CHAPTER 48 payment

Cole's POV

Ngumuso ako at minasdan na lang ang papalayong si Bennet. Hindi ako sumunod sa kanya. Iintayin ko na lang na dumaan siya dito kapag nakuha na niya 'yung kotse.

Luminga ako sa paligid, at nagulat ako nang makita ko si Fujima na nakatayo malapit sa 'kin.

"Oh! Nandito ka pa?" nasabi ko.

"No, I'm not here. I'm just a figment of your imagination," nakangising sabi ni Fujima.

"Ganun? Sige... bumalik ka na sa imahinasyon ko. Shoo! Shoo!"

"I'm not a dog, don't shoo me."

Tch!

'To talagang si Fuji, manang-mana sa bestfriend/amo niya.

"Sabi mo eh," ismid ko.

"Fuji! SINO 'YANG BABAENG KASAMA MO?! TUMALIKOD LANG AKO, MAY KABIT KA NA AGAD NA HIGAD?! ANO NA LANG SASABIHIN NINA MOMMY 'PAG NALAMAN 'TO!!?"

Napapitlag ako nang biglang pumailanglang sa ere ang matinis na boses ng isang babae.

Luminga ako sa likod namin ni Fuji. A stupid thing to do may I say. Alam ko nang pamilyar ang tinig ng babae. Sinasabi na nang instinct ko na kilala ko ang babae pero lumingon pa rin ako.

Napasinghap tuloy ako nang tumambad sa 'kin ang pamilyar na bulto ng isang babae.

A petite-sized, equally chinky-eyed woman on her mid-twenties, with straight sleeky black hair, small nose and small lips.

Her small figure somewhat gave her an aura of a pixie creature... but I know better.

Kilalang kilala ko ang babae.

"Georgie..." bulong ko.

"George," tawag ni Fuji sa babaeng papalapit. "It's not what you think!"

"AH TALAGA?! NOT WHAT I THINK WHAT I THINK KA DYAN?! EH HAYAN NGA AT EBIDENSYA NA NAKIKIPAGLANDIAN KA SA BABAENG KASAMA MO!! PANGITI-NGITI KA PA SA KANYA! AT IKAW NAMAN BABAE..."

Napangiwi ako nang lumingon ang babae sa 'kin at magtama ang aming paningin.

Hindi na kataka-taka ang biglaang pamimilog ng mata nito nang makita ako.

"AAAAAAHHH!!" sigaw ng babae na biglang lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa braso. "ANAK NG DINOSAUR!! COLE, ANONG GINAGAWA MO DITO?!!"

Hindi ako nakapagsalita. Nalunok ko yata ang dila ko.

Para lang akong bubuyog na umugong.

"Mmmmmm..."

Georgessa is in front of me. Goodness! Maghuhukom na!

Like I told you before... Georgie is my colleague from National Geographic. In other words, kalahi ko siya. Isang babaeng nakikipagbuno rin sa mga higanteng mammal. If Thurstin is my male bestfriend, Georgessa is my female bestfriend.

"Mmmmmmmm..."

"Cole!" Inalog ni Georgie ang braso ko. "HOY!!"

"Excuse my presence, George. But who's you're calling 'Cole'? Her name is Nicky!" singit ni Fuji na hinikit si Georgie palayo sa 'kin.

Umigkas agad pataas ang mga kilay ng babae. "Excuse me rin ha? Nicky?"

Lumingon si Georgie sa 'kin. "Kelan ka pa naging si Nicky? Ang maarteng supermodel mong kakambal?! Haha! You're funny, Fuji! That woman is Cole! Kilala ko siya mula kuko niyan sa paa hanggang sa split-ends niyan sa buhok. Isang extinct na dinosaur ang babaeng 'yan kaya wala 'yang katulad!"

Napangiwi lalo ako. Balahura talaga ang bibig niya. Gurabi! Paano na 'ko lulusot nito? Eh gaya nga ng sinabi niya... kilalang kilala niya ako. Tatanggi pa ba ako?

"Teka? Bakit pala kayo magkasama ni Fuji ko, ha?" tanong ni Georgie.

"Ahm..." Sasabihin ko na ba?

"She's Bennet's wife," sagot ni Fuji na kataka-takang bahagyang nakangiti. "'Yung kinuwento ko sa'yo."

Huh?

Biglang nanlaki ang mata ni Georgie nang tumingin sa 'kin. "ANOOOO?!"

"Pero ang alam namin... Nicky ang pangalan niya... not Cole," dagdag ni Fuji na bahagyang naningkit ang mata. "Mukhang may mali dito..."

"MAGPAPALIWANAG AKO!!" naisigaw ko bigla. Panic na ang kalooban ko. Feeling ko, naipit ako bigla sa pagitan ng nagu-umpugang bato at wala akong malusutan.

"See? Si Cole nga siya," bulong ni Georgie kay Fuji na dinig ko naman.

"So. Nagsisinungaling siya kay Bennet..." ani Fuji.

"MAGPAPALIWANAG NGA SABI AKO!!"

"Naku... patay siya kay Bennet. Halimaw pa naman ang isang 'yun..." bulong pa rin ni Georgie.

"True."

"BUWISIT! MAGPAPALIWANAG NGA AKO EH!" sigaw ko ulit. Frustrated na ako.

Taas-kilay na tumingin si Georgie sa 'kin.

"Sige nga, Cole..."

Napakislot ako. Iba talaga ang epekto kapag tinatawag ako sa pangalan ko. Nasanay na yata ako sa kaka-Nicky ng mga tao sa paligid ko.

"Ipaliwanag mo... kung bakit nag-file ka ng indefinite leave sa trabaho three months ago. Ni hindi ka nagparamdam sa team o tumawag man lang. Tapos ganito... malalaman kong, asawa ka ni Bennet pero nagpapanggap kang si Nicky? Sige nga. Pakipaliwanag."

Napalunok ako.

"So... whatever you had said before to the Legal Adviser is true?" tanong ni Fuji. "That you are the other twin... hindi nga lang naniwala si Bennet dahil akala niya nagpapalusot ka?"

Humugot ako ng hininga bago tumango. "Totoo 'yun. Inamin ko naman na hindi ako si Nicky noon... but just like what you said, hindi tinanggap ni Bennet 'yun. And I have no choice too. Ayokong mawala sa 'kin ang kompanya ni Papa. Kaya tinanggap ko ang offer ni Bennet na pakasalan siya."

'Isa pa, guwapo ng Mister ko tatanggi pa ba ako?' singit ng malandi kong isip.

"So you're bankcrupt! Pero imbes na sabihin mo sa 'min ni Thurstin ang problema mo... inilihim mo na lang at gumawa ka ng isang malaking katangahan?!"

Matiim ang tingin ni Georgie sa 'kin kaya napayuko ako. "Sorry."

"I think you two have to talk alone," ani Fuji. "Nicky--- or should I say Cole, maiwan ko muna kayo."

Humakbang paalis si Fuji. Medyo nagtataka pa ako dahil... well, wala ba siyang interes na marinig ang paliwanag ko? Aalis siya na di naririnig ang panig ko?

Ah. Baka si Georgie na lang ang magsasabi sa kanya.

Nang makaalis si Fuji, naiwan nga kaming dalawa ni Georgie. Medyo kinakabahan ako pero may parte ng kalooban ko ang unti-unting nababawasan ang bigat.

One less people to lie to.

"So, tell me Cole... anong ibig sabihin ng mga kalokohang ginagawa mo ngayon?" tanong ni Georgie nang mapag -solo kami.

Huminga muna ako nang malalim at pagkatapos ay tumitig ako nang deretso sa mga mata ng kaibigan ko.

"Listen girl... at sana huwag mo muna akong huhusgahan. Gusto kong patapusin mo ako sa paliwanag ko then tsaka mo ako paliguan ng laway mo after, okay?"

"Fire away, Dinosaur!"

At ipinaliwanag ko nga kay Georgessa ang lahat sa napakabilis na paraan. Lahat ng sinabi ko kay JM noon ay inulit ko sa kanya. At nag-focus ako sa misteryo ng pagkamatay ni Kelly.

Hindi naman mahirap umintindi si Georgie. Gaya ni Thurstin... naniwala din si Georgessa na hindi kayang patayin ni Nicky si Kelly.

"Si Nicky? Eh sa sobrang arte ng kakambal mo na 'yun baka mahimatay siya pagkakita sa baril!" ani Georgie.

Tumango ako. "True. True."

"Hmmm. Though hindi rin natin masasabi dahil sabi mo nga sagad hanggang langit ang pagsintang-pururot ni Nicky kay Bennet. At wala tayong ideya kung anong magagawa ng taong bangag sa pag -ibig."

"True. True."

Tinanong ni Georgie kung nasaan na si Nicky at sinabi kong may lead na si Thurstin kung saan mahahanap ang babae.

"Mmmm. Hindi ko alam ah... pero may butas sa plano mo. Kung makikipag-switch ka kay Nicky once na bumalik siya... paano na 'yung balak mong alamin ang tunay na pumatay kay Kelly?" tanong ni Georgie.

Bumuntung-hininga ako. "Hindi ko na problema 'yun. Si Nicky na ang bahala dun. Once na makabalik ako sa trabaho... wala na akong pakialam sa kanila. Kay Nicky, kay Kelly, kay... Bennet."

Nagdududang tumitig si Georgie sa 'kin. "Ows? Wala ka nang pake? Kahit kay Bennet pa? Sa asawa mo kuno?"

Tumango ako sabay iwas ng tingin.

"Sinungaling ka talaga! HOY ZEHEL 'TONG ASAWA MO OH! MAGALING LANG SA UMPISA PERO IIWAN KA RIN SA HULI---mmmmppp!"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Georgie nang sumigaw siya habang nakatingin sa likod ko. Nang luminga ako sa paligid, nahigit ko bigla ang hininga ko.

Por diyos por santo! Si Bennet... naglalakad papunta sa 'min habang nakakunot ang noo.

"Siyeeete talaga!" impit na tili ko habang tinatakpan ang bibig ni Georgessa.

"What are you two doing?!" tanong ni Bennet nang tuluyang makalapit sa 'min. "George?"

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Bennet habang nakatingin sa 'min ni Georgessa.

Tinampal ni Georgie ang braso ko dahilan para mabitiwan ko siya. "Leofwin... 'tong asawa mo!!"

Para akong zombie na hindi humihinga. Panay ang pagkabog ng dibdib ko. Sira -ulo talagang Georgessa 'to! Ibubuko pa ata ako!

"Ano ang asawa ko?" tanong ni Bennet na tumitig sa 'kin.

Hindi ako makaugok.

"'Yang asawa mo..."

Lumingon si Georgie sa 'kin at ngumiti.

"'Yang asawa mo... maganda pala sa personal kesa sa mga billboard at magazine cover. Grabe!"

Biglang hinikit ni Georgie ang braso ko at iniyakap sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag nung wala namang sabihin si Georgie kay Bennet. Kahit kelan... baliw talaga siya. Pinapakaba ako lagi.

"Sa sobrang ganda niya... bestfriend ko na siya! Okay lang ba 'yun sa 'yo, Bennet?"

Bahagyang sumimangot si Bennet kay Georgessa na para bang nakakita siya ng isa pang kulisap na gusto niyang tirisin.

"Bagay naman kayong magkasama... parehas kayong baliw," bulong ni Bennet.

"Ano 'yun?" sabay na tanong namin ni Georgie.

"Nothing."

Napanguso ako. "Eh ikaw... bakit ang tagal mo?"

"Malayo 'yung parking ng kotse," sagot ni Bennet.

"Ows. Talaga? Gaano kalayo? Kasing -layo ng Asia? Sa China ka ba nag -park?" hindi ko mapigilang angil.

"Tssh! Of course not!" angil din ni Bennet.

"Eh ano? May nakita ka na namang phyton kaya hindi ka agad nakabalik?"

"What are you talking about?!"

"Nakuuu!" singit ni Georgie na tumataas bumababa ang kilay. "Marami talagang phyton sa Zoo. In fairness, imported pa silang lahat. Magaganda at makikinis!"

Nang -aasar ba ang babaeng 'to?

"Makinis din ako!" sikmat ko kay Georgie.

"Dinosaur ka, bukod sa matigas ang balat mo, magaspang pa!"

"Raaawr!"

"Ano bang pinagtatalunan niyo?" awat ni Bennet.

"Wala. Huwag mo nang kaisipin 'yun, husband. Umuwi na tayo..." aya ko kay Bennet.

Ngumiwi ang lalaki at palitang tinitigan kami ni Georgessa.

"You're both insane."

Tsk! Ngayon lang niya nalaman? Kami ni Georgie, matagal na kaming na -diagnose na may Stage 4 Insanity.

Mayamaya, hinawakan ni Bennet ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. "Kung ganyang magkakilala na kayong dalawa, maiwan ka na namin George."

Sumeryoso ang mukha ni Georgessa nang tumingin siya sa'min. "Yeah. Okay. Ingat kayo and..."

Sa'kin tumitig si Georgie. Her black eyes swept on mine. "Bye Co... see you... soon. I'll call you. If you need help just call me. Hindi lang si Thurstin ang kaibigan mo rito."

Tumango ako at ngumiti. Hindi pa kami tapos mag-usap. Magkikita ulit kami, oo. Yun lang yun.

Nang tumalikod si Georgessa, hinila na rin ako ni Bennet patungo sa ibang direksyon.

"The car's over there at the gate," he said.

Tahimik lang ako habang naglalakad. Iniisip ko si Georgie. Now that she knew my secret, I know na hindi siya papayag na hindi ako tulungan. Tsk. Sana huwag maging komplikado ang lahat. Ayokong umalis na may iniwang buhol buhol.

On the other hand, marami-rami na rin ang nakakaalam na ako si Cole... siguro nga nalalapit na ang panahon para bumalik na ako sa dating ako.

Haaays.

"So..." narinig kong untag ni Bennet. "All in all... not a bad date, right?"

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. Nagregodon-de-honor tuloy ang puso ko nang wala sa oras. His smile... naku!

"Hmmm. Teka, date sa zoo, date na malayo ang parking ng kotse, date na nagkahiwalay tayo, date na hindi tayo nakakain, tapos may nakawala pang tigre kung saan nakipagbuno pa ako... hmmm. Not a bad date at all," ngiti ko sabay kindat sa lalaki.

Napatawa si Bennet dahil dun. Inipit niya lang ako sa kili-kili. "Come here, you stupid creature! Why are you so cute?"

Ayeeeii! Tang'na... kinikilig na naman si Goddess-Cole!

Bennet's Pov

Tahimik na tahimik ang paligid. Tanging hampas lang ng alon sa dalampasigan ang naririnig ko.

Bumangon ako sa kama at naglakad papunta sa balkonahe na kadugtong lang ng Master Bedroom.

The moment that I opened the door. Blast of cold wind hit my face. I swear I could feel some sleet of ice piercing my skin.

My face turned numb.

Malamig na ang panahon... naalala kong papasok na ang Fall Season. Tanaw ko mula sa balkonahe ang malawak na karagatan. Namumuti ang dalampasigan dahil sa lakas ng alon.

May bagyo na naman yatang parating.

Alam kong matibay ang pagkakagawa ng bahay na 'to dahil na rin sa malalim at matigas na pundasyon. Pero hindi ko pa rin maiwasan na di mag-alala.

Maybe my wife and I should go back to Philippines. It's a lot safer there. Mas mapapanatag ako kahit nasa trabaho ako kung maiiwan ko si Nicky sa Sephiro.

At least doon, pamilyar sa asawa ko ang paligid. Hindi gaya dito.

Paano kung nagkataon na nasa ibang bansa ako at nagtatrabaho tapos biglang may dumating na malakas na cyclone? Tabing-dagat itong bahay at kahit gaano ito katibay... wala pa rin itong laban sa matinding sakuna.

Look at what happened during the times of Hurricane Katrina. Halos lumubog ang buong west coast ng America dahil dun.

No. Hindi ko ipagsasapalaran si Nicky sa lugar na 'to.

'Are you hearing what you saying, Bennet?' pitik ng isang bahagi ng utak ko habang nakatitig sa malawak na dagat.

Parang totoo... nakita ko ang isang ako na nakatayo sa harap ko. 'Yung ako na matagal ko ring hindi nakita. My talking reflection.

"What do you mean?" tanong ko.

'You are concern with that murderer. What's happening to you?'

Nakakunot ang noo ng isang ako. At parang nagagalit siya sa 'kin.

Sa pagkasabi niya ng salitang 'murderer' ay napakislot ako. At dumagsa sa utak ko ang alaala na nabaon sa malalim na parte ng nakaraan ko.

The death of Kelly.

'The one you're referring to as your wife... is the one who killed your true love! Don't forget that!!'

Nahigit ko ang hininga ko bigla. The realization that hit me makes guilt rush inside my body.

My conscience is screaming.

Nicky killed Kelly... bakit pa ako concern sa kanya? Anong nangyayari sa 'kin?

'I never killed anyone. I swear to God.'

Nag-flashback sa utak ko ang sinabing 'yun ni Nicky. Hindi ko alam pero gusto kong maniwala sa sinabi niyang 'yun. When she said those words to me... kitang kita ko sa mata niya na nagsasabi siya ng totoo.

Those eyes were the eyes of angel. Windows of innocence and truth.

'She's just fooling you...' said the 'me'.

"No," nasambit ko bigla sa kawalan. "Hindi ko alam kung pinatay nga ni Nicky si Kelly dahil kahit ang batas ay di 'yun napatunayan."

'Ano gusto mong sabihin? Na isusuko mo na ang kaso ni Kelly?' tanong ng ilusyon sa harap ko.

Napatitig ako sa kadiliman.

Isusuko si Kelly. Si Kelly.

Pinakiramdaman ko ang nasa loob ko at namangha ako sa nararamdaman kong sagot mula dito.

Dati... mabanggit lang ang pangalan ni Kelly ay umiiyak na ako. Hindi lang sa lungkot kundi maging sa malaking galit sa pagkamatay niya.

I felt miserable at gusto kong makaganti. But now... nagtaka ako. Wala akong maramdaman na galit at lungkot.

Ang natitira ay sundot ng konsensya dahil ang malaking bahagi na iniwan noon ni Kelly sa puso ko... ay napunan na ng iba.

Si Nicky... na dapat sana'y kinamumuhian ko.

There you go... umamin na ako sa sarili ko. The great Bennet Leofwin... is now the victim of his own scheme.

Napabuntung-hininga ako bago muling tumingin sa ilusyon sa harap ko.

"Masisisi mo ba ako?" tanong ko.

'Mahal mo na ba siya?' tanong niya.

"Paano kung oo?" tanong ko ulit.

Nicky's quirky smile suddenly flashed before me at pakiramdam ko'y sumikat ang buwan sa madilim na kalangitan.

Si Nicky... si Nicky at ang malaking pagbabago sa kanya. Ang tawa niya, ang pagsimangot niya, ang pagsagot niya sa 'kin ng pabalang at ang pagpapatawa niya sa 'kin kahit di niya sinasadya.

'Kung ganun... sino ang mahal mo? Si Nicky... ? O ang PAGBABAGO niya?' tanong ng ilusyon bago siya naglaho sa kawalan.

Naiwan akong tulala.

Pagbabago. That's right.

Noon naman hindi ganito ang naramdaman ko sa kanya. Before, Nicky has no appeal on me. She's just a common bitch dress as a supermodel who wants to impress me.

Pero kung kelan pa siya naging balahura. Walang modo. Walang breeding at walang kaappeal-appeal... at tsaka naman siya napansin ng puso ko nang todo-todo.

Her simplicity plus insanity drove me to notice her so much I can't sleep at night thinking about her.

Muli akong humugot ng hininga bago naglakad palabas ng balkonahe, deretso hanggang sa labas ng master bedroom.