Kabanata 10
Hindi makapaniwala si Leo sa narinig niya mula sa dalaga. Sinubukan niyang tingnan ang mukha nito pero wala siyang nakita na bakas na pinagtitripan siya. Seryoso ang mukha ni Xiara na para bang labag sa loob niya ang gagawin.
"W-What did you say? Tama ba ang narinig ko? Iyan ba ang sinabi sa iyo ni Dad kapalit ng pagtulong niya? Answer me, Xiara," hindi makapaniwalang tanong ni Leo sa dalaga.
Kaagad namang kumunot ang noo ng dalaga sa narinig. Bahagya siyang natigilan dahil sa biglaang pagtaas ng tono ng boses ni Leo. Pakiramdam niya ay siya pa ang may kasalanan sa nangyari.
"Ano ba talagang problema mo? Ako ang naiipit sa sitwasyon, and yet, it sounds like you are blaming me. Fix your tone, Leo. Nagsisimula na akong mainis diyan sa pagpapanggap mong walang alam sa nangyayari," nagpipigil nang galit na sabi ni Xiara.
Naiinis na lumabas ng kotse si Leo at malakas pang ibinagsak ang pintuan ng sasakyan. Hindi naman maintindihan ni Xiara kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng lalaki kaya mabilis din siyang sumunod para kausapin ito.
"That is not what I meant. Dadalhin kita sa condo unit ko dahil doon natin gagawin ang second date. I am not aware na may naging usapan na pala kayo ni Dad. Wala ba talaga siyang tiwala sa akin kaya nakiusap siya sa isang babae para bantayan ako? Damn it!" naiinis na bulalas ni Leo.
Malakas niyang pinaghahampas ang kotse sa harapan niya kaya mabilis siyang niyakap sa likod ni Xiara nang sa gayon ay kumalma siya. Naging epektibo naman ito dahil unti-unting humihina ang mga hampas niya hanggang sa tuluyan niyang ibagsak ang mga kamay.
"So wala ka talagang alam sa nangyayari? Walang halong biro?" nagtatakang tanong ni Xiara.
Hindi sumagot si Leo at mabilis na inalis ang mga kamay ni Xiara. Malalaking mga yabag ang ginagawa niya habang papalabas ng parking lot. Hindi naman siya hinayaang magtagumpay ni Xiara dahil mabilis itong tumakbo para harangan siya.
"Huwag kang mag-eskandalo sa loob ng ospital. Pumunta muna tayo sa condo unit mo. Let's go on a date first, and then we'll discuss this. Is that all right?" kalmadong tanong ni Xiara sa lalaki at bahagya pang hinawakan ang braso nito.
Hindi pa rin gumagalaw si Leo kaya mabilis siyang hinatak ni Xiara papasok sa kotse. Ipinaupo niya ito sa driver seat bago siya muling pumasok sa loob. Bahagya namang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Leo bago ikutin ang susi at paandarin ang makina ng sasakyan.
"That's good. You need to take a break first. When you are in a bad mood, it is best not to talk, especially to your father. Trust me, it doesn't help at all. Just drive and let's date first," mariing pagpapaliwanag ni Xiara.
Tahimik silang nakarating sa condo unit ni Leo at hanggang ngayon ay wala pa ring imik ang binata. Hinahayaan na lang siya ni Xiara habang tahimik na sumusunod dito dahil hindi niya alam kung saan ang eksaktong unit ng lalaki.
"Are you sure you want to keep going with this? If you don't feel comfortable, I will drive you back to your own home. Pasensya ka na talaga kasi wala ako sa mood ngayon. Ayokong maabala ka pa," mahinang sabi ni Leo habang naglalakad sila.
Mabilis namang umiling si Xiara at muling hinawakan ang dalawang kamay ni Leo. Panandalian siyang tumigil sa paglalakad nang sa gayon ay magawang harapin nang maayos ang lalaki. Ngumiti siya nang matamis dito bago magsalita.
"Don't worry, I'll be fine. Pero wala ka pa rin sa mood, hindi ba? Do you have a camera? What if we went to a theme park and visualized the scene there? Sigurado akong magiging masaya ka. Subukan natin?" masayang suhesyon ni Xiara.
Hindi sumagot si Leo sa itinatanong ng dalaga pero pinag-isipan niya ang inaalok nito. Bahagya niyang inalis ang mga kamay ni Xiara at mabilis na iniwanan para kumuha ng camera sa unit niya. Tahimik naman siyang hinihintay ng dalaga na ngayon ay mag-isang nakatayo sa hall way.
"I am sure that this will be fun. Umaasa ako na magiging maayos ang pakiramdam mo pagkatapos nito, Leo. Tara na!" masayang sabi ni Xiara nang makita niyang naglalakad ang binata papalapit sa kaniya.
May dala itong DLSR camera sa kamay niya kaya hindi maiwasang mapangiti ni Xiara. Masaya niyang sinalubong si Leo at inakbayan ito sa balikat. Sa mga sandaling ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na mas lalo pang mapalapit sa lalaki.
"Masyado ka nang malapit. Hindi mo naman kailangang maging ganiyan dahil lang pupunta tayo sa theme park. Bata ka pa ba?" mariing sabi ni Leo nang makapasok sila sa elevator para lumabas bumaba at lumabas ng building.
Unti-unting dumistansiya si Leo pero mas lalo pa siyang inakbayan ni Xiara. Kaunting higpit na lang ng dalaga at siguradong magmumukha na silang nagyayakapan. Naiilang man siya sa posisyon nila ngayon pero hindi niya maikakaila na unti-unti niyang nagugustuhan ang presensya ni Xiara.
"Huwag ka ngang maarte riyan. Kung alam ko lang, baka pinagpapantasiyahan mo na ako. Be careful, Leo. Make sure that you can handle the consequences of liking me before you do so," mariing giit ni Xiara bago kunin ang camera mula sa kamay ng lalaki.
Hinayaan na lang siya ni Leo at hindi na pinansin pa ang mga sinabi ni Xiara. Muli silang bumalik sa loob ng kotse at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ni Xiara. Hindi tuloy maiwasan ni Leo na tanungin ito.
"How do you maintain such a positive outlook on life? Kanina lang naiinis ka nang dahil sa gustong mangyari ni Dad pero ngayon para kang nanalo sa lotto kung makangiti ka. How did you do that?" nagtatakang tanong ni Leo habang sinisimulan na paandarin ang kotse.
Mabilis naman siyang nilingon ni Xiara na may ngiti sa labi. Ipinuwesto niya ang camera at walang pagdadalawang-isip na kinunan ng litrato si Leo. Hindi nakapaghanda ang lalaki sa ginawa nito kaya wala siyang ano mang ideya kung ano ang itsura niya.
"Ano ba? Bakit hindi ka nagsabi na kukuhanan mo ako ng litrato? Burahin mo 'yan. Sigurado akong hindi maayos ang nakuha mo," mabilis na sabi ni Leo.
Pilit na inaabot ni Leo ang kamera mula sa kamay ni Xiara pero inilalayo ito ng dalaga. Bahagya pa siyang umangat mula sa pagkakaupo at hindi na niya alintana pa kung nadadaganan na niya si Xiara. Ang tanging nasa isip niya lang ay makuha ang kamera.
"What you're asking for won't be granted. Bumalik ka na sa upuan mo, Leo. I'm not going to erase your picture. Ang cute mo kaya. Ano ba, nakikiliti ako!" natatawang sabi ni Xiara habang pilit na inilalayo ang kamera na hawak niya.
Nakahiga na siya sa upuan ng passenger seat at nakapangibabaw sa kaniya si Leo habang pilit na inaabot ang kamera. Sobrang lapit ng mga katawan nila at doon lamang bumalik si Leo sa sarili. Mabilis siyang lumayo at bumalik sa upuan niya.
"Bahala ka na nga sa buhay mo. If you don't want to reveal your secret to happiness, then keep it to yourself. Just please, delete my photo. Xiara, nakikiusap ako sa iyo," sumusukong sabi ni Leo.
Kaagad namang umayos nang pagkakaupo si Xiara. Inayos niya ang nagulong buhok bago muling humarap sa lalaki. Ipinatong niya rin ang hawak na kamera sa tabi ng upuan niya nang sa gayon ay hindi makuha ni Leo.
"Simple lang naman gawin ang bagay na ito. Just be true to yourself. Maging natural ka lang at huwag mong hayaan na pigilan ka ng kahit sino na maging masaya. We don't know how much time we have left, and that's the reality of life," makahulugang paliwanag ni Xiara.
Bahagyang natahimik si Leo nang dahil sa sinabi ng dalaga. Pakiramdam niya ay sobrang lalim nang pinaghuhugutan ni Xiara. Simple lang ang mga salitang sinasabi nito pero pakiramdam niya ay tumatagos sa puso niya ang lahat.
"Especially to someone like me who is ill. My future is still a mystery to me. I'm not sure if I will be able to make a full recovery. So why don't I stay happy all the time? I want you to know this, Leo," dagdag pa ni Xiara.
Ang kaninang masayang sitwasyon nila ay unti-unting nabalot ng katahimikan dahil sa mga sinasabi ni Xiara. Kahit siya mismo ay nadadala na rin sa mga binibitawan niyang salita pero pinipigilan niyang maging apektado sa harapan ni Leo.
"But you are a fighter, Xiara. Hindi mo kailangang mag-alala dahil alam kong mawawala rin ang sakit mo. It's possible to treat hemoptysis. I really envy you because you're one of the happiest people I've ever known. Kaya mabuhay ka hangga't gusto mo," pagpapalakas ng loob na sabi ni Leo.
Matapos ito ay sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Nanatiling tahimik si Xiara sa kinauupuan niya at hindi maiwasang mag-alala ni Leo na nalulungkot na naman ang dalaga. Mas gusto niyang makita si Xiara na palaging nakangiti at hindi nananahimik lang sa isang tabi.
"My life will be made much easier if this is simply hemoptysis. It does have a treatment. Pero Leo, hindi lang iyon ang pinoproblema ka," mahinang sabi ni Xiara.
Bahagya siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago muling magpatuloy sa sinasabi. May namumuo na ring mga luha sa mata niya pero hindi na niya ito pinapansin pa.
"I have completed the analysis. I have stage 2 leukemia. I am dying slowly, Leo," mahinang sabi ni Xiara na naging dahilan para maipreno ni Leo ang kotse.