Kabanata 12
Hindi inaasahan ni Xiara ang itinanong sa kaniya ni Leo. Bahagya siyang natigilan dahil seryoso itong nakatingin sa kaniya at naghihintay ng sagot.
"You have been quiet, Xiara. Does this mean that I am right? This is merely a game for your enjoyment. And I am simply a pawn in your game," mahinang sabi ni Leo.
Saka lang bumalik sa wisyo ang dalaga nang marinig ang sinabi ni Leo. Bakas sa mukha ng binata ang pagkadismaya. Kaagad namang umiling si Xiara at ngumiti sa binata.
"No. That's not what I mean. I am just shocked by your question. Leo, sa totoo lang, mas nagugustuhan ko na ang presensya mo ngayon. Ayan ang nararamdaman ko," mabilis na sabi ni Xiara.
Bahagya siyang umusog at tumabi sa lalaki. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito bago muling ngumiti. Nangungusap ang mga mata niya na para bang sinasabi kay Leo na paniwalaan siya.
"Ako nga ang dapat na kabahan sa samahan na mayroon sa atin ngayon. I have no idea how much longer this will last. I cannot change the fact that you are kind to me right now because I'm sick and will die soon," mahinang sabi ni Xiara sa lalaki.
Pagkatapos niya itong sabihin ay siya ring pagtigil ng ferris wheel. Naiwan silang nasa tuktok habang isa-isang ibinababa ang mga nakasakay. Bahagyang inihilig ni Xiara ang ulo niya sa balikat ni Leo habang pinagmamasdan ang asul na kalangitan.
"I am sorry. I should have not said that. Kalimutan mo na lang na itinanong ko iyon. Laro man ito o hindi, ang mahalaga ay gusto mo akong tulungan na maging masaya. Tara na," kalmadong sabi ni Leo.
Maingat niyang inalalayan ang dalaga palabas ng ferris wheel. Tahimik pa rin ito at hindi gaya kanina na sobrang saya. Hinahayaan na lang siya ni Leo dahil alam niyang wala siya sa posisyon para pag-usapan ang tungkol sa sakit ng dalaga.
"Gusto mo bang kumain ng ice cream? Sandali lang, bibili ako. Maupo ka muna rito," sabi ni Leo nang makita ang ice cream stall sa hindi kalayuan.
Nang makita ni Leo na nakaupo na si Xiara sa bench na gawa sa bato ay kaagad siyang naglakad para pumila sa stall. Hindi naman gaanong marami ang tao kaya mabilis lang na nakabalik si Leo sa dalaga. Dala niya ang isang chocolate at isang vanilla ice cream.
"Here. Pumili ka na lang kung anong gusto mo. Ang sabi sa akin ng tindera, 'yan daw ang best selling flavor nila rito. Libre ko na 'yan," bulalas ni Leo habang iniaabot ang dalawang ice cream kay Xiara.
Pinipilit niyang maging masaya at pagaanin ang loob ng dalaga pero hindi ito ganoon kadali. Gustuhin man niyang ngumiti pero hindi niya maiwasang mailang sa sarili. Pakiramdam niya ay hindi ito ang Leo na nakasanayan niyang makita sa salamin.
"Vanilla ice cream ang sa akin. Sa iyo na ang chocolate. Mas masarap kumain kapag may kasabay ka. Do you agree with what I'm saying?" nagtatakang tanong ni Xiara bago ibalik sa lalaki ang isang ice cream na hawak.
Hindi na tumanggi pa si Leo at mabilis na kinuha ang ice cream. Magkatabi silang umupo sa bench habang tahimik na pinagmamasdan ang mga batang masayang naglalaro sa iba't ibang klase ng mga rides.
"Ang saya talagang maging bata, 'no? You are completely free to do whatever you want. Marami kang oras para i-enjoy at mag-explore sa mundo. Kung p'wede lang sana na maging bata habang buhay. I am sure it will be fun," masayang sabi ni Xiara.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya sa mga oras na iyon habang nakatingin sa mga bata. Masayang naglalaro ang mga ito na para bang walang problema sa buhay. Ang mga ngiti nila sa labi ay tila kumukurot sa puso ni Xiara.
"Pero alam natin pareho na may katapusan ang lahat. We must grow and learn from our mistakes. Malaya ang mga bata na gawin ang lahat ng gusto nila pero darating ang araw na kailangan nilang matuto sa mga paulit-ulit na pagkakamali," makatuwirang sabi ni Leo.
Naiintindihan ng dalaga ang punto ni Leo. Kahit na gaano pa ito kaganda isipin ay alam niyang hindi p'wedeng mangyari. Kinakailangan niya pa ring harapin ang realidad ng buhay at tanggapin ang sarili niyang kapalaran.
"If I get the chance to be a child again, I'll do anything I want. Para kapag lumaki na ako ay wala akong pagsisisihan dahil nagawa ko ang mga gusto kong mangyari sa buhay. It's very funny. We should be having a good time right now, but instead, we're feeling a lot of different things," natatawang sabi ni Xiara.
Muling tumahimik ang dalaga pero nanatiling nakapako ang atensyon niya sa mga rides. Nang maubos nila ang ice cream ay mabilis niyang niyaya si Leo na pumunta sa center part ng theme. Alas-sais na ng gabi at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang fireworks display.
''Here we go. Handa na ba kayo? Magsisimula na ang fireworks display in 5," masayang sabi ng lalaki habang inihahanda ang sarili na sindihan ang fireworks.
Nakatayo sina Leo at Xiara habang hinihintay ang paglabas ng iba't ibang kulay ng fireworks sa kalangitan. Unti-unting inakbayan ni Leo ang dalaga pero sa fireworks pa rin nakatuon ang atensyon nilang dalawa.
"4!"
Mas ipinagdikit pa ni Leo ang katawan nila ni Xiara at ramdam na ramdam niya ngayon ang mabibilis na pagtibok ng puso niya. Nanginginig ang mga kamay niya pero hindi niya ito pinahalata sa dalaga.
"3!"
Kitang-kita ng binata ang matinding saya sa mga mata ng dalaga habang hinihintay nila ang pagsisimula ng fireworks display. Hindi na rin alintana pa ni Xiara ng ginawang pag-akbay sa kaniya ni Leo at hinahayaan lang niya ito sa gusto gawin.
"2! Excited na ba kayo?" masiglang sabi pa ng lalaki at kasabay nito ang paghihiyawan ng mga taong naghihintay.
Nangingibabaw ang boses ng mga bata at masaya sila ngayon dahil sa fireworks display. Ang iba pa sa kanila ay tumatalon sa sobrang tuwa.
"1! Maraming salamat sa pagpunta sa theme park namin. Sana nasiyahan kayo!" malakas na sigaw ng isang staff at pagkatapos nito ay magkakasabay na nagliliparan sa itaas ang iba't ibang ilaw ng fireworks.
Tuluyan nang napangiti si Xiara habang pinagmamasdan ang fireworks. Pakiramdam niya ay panandaliang gumaan ang pakiramdam niya nang dahil dito. Tila gaya ng mga bata ay wala siyang ibang inaalala kung hindi ang maging masaya lang sa buhay.
"Do you like it? I didn't know you were a big fan of fireworks. Sobrang saya mo na kahit sa simpleng dahilan lang. I really envy you, Xiara," mahinang sabi ni Leo habang pinagmamasdan nila ang mga fireworks.
Mabilis siyang sinulyapan ni Xiara at walang pagdadalawang-isip na niyakap. Bahagyang nagulat si Leo at hindi niya alam kung dapat ba niyang ilayo ang katawan sa dalaga. Namalayan na lang niya na unti-unti niyang niyayakap pabalik si Xiara.
"Thank you so much for staying by my side throughout the day, Leo. You made me so happy. I mean it. Isa ito sa mga magagandang nagawa nating memories dahil pakiramdam ko ngayon ay kilala na kita," nakangiting sabi ni Xiara.
Pagkatapos nito ay bumitaw na rin siya sa pagkakayakap at mabilis na hinawakan ang kamay ni Leo para lumabas sa theme park. Magkahawak-kamay silang bumalik sa parking lot para sumakay sa kotse.
"Ikaw na ba ang magmamaneho? Saka malayo ba ang bahay mo sa condo unit ko? Sasakay na lang ako ng taxi kung malayo dahil baka mahirapan ka pa kapag inihatid mo ako," mariing sabi ni Leo.
Akmang lalabas na siya sa kotse nang pigilan siya ni Xiara. Mariin siyang tiningnan ni Xiara at bakas sa mukha nito ang pagtutol sa paglabas niya. Isinara nito ang pintuan ng sasakyan bago ibigay sa binata ang susi.
"You are going to drive so take the keys. I'm exhausted right now. Tonight, I'll be staying at your house. I hope that you are fine with that. Let's go home, Leo," nakangiting sabi ni Xiara bago isandal ang ulo niya sa bintana ng kotse.