Chapter 1-The Missing Pencil

[Vida's Point of View]

"Sir, 5 minutes pa. Naghihintay lang ako ng masasakyan na tricycle... Ano? Sir naman! 3 minutes? Oo, 3 minutes, Sir-Promise!-" agad na pinatay ni Sir Brenzon ang tawag.

"Argh!" naiinis kong sabi sa sarili ko. Kasalanan ko bang mahirap lang ako at kelangan ko pang magtrabaho bago pumasok ng school?

Mabilis akong pumara ng tricycle para makaabot ako sa pagsisimula ng contest. Hindi ako pwedeng madisqualified. Matagal ko tong hinintay.

"Kuya, bayad ko o," pag-abot ko ng bayad sa driver."

"Kuya, pakibilisan naman," ani ko nang mapansin ko na binabagalan nya ang pagkuha ng sukli ko sa wallet nya.

"Keep the change na lang?" nakangisi nitong sabi.

"Keep mo mukha mo. Alam mo bang working student ako? Ibig-sabihin nagtatrabaho ako para makapag-aral. Tapos kukunin mo lang pera ko? Aba, wala ka bang puso? atay-balonan? bituka? atay?"

"Oo na, oo na. Sayo na yang pera mo. Wag ka na lang magbayad, pinapakonsensya mo pa ako e."

"Tsk. Yon naman pala."

Walang alinlangan kong kinuha ang pera ko pabalik at mabilis na naglakad papunta sa gate. Mabuti na lang busy yong guard kaya di na ako nasita.

Lakad-takbo na ang ginawa ko. Para makaabot sa 3 minutes na pinangako ko kay Sir Brenzon, mapeh teacher namin. At eksakto namang pagpatak ng alas-otso ng umaga, nakarating ako sa room na pagdadausan ng poster making contest. Pumasok ako at huminga ng malalim.

Thanks God, nakaabot.

Sa bandang likuran ako pumwesto since yon na lang naman ang bakanteng upuan kasi puno na ng ibang estudyante sa unang hanay.

"Now that, all the participants are here. Let's start the contest. Criteria for judging..."

Inilibot ko ang aking mga mata para sana hanapin si Sir Brenzon pero hindi ko naman sya nakita. Siguro busy pa sya sa pagaasikaso sa ibang contestants na panlaban ng school namin.

Binigyan na kami ng signal na magsimula kaya inalabas ko na lahat ng gamit ko sa paggawa ng poster.

"Teka..."

Parang may mali. Bakit parang may kulang?

"Shit! Ang tanga-tanga mo, Vida!" pabulong na sigaw ko sa sarili ko.

Yong lapis ko ang nawawala at hindi ako makakapagsimula kapag wala 'yon. Argh! Tanga ko talaga. Sobra.

"Ms. Resores? why haven't you started yet?" tanong ni Sir Quizon, ang teacher na nagbabantay sa amin.

"A-ahh, Sir aano. Ano kase... pwede ba kong pumunta ng cr? Bigla kasi sumakit t'yan ko hehe."

"Ano? Bakit naman ngayon pa?" tanong nya sabay kamot sa batok nito. "Okay, basta bilisan mo lang or else you'll run out of time."

"Yes, Sir."

Nang makalabas ako sa room, tutok ang mga mata ko sa daan. Sigurado ako nalaglag ko lang yon kanina dahil sa sobra kong pagmamadali.

"Nasan ka na ba? Magpakita ka na please."

Hindi ko pa rin ito makita hanggang sa dalhin na ako ng mga paa ko malapit sa gate. What if, dito ko lang yon nahulog?

Dahil busy pa rin 'yong guard, hindi nya ulit ako napansin. Ano'ng klaseng guard ba s'ya? So useless.

Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa makita ko rin ang lapis sa wakas.

"Andito ka lang pala," ani ko nang makuha ko ang lapis. Pero, sobra akong nabigla nang may umagaw niyon sa akin.

"Bastos ka a! Ba't mo kinuha lapis ko ha?"

"Ito nga 'yon. Kanina ko pa 'to hinahanap," aniya na parang wlang narinig.

"Sinasabi mo? Akin yan!" Tumingkayad ako para maabot ang lapis sa kamay nya. Medyo matangkad kasi sya ng konti. Konti lang naman.

"Ba't ko ibibigay? This isn't yours.”

"Staedler ko 'yan. Ibigay mo na lang sa'kin, pwede ba?"

"Bakit nga?"

"Akin nga 'yan shuta."

"What?" medyo namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Bakit? Hindi naman ako nagmura a. Mura ba 'yong shuta? Of course, hindi.

"Excuse me, pero akin 'yang pencil na 'yan."

"Huh?" gulat akong napalingon sa guard na bigla na lang sumulpot sa likuran ko.

"Pa'no naman 'to naging sa'yo, Kuya guard?"

"Tignan mo sa bandang ibaba, nakatatak d'yan name ng asawa ko."

"Bakit naman ako maniniwala, Kuya guard?" tinago ko ang lapis sa aking likuran.

"Heyy," sabat nong lalaking kausap ko kanina. Maka 'hey' kala mo naman close kami. Tsk.

"'Josefa' name ng asawa ko, tingnan mo pa."

Tiningnan ko ang lapis at tompak, may nakaukit ngang 'Josefa'. Baliw ka, Vida. Diba wala namang tatak 'yong lapis mo? Maliban na lang sa brand. Sheeetttt!

"Salamat nga pala Sir Dion sa pagtulong mo sa paghahanap nito. Sigurado ako na pagagalitan talaga ako ng asawa 'pag nalaman n'yang naiwala ko ang lapis. Gift n'ya kase ito nong birthday ko," nakangiti nitong sambit sa lalaking kaharap ko.

Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa. Buong katawan ko nababalot ng kahihiyan. Feeling ko anytime matutumba ako rito.

"Ahm, excuse me po. Kailangan ko ng umalis."

Walang lingun-lingon ko silang iniwan. Pakiramdam ko maiihi ako sa hiya. Parang bumibigat bawat hakbang ko—a no! parang nakalimutan ko maglakad shuta. Kelangan kong makaalis kaagad dito as soon as possible. Hindi ko kayang may mga taong tumitig sa likuran ko. Pinagtatawanan na nila ako ngayon for sure.

Pero hindi ko naman kasalanan 'yon diba? Biktima lang naman ako ng 'akala ko' at 'yong gonggong na lalaking 'yon ang may kasalanan. Pinahiya n'ya ako. 'Pag ako talaga natalo, s'ya ang sisisihin ko.

Nang makabalik ako sa room, nakita ko si Sir Brenzon na mukhang natataranta. Pati ako nataranta na rin kasi alam ko na pagagalitan na naman ako n'yan.

Nang makita n'ya ako agad s'yang lumapit sa akin.

"Vida, sa'n ka ba galing? Ba't ang tagal mo?" naiinis na tanong nito. Halata naman, pinipigilan n'ya lang boses n'ya na mapalakas.

"Sir, pumunta lang ako sa cr. Nag—"

"Oh, God. Sige—sige na. Magskecth ka na ng outline mo. Mauubos na oras mo."

"Y-yes, Sir. Sorry."

Dali-dali naman ako bumalik sa pwesto ko at nagsimulang magskecth. But wait... parang may mali na namang nangyayari. May mali talaga.

Shuta, ba't ginagamit ko na 'to ngayon ang lapis ko? Nawawala 'to diba? Sa'n 'to galing? Shet, Vida. All this time, tinatanga lang pala ako ng sarili ko, argh. Hindi naman pala nawawala hindi ko lang siguro nakita ko kanina. Tatanga-tanga kasi!

"Vida!" mariing tawag sa'kin ni Sir nang mapansin n'ya na tumigil ako sa pagssketch. "Ano na?!"

"Magdodorwing na nga, Sir." Ngumiti ako sa kan'ya at ginantihan n'ya rin ako. Mga plastic amp.

Makalipas ang tatlong oras, inatasan na kami ni Sir Quizon na kailangan na naming tumigil dahil tapos na ang oras na inilaan para gumawa ng poster. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nagawa ko itong matapos kahit kinapos na ako sa oras. Pero medyo disappointed din, kasi feeling ko hindi maganda 'yong naging resulta. Rush na 'yong pagkulay ko.

"Good job, Vida," ani Sir Brenzon na mukhang nasatisfied sa gawa ko. Ngi.

"Thank you, Sir. Init ng ulo mo kanina," pang-aasar ko.

"Tss. Sige na, aalis na 'ko. Magkita tayo mamaya sa court. Please lang, 'wag ka na malilate, okay?"

"Yes, Sir."

"M'kay. Kumain ka na ng lunch mo with your friends."

"Sir, isa lang meron ako. Da't 'friend' lang hahaha."

"Whatever. I have to go."

Ito si Sir parang palaging may mens.

Nagitla ako kasi biglang sumulpot si Faye sa tabi ko. May dala na naman itong malaking teddy bear. Siguro galing sa bago n'yang manliligaw, si Ken.

"Congrats, dear!" nagtangka s'yang yakapin ako pero agad ko s'yang inawat dahil 'di talaga ako mahilig sa ganon.

"E? What's with you? Don't you love me anymore, Vida?"

Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad na parang hindi ko narinig ang mga sinabi n'ya.

"Vida! Sa'n ka na naman?"

"Gutom na'ko," sagot ko nang hindi lumilingon sa kan'ya.

"Vida, ang bastos mo talaga! Kinakausap pa kita, 'wag mo 'ko iwan!"

Pero nagpatuloy lang ako at hindi s'ya pinansin.

Palagi naman akong gan'yan sa kan'ya lalo na 'pag wala ako sa mood. Ewan ko, siguro gan'yan ako 'pag sobrang komportable na sa isang tao, kaya ko ng balewalain. Charot! Wala trip ko lang. Gano'n naman tayo minsan diba? At masaya ako kasi nakahanap ako ng bestfriend na sobrang maunawain, si Faye. Super duper love ko s'ya.

Dumiretso ako sa canteen at sumunod naman s'ya. Chicken at rice lang inorder namin, as usual. 'Yon lang kasi talaga masarap ang pagkakaluto, the rest ewan ko lasang—lasang ulam pa rin naman.

"Dear, congrats!"

"Tumigil ka na d'yan, pwede ba? Kanina mo pa ako kinocongratulate e. Baka marinig ka ng mga tao tas maniwala sila. "

"O, bakit? Ano naman ngayon? Totoo naman na panalo ka?"

"Sira ka talaga. Hindi nga ako panalo. Promise. Ramdam ko na. Ang panget nong gawa ko."

"At sino naman may sabi sa'yo n'yan? Kung panget ka gumawa ng artworks edi sana wala ng nagpapacommissions sa'yo. Engot ka."

"'Di pa natin alam ang result. At sure ako, hindi ako mananalo."

"Ikaw talaga. Wala kang ibang alam kundi, kontrahin ako palagi. Promise, mananalo ka. Ikaw kaya the best artist na para sa'kin."

"Tsk. Gan'yan naman tayo palagi. Palaging gan'yan din sinasabi mo, pero ano? Olats naman ako lagi."

"Ikaw, susuntukin na kita d'yan. 'Pag sinabi kong mananalo ka, mananalo ka okay?! 'Wag mo naman babaan self-esteem mo, dear."

"Hindi kaya. Nagpapakahumble lang ako."

"Hahaha." Humagalpak kami ng tawa.

Palagi naman s'yang gan'yan. Palagi n'ya 'kong chinicheer up. Pero wala s'yang alam na kahit anong pagboost n'ya sa confidence ko hindi ko pa rin maiwasang panghinaan ng loob.

Wala s'yang kaalam-alam kung ano ang pinagdadaanan ko sa tuwing gumagawa ako ng commissions. 'Yong mga feedbacks nila sa'kin paulit-ulit. Kesyo maganda naman daw kaso parang may kulang. Parati 'yon. But until now, hindi ko pa rin matukoy kung ano ba talaga 'yong kulang. Ginagawa ko naman palagi ang best ko. 'Yan din kasi ang reason kung kaya nauubusan na ako ng client. At hindi 'yon alam ni Faye. Ayaw ko rin naman na malaman pa n'ya. Poproblemahin n'ya pa 'yon.

Kaya nga, gusto ko talagang manalo dito sa poster making contest na sinalihan ko kasi malaki ang prize. Pero mukhang imposible na kasi hindi naman maganda 'yong gawa ko. Sana lang mapabilang pa rin ako sa mabibigyan ng consolation prize kasi plano ko talaga 'yong idagdag sa ipon ko pambili ng maintenance ni Lola Clarita.

Mahirap talaga 'pag mahirap ka. Kelangan mong magtyaga para makakuha ka ng pera na kailangan mo. Hindi ka man lang mamakabili ng mga bagay na gusto mo kasi need unahin ang priorities, syempre. Minsan naiisip ko, siguro ang purpose lang talaga natin dito sa mundo, is para makasurvive sa pang-araw-araw na buhay. 'Yong kapag feeling mo gusto mong magpahinga hindi mo pa magawa kasi palaging asa mindset mo masasayang lang ang oras.

And that's how my life going. Napakahirap. Napaka unfair.