Kabanata 11

Bahagyang natigilan si Leo at hindi niya alam kung papaano sasagutin si Xiara. Hindi niya inaasahan na may malala pa lang sakit ang dalaga. Ang buong akala niya ay simpleng hemoptysis lang ito na madaling gamutin.

"I know the way you look. Leo, don't feel sorry for me. Hindi pa naman ako mamamatay ngayon. Nangako ako sa sarili ko na saka lang iyon mangyayari kapag nakita na kitang masaya sa buhay. If I make a promise to someone, I don't break it," pangangatuwiran ng dalaga.

Dahan-dahan inalis ni Leo ang tingin sa dalaga at muling itinuon ang pansin niya sa pagmamaneho ng sasakyan. Hinayaan na lang din niya si Xiara na manahimik sa upuan nito hanggang sa tuluyan silang nakarating sa theme park.

"I will do everything I can to make sure our date is fun and interesting. Enjoy yourself as much as you can, Xiara. I hope you have a good time. This day will be yours. Let's get this awesome trip started. Shall we?" nakangiting sabi ni Leo bago bumaba sa kotse.

Umikot siya sa kaliwang bahagi ng sasakyan para pagbuksan at alalayang bumaba si Xiara. Muli niya itong nginitian at walang pagdadalawang-isip na hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay. Bahagyang nagulat si Xiara dahil sa mga ikinikilos ni Leo.

"Bagay talaga sa iyo na nakangiti. Ang cute mong tingnan, Leo. Sandali, bakit kaya hindi tayo mag-picture? Memories ito," masayang suhesyon ni Xiara.

Kaagad na tumakbo si Xiara papasok sa entrance ng theme park at kinausap isang isang lalaking naglalakad palabas. Ngumiti siya rito bago sabihin ang pakiusap na kuhanan sila ni Leo ng litrato gamit ang kamera na hawak niya.

"Kuya, hindi naman ako nakakaabala sa iyo, hindi ba? Can you do me a favor? Please, isang picture lang for our memories. Minsan lang maging masaya ang kasama ko," nakangiting pakiusap ni Xiara sa lalaki.

Mabilis namang kinuha ng lalaki ang kamera na iniaabot ni Xiara. Sinimulan na niyang pumuwesto para kuhanan ng litrato ang dalawa. Bahagya ring inakbayan ni Xiara si Leo at matamis na ngumiti sa kamera na hawak ng lalaki.

"Leo, try to show your genuine smile. Kahit ngayon lang, ipakita mo na masaya kang nabubuhay dito sa mundo. Kalimutan mo na muna ang mga problemang pinagdaraanan mo. Please, just be happy for this moment," mahinang bulong ni Xiara sa tainga ng lalaki.

Bahagyang napatingin si Leo sa mukha ni Xiara at malinaw niyang nakikita kung gaano ito kasaya ngayon. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa lalaki na kukuha sa kanila ng litrato at unti-unting pinipilit ang sarili na ngumiti.

"One, two, three. Say cheese!" masayang sabi ng lalaki bago kuhanan ang dalawa ng litrato.

Nagmamadaling tumakbo si Xiara papalapit sa lalaki para tingnan kung maayos ba ang nakuha nitong larawan. Bahagya siyang natigilan nang makita ang lalaking katabi sa litrato. Hindi niya inaasahan na maganda ngumiti si Leo at talagang nakakalaglag panga ito.

"Leo, look at this! I had no idea that you were such a great smiler. You have the potential to be a model. Gosh, Leo! If that happens, I'll be your first fan, and I'll help you out," hindi makapaniwalang sabi ni Xiara at mabilis na hinigit papalapit si Leo.

Namamangha niyang ipinakita rito ang litrato nilang magkasama. Hindi maiwasang makaramdam nang tuwa ni Leo dahil sa simpleng larawan lang nila na magkasama ay sobrang saya na ni Xiara.

"Picture lang 'yan, Xiara. Nandito ako at kasama mo ngayon. If you promise me that you will fight for survival of your leukemia, I will do everything I can to show you my smile as frequently as possible," mariing giit ni Leo bago iabot kay Xiara ang kamera.

Bahagya namang nawala ang ngiti sa mga labi ni Xiara nang dahil sa sinabi nito. Alam niyang pinapagaan lang ni Leo ang loob niya pero hindi niya maiwasang mainis dito dahil ipinaalala pa sa kaniya na may malubha siyang sakit.

"Could you please stop, Leo? Please do not ruin the mood. I simply want to unwind and rest. Just help me now in forgetting about all of my challenges in life. Can you do that?" mahinang pakiusap ni Xiara sa lalaki.

Akmang maglalakad na sila papasok sa loob nang muling lumapit ang lalaki na kumuha ng litrato sa kanila kanina. Nagtataka itong lumapit kay Xiara at bahagyang hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Is that true? Miss Xiara, are you truly in pain? Iyan ba ang dahilan kaya hindi na magkakasunod ang mga contents mo? I'm really sorry. That is not a topic I should bring up. I'm simply concerned about your current situation," nag-aalalang sabi niya sa dalaga.

Mabilis namang ngumiti nang matamis si Xiara nang sa gayon ay hindi na ito mag-alala pa. Kinuha niya ang dalawang kamay nito bago muling titigan sa mga mata.

"I am completely fine right now. You have nothing to worry. Hold on. Why don't we take a selfie instead?" suhesyon ni Xiara na siya namang ikinatuwa ng lalaki.

Mabilis nitong inilabas ang cellphone niya bago umakbay kay Xiara at kumuha ng selfie kasama ang dalaga. Pagkatapos nito ay umalis na rin ang lalaki. Muling ibinaling ni Xiara ang atensyon sa naiinip na mukha ni Leo.

"Relax, Leo. Sandali lang akong nawala pero naiinip ka na riyan. Didn't I tell you that smiling makes you more handsome? Tara na nga! Humanap na tayo ng rides na sasakyan. Nasasayang ang oras kapag nakatayo lang dito," mabilis na sabi ni Xiara bago muling hatakin ang binata.

Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng theme park habang masayang pinagmamasdan ang iba't ibang klase ng rides at stall ng pagkain. Medyo marami rin ang tao na kasama nila pero hindi na ito alintana pa ng dalawa.

"What should we do first? I'm visiting the theme park for the first time without my family. Today, all I want is to be free. Parang masayang sumakay sa ferris wheel? C'mon, Leo! Dapat nating masubukan na sumakay doon," masayang sabi ni Xiara.

Hinahayaan na lang siya ni Leo sa mga gustong gawin at hindi na tumututol pa. Sa tuwing naiisip niya ang sitwasyon ni Xiara ay hindi niya maiwasang makaramdam nang awa. Kahit sandali lang ay gusto niyang makita na masaya ito sa buhay.

"Wala pa tayong ticket para riyan. Mahaba pa ang pila kaya maglibot-libot muna tayo. Siguradong mauubos ang oras natin dahil sa haba ng pila. Why don't we eat first?" suhesyon ni Leo nang mapansin na sobrang dami pang tao ang nakapila.

Mabilis namang umiling ang dalaga at nagmamadaling tumakbo para pumunta sa unahan ng pila. Halos malaglag ang panga ni Leo dahil ilang segundo lang ang lumipas at masayang bumalik si Xiara na may hawak na dalawang ride-all-you-can ticket sa kamay niya.

"H-How did you do that? I mean, bakit hindi ka pumila? Paano naman 'yung mga taong kanina pa nakatayo? They will feel that they are being treated unfairly," nababahalang sabi ni Leo.

Sa halip na sumagot kaagad ay mabilis siyang inakbayan ni Xiara. Halata sa mukha ng dalaga ang sobrang saya na nararamdaman niya ngayon. Sa isipan ni Leo ay hinihiling niya na sana panandaliang tumigil ang oras nang sa gayon ay manatiling masaya ang dalaga.

"Sinabi ko lang na kanina ka pa nagagalit sa akin dahil wala pa rin tayong ticket. Okay, I am just kidding. Grabe ka, Leo. Ang sama kaagad nang tingin mo sa akin," natatawang sabi ng dalaga.

Muli na namang inakbayan ni Xiara si Leo bago sabihin dito kung paano siya nakakuha ng ticket sa mabilis na paraan.

"The fact that I am a vlogger is a bonus. I promised them that I would be featuring this theme park on my channel in exchange for a ticket. Plus, I received a 50% discount," masayang paliwanag ni Xiara.

Hindi pa rin makapaniwala si Leo na p'wede itong mangyari. Ngayon ay wala na siyang rason para tanggihan ang dalaga sa plano nitong pagsakay sa ferris wheel.

"You are unbelievable! Ikaw pa lang ang kilala ko na ginamit ang social status para lang sa pansariling interes. Hindi ka ba naaawa sa mga taong matagal na naghihintay sa pila?" mariing giit sa kaniya ni Leo.

Hindi na siya pinansin pa ni Xiara at sa halip ay mabilis siya nitong hinatak papasok sa loob ng ferris wheel pagkatapos nilang ipakita ang ticket.

"Alam mo, Leo. Hindi ko talaga inaasahan na magiging malapit tayo nang ganito. I thought you would always ignore me, but I was wrong. Also, you are fun to get along with. Parang kahapon lang, ang misteryoso mo pa," biglaang sabi ni Xiara.

Unti-unti nang umandar ang ferris wheel at kasabay nito ang paglilibot ng tingin ni Xiara sa buong paligid. Malinaw niyang nakikita ang kabuuan ng theme park at kahit hindi maliwanag pa ay hindi ito nagiging hadlang para maging masaya siya.

"Xiara, I have something to ask you. P'wede ko bang sabihin iyon?" mahina at nagtatakang tanong ni Leo habang pinagmamasdan si Xiara.

Bahagya namang tumigil si Xiara sa pagtingin sa paligid at muling ibinaling ang atensyon kay Leo. Mabilis siyang ngumiti sa lalaki matapos salubungin ang mga mata nito.

"Sure. Go ahead. You can ask me anything. I don't mind," nakangiting sabi ni Xiara.

Bahagyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Leo bago magtanong sa dalaga. Noong nakaraan niya pa ito gusto itanong pero wala pa siyang lakas ng loob para sabihin.

"Are you interested in me? I mean, do you like me or is this just part of your plan? This relationship we have right now should be clear. I don't want to let my feelings come out until I know that you will do the same," mariing tanong ni Leo.