Chapter 2-Her Misfortune
[Vida's Point of View]
"... May we now call on the judges to present this award to the winners of the poster making contest, as well as our very own Principal of Hiraya Manyari High School, Mr. Arnold Glinoga," sabi ng emcee mula sa stage.
Inatasan ang lahat na humanay ayon sa kan'ya-kanyang schools na kinabibilangan nila. Super daming dayo mula sa taga-ibang schools. Lahat sila matyagang nakatayo doon habang ako naman nandito lang sa gilid ng stage kasama si Faye. Bulok kasi ng organizer dito e, wala ni isang dumating na mga bangko. Sure ako umuusok na naman ilong non ni Sir Brenzon kakahanap sa'kin. 'Di ko naman kasalanan, si Faye, s'ya nakiusap sa'kin na dito na lang daw kami.
"Waah, Vidaa. Excited na'ko. Gandahan mo ng smile mamaya ha, pipicturan kita," aniya hawak ang camera na hiniram n'ya pa ata sa faculty. Hanep.
Tinitigan ko lang s'ya sabay lipat ng tingin sa maraming tao. Busy silang lahat sa pakikinig sa emcee. Naghihintay sa iaannounce na results. Lalo na 'yong mga nakalaban ko sa poster making. Nauna na kaninang mag-awarding sa ibang competition and sa tingin ko, asa gitna lang kami.
"... Criteria for judging; relevance to the theme-30%, originality-25%; creativity-20%; color harmony-15%; and visual impact- 10%. With the total of 100%. And now the results are finally here..." sabay silip ng emcee sa maliit na card na hawak nito.
"The winners will be given certificates and corresponding prizes, so are you guys ready?"" Malakas na hiyawan at tilian ang nangibabaw sa buong court.
"The third place goes to... Hiraya Manyari High School!!"
Mabilis ako napatayo dahil sa biglang pag-announce ng emcee. Nagkatinginan kaming dalawa ni Faye at bakas ang konting lungkot sa mga mata. I know nagexpect talaga s'ya. But it's okay, atleast 3rd placer pa rin.
Hinawakan ni Faye ang malamig na kamay ko. "It's okay, dear. Punta ka na sa stage, picturan kita," aniya habang nakangiti. Kaya naman, nginitian ko rin s'ya.
Para sa'kin, okay na sigurong matalo kasi sa bestfriend pa lang panalong-panalo na'ko.
Lumakad ako paakyat sa stage at masayang tinanggap ang reward at certificate. Tumingin ako sa maraming tao at hinanap kung sa'n ba naroroon si Faye.
"Vida! I'm here!! Smileee!" sigaw nito hawak ang camera.
Ngumiti naman ako ng pagkaganda-ganda pero unti-unti ay naglaho nang mahagip ng mga mata ko ang lalaking nakilala ko lang kanina. Si gonggong!
Tf? Ba't s'ya pumapalakpak? Shuta, inaasar yata ako nito a. At nakangiti pa talaga. Tuwang-tuwa kasi hindi ako nanalo? Kasi pan3rd placer lang ako? Gonggong! Kasalanan n'ya 'to e. Kasalanan n'ya talaga for real.
"Resores? Resores? You have to go," pasimpleng sabi sa akin ni Mr. Glinoga. Doon ko narealize na natawag na pala ang 2nd placer. Sa sobrang hiya ko, dumiretso ako palabas ng court.
Sigurado, pinagtitinginan ako ng mga tao doon kanina. Argh! Bwesit talaga 'yong gonggong na 'yon e!
Nang masigurado ko na nakalayo na ako sa court doon lang ako tumigil sa paglalakad. I realized na nakasunod na pala sa'kin si Faye at alalang-alalang tinanong ako kung ayos lang ako. Pinilit ko na hindi magpakita ng kahit anong emosyon though, naiiyak na talaga ako.
Nakakahiya talaga. As in.
[Dion's Point of View]
"Dion, congrats!"
"Congrats!"
"Thanks. Salamat sa inyo." Isa-isa akong nagpasalamat sa mga nagcongratulate sa akin. It's so overwhelming, kasi pati 'yong mga contestants from other school, binabati din ako. But I don't really expect to win at all. I only entered the spoken word contest because it's my passion.
"How are you doing, son? Come to my house earlier. Let us rejoice in your vicariousness," si Dad sa kabilang linya. After ng awarding agad ko s'yang tinawagan to let him know na nanalo ako.
"Sure, Dad."
"Dion, arat na. Hinihintay na tayo ni Maam Hazel," ani Janet, schoolmate ko.
"Ah? Sige sige. Susunod ako."
"M'kay. Bilisan mo lang kasi baka maiwanan ka ng bus."
"Mm. I will."
I was about to leave when someone caught my eye. That girl... She's frowning again, as she always does. Mukhang may hinihintay s'ya.
Why was she staring at me like that earlier on stage? I was simply applauding for her. Tss. What an attitude. But she's cute tho.
Bago pa man ako maiwanan ng bus, dali-dali kong kinuha ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang babae, malayo lang ng kaunti sa kinaroroonan ko.
My smile suddenly flashed on my face as I took a picture of her.
"Finally met my new subject."
[Vida's Point of View]
"Lolaaa! Tingnan mo ang dala ko. Binilhan kita ng fav mong veggie, "masayang bati ko kay Lola Clarita pagkapasok ko sa pintuan.
Kanina after ng klase namin dumiretso muna ako sa palengke para bumili ng sariwang gulay.
Naabutan ko s'yang nagpapadyak na naman sa pinakamamahal n'yang makina pantahi.
"Vida, alam mong marami akong paboritong gulay. Alin don?"
"Hulaan mo, Lola," tugon ko habang hinuhugasan ang mga gulay.
"Talong?" tanong n'ya na labis kong ikinatawa.
"Ano'ng nakakatawa sa 'talong' aber?" humarap na ako para makita ang ekspresyon ng mukha n'ya.
Magkasalubong na ang dalawa nitong kilay.
"Wala naman, Lola. Galing mo kasi manghula hahaha," sabi ko habang hawak ang talong na mahaba. Nakita ko naman s'yang napangisi.
Fav ko din kasi ang talong kaya ito ang binili ko. Magluluto ako ng sizzling talong later.
"Tama na 'yan. Kamusta naman 'yong laro mo?"
"Laro? Ano'ng laro, Lola? Wala naman akong sinasalihan na ganon. You mean 'yong poster-making contest?"
"A, oo. Nakalimutan ko, 'yon nga. Ano'ng nangyari do'n? Nanalo ka ba?"
Hindi ako nakasagot agad. "Sorry, La."
Maya-maya naramdaman ko na lang na nakayakap na pala sa akin si Lola. Hinahaplos n'ya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.
"'Wag ka magsorry apo. Huwag ka malungkot. Alam ko binigay mo lahat ng makakaya mo. Huwag sana sumama ang loob mo kasi 'yong pagkatalo part talaga 'yan ng success. Naintindihan mo?"
"Hindi naman about do'n La, e. Hindi ako sad dahil don. May iba akong reason," pagsalungat ko sa sinabi n'ya.
"At para saan aber? Sa premyo?"
Tumango-tango ako. Agad akong nagtakip ng tainga nang kurutin ako ni Lola sa tenga. Sakittt.
"Lola naman??"
"'Diba sinabi ko na sa'yo, 'wag mo poproblemahin ang pera kasi ako na ang bahala doon. Magfocus ka sa pag-aaral. Ikaw talaga, tigas-tigas ng ulo mong bata ka."
Tinawanan ko lang s'ya saka pinagpatuloy ang pagluto ko ng sizzling talong. Maya-maya lang din ay kumain na kami ng dinner.
Jokes aside, gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ni Lola sabihin 'yon. Ayaw n'ya talaga na nagtatrabaho ako para sa pera. Or gumagawa ako ng artworks para kumita. Gusto n'ya kasi na sa acads lang ako magfocus. Pero hindi ko naman kaya 'yon, ayaw ko na makita s'yang nahihirapan lalo pa at may karamdaman s'ya. Kaya kung kaya ko naman tumulong para sa gastusin cause why not diba?
Kinabukasan, nagpaalam ako kay Lola Clarita na pumunta muna sa pharmacy para bumili ng gamot n'ya. Sabi n'ya sa'kin may pupuntahan rin daw s'yang kaibigan kaya pinayagan naman ako.
Pinili ko maglakad na lang kesa magcommute para naman makatipid din ako. Isa pa hindi naman ganoon kalayo sa bahay namin.
After kong makabili, naglakad na lang din ako pagbalik. Maganda kasi ang panahon, hindi gaanong mainit. Exercise na rin 'to, since tamad ako magexercise e.
Masaya akong naglalakbay nang madaanan ko ang isang store. Mukhang katatayo pa lang.
'Julius & Shane Art House'
Labis na natuwa ang puso ko nang mabasa ko 'yong signboard. Agad akong pumasok sa shop at sinuyod ng tingin ang apat na sulok nito. Napakaraming mga art materials ang maayos na nakahanay sa kan'ya-kanyang nitong lalagyan.
"Ano hinahanap mo, Miss?"
Mga ilang segundo ako bago humarap sa kan'ya.
"Ang ganda siguro kung meron ako nito lahat no?" nakangiting sabi ko.
"Yes. Kaya ako pang hinihintay mo? Bumili ka na, Miss."
Malungkot akong tumitig sa kan'ya. "Kung sapat lang sana ang pera ko, makakabili ako ng gusto ko."
"Bakit, ano ba gusto mo? Pencils? Isang set ng pencils? Ito, tignan mo. Isang set na 'to makakamura ka, isa pa maganda ang quality. Kasyang-kasya na 100 pesos mo."
Pinakita n'ya sa'kin ang isang set ng pencils mula HB hanggang 12B. Binigyan n'ya rin ako ng papel na pwede ko pagshadan.
Hmm, mukhang makakatipid nga ako dito. Bibilhin ko na'to, pinaghirapan ko din naman ang pera na natanggap ko kahapon.
"Ano na, Miss? Bibilhin mo pa ba?"
"Yes—"
"How much is this?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses mula sa likuran ko. Biglang kumulo ang dugo ko.
"Ikaw?"
"Me?"
"Oo, ikaw. Ba't nandito ka?" kunot-noong tanong ni gonggong.
"Ba't? Am I not allowed here? Tindahan 'to diba?"
Sa sobrang inis ko, hindi ko na lang s'ya sinagot sabay walk out. Gusto ko pa sana s'yang sagutin kaso baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masuntok ko s'ya. Ilang beses pa akong tinawag ng tindera pero hindi ko s'ya pinakinggan at nagpatuloy sa paglakad.
Shuta, talaga 'yong gonggong na 'yon. Shuta.