina for Vida. I hope she'll likes it.

"Hi?" I knock the door even if it's widely open. I want to let her know na nandito na ako para naman hindi s'ya magulat sa biglaang pagsulpot ko.

Nakita ko ang wall na dinodrawingan n'ya ng outline, nangangalahati na s'ya. It's cool, ang ganda na kahit outline pa lang. I can't wait na mapinturahan n'ya na lahat.

"Take a break. I made you banana shake," I said as I put the glass in the table.

"Salamat pero tapos na akong kumain ng pancakes. Dinalhan ako dito kanina ni Manang Felicita," aniya habang tutok sa kaniyang ginagawa.

"Oh? Nice. Inumin mo na 'tong banana shake—

"Dinalhan n'ya rin ako ng iced tea," she cut off my words.

Nanghihinayang akong tumingin sa dala ko. "Okay. Ako na lang ang iinom nito para naman hindi masayang." I sighed and drank the banana shake. I feel like my effort has been wasted.

"Anyways, sa'n ka sasakay pauwi?"

"Sa sasakyan," she said seriously. What's with this girl?

"May kasama ka ba? May susundo sa'yo?"

"Si Faye," maikli n'yang sagot.

"Ahh 'kay. Ano'ng oras ka uuwi?"

"Kapag oras na ng uwian," she answered sarcastically.

"It's getting late, pwede ka ng umuwi. Ako na lang ang magsasabi kay Dad. Mga 10 o'clock pa kasi sila darating from work."

Pero hindi n'ya ako inimikan. Ganito ba talaga s'ya? Why do I feel like she hates me a lot?

"Ayaw mo pa rin bang umuwi?" yet she remained speechless. Dahil sa katigasan mg ulo n'ya naisipan ko na lumabas na ng room at—patayin ang ilaw.

"Shuta!! Gonggong na'san ka?! Buhayin mo ang ilaw!" at agad ko namang pinindot ang switch.

I saw how her expression right after nakita n'ya ako. Doon pa lang nahulaan ko na ang susunod n'yang gagawin kaya dali-dali akong lumabas at sinara ang pinto.

"Gonggong ka talaga! Siraulo ka! Alam mo bang takot ako sa dilim? Pa'no kung nahimatay ako sa takot? Ano'ng gagawin mo ha?!" Pilit n'yang nilalabanan ang lakas ko sa pagbukas ng pinto, while I kept pulling the door knob. But I don't actually exert my full force I just wanted to tease her. But it turns out bad when I accidentally let go of the doorknob that made Vida tumble in the floor. I instantly walked towards her, and to help her get up but she declined it.

Inis na inis s'yang tumitig sa'kin at agad na kinuha ang bag n'ya para umalis.

"Vida!! Vida! I'm sorry! I didn't mean it!" paghabol ko sa kan'ya.

"Cole? What happened?" si Ate na kararating lang.

"I—I..." I shook my head at sinabi sa kan'ya ang ginawa ko. But I was expecting na magagalit s'ya sa'kin pero ang nangyari, tinawanan n'ya lang ako mg malakas.

"Sundan mo s'ya, baka kung ano na gawin no'n. I didn't know na maypagka brat side ka pala hahaha."

"Ate? "

I didn't waste any time kaya sinundan ko s'ya doon sa labas. Nakasalubong ko rin si Manang at taka ako nitong tiningnan. Mabuti na lang hindi pa s'ya nagtanong. Nang tuluyan akong makalabas, I searched for her at nakita ko s'ya na nandoon sa kanto malapit lang dito sa bahay namin.

I walked towards her pero habang papalapit ako sa kan'ya, s'ya namang paglakad-takbo nito papalayo sa akin.

"Vida!"

After a while, huminto s'ya sa isang tabi. Madilim na kasi sa susunod na daraanan namin and that made me think na baka malala talaga ang takot n'ya sa dilim. Nagdalawang-isip pa ako na lapitan s'ya kasi baka sigawan n'ya lang ulit ako, but I still did the right thing—ang lapitan s'ya at kausapin.

I saw how she breathe difficultly. I was so worried that I grab both of her arms para alalayan s'ya. "Vida? Are you—you alright?"

"I-I'm okay. Bitawan mo 'ko," inalis n'ya ang mga kamay ko sa kanyang braso. "Umalis ka na, hindi kita kailangan."

"I'm really sorry." I kept saying 'sorry' to her because I don't know what to do. It's really my fault. Gusto kong lumapit sa kan'ya pero paulit-ulit n'ya naman akong tinutulak kaya I just kept myself distanced from her.

Umupo s'ya sa gilid at hinalungkat ang bag n'ya. Parang may hinahanap s'ya na kung ano sa loob nito. "May maitutulong ba ako?" I asked as I take a step towards her.

"D'yan ka lang!" pagturo n'ya sa kinaroroonan ko. "Malas ka talaga sa buhay ko. Simula nang makilala kita nagkandaleche-leche na buhay ko."

I don't know but I found it a little hurt to my feelings. Yes, I am so sentitive. Para akong babae sabi pa nila. I cried even on smallest things. I am different. Hindi ako katulad ng ibang lalaki na matapang, na kaya nilang pigilan ang emosyon nila. Ako kasi hindi, I am so vulnerable. And that's my secret. As long as kaya kong itago na ganito ako, gagawin ko. Kaya nga wala ako masyadong kaibigan, family ko lang ang palagi kong natatakbuhan. At masaya naman ako na sila ang pinili ko, kasi they're my safest place. They give nothing but love for me. Sila lang ang nakakaalam tungkol sa'kin—sa buong pagkatao ko.

I just hope hindi iyon napansin ni Vida.

Going back to our situation right now, naupo na rin ako malapit sa kinauupuan ni Vida. Mukhang mas okay na s'ya ngayon, at mukhang humupa na rin ang matinding galit n'ya sa akin.

"Pahiram ako ng phone," aniya habang nakatingin lang sa kanyang sapatos.

Agad ko namang kinuha ang phone ko sa aking bulsa. "Here."

"May pantawag 'to?"

"See it yourself."

"Tss. Password?"

"Taekook," I said. Lol, that was confidential. Why it's just so easy for me to give it to her?

"Tey—ano? Ano'ng spelling no'n?" Binigay nya sa'kin pabalik ang phone ko. Agad naman n'yang kinuha ulit nang mabuksan ko na.

She dialed a number in my phone. Sino kaya 'yon? Prolly her boyfriend.

Nanlumo ako dahil sa sariling naisip.

Tumayo s'ya nang sagutin na mula sa kabilang linya ang taong kinontack n'ya. Malayo ang tinigilan n'ya kaya wala akong narinig. Ilang minutes lang din, bumalik na s'ya para isauli sa'kin ang phone ko.

I didn't take off my eyes on her.

"Wag ka magexpect na magpapasalamat ako sa'yo. Kulang pa 'yan sa ginawa mo sa'kin kanina—muntik na akong mamatay sa takot," aniya at tumalikod sa'kin.

"Kung walang susundo sa'yo after 10 minutes, I'll be the one to take you home," presenta ko. Ano'ng oras na kasi, delikado na sa daan kong magtatagal pa kami. Kaya kung wala pa ring susundo sa kan'ya ako na lang maghahatid sa kanya pauwi.

Pero hindi pa man nakakalipas ang limang minuto, mayroon ng dumating na babae. I was relieved kasi hindi boyfriend nya ang dumating.

Matangkad lang ng kaunti kay Vida ang babae at mahaba ang buhok. She's riding a motorcycle. She looks familiar.

"Ba't ang tagal mo?" reklamo ni Vida.

"Sorry, dear. May pinuntahan pa kasi si Papa dala 'tong motor n'ya, kaya ayon," the girl reasoned. "By the way, sino kasama mo dito? Mag-isa ka lang?" dagdag ng babae.

"Nope. May kasama ako ditong malas," she said. Mukhang pinaparinggan ako. Hindi pa siguro ako napapansin ng babae since medyo madilim na ang pwesto na kinauupuan ko.

"Dear naman! 'Wag ka ngang manakot! Alam mong isa rin akong takot sa dilim."

Bago pa man sila makaalis, I decided na magpakita na sa babae. Mas mabuti na malaman n'ya na may kasama dito si Vida habang naghihintay s'ya. Baka kung ano pa ang isipin n'ya kasi pinabayaan namin si Vida na dito magstay. Isa pa, I want to meet her. In order for me to know more about Vida, I should befriend with the people around her.

"Hi?"

"Ay kabayo!" napahawak pa ito sa kan'yang dibdib sa biglaang paglapit ko. Pati si Vida, nakita kong nagulat din s'ya.

"Dion? Ikaw—ikaw ang kasama ni Vida dito?"

I was all surprised because I didn't expect that she knew me. Baka naikwento na ako ni Vida sa kanya. Who knows?

"Uhh... yeah."

"Ahhh, okay. Aalis na kami. Thank you sa pagsama mo dito sa kaibigan ko," she said.

"Mm. It's okay."

"Halika na, Faye. Hinihintay na tayo ni Lola. 'Wag ka na makipag-usap sa mga taong gonggong baka malasin tayo sa daan," Vida whispered to the girl next to her yet I was able to heard it.

"So, your name is Faye?" pagsingit ko sa eksena.

"H-huh? Tinatanong mo name ko?" nahimigan ko ang excitement sa boses n'ya.

"Mm."

"Y-yeah, I am Faye. Fatima Greye Ramirez." Malawak s'yang ngumiti sa'kin at iniabot ang kaliwang kamay. Malugod ko naman 'yong tinanggap at nginitian rin s'ya. "Cole Dion Camero."

Lol, it's on the spot! Hindi talaga ako maalam makipagsocialize and I am so amazed at myself right now! How the hell I made it?

"You look familiar, nagkita na ba tayo noon?" I asked her. Kita sa gilid ng mga mata ko ang nakakatakot na titig sa amin ni Vida. Asar na asar s'ya sa ginaawa ko.

"Siguro?" Faye asked.

"Faye, kung ayaw mo pang umuwi, mauuna na'ko," ani Vida sabay mabilis na kinuha ang helmet sa kamay ni Faye.

"Wait, wait dear!—Uh, Dion. Kelangan na naming umalis. Nice to meet you."

"Nice to meet you too, Faye."

Agad na sumakay si Faye sa motor saka naman umangkas si Vida. Faye smiled at me nang paandarin na n'ya ang sasakyan samantalang si Vida ni isang lingon hindi n'ya man lang nagawa. I watched them leaving, hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.