KABANATA 45
"Miss Yumi, palagyan po ng remarks ah." Marahan ko pang binaba ang folder sa gilid ng mesa niya.
Pansin kong tumikwas ang kilay niya at bahagyang umirap sa folder, "Remarks? May isang linggo ka pa para diyan. Patapos ka na pero hanggang ngayon wala pa rin ang order kong mga lipstick." Umingos ito at muling nagtipa.
Alanganin kong nakagat ang ibabang labi. Hindi ko pa nga pala iyon na-o-order kay Christian simula noong sinabi niyang hindi Drake ang pangalan ni Draco.
I sighed and fidged my fingers," Uhm. Ipahahatid ko na po ngayon, Miss Yumi."
Umangat ang tingin niya at bahagyang tinagilid ang kanyang ulo," Ngayon? Working hours mo pa, Verona. Huwag kang atat." Umiling ito at binalik ang tingin sa computer.
Naitikom ko ang bibig at pasimple na lamang bumalik sa pag-aayos ng folder. Ngunit noong uwian ay agad ko ring ni-text si Christian kahit nakahihiya. Magtiyaga pa akong naghintay sa harap ng bangko.
"Veron! Akala ko hindi ka na tatawag." Lakad-takbo itong lumapit at agad na nilahad ang hawak na plastic.
Alanganin ko 'yong tinanggap at ngumiti, "Salamat, Christian. Hindi ka galit?"
"Sa'yo? Hindi. Kay Draco? Oo." Tumalim ang tingin nito at kusa pang nawala ang pinaskil na ngiti sa mga labi.
Umiwas ako ng tingin at hindi makahanap ng salita upang ipagtanggol si Draco. Sa tingin ko rin ay hindi iyon tatanggapin ni Christian.
"Uhm, babayaran ko na pala lahat, Christian." Hinanap ko pa ang wallet ko sa bag.
"Napayaman ka na ba ni Draco?"
Natigilan ako sa tanong nito at napaawang ang mga labi. Nangunot pa ang noo ko at hindi siya makapaniwalang tiningnan.
"Ano?" naguguluhang tanong ko.
Gumuhit ang ngisi sa labi nito at namulsa pa, "Hindi ba? Mayaman ang Draco mo. Kaya ba mas pinipili mo?"
Napakurap na lamang ako sa paratang nito. Napirmi ang mga labi at kalaunan ay naningkit ang mga mata sa ngisi nito.
"Mali, Veron. Mali na hindi mo ko pinili-"
"Bakit kita pipiliin, Christian? In the first place, hindi ko kailangang mamili. Maraming salamat na lang, akala ko ay magiging maayos tayo." Ngumiti ako kahit hindi ako natutuwa sa mga sinabi niya.
Akmang tatalikuran ko na ito ngunit mabilis nitong napigilan ang braso ko. Halos maestatwa pa ako sa may riing hawak niya. Namimilog ang mga matang nilingon ko ito.
"Are you planning to kidnap me, Christian?" mariing tanong ko.
"Kung iyon lang ang paraan, Veron-"
But Christian was unable to finish his sentence when a cold, big, and strong hand effortlessly removed Christian's grip from mine.
"Keep your hands to yourself, Idiot," he coldly warned.
Bakas sa mukha ni Christian ang gulat ngunit napalitan din iyon ng yabang na may kasamang galit. Maging ako man ay hindi inasahan ang pagsulpot ni Draco at mas lalong hindi makapaniwala sa nakikitang lamig ng kanyang mga mata.
"Ex-convict." Ngumisi si Christian at nag-angat pa ng tingin kay Draco.
I saw how Draco's jaw moved and how his eyes turned rabid, as if ready to attack his enemy.
Nanginginig man ang kamay ko ay pilit kong hinatak ang t-shirt at hinila upang agawin ang kanyang atensyon.
"Draco, let's go home-"
"Bakit ka naman nagmamadali, Veron?" si Christian na nanatiling nakangisi, "Ipagmalaki mo naman ang boyfriend mo," hamon pa nito.
Nagsalubong ang kilay ko sa asta nito at tila kusang umakyat ang inis sa aking ulo.
"Christian, please, gusto ko ng tahimik na buhay-"
"Hindi matatahimik ang buhay mo kung isang ex-convict ang kasama mo, Veron."
Ang talim ng tingin nito ay salo lahat ni Draco. Ngunit wala ng mas tatalim pa sa tingin ni Draco. Kumuyom ang isang kamay nito at akmang susugod kay Christian.
"Enough, Draco!" Hinatak ko nang mas malakas ang damit niya upang pigilan ito.
Bahagya siyang napaatras ngunit hindi tuluyang lumayo. Nagawa pang ngumisi kay Christian at pinakitaan ito ng gitnang daliri niya.
"Fuck you, Idiot!" anito bago ako hinapit sa bewang at tinangay patungo sa nakaparada niyang jeep.
"Why are you with him?" malamig na tanong nito habang inaayos ang sarili niyang seatbelt.
Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa tanong niya. Naglumikot ang tingin ko upang ibahin ang usapan ngunit natanto kong wala si Mareng.
"Si Mareng? Saan ang anak ko, Draco-"
"Why are you with him, Verona?!" hindi mapigilang sigaw niya.
Umatras yata ang dila ko kahit pa alam ko namang wala akong ginagawang masama. Namawis din ang noo ko matapos makita ang higpit ng kapit niya sa manibela.
"I ordered lipstick-"
"Just lipstick?! You could have told me! Kaya kitang ibili ng maraming lipstick!"
Mariin akong napapikit at pinilit pinigilan ang sariling sagutin ito. He's being irrational again. He couldn't contain his anger.
"It's my mini business, Draco. It's not for me-"
"Business? Your cheap business? Your damn useless business." Umiling siya at tumalim ang tingin sa daan.
Ngunit doon na nagpantig ang tainga ko at tiningnan ito ng masama, "You're belittling my business?" Tinaas ko ang kilay ko ngunit hindi ito hinayaang makasagot.
"Gusto ko lang ipaalala sa'yo na ang useless business ko ang nagpakain sa anak mo!" hindi ko mapigilang sigaw kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"I'm not as wealthy as you or as generous as you can be to Mareng! But I did everything for Mareng! To give her a better life and to survive, Draco. And if you can't appreciate that, then I'm sorry. This is all I can give.."
Umiwas ako ng tingin at marahas na pinunasan ang mga naglandas na luha. Tila sinuntok ang puso ko sa sama ng loob. Ni hindi man lamang ito nagpasalamat na inalagaan ko ang anak niya!
Nanahimik ako dahil nanahimik ito. Ang akala ko ay tapos na ang argumento. Kahit nang makababa at lumakad patungo sa apartment.
"Where's Mareng?" agarang tanong ko.
"She's with Aling Flor. Let's talk."
He didn't say that sweetly, but he commanded it.
Tumigil ako sa paglalakad at liningon ito mula sa likod, "Ano pa ba ang pag-uusapan? Christian is just doing his job."
Muli akong humakbang upang makapasok na ngunit tingin ko ay hindi pa rin ito naka-mo-move on.
"But still, you shouldn't flirt with him," he strongly argued.
Muli akong mariing napapikit at nakagat ang mga labi sa sinabi niya.
Did he really think I was flirting?!
He's heartless!
"You shouldn't get too close to him and let him touch you. You do know that we're having an intimate-"
"Sex," I said, cutting his sentence.
Dismayado akong napailing at mabilis na hinanap ang susi sa bag ko. Binigyan ko siya ng dismayadong tingin kahit pa nakakaba ang tinging binibigay niya.
"So what if we had sex?" matapang na tanong ko.
His stare became more furious as he walked closer to me.
"Ano naman ngayon?" Binuksan ko ang pinto at agad na pumasok bago siya hinarap, "That doesn't mean I can't flirt. I will flirt with all the men I want and have sex with them! I will get myself satisfied-"
But all of my words were drowned out when he ruthlessly pinned me against the closed door and shamelessly claimed my lips. He bit my lower lip and even forced his tongue to get in. His strong hand held my waist tightly as he kept me leaning on the door.
"Hmp-"
I was unable to even utter a word. A stain of blood from my swollen lips is all that I can taste. I felt him unzip my skirt as he placed his head on my forehead.
"I'm freaking jealous, Verona. I hate sharing. Your body, my rule," he murmured, crazily.
Habol ko ang paghinga ko at gusto mang sumagot ay hindi ko magawa. Mas lalo na noong muling ilapat nito ang mga labi sa aking mga labi. But this time, it was sweet and soft. He moved his lips gracefully, and it carried me away, making me forget my anger. But when it traveled down my neck, I held tightly onto his arm.
"Don't make me mad again, Verona," he whispered.
I smirked and tried to catch his eyes, "Don't make me mad, Draco. I can freely offer myself to Christian-"
And him being impatient, he became remorseless in claiming my lips. He even carried me and laid me down on the cleopatra.
"I am jealous. Sharing is not my thing, Verona." He bit my shoulder and abruptly unbuttoned my blouse.
He settled himself on top of me. I even felt his hand crawling on my waist, up to my hips, trying to remove my underwear, but he ended up ripping it away.
I closed my eyes tightly when he breathed heavily when he paid attention to my jaw and showered my breasts with his wet kisses. And when I opened my eyes, he was already shirtless and ready to win his fight over me.
"Why did I make myself wait for so long when I could have you at any time?" he asked huskily.
But my mind is not paying attention to any of his words. Instead, my body focuses on his iron-sword, ready to start the rhythm.
and cursed me if I allowed myself to drown and go insane over it. I let him own me up to his heart's content.
Marahan ko pang siniksik ang sarili sa dibdib niya. Ramdam ko pa ang mahigpit niyang pagyakap at marahang paghalik sa ulo ko.
"Cold, hm?" he hummed.
I slowly nodded my head and just savored his warm body, but I knotted my forehead when he suddenly stood up, leaving me alone in the bed. But it didn't take so long for him to come to bed and dress me up like his own baby.
"There. It's really my job to undress you and dress you, huh?" I heard him chuckle as he laid down again on the bed and scooped me up.
"It is. Your prize is priceless, Pare," I whispered, sleepily.
"Priceless but very satisfying." He placed a sweet kiss on my forehead, then on my cheeks, and then on my lips, "I love you, Verona."
"Hm," I murmured as sleepiness consumed me, not minding what he had said.
At talaga yatang good mood na ito at nagawa pang magluto kinabukasan. Nangingisi pa habang hindi maialis ang tingin sa akin.
"Want some argument?" He waved his brows, then smirked.
Napailing ako at umirap bago pinusod ang buhok, "Nakalimutan natin si Mareng. Susunduin ko lang."
Ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa pinto ay may iilan ng magkakasunod-sunod na katok mula roon.
"Might be Aling Flor," he concluded.
Nagmamadali ko pang buksan iyon upang magulat lamang sa tatlong pulis na kasama ni Christian.
"Dito po ba nakatira si Mister Draco?" ma-awtoridad na tanong nito.
Umawang lamang ang mga labi ko at hindi makasagot. Nilingon ko pa si Christian na tinanguan lamang ako.
"What's the matter-"
"Mister Draco, nasa drug watch list ka." Agad na naglabas ng posas ang nasa unahan at pinosasan ang mga kamay ni Draco.
"This is all against my rights!" He shouted as he looked at them furiously.
"Sandali, mali naman po yata kayo ng proseso at baka nagkakamali lamang po kayo." Pilit kong pinigilan ang mga ito ngunit inaalis ni Christian ang hawak ko sa pulis.
"This is fucking infringing on my rights!" Draco shouted, but they didn't stop dragging him away.
Sinubukan ko muling humabol ngunit hinaharangan ni Christian ang daanan.
"Drug addict pa rin 'yan, Veron!"
Binalewala ko ang sinabi niya at pinilit na makahakbang.
"Draco!" Muling sigaw ko matapos tuluyang tangayin ito.