Chapter 37 She Was Just A Kid

NAGKATINGINAN kaming tatlo nina Kuya Liam at Vyra, sa sinabi ni Lei. Isa-isa kong hinimay sa isip ko ang koneksyon ng mga pangyayari, pati na rin ang mga nakalap kong impormasyon.

Nang araw bago mangyari ang aksidente, magkahiwalay na umalis ng bahay ang mga magulang namin. Sinama ni Mom si Lei.

Nang makatanggap ng tawag si Kuya mula sa kasambahay at sinabi ang balita, pauwi na siya mula sa university. And that was six in the evening.

Ako naman ng mga panahon na iyon, nasa isang arcade kasama ang barkada.

Nang makauwi kami sa bahay noon matapos naming puntahan ang mga katawan ng magulang namin, Lei was sitting still with her innocence, waiting for our parents to come home.

Tinanong namin siya noon kung saan siya galing, kung bakit hindi niya kasama si Mom. At ang tanging sagot niya, “I was at home all day. Waiting for Mom’s big news. Sabi niya may pupuntahan siya and I am waiting her patiently.”

Kaka-graduate niya lang sa elementary at hinihintay ang pasabog na sopresa namin para sa kanya– magiging big sister na siya. And everything vanished in just a blink of an eye.

The case looked so simple. The complicated part is Lei.

I have been investigating this matter, s autos na rin ni Kuya. May nakapagsabi kay Kuya na isang paramedic, isang oras nang patay ang tatay namin bago pa maganap ang aksidente.

Tinanong noon si Kuya kung may kaaway ang mga magulang namin. Dahil wala siyang maibigay na sagot at wala ring nakikitang motibo sa pagkamatay ni Dad, pinagpalagay na lang na pinatay ni Mom ang asawa niya at nag-suicide.

Wala namang mahingan ng tulong noon si Kuya Liam. Sa batang edad, hindi binigyang pansin ng mga malapit na kamag-anak ang mga espekulasyon ni Kuya, at sinabing kami na lang na mga kapatid niya ang bigyang-pansin.

The case is closed.

Halos kalahating taon ko na ring ginagawa ang imbestigasyon nang mag-isa

Noong una ay wala talaga akong clue. Tapos naisip ko na simulan ang paghahanap ng impormasyon sa mga taong humawak ng kaso.

Tiningnan ko isa-isa ang profile nila. Ending it that way was too suspicious. It turns out, wala silang koneksyon sa mga magulang namin, bagkus tinamad lang talaga na ipagpatuloy pa ang kaso.

Walang motibo, walang ibang taong involved, kaya pinagpalagay na lang na aksidente lang ang lahat.

Mga gago. Tingnan natin kung aksidente rin na matatawag ang pagkakulong nilang lahat sakali man na malaman namin ang totoo.

Sunod ko naman na ginawa ang mambabae. It wasn’t part of my investigation. Gusto ko lang mag-relax. But who would have thought that it will lead me to my father’s secrets.

Hindi ko alam na babaero pala ang tatay ko. One of the ladies of my age had a slip of the tongue. She said that I looked like her sugar daddy. She even showed me their picture.

Agad ko itong sinabi kay Kuya. Kuya Liam is suspecting that Mom found out about this and killed her husband. Pero may isang butas na hindi tumutugma sa mga nagyari.

At ang huli kong pinuntahan, ay ang lugar kung saan huling nakita ang parehong sasakyan ng mga magulang ko – sa ospital.

Clues and speculations are forming in the back of my mind.

Unang una, kasama ni Mom si Lei nang araw na iyon. And I can tell that they went there for a check-up.

And Dad being there when he is supposed to be at the company during those times, only means that he has a woman in the hospital.

At ngayon nga, itong rebelasyon na sinabi ni Lei, ay hindi ko inaasahan na magmumula pa sa mga labi niya.

As much as possible, I don’t want her to remember more.

She was just a kid, lost her precious memory, and was waiting for our parents.

Nabitawan ko ang hawak kong baso at agad na niyakap ang kapatid ko. “Lei, it’s not your fault.”

Lalo lang lumakas ang hagulgol niya. Paano ko aaluin ang isang bata na buong buhay niya, naniwala na namatay sa aksidente ang tatay niya kasama ang nanay niya?

“Lei.”

Lumayo ako kay Lei, at pinaubaya ang pakikipag-usap kay Kuya Liam.

Dumako ang tingin ko kay Kenneth. Seryoso lang siyang nakatingin kay Lei. Namumula na rin ang mukha niya. Hindi ko alam kung galit siya, o nagsisisi. Kung ako ang nasa kalagayan niya at malalaman ko na ang babaeng gusto kong makasama sa buhay, may ganitong side, lalayo na ako.

I want to hear his side. At isa pa, gusto ko rin malaman kung ano ang nag-trigger kay Lei.

“Let’s go outside, Kenneth.”

SUMANDAL ako sa malaking puno. Si Kenneth naman, tahimik lang na sumunod sa akin. Nakayuko siya na tila hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nasaksihan.

“Speak,” I commanded.

“Kuya Nico, hindi ko alam kung anong gusto mong marinig. Pero ako dapat ang magtanong-“

“I want to know what triggered her. What happened earlier?”

Napansin ko ang bahagyang paglaki ng mata niya at paglunok. Umiwas din agad siya ng tingin. Gustong gusto ko nang bugbugin ulit itong lalaking ito, pero kailangan ko muna marinig ang side niya. Baka matulad na naman dati. I misunderstood him big time.

You can’t blame me. He made my little sister cry.

“May babae kanina na hindi ko naman kilala. Lumapit siya sa akin. She was saying something like I was his first and only man. She even kissed me in front of Ash,” paliwanag niya. Napakamot pa siya sa batok niya.

I sighed. Naalala ko na ang sumbong ni Lei sa akin noon, may babae si Kenneth.

But this is no longer the issue here. Naalala ni Lei ang mga nangyari dahil sa nakita niya, ang boyfriend niya na may kahalikang iba.

Ito rin ba ang nakita niya noon kay Dad? Kaya niya nasasabi na siya mismo ang kumitil sa buhay ng sarili niyang ama?

“So, what will happen to Ash?”

“Nico!” sigaw ni Kuya Liam sa di kalayuan.

Tinapik ko si Kenneth sa balikat. Hindi ko alam ang isasagot. Pero umaasa ako na kahit papaano, hindi magbago ang tingin niya sa kapatid ko.

Tao lang din si Lei. Gustong protektahan kung anong kanya. Well, I know this reasoning is full of madness. We are raising and protecting a…

No, I don’t want to admit it.

She’s a psycho.

She only did it once. At kailangan naming masiguro na hindi na iyon mauulit pa.

Pumasok na ako sa sala. Nakita ko si Lei na mahimbing na natutulog sa hita ni Vyra. Mugto ang mga mata at may dugo sa labi.

“She said she was so angry with our father. She was with Mom for the ultrasound and learned that she was going to have a little sister. She even tried to call Dad to tell the news, only to find him making out with a doctor. And that’s when she lost herself.”