Chapter 20-More Like A Date?

[Dion’s Point of View]

“Bakit tayo nandito?”

I really like her mad expression while talking to me. Minsan, nakakatuwa s’yang asarin.

“Because I want to.” We’re at Café Nipa right now. Isa ito sa pinaka binabalik-balikan ng mga tao dito sa bayan namin. Napakaganda kasi ng view dahil mataas ang pwesto at nakikita namin ang bahay-bahay sa mababang lugar.

Dumiretso ako sa ikalawang kubo kung saan bakante pa. Sumunod din naman sa akin si Vida. “Just wait for me here. Oorder lang ako ng makakain natin.” I didn’t receive any response from her. But I think, I’m already used to it. Palagi naman s’yang ganiyan.

“By the way, may I know what you want? Coffee? Dessert? Or something?” She just picked up her phone and ignored me for the nth time. Napabuntong-hininga ako.

So, manghuhula na lang talaga ako ng kakainin n’ya.

Then, I went to the counter. Tumingala ako sa signboard para makapili ng bibilhin ko.

“What’s your order, Sir?”

“Uhm…1 white cheese pizza, crispy chicken wings, 2 clubhouse sandwiches, shanghai rolls and 2 pineapple juices.”

“Okay, Sir. We’ll serve it in a few minutes.”

“Wait. Please add double chocolate and strawberry banana milk shake to the list.”

“Noted. Sir.”

Hindi ako sigurado kung magugustuhan ba ni Vida ang mga inorder ko pero sana kainin n’ya. I do not spend much money just for food but if it’s for Vida, why not? Lol.

Bumalik ako sa kubo na nireserve namin ni Vida. She's still busy with her phone.

"Wala ka ba kayo ngayong quiz or activity sa school?"

Sinulyapan n'ya lang ako saka umiling. I took a deep breathe then talked to her once again.

"Vida, you know... you can talk to me—nicely." Ibinalik n'ya ang tingin sa akin. Nakakatakot na naman ang titig n'ya.

"Kung hindi mo kayang tiisin ang ugali ko, 'wag ka na lumapit sa'kin. Napakadali lang."

"Hindi ko maintindihan. Why you hate me a lot? Did I do something bad in you? Bakit gan'yan ka palagi whenever you're with me?" seryoso kong tugon sa kan'ya. I really hope this time, sasagutin na n'ya ako ng maayos.

"Kasi simula ng nakilala kita... puro kamalasan na lang ang dumating sa buhay ko."

I was hurt by what she said. Akala ko noong unang beses na sinabi n'ya sa'kin na ako ang malas sa buhay, I thought she just said that dahil sa nagawa ko. Funny, totoo pala talaga.

"Really?" My eyes were fixed on her.

"Nasabi ko na diba? Hindi mo pa rin naintindihan?"

"Fine. Gusto mo ba na layuan na kita?"

Nanliit ang mga mata n'ya na para bang binabasa ang nasa isip ko.

"Sana matagal mo ng naisip 'yan. Hindi mo na dapat ako tinatanong," aniya.

"Okay. I understand. But I have a favor bago ko 'yon gawin." Her left eyebrow lifted.

"Ano?"

"Stay with me the whole day." Salubong ang kilay n'yang tumingin sa akin. And later on, tumawa s'ya ng malakas.

Wooohh. The duality of this girl...

"Nice joke, Dion. Napatawa mo ako hahaha." She continued laughing.

"Hey, Vida. I'm serious. Just this day, hayaan mo ako na makasama ka. And after this, I promise I'll distance myself from you."

"Baliw ka na, Dion. Hindi mo na alam ang pinagsasabi mo."

"I know what I am saying. And I meant what I said," I uttered.

"Kung hindi ka titigil, aalis na ako."

"Bakit ba hindi mo maseryoso lahat ng sinasabi ko sa'yo, Vida. I am always trying my best para lang maging okay tayo. Para kahit hindi tayo friends atleast maging maayos naman ang pakikitungo mo sa'kin. If you have a grudges towards me, then talk to me nicely."

"Alam mo lahat ng mga maling nagawa mo sa'kin Dion. Ni hindi man lang ako nakatanggap ng sincere na sorry mula sa'yo. Tapos ngayon, tatanungin mo ako kung bakit ganito ako makitungo sa'yo? Wow. At kapag sinabi ko na malas ka sa buhay ko, malas ka talaga. Sino ba naman ang gugustuhing lumapit sa taong dahilan ng kamalasan nya diba? Syempre, wala."

I removed my gaze from her. Napakastraight forward n'ya magsalita. I don't know what to say. Aware naman ako sa mga nagawa ko, kaya nga I'm trying my best para maipaliwanag ko sa kan'ya lahat. Because I don't really mean all of those things that happened.

After that, hindi na ulit kami nag-imikan. Hanggang sa dumating na ang mga pagkain na inorder ko kanina.

Nakakunot ang noo ni Vida habang isa-isang pinagmasdan ang mga pagkain sa lamesa namin. "Bakit naman ang dami nito?"

"Uhh, hindi ko kasi alam ang gusto mo kainin. So I just bought all of these para may pagpilian ka," I explained to her.

"Wala naman akong gusto dito."

"Oh? Okay."

I started eating the chicken wings. Samantalang s'ya naman, itinuon lang ang atens'yon sa phone n'ya.

Nagiguilty ako sa ginagawa ko. I am eating alone habang s'ya hindi. I feel so bad.

"I can't these all alone, Vida. Try anything, baka may magustuhan ka. Masasayang naman 'to kung 'di ko maubos."

"Itake-out mo kung ganon."

"You should have told me what you want earlier, so we could have eat together."

"Hindi naman kasi ako gutom."

"Really?" Nilipat ko sa harapan n'ya ang double chocolate shake. "Try this. Masarap 'yan. Believe me."

Nag-alinlangan pa s'ya nang una pero ilang saglit lang din ay tinikman n'ya rin ang binigay ko sa kan'ya. "Masarap diba?"

"Medyo."

"Now, try this one. I once saw you eating chicken nang minsan mo kaming saluhan sa family dinner. Don't deny it, kasing tandang-tanda ko pa 'yon." She wore first the finger plastics before she accepted the chicken I handed. Tinikman n'ya naman agad.

"What can you say?"

"Okay naman. Lasang sili na may manok." I couldn't hide my smile after she said that.

Isa-isa kong pinatikim sa kan'ya lahat ng pagkain na inorder ko. At ang ending, naubos naming dalawa at walang natira. Actually, halos s'ya ang nakarami ng nakain kesa sa'kin. But it's okay with me, binili ko naman talaga 'yon para sa kan'ya.

I know it's just her ego when she said she doesn't like those foods. Mabuti na lang napilit ko s'ya kumain.

Pareho pa nga kaming dumighay sa kabusugan. And I'm loving it. Kahit ngayon lang, nafeel ko na parang humupa ang galit n'ya sa'kin.

[Vida's Point of View]

Bumalik si Dion sa counter after naming kumain. Bibili daw ulit s'ya pizza para kay Ate Sab n'ya, kasi fav n'ya daw 'yon.

Habang nagiscroll sa f***book, nabasa ko 'yong 'what's on your mind?' and biglang pumasok sa isip ko ang ginawa ko kanina.

Napatakip ako ng mukha gamit ang kamay ko.

Nakakahiya ka, Vida.

Ginawa ko lang naman 'yon kasi nagutom ako bigla. Pero hindi ibig-sabihin, nag-agree na ako sa favor n'ya or okay na kaming dalawa. Kumain ako kasi deserve ko kumain at wala ng ibang dahilan.

"Pero nakakahiya pa rin, gag*"

Nang mapansin ko si Dion na pabalik na s'ya rito sa kubo, agad kong inihanda ang sarili para hindi n'ya mapansin na hiyang-hiya ako sa nagawa ko kanina. Kailangan ko pa rin magmukhang astig. Hindi n'ya dapat maramdaman na bati na kaming dalawa dahil hindi naman talaga.

"Let's go," aniya.

"Saan? Kailangan ko na umuwi."

"It's only 3 pm. Hindi pa ngayon oras ng uwian."

"Tapos?"

"Your Lola might ask you about it."

"Edi sasabihin ko sa kan'ya ang totoo." Inayos ko ang bag ko at saka isinukbit. "Teka... pa'no mo nalaman— pa'no mo nalaman ang tungkol sa Lola ko?"

"Huh?" Umiwas s'ya ng tingin sa akin.

Lumabas ako ng kubo at sumunod naman s'ya. "Basta. Uuwi na ako at walang makakapigil sa'kin."

Nauna akong makarating sa baba sa kalsada kesa sa kan'ya.

"If you're going to leave right now. Iisipin ko na gusto mo pa akong makita at makasama sa mga susunod pang araw."

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Isipin mo na kung ano ang gusto mo. Basta hindi ako papayag sa pabor na hinihiling mo. Never mo akong mauuto."

Ngumisi s'ya pagkatapos ay pumasok sa kan'yang kotse para ilagay ang dalawang box ng pizza na inorder n'ya.

"Is your decision final?"

Bigla akong napaisip. Paano kung mag-agree na lang ako sa favor na hinihingi n'ya tutal malapit nama na gumabi. Mabilis lang naman ang oras kaya maya-maya uuwi na rin kami.

Tama. Last time na 'to na makakasama ko s'ya. Nangako s'ya na hindi na s'ya lalapit sa'kin pagkatapos ng araw na 'to.

Shuta, Vida. Paano ka naman nakakasiguro na tutuparin n'ya ang sinabi n'ya? E gonggong kaya 'yan. At remember? May unfinished business ka pa sa bahay nila. Imposible na hindi kayo ulit magkasama.

"Hindi ako sasama sa'yo. Uuwi na 'ko sa apartment. Mas mahalaga si Lola kesa sa lahat ng bagay."

Nang makakit ako ng tricycle na paparating, agad akong pumara at sumakay.

"Pakisabi na lang din sa Daddy mo na bukas na lang ulit ako babalik sa work ko!" 'yan ang pahabol kong sigaw sa kan'ya bago pa man umandar ang sasakyan.

Mas mabuti na 'yong ginawa ko kasi 'yon naman talaga ang tama. Isa pa, hindi dapat ako nakikipagdeal sa mga gonggong na katulad n'ya.

Once a gonggong always a gonggong. Periodt.