CHAPTER 47 jar of hearts

Nicky expertly held the tiger with the help of some Animal Control Unit officer.

"Where is this albino came from?" tanong ni Nicky sa officer.

"From the jungle of Zambia."

"Zambia?" ulit ni Nicky na dahan-dahang tinurukan ng gamot ang tigre. Professional na professional ang dating niya.

"Yes. She was caught by the locals and brought in by black market. Luckily, she was saved and delivered here in California just a few days ago," paliwanag ng officer.

"So... it's a girl! Geez. So ferocious, I thought she's a boy," nakangiting sabi ni Nicky na bahagyang tinapik sa ulo ang tigre na ngayon ay unti-unting nang pumipikit. Epekto ng gamot na pampatulog.

"Thank you for your help... Miss Nicky Alphonse, right?" nakangiti ring sabi ng officer.

Bakit ganun? Alam ng officer ang pangalan ni Nicky? No. Parang matagal na silang magkakilala.

"No sweat. I suggest you transfer this little fellow on a cold weather environment with lots of natural trees. Not these bunch of trash," turo ni Nicky sa mga puno. "It would be better if we can put her in a reservation area somewhere in Africa. You know, a place for her kind. Not here. But out there in a jungle."

Tuluyan na ngang nahimlay ang tigre sa lupa. Nakatulog na ito.

"Any suggestion?" tanong ng officer.

Tumayo si Nicky at tinanggal ang guwantes sa kamay. "I think, I can help you. In Namibia, we have this protected forestry. Everything on that place is being conserved by International Law. So animals there are safe from butcherer. Mmmm. Yeah and also... there's another albino tiger out there. It's a male one. I guess, its a good idea to breed and mate there. What do you think?" tanong ni Nicky.

Bumakas sa mukha ng officer ang tuwa.

"Really? A male albino tiger?"

"Yeah. His name is Pinac-an, he's kind of king-like tiger you know," sagot ni Nicky. "We featured his story about three years ago in Namibia."

"Alright. Thanks, Miss Nicky Alphonse!"

"I'll give you the details."

I can't help but stare at Nicky as she talked with the American officer. What she said doesn't make any sense to me. Namibia? Kelan pa pumuntang Africa si Nicky? Naging animal welfare volunteer ba siya doon? Pero kilala ko na siya noon pa! At wala akong natatandaang pagkakataon na nahilig siya sa hayop. She's a primadona bratinella type. Noon.

Ibang-iba na ang tingin ko sa kanya ngayon. It feels like I was looking at this different woman. So professional.

Malayong-malayo sa kilala kong Nicky.

Tsk! Ngayon pa ba ako magtataka? Ano pa? Ano pa? Anong pang hindi ko natutuklasan sa kanya?

Maya maya, tulung-tulong na binuhat ng Animal Control Unit ang malaking tigre. Tumulong din si Nicky doon. At dahil nahihiya naman ako na nakatayo lang... tumulong na rin ako.

Finally, the tiger was transferred to a large animal container safely. Nagulat pa ako dahil nagpasalamat ang mga staff ng Wildlife sa pagtulong ko sa pagbuhat. Ngumiti lang ako.

Nicky looked very satisfied, she was humming when she approached me.

"Thankie sa pagtulong, hubby!" bati niya sa 'kin.

"SINO KA?" 'Yun lang ang naisagot ko dahilan para mapatda si Nicky at mapanganga habang nakatingin sa 'kin.

Cole's POV

Napamulagat ako sa narinig kay Bennet.

Tinatanong niya 'ko kung sino ako! Hala! Nabuking na ba niya na hindi ako ang tunay na Nicky? Dahil ba... dahil ba masyado akong naging seryoso sa pagpapakita ng tunay na ako?

Ako bilang si Cole? Isang... animal lover, daredevil photographer. Naku! Hindi ko kasi talaga napigilan ang sarili ko. The natural 'me' just came out the moment I heard the tiger's cry. Mahirap i-resist ang nangyari dahil higit sa limang taon ko na 'yung ginagawa sa National Geographic.

Para akong isang sundalo na nagiging alerto kapag nakakarinig ng putok ng baril. 'Yun ang pakiramdam ko kanina. My body just act on its own accord and my mind suddenly erase the fake fact that I'm 'Nicky', the socialite wife of Leofwin, supermodel-chuchu.

Tsk!

Hindi na ako magtataka kung mabuking nga ako ni Bennet dahil sa inasal ko kanina.

Pero siyempre, kahit medyo tanga... hindi naman siguro masamang i-try na magmukhang patay-malisya.

"Er... ano 'yun? A-anong ibig mong sabihin sa 'Sino ka?'" maang-maangan kong tanong kay Bennet na nakakunot ang noo.

"Who are you?" tanong ulit ni Bennet na namewang pa sa harap ko.

"In-english mo lang eh!" angil ko. "Ang ibig kong sabihin... paano mo natanong 'yan?! Of course, it's me! Nicky! Your wife! Hello!" sagot ko sabay kaway ng kamay ko sa harap ng mukha niya.

Medyo nag-alangan pa ako dahil tumaas lang ang kilay ni Bennet.

"Oh really?"

Napalunok ako ng laway. Tinititigan ako ni Bennet sa paraang mala-Superman. 'Yung may x-ray vision, tagos sa bones.

"Oo?" sagot ko.

Naningkit ang mata ni Bennet. "'Cuz you know what? Feeling ko hindi ikaw si Nicky..."

*gulp!*

"Feeling ko..."

*breathe breathe*

"Feeling ko, isa kang alien na nagpapanggap bilang asawa ko! Umamin ka na? Saang planeta ka galing?"

"Eh?"

Napamaang ako.

Ano raw? Alien? Ako?

"How can you be like that?! You are so different out there!" Tinapik ako nang malakas ni Bennet sa likod ko, muntik na tuloy akong tumalbog.

At nabitin sa hangin ang hininga ko dahil biglang ngumiti si Bennet bago ako inakbayan sa balikat.

"You are so amazing! Para kang si Wonderwoman kanina! Tinalon mo pa talaga 'yung tigre!"

Eh? Hala!

"'You can eat anything, but not my husband!' Haha! I like what you said out there! And you saved me!"

Pakiramdam ko namula ako nang bonggang bongga nung maalala 'yung ginawa ko kanina. Ang corny pa nung sinabi ko.

Napakamot na lang ako sa ulo. At least ligtas pa rin ang secret ko. Akala ko alam na niya.

"Ahehehe! Siyempre ililigtas kita... asawa kita eh. Tsaka hindi mo pa naiipamana sa 'kin lahat ng kayamanan mo kaya di ka pa pwedeng mamatay," sagot ko.

Tumawa nang malakas si Bennet.

"Silly!" sabi niya sabay hila sa 'kin palabas ng cage.

Pero pagkalabas namin, binatukan niya ako bigla. Nagulat tuloy ako dahil paglingon ko, seryoso na ang mukha ni Bennet.

"Pero huwag mo na ulit gagawin 'yun!"

"Huh?"

"Hindi mo pinag-iisipan ang ginagawa mo! Kahit confident ka na hindi ka kakainin nung tigre, tigre pa rin yun at unstable ang uri nila. She could just eat you up!"

"Pero---"

"Hindi pa ako tapos, babae! Nakakainis 'yung ginawa mo! Iniwan mo na lang ako bigla at basta ka na lang sumugod dun!"

"Eh kasi---"

Dinutdot ni Bennet ang noo ko. "Binabalaan kita! Oras na gawin mo ulit 'yun... ako mismo ang lalapa sa 'yo ng buo! You get that?!"

"Yes Sir!" sagot ko. "Eh teka... alin ba ang hindi ko pwedeng gawin ulit? 'Yung pagtalon ko ba sa tigre? Sorry. Sige, di ko na 'yun gagawin---"

"Hindi yun!" sagot ni Bennet na biglang nag-iwas ng tingin.

"'Yung iwan mo na lang ako nang walang pasabi... yun ang huwag mong gagawin!"

Napatilig ako.

Say whuuut!?

Tahimik lang kami ni Bennet habang naglalakad pabalik sa Food Plaza ng Zoo. Pinapakiramdaman ko lang ang lalaki dahil kanina pa siya hindi nagsasalita.

Ewan. Parang meron na naman siyang malalim na iniisip. Si Bennet, nahulog yata siya sa kung anong malalim na isipin kung saan di siya makaahon.

At least, hawak niya ang kamay ko. Kahit naglalakbay kung saan ang utak niya, nararamdaman ko naman na kalapit ko lang siya. Hinayaan ko na lang siya na manahimik, wala rin naman akong ganang magsalita.

Pagod ako.

Nang makarating kami sa Food Plaza, tsaka lang nagsalita si Bennet.

"You wanna eat?" tanong niya na tumingin sa wristwatch niya.

Umiling ako. Ewan ba. Pagod ako, oo. Pero hindi ako gutom. Nung makita ko na malalim ang iniisip ni Bennet, parang nawalan ako ng gana bigla. Ayoko na tahimik siya.

Tumango-tango si Bennet. "Alright. The food is gone anyway."

Oo nga. Nawala na 'yung pagkain na dala niya kanina. Siguro tumalbog 'yun kung saan dahil sa panic. Si Godzilla at Bugs Bunny na lang ang stuff toy na hawak niya. Buti di niya nabitawan kanina.

Kinuha ko sa kamay ni Bennet ang dalawang stuff toy at pinisil pisil 'yun. Samantala, nanatiling tahimik si Bennet.

Why do I feel the awkwardness on air? Tsk! Eh bakit ba kasi biglang nanahimik si Bennet? Nagdududa na ba siya sa 'kin o anο?

Sheez.

"Mmmmm..." ungol ko. Wala akong masabi eh.

Nang bigla nakarinig kaming pamilyar na tinig na tumatawag kay Bennet.

"Bennet! Hey! Hey! Over here!" anang boses.

Sabay kaming napalingon ni Bennet. At tumambad sa 'min si Fuji na kumakaway habang tumatakbo palapit sa 'min. Humihingal pa siya nang tuluyan siyang makalapit.

"What's the commotion this time?" kunot noong tanong ni Bennet.

Mukha kasing napa-trobol si Fuji eh.

"Wait! Let me... catch... my breath first! Hah!" habol ang hingang sabi ni Fuji.

Hinintay namin na makahinga siya ng normal bago nagtanong ulit.

"So? Anong meron at dinaig mo pa ang marathoner sa bilis ng takbo?" sabi ko.

"Tch!" saltak ni Fuji sabay iling. "'Yung nakawalang tigre, Bennet... nalaman nila ang dahilan kung bakit nakatakas 'yun sa cage nito!"

"What?" tanong ni Bennet.

"'Yung mga pamangkin mo! Si Luke at si CiN ang may kagagawan! It looks like sila ang nagpakawala sa higanteng tigre. Hay naku! Nandun sila sa Front Office, ini-interrogate!"

"Jesus freckles!" nasambit ko bigla.

At natampal naman ni Bennet ang noo niya. "Those kids? When will they ever grow up?"

Sinamahan kami ni Fuji na makarating sa Office. Pansin ko na wala na masyadong tao sa buong Zoo. Mukhang pinalabas muna ang mga citizens para sa safety precaution.

Sa labas pa lang ng Building ng front office ay nakita ko na si Lukas na nakasandal sa pader at kumakain. Kumakain ng pagkain mula sa isang pamilyar na paper bag.

"Teka, Leofwin... di ba 'yung kinakain ni Lukas eh yung dala mo kanina?" kulbit ko kay Bennet.

Napasaltak ang lalaki. "Well at least, alam ko na kung saan napunta 'yung dala ko kanina."

"Hoy! Amin yan ah!" singhal ko kay Lukas.

Nakuha lang ngumiti ng pa-cute ang lalaki bago nag-peace sign. "Sorry. I really am hungry. Eh since wala akong pera at iniwan ni Uncle yung pagkain, ako nang kumuha."

"Ayos ka rin no?" ngisi ko.

"Hindi araw-araw may mapupulot kang pagkain sa daan," kindat na sagot ni Lukas.

Grabe! Akala ko ba mayaman ang lalaking 'to? Bakit naninimot ng pagkain sa kalsada? Ibang klase!

"Where's Luke and CiN?" mainit ang ulong tanong ni Bennet sa pamangkin.

"Inside," turo ni Lukas sa loob.

Hinila ako papasok ni Bennet sa opisina. Kasunod namin si Fuji. Sa loob noon, bumungad sa 'min ang isang fully-furnished office na maraming display na stuff animal. May malalaking upuan din at lamesa kung saan kasalukuyang nag-uusap ang ilang tao.

I saw Soram sitting in front of the desk. Nakatingala siya sa kisame habang ngumunguya at nagpapalobo ng bubble gum. Sa tabi niya naman, nakaupo rin si CiN... na kasalukuyang naka-headset at tuon ang pansin sa isang gadget na nasa kamay.

Sa harap nila ay may isang Wildlife officer na binubungangaan sila parehas.

"OH MY GOD!! WHAT COULD HAVE HAPPEN IF THAT TIGER ATTACK SOMEONE!? HOW COULD YOU UNLOCK ITS CAGE JUST LIKE THAT?! YOU BRATS ARE JUST BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH OINK OINK OINK MEOW MEOW MEOW..." anang officer sa dalawang teenager na dedma lang.

At mukhang galit na 'yung officer base sa pamumula ng mukha niya.

"What happened here?" awat ni Bennet na lumapit sa eksena. Ako, tumayo lang ako sa gilid at nanood.

Agad pinaliwanag ng staff ng zoo ang kalokohang ginawa ng mga pamangkin ni Bennet.

"Is it true?" baling ni Bennet sa dalawa. "You break into the tiger's cage and let it roam around?"

Nagkibit balikat si Luke. "Yeah. But we just did that to help Lukas. Hinahabol kasi siya ng mga babae at naaawa na kami kaya ayun... pinakawalan namin 'yung tigre para matuon ang pansin nung mga babae sa tigre imbes na kay Lukas. Diversionary tactics!"

Brilliant idea. Haha!

Kita kong gustong umusok ang tenga ni Bennet sa galit dahil sa sagot ni Luke, nagpigil lang siya. Hindi na rin niya tinangkang pagalitan ang dalawa dahil parang hindi naman nakikinig si Luke at CiN.

Bennet just dealt with the officer and make amend. Buti na lang nadala sa suhol ang officer at hindi na nagdemanda pa sa mga teenager. Pero kahit na, sumakit pa rin ang ulo ni Bennet.

"Where's River, anyway?" tanong niya nang makalabas kami ng front office.

"Dunno," sagot ni CiN.

"Have no idea. Nawala na lang siya eh bigla," sagot naman ni Luke sa pilipit na tagalog.

Nawala na rin si Lukas. Hindi na namin siya nakita sa labas ng office.

Itinaboy na lang ni Bennet sina CiN at Soram. "Go home, you two! Ikaw CiN, start na nang klase mo sa Verona pero nandito ka pa sa America nagliliwaliw!"

"Tsh!"

"At ikaw Luke..."

"Ano?"

"Mag-aral kang gumamit ng 'po' at 'opo'..." singit ko.

Sabay na sumimangot si Bennet at Luke. Lalo na si Bennet. Nile-laser eye na naman niya ako.

"Isa ka pa! Sakit-ulo ka! You are the biggest migraine I ever have!"

Uh. Ako na naman ulit.

"Teka! Bakit ako? Superhero nga ako, di ba?"

Tinaasan lang ako ng kilay ni Bennet bago siya nag-walk out papunta sa Parking Lot. Paglingon ko kina Luke at CiN, umalis na rin sila.

Hala! Iniwan ako.