Chapter 19-You Owe Me

[Dion's Point of View]

Earlier, Cindy repeatedly called me kaya napilitan ako na sagutin s'ya. She wants to enter the campus but I told her na hindi naman s'ya pwede makapasok. So I had no choice but to see her because she told me that she's already waiting outside.

May dala-dala s'yang lunch box para daw sa akin. Ayaw ko man tanggapin pero kinuha ko na rin dahil ayaw ko na mapahiya s'ya. But when she finally left, I

gave the lunch whom I bumped with. Mabuti na lang tinanggap.

Maayos naman akong pinsan, pero hindi ko lang talaga maiwasan na mainis kay Cindy kaya nagagawa ko 'yon.

Nang pabalik na ako papasok sa gate, doon ko nakita ko si Vida na mag-isang nakatayo. I was curious kung bakit narito s'ya kaya nang marinig ko ang argument nila ng guard, hindi ako nagdalawang-isip na tulungan s'ya. I had to pretend that I am his friend, though it was so imposible to happen. But I didn't expected with what I did. Hindi ko naman plinano na akbayan s'ya. It's subtle, I guess.

But I think I did a wrong move again. I can't even explain her face expression right now. She looks so mad.

"What? I just did that so you could come in," I replied calmly then sip on my banana shake I bought earlier.

"Hindi ko kelangan ng tulong mo.” Mukhang ayaw n'ya talaga sa presensya ko.

"You actually need my help. You will not be able to enter if you are not accompanied by an SNIHS student. That's why I pretended to be your friend.”

"Is it required to put your arms around my shoulder?"

"To be more realistic." Umiwas s'ya ng tingin sa akin.

"Even if you helped me, I still won't look down on it with gratitude. And that will not lessen your sins against me. Remember that? We will never be friends!" her voice raised.

“You really hate me that much? Why is that?” I came a little closer to her kaya s'ya napaatras.

"You don’t want us to be friends? Then let's try being lovers instead. Maybe it'll work."

Hindi s'ya makapaniwalang tumitig sa akin. Kahit ako, nagulat rin ako sa sinabi ko. What the hell did I just said?

“K-kiddin’.”I distanced myself to her. May ibang students na kasing naagaw namin ang atens'yon. And I don't want to make a scene here. Ayoko na mapag-usapan ng mga estudyante rito si Vida.

She became speechless.

Naglakad s'ya at nilagpasan ako. Pero hindi pa man s'ya nakakalayo, ay tumigil na s'ya sa paglalakad.

“I told you. You need my help,” I mumbled and I guess she never heard that.

Nauna s'yang maglakad sa akin. And as expected, paminsan-minsan s'yang sumusulyap sa likuran n'ya dahil hindi n'ya naman alam ang daan. Siguro naiilang din s'ya kasi tinitingnan s'ya ng mga student na nadadaanan namin.

“Left.” I said that to give her the direction. Hanggang sa makarating kami sa senior high building sa third floor kung nasaan ang room namin.

“Just wait for Vincent here. I'll call him.” Tumango naman s'ya.

To be honest, labag sa loob ko na samahan s'ya papunta rito para lang makita n'ya ang lalaking 'yon. I am so disappointed with that guy. If not only for Vida, I'll never do this.

I saw him busy with his laptop.

“Hey! Vida is here.” Pagkarinig n'ya sa sinabi ko ay dali-dali s'yang lumabas.

Umupo ako sa upuan ko at nagkibit-balikat. I don't want to see them together. But I can't keep myself calm. At wala akong nagawa kundi ang muling lumabas ng pintuan. I saw them happily talking with each other.

Akala ko ba maghahatid lang ng damit? Bakit may kwentohan pa?

“Oh my god! Girls, look! Who's that cheap Hirayans? Bakit s'ya nakapasok dito sa school?" I turned my head to Hazel. Magkakasama na nama sila ng squad n'ya.

“Fvck that biacth! Nilalandi n'ya ba si Vincent?”

"Goshhh. We shouldn't let this happen.”

I saw them walked towards Vida and Vincent. What do they think they're doing?

“Hi, Vincent.” She immediately wrap her hand to his arm. He was surprised.

Nakita kong nagsilabasan ang ibang student muka sa kanilang classroom. They know Hazel. I also know her. Wala s'yang pinapalagpas na kahit na akong bagay.

Bigla akong kinabahan. Baka ipahiya nila si Vida. She needs to get out of here right away.

[Vida's Point of View]

Natigilan ako sa pakikipag-usap kay Kuta Vincent nang may tatlong babaeng sumulpot sa harapan namin. Nakita ko rin kung paano nagsilabasan ang estudyante para panoorin kami. Ano 'to, show?

“Who are you with?” Gusto kong takpan ang tenga ko sa landi ng pagkakasabi ng babaeng nakadikit kay Kuya. Kulay pula ang buhok n'ya at ang kapal ng kilay. Napakaiksi ng palda nitong kulay maroon, partner ang white longsleeve at nectie na maroon din.

Maganda naman s'ya mukhang maldita nga lang.

Ramdam ko na gusto na ni Kuya Vincent na itaboy ang mga babaeng nakapaligid sa kan'ya.

“She's Vida.” Puno ng pagmamalaki ang boses n'ya. Natuwa naman ako.

“Your friend?” Ang sasama ng titig nila sa akin, parang kakainin ako ng buhay.

“Yup." Tumingin sa'kin si Kuya kaya napaiwas ako ng tingin.

"For real? But she's not allowed here," sabat naman no'ng babaeng nakabraid ang brown na buhok. Infairness ang puti n'ya.

"Yeah, true yan. Hindi bagay dito ang isang..."ibinaba naman ng isang babae ang kan'yang sunglass na animo'y kinaklaro ang tingin sa akin. "... katulad n'ya. So cheap."

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Lahat sila mapang-asar na nakatingin sa akin.

Tama nga talaga ang mga naririnig kong chismis tungkol sa school na 'to. Mga arrogant people.

Hindi umimik si Kuya Vincent bagkus ay lumayo sa tatlong babae na nakapalibot sa kan'ya at lumapit sa akin. Nagulat pa ako nang akbayan n'ya rin ako gaya ng pag-akbay sa akin kanina ni Dion. Shuta, ano bang meron sa balikat? May magnet yata.

"Vida is my friend and I don't need your opinion about her. So, leave her alone and shut your mouth."

Nanlaki ang mga mata ng tatlong babae sa harapan namin. Pati ang mga bulungan sa paligid narinig ko rin. Ano ba 'tong ginagawa ni Kuya Vincent? Bakit parang kinikilig naman yata ako.

"Guys!! It's already 1 pm. Go back to your classrooms and respective seats!" Napatingin ako sa pinagmulan ng sigaw na umalingawngaw sa buong 3rd floor.

Si Dion na naman?

Nakita ko kung paano nagsialisan ang mga estudyante at pumasok sa kani-kanilang rooms. Pati 'yong tatlong babae wala na ring nagawa kundi ang irapan na lang ako.

"Vida, I'm sorry. Dahil sa'kin napahamak ka pa," biglang sambit ni Kuya Vincent. Natawa naman ako.

"Napahamak? Hindi naman 'yon sakuna, Kuya. Ang totoo nga hindi man lang ako kinabahan, natawa lang ako." Kinilig din hehe.

"That's good to hear. Ihahatid na kita sa gate. Maya-maya kasi darating na ang teacher namin," aniya. Tumango naman ako.

"Ako na maghahatid sa kan'ya. Go finish your report. Mrs. Valderama is a strict teacher, baka palabasin ka mamaya sa klase," ani Dion na bigla na namang sumulpot sa usapan.

Bakas sa mukha ni Kuya Vincent ang pagkainis pero hindi n'ya ito ipinakita kay Dion. Enemy nga talaga sila.

At dahil iniisip ko ang kapakanan ni Kuya Vincent, hinayaan ko na lang s'ya na tapusin ang ginagawa n'yang visual para sa report n'ya. Kaya ang ending, si Dion ang naghatid sa akin sa gate. Marami pang tinanong sa amin 'yong guard bago kami pinayagan na makalabas. Sobrang higpit pala ng rules dito.

"Don't you have classes too? It's already late."

Hindi ko s'ya pinansin at tumingin sa daan para mag-abang kung mayroon na bang tricycle na daraan.

"C'mon. Ihahatid na kita."

"Ano?! Ba't mo naman ako ihahatid?" puno ng pagdududang tanong ko.

"At this hour, wala na masyadong dumadaan ditong tricycle dahil may mga service na ang tao dito. Baka mamayang 3 o'clock ka pa makasakay, kapag maghihintay ka pa," aniya.

Seryoso ba 'to?

Umalis s'ya sa tabi ko at maya-maya ay bumalik habang nakasakay na sa kan'yang kotse.

Binuksan n'ya ang pintuan para sa akin pero hindi naman ako pumasok. "Sinabi ko naman sa'yo, hindi ko kelangan ng tulong mo."

Magmamatigas talaga ako dito. Hindi ko kasi kayang sikmurain na tinutulugan ako ng Dion na 'yan, pakiramdam ko malaki ang kapalit na kukunin n'ya sa akin.

"Sasakay ka ba o hindi?" Hindi naman demanding ang boses n'ya, sa katunayan kalmado nga lang, pero bakit inis na inis ako?

At dahil wala naman akong choice. Pumayag na lang din ako.

"'Diba may klase ka rin?" tanong ko nang tuluyan ako makasakay.

"You care?"

Tinaasan ko s'ya ng kilay. Ang kapal talaga ng mukha nito.

"Never ako nagcare sa'yo. Ayaw ko lang na..."

"Na?"

"Wala kang pake." Nakita ko s'yang ngumisi. Inaasar n'ya lang talaga ako.

Actually, hindi naman malayo ang distansya ng school namin sa SNIHS kahit pa magkaiba sila ng bayan. Pwedeng-pwede ko nga lakarin kung gugustuhin ko e. Kaya ayon, mabilis kaming nakarating ni Dion.

"Teka." Sinenyasan ko siya na pahintuin na ang sasakyan dahil nahagilap ng mga mata ko ang aming principal, si Sir Glinoga, na nasa labas ng school.

Lagot ako nito, 'pag nakita ako ni Sir.

"Mr. Glinoga, right?" tanong ni Dion. Nakatingin din s'ya sa kinaroroonan ng principal namin kasama ang ibang teacher. Bakit kaya sila nasa labas? Paano ako nito makakapasok ngayon?

"What's your decision?"

"Huh? Bakit ako?"

"Of course. It's up to you kung tutuloy ka ba or hindi."

"Nag-iisip ka ba? Kita mo na ngang nandyan si Sir Glinoga, tas tatanungin mo pa ako kung tutuloy ako? Edi sa guidance office ang diretso ko nito?" asar kong tugon.

"Hey, you can talk to me nicely. 'Wag mo ako palaging simangutan."

"At sino ka, para utusan ako?"

"I am Cole Dion and I do not command you. Myself has nothing have to do with your manner. Please give some respect," seryoso niyang sabi.

Natameme ako sa sinabi n'ya. Baka nga sobra na akong harsh sa kan'ya. Pero ano naman ngayon? Hindi dapat ako magpaapekto sa sinasabi n'ya.

"If you don't want to take your classes this afternoon, samahan mo na lang muna ako."

"Ano?? Bakit mo naman gagawin 'yon?" Takang tanong ko.

Hindi n'ya ako sinagot sabay paandar ng sasakyan. May binabalik na naman s'ya.

"You owe me time. So spare your time with me."

Hindi na ako nakaimik at tumahimik na lang habang pinagmamasdan ang daan na aming nadadaanan.