FINALE

WELL gusto rin ni Karen ang sinabi ni Val, pero siyempre kailangan niyang humirit.

"Bakit naman hindi ako puwedeng uwi ha, Val? Hahanapin ako nila, Daddy. Sigurado mag-alala sila sa akin. At baka isipin nilang nakidnap pa ako!"

"Hayaan mong hanapin ka nila, ako lang naman ang kumidnap sa iyo, pero safe ka naman sa bisig ko di ba?"

"Safe ba talaga ako, sa iyo?" panigurado niya.

Napangiti naman si Val sa sinabi ni Karen.

"Ayaw mo ba na safe ka, o gusto mong may gawin ako gaya ng mga kidnaper?" Kinindatan pa niya ito.

"Eh, kung ikaw naman ang kumidnap sa akin okay lang basta ba may kasamang ano..." hindi ituloy ni Karen ang karugtong ng anong sinabi niya.

Napatawa naman si Val he sense kung ano ang ibig sabihin ni Karen.

"Huwag kang mag-alala, Karen. Iyan ano na iyan, sa honeymoon na lang mangyayari, dahil nirerespeto kita, pero kung ikaw naman ang mangangapa eh, ano pa nga ba di ano na!"

"Hmp, never ko naman gagawin no," nakairap siya.

"I know naman, pa kiss nga ulit."

"Wow nagpapaalam kana ngayon ah, samantalang dati agad-agad nanunuka kana."

"Aba siyempre, iba nong una, at sa ngayon isa lang naman. "

"Ayoko nga, pag sa honeymoon na lang magsawa ka sa kakatuka."

"Ganon ba, sige." Bigla siyang lumuhod.

"Val, bakit tumayo ka nga?"

"Miss Karen ramirez, wala man akong maiisuot na singsing dito sa daliri mo, kasi mag-iipon pa ako para rito, puso ko muna ang pang hawakan mo ha, WILL YOU MARRY ME?"

"Nanay, si Kuya nag-propose na, ay walang singsing."

Napangiti naman si Aling Zeny habang nakatingin siya sa dalawa.

"Karen, ayaw mo bang tanggapin ang alok ko, bakit hindi ka makasagot? Pasensiya kana masyado akong mabilis."

"Nabigla lang kasi ako, Val. Oo tama ka, masyado kang mabilis."

"Kung ganon ayaw mong tanggapin ang alok ko?"

"Tumayo ka nga."

"Sagutin mo muna ako, yes please."

"Hindi kita sasagutin kong hindi ka tatayo."

Kaagad naman tumayo si Val.

"Ngayon ano ang sagot mo?"

"Yes, I will marry you," kaagad na tugon ni Karen. Magpapakipot pa ba siya hindi na tutal nasa tamang idad na sila at malapit nang lumagpas sa kalendaryo sila.

"Yaho! Thank you, Karen, hindi ka magsisisi sa disisyon mo, promise gagawa tayo ng isang masayang pamilya."

"Promise hindi mo ako sasaktan at papaiyakin?"

"Siyempre hindi nating maiwasan na walang tutulong luha, sabi nga nila kong may saya may lungkot din, isa lamang ang maipapangako ko sa iyo, Karen, I will hold you forever."

Isang matamis na ngiti naman ang naging tugon ni Karen sa sinabi ni Val.

"I love you, miss Karen Ramirez, soon to be misis Medrano o Delara."

"I love you to, Val."

"We promise each other na magsasama tayo hanggang sa ating huling hininga okay, Misis!"

"Yes, I wil, Mr."

The promise they made was sealed with a very deeply loving kiss.

Naputol ang halikan nila ng biglang mag salita ang kapatid na babae ni Val.

"Kuya, ako ang maid of honor sa kasal ninyo ni ate Karen, ha?"

"Istorbo ka alam mo ba,'' ani Val dito.

"Kuya, excited eh please, ate Karen ako, ha."

"Oo na, ikaw na," may ngiting tugon ni Val sa kapatid.

"Yes!" sigaw nito.

Nakangiti naman ang magulang ni Val ang kanyang ina napaluha.

NANG araw na iyon hindi umuwi si Karen nakalimutan na rin nilang tumawag. Kaya naman nag-aalala ang buong pamilya niya sa hindi niya pag-uwi.

"Vhenz, wala bang sinabi ang ate Karen mo kung saan siya pupunta, ha?"

"Daddy, wala naman."

"Saan ba nagpunta ang ate mo, bakit hindi man lamang nag paalam para hindi tayo mag-aalala ng ganito sa kanya, o kaya tumawag sana para alam nating na okay siya."

"Ngayon lamang ginawa ni Karen ito ah, ang cellphone niya natawagang na ba ninyo, Daddy?"

"Oo ang Mommy mo, pero naka off ito."

"Kaya nga, nag-aalala na ako, Veron, dahil ngayon lamang niya ginawa ito."

"Baka naman nakita pagtanan si ate Karen," ani Luis.

"Mahal ko, kanino naman makipagtanan si ate. Eh, kahit boyfriend wala naman siya."

"Aba malay nating may secret boyfriend pala siya, mahal ko.''

"Teka ang alam lang naman natin na lalake na kilala ni ate Karen ay si kuya Val di ba?"

"Oo si Val, " ani Jay at kaagad na kinuha ang cellphone para tawagan ang binata.

"ATE Karen, tabi tayong matulog sabi ni Nanay, bawal daw kayo magtabi ni Kuya, baka may baby na mabuo eh, Kuya walang gapangan ha, kundi lagot ka kay, Nanay. "

Hindi naman nakaimik si Val nagkatinginan na lamang sila ni Karen.

Napukaw ang patitigan nila ng tumunog ang cellphone ni Val.

Kaagad naman niya kinuha ito sa kanyang pantalon.

"Karen, ang daddy mo," aniya ng makita kung sino ang tumatawag.

Walang naramdaman takot si Karen, dahil alam niya na hindi tututol ang magulang kay Val.

"Sagutin mo, Val."

Agad niyang pinindot ang call button."Hello, sir, magandang gabi po."

"Magandang gabi rin sa iyo. Val, isang tanong isang sagot kasama mo ba si Karen, ngayon?"

"Oo, sir, kasama ko po siya," walang takot nasabi niya.

"Walanghiya ka, itinanan mo ang anak ko, Val!" galit na ani Jay.

"Sir, hindi po," bigla na siyang kinabahan.

"Kung hindi bakit kayo magkasama? At bakit hindi man lamang kayo tumawag para hindi kami mag-aalala sa kanya."

"Sir, pasensiya na po nakalimutan namin."

"Dahil sa ginawa mo Val, pakasalan mo ang anak ko, bukas pupunta kami diyan sa inyo. "

Sa narinig bi Val nagdiwang ang isip."Sige po sir, hihintayin namin kayo."

"Puwede ba huwag akong tawagin sir Val, daddy na lang," may ngiting ani Jay.

Napakamot tuloy ng ulo si Val.

"Opo, Da... daddy," nakangiting sagot niya.

"Val, alagaan mo ng husto ang anak ko, hindi ako tutol sa iyo. Hindi dahil sa anak ka ni Vincent, dahil alam kung mabuti kang tao, sige na bukas nariyan na kami."

"Makakaasa ka, Daddy. "

"Okay bye," init off na niya ang cellphone.

"Hay, may manugang na naman tayo, Veron," may ngiting ani Jay sa asawa.

"Sabi ko na nga ba eh, si ate talaga, ang bilis niya, ah."

"Matulog na kayo para bukas maaga tayong pumunta kina, Val."

"Opo, Daddy."

Bago natulog si Jay sa gabing iyong tinawagang muna niya si Vincent at sila ay nag usap ng masinsinan. At nagkasundo sa mangyayari sa kanilang anak.

Tinawagan naman ni Veron sina Lyka sa gabing iyon para makasama sila.

Tuwang-tuwa si Lyka sa nalaman.

KINABUKASAN. Maagang nagsigising ang mga Ramirez at Delara. kumain ng almusal pagkatapos naghanda na rin sila patungo kina Val.

LAGUNA.

Maaga rin nagising sina Val para maghanda sa pagdating ng magulang ni Karen.

"Nanay, maayos na ba ang lahat?" may kabang tanong ni Val sa ina.

"Oo anak, huwag ka ngang kabahan, relax ka lang."

"Hindi maiwasan, Nanay."

Natawa ang ina sa itsura nito. Paano parang mamanhikan ang magulang ni Karen. Baliktad dapat sila ang pupunta sa bahay nila Karen.

Nakatingin lang naman si Karen sa binata at siya'y Napangiti sa nakikita.

Nilapitan naman ni Val ang dalaga niyakap."Excited, eh," bulong niya.

"Ang cute mong ma excited," may ngiting tugon ni Karen.

Pagkaraan laman ng ilang oras dumating na ang hinihintay nila at nagulat si Val dahil completo ang buong pamilya ni Karen at ang Daddy niya.

"Magandang umaga, sa inyo," bati ni Jay sa kanila.

Nagkatingin naman sina Vincent at ang ina ni Val at sila ay nagngitian.

"Ate, malihim ka," bulong ni Vhenz.

"Huwag kang maingay," sagot naman ni Karen.

"Ate Karen, may nangyari bang halinghing o ungol kagabi?" bulong naman ni Lyka.

"Kayong dalawa itupi nga muna iyan mga bibig ninyo puwede ba?"

Nagkindatan naman sina Lyka at Vhenz.

"Welcome to the family, Val, "ani naman nina Jake at Luis sa binata.

"Sayang wala si ate Janine at kuya Carlos, para lalong happy tayo," ani Lyka.

"Sa kasal na lang sila hahabol sabi ng ate mo Lyka," sagot ni Veron sa anak.

"Brother, congratulations, ang bilis mo naman," ani Vanessa.

Ngumiti naman si Val sa kapatid at niyakap niya ito.

Nag usap-usap ang buong pamilya tunggol sa kasalan magaganap.

"Kayong, dalawa saan ba ninyo gustong makasal, sa Manila ba?"

"Daddy, puwede ba na dito na lang kina, Val."

"Bakit, Karen? Ayaw mo ba sa Manila Cathedral?"

"Daddy, gusto ko po rito na lang sa, Laguna."

"Bakit nga, can I know your reason, Karen?"

"Dahil dito kami nag kakilala ni Val, Daddy." Gusto niya sa bayan sinilangan ni Val dahil dito unang nagsalubong ang kanilang mata. At unang nadama ang tamis ng una nilang halik.

"Ikaw, Val. Ano ang disisyon mo? Sang-ayon ka ba kay, Karen?"

"Daddy, kung ano ang gusto ni Karen, siyang masusunod po!"

"Hmmm, okay kung ito ang inyong gusto masusunod."

"Thank you, Daddy," sabay na turan ni Karen at Val.

Naging maayos ang lahat sa araw na iyong. At ang lahat ay may ngiti sa kanilang mga labi.

Araw nang kasal lahat makikita mo sa mukha nila ang saya. Nang matapos ang salitang nila Karen at Val ng I DO.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw nilang lahat.

Ngiting-ngiti naman sina Vincent at Jay habang nakatingin sa anak nila.

"Balae, Vincent, ano sa tingin mo? Sila na ba ang huli?"

"Bakit, Balae Jay, meron ka pa bang hinihintay?"

"Loko, wala na akong ibang maisip pa. Ikaw ba?"

Umiling si Vincent."I think no one else, balae."

"Same, balae."

"Congratulations!" sabay pang sabi nila.

Ngiting-ngiti naman ang mag kaibigan at mag balae na sina Maribelle at Veron. Sino nga ang makapagsasabi? na ang mga anak nila ang magkakatuluyan.

"Congratulations!" sabay din na sabi nila. Pareho silang natawa.

"Happy?" sabi ni Val sa asawa.

"Over sa happy, Val. Ikaw how happy you are?"

"Over the moon, dahil lahat sila ay masaya. Of course lalo kana. I love you, Karen! Ipadadama ko sa iyo ang pagmamahal ko, habang-buhay!"

"Same here, Va. I love you too!"

Kahit tapos na ang kiss the bride. Val once again he kissed his lovely wife.

Nagpalakpakan naman ang lahat sa nakita nila.

WAKAS...