Chapter 36 I Think…
THAT FAMILIAR FACE, familiar smile, and familiar naughty vibes– is now walking straight to us with evil intent. She is wearing a pink off-shoulder garter hem cropped top, black hot pants. Her loose blonde and curly hair are blown by the wind.
Hindi ko alam. Sa init ng panahon o sa bumabalik na galit ko? I can feel my blood boiling.
“Kenneth!”
Niyakap ng babaeng ito si Ken, right in front of my eyes. Gusto ko siyang sugurin pero nabato ako sa kinatatayuan ko.
Ken is just looking at me, as if he is silently asking for forgiveness. Hindi niya rin tinutulak palayo ang babae at hinayaan niya lang na humigpit ang hawak sa kanya ng babae.
“Who are you?”
Napamaang ako sa tanong ni Ken. Like is this some kind of drama? Oh, I guess he was too drunk to remember making out with this bitch.
“K-Kenneth? Hindi mo ako maalala? I’m Theiara Grande! Pagkatapos nang nangyari ng gabing iyon, hinanap kita. Ikaw ang unang lalaki sa buhay ko but you just storm out f the room after you get what you want,” sabi ng babae. Bahagya rin siyang lumayo sa pagyakap ngunit naupo rin siya sa lap ni Ken.
Am I invisible?
“What the heck are you talking about? Hindi kita kilala, at wala akong matandaan na babaeng kinama sa tanang buhay ko. Siguro pokpok ka lang talaga and you are mistaking me for someone else. So if you won’t mind, leave. I am with my girl.”
Tumingin naman sa akin ang babae who introduced herself as Theiara. Hindi bagay ang mala-royal name na iyon sa isang pipitsuging pokpok na kagaya niya.
She leaned her head on Ken’s shoulder, bite her right thumb, and blink twice at me. “I’m sorry, I didn’t see you.”
“Get off-“
She cut Ken’s words with a kiss.
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Ken, but he was just there doing nothing about the bitch. Nakita ko pa ang pagdila ng babae sa labi ni Ken na tila pinipilit niyang paghiwalayin ito.
Bumibilis na ang tibok ng puso ko. There are memories of the same situation flashing right before my eyes. I can see blood all over. Nagsisimula na rin magdilim ang paningin ko.
Kill her.
Kill who?
Someone is whispering to my ears, just like last time.
Last time? When was that?
Car.
Dad.
Mom.
Hospital.
Little sister.
Bitch.
Kill.
These words seem like a puzzle to me.
An image of my father lying in the back seat, his unbuttoned white suit is tainted with red. There was red sticky fluid flowing out of his head. A woman in a white dress is running fast.
What on earth are these memories?
Bumalik lang ang diwa ko sa kasalukuyan nang marinig ko ang pagsigaw ng babae. Nakaupo siya sa semento, habang si Ken ay nakatayo sa harap niya. Just looking at them, I can see na tinulak ni Ken ang babae.
I want to hear Ken’s explanation.
“Hmp! Same as always, jerk? I should’ve known.” No, what am I saying?
“Well, all this time I was just pretending. I want revenge for what happened that night.” What revenge?
“Kung akala mo nakalimutan ko ang nangyari, nagkakamali ka. This same bitch who you were with that night is here in front of you. Bakit hindi mo patunayan kung anong klaseng lalaki ka? Sabi nga di ba, a cheater is always a cheater. And cheater always go for low standard.”
Gusto ko nang tanggalin ang dila ko dahil sa mga sinasabi ko.
May nakita ako na iilan na kumukuha ng video. Ang ilan naman ay nagbubulungan.
“Mga ganyang lalaki, dapat iniiwasan.”
“Ay iyang babae na iyan, kilala iyan sa internet as porn star.”
“Kadiri naman ng lalaki. Pinagpalit iyong matinong babae sa bayaran.”
I can feel my lips forming a grin.
No! This is not what I want! Ken, ayaw kong madamay siya sa kasiraan ng babaeng ito.
“See? Kahit ibang tao, alam kung sino ang nawalan sa ating dalawa.” Why am I saying the opposite?!
“Ash, why are you like this?” Akma niyang hahawakan ang kamay ko but my body move on its own. Humakbang ako palayo.
“Why am I liked this you ask? Bakit hindi mo itanong sa babae mo? Nagmamalinis? Pagkatapos mong makipaglandian sa iba habang tayo pa?”
Tama na!
Naiiyak na ako. Hindi ito ang gusto kong sabihin. Hindi ito ang gusto kong mangyari.
“Ash-“
“Iyong babae, tumatakas!”
Hinanap ng mata ko ang tinutukoy nila. And all I see is a lady in white dress running from the parking lot.
Blangko – nakikita ko ang paligid, ramdam ko na gumagalaw ako, pero hindi ko ma-process ang bawat segundo.
“Ash, mag-usap tayo nang maayos. It’s not like you to say nonsense. Ok naman tayo, di ba? If this is one of your pranks, just say so. I will let this go.”
Nakita ko sa gilid ng mata ko si Mommy. She has a terrified look on her face. Hinila niya ako at tinulak sa kung saan. She get in the same car where my father was. And the next thing happened, I saw the car driving away.
“Umuwi muna tayo. Magpalamig ka muna.”
Tumingin ako sa mga kamay ko. Nanginginig ang mga kamay na naihilamos ko sa mukha. Naamoy ko na rin ang naghahalong lansa at kalawang.
“Anong ginawa ko?”
“Ash, let’s go. Gusto mo ba kargahin kita pauwi?”
“Ken…”
Malabo na ang mata ko. Hindi ko alam kung anong expression ang mayroon ngayon si Ken. Niyakap niya ako nang mahigpit.
“I’m sorry…” paulit-ulit na usal ko.
Hinagod-hagod lang ni Ken ang likod ko.
“It’s okay. It’s not your fault. Babae ka. Alam ko na madali kang maguluhan. Kaya pag-usapan natin ito, ok?”
No, it’s not what I meant.
Gusto ko nang umuwi. Gusto kong makausap sina Kuya. Gusto kong sabihin nila sa akin na hindi ito totoo. Gusto kong marinig mismo sa mga labi nila na hindi iyon kasalanan, na hindi ko iyon ginawa. I was just a kid.
“Mom, Dad…” mahinang usal ko.
“We’re back.”
“What happened? Bakit umiiyak si Lei?”
Sinisinok na ako sa pag-iyak. Nang imulat ko ang mata ko, nakita ko na napalilibutan ako ng mga kapatid ko.
Nakaupo na ako sa sala, pisil-pisil ni Vyra ang kamay ko. May baso rin na inaabot sa akin si Kuya Nico. Habang si Kuya Liam, nakaupo sa harap ko.
Hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng loob ko, but words just came out of my mouth.
“I think, I killed our father.”