Chapter 3
“Stop daydreaming, idiot!” bulyaw na sabi sa’kin ni Mom.
Good thing, nakalabas na si Yaya. Marahil ay nagtataka kayo. Yes, she’s indeed my mother. Swerte ko di ba? Mula ng mamatay si Grandma, nagbago ang buhay ko. Mula sa maganda at masaya napunta sa mala-impyernong buhay. Lahat ng klaseng pananakit physically, mentally at emotionally ay ginawa niya na. She hate and despite me, hindi ko alam kung bakit.
When I was 8 years old, I did everything to survive. I almost died. I was beaten, poisoned and whipped. Itinapon nila ako sa bangin. I felt like garbage. Mabuti na lang, nahanap ako ni yaya at dinala dito. Naging tahimik ang buhay ko nang mapadpad ako dito sa bahay na ‘to. Pagmamay-ari ng kamag-anak ni yaya, which is binigay sa kaniya.
14 years na ang nakalipas. I survived at a young age. I work hard para may makain kami at makapag-aral ako. But still, mapaglaro sa’kin ang tadhana. Nakawala ako sa kamay ng sarili kong pamilya, pero nabuhay pa rin ako kasama ang mga taong mapang-husga, mapang-api at mapanakit. Walang araw na hindi ako ang center of the eye ng mga bully. Sa lumipas na taon, natutuhan kong dedmahin ang lahat ng ginagawa nila, kusa na akong lumalayo at umiiwas.
She finally stands there acting as if nothing ever happened after a long period of time. My grandmother serves as a constant reminder to love, respect, and just comprehend her. They were my parents and my family, therefore I was willing to forgive them for anything they had done to me in the past.
“Honestly, I’m impressed.” I heard she said.
She squatted in front of me. Tumingin siya sa akin nang matalim at blangko.
“You are still alive and well after Ipoisoned you. Tell me, how did you survive? What did you do?” taka niyang sabi pero may bahid ng pagka-uyam.
“Ow! Oo nga pala, That woman! Your sh*t yaya helped you, and there you are. Do you think you can hide from me?” She add coldly.
“I am not hiding.” mahina kong sabi, nakayuko ako avoiding her gaze.
“Really? What if, just what if? I kill her. After all, she’s used----” I cut her.
“LEAVE!” I coldly said, not looking at her.
I respect her, I really do.
I clinched my fist firmly, Cool down self!
Marahan akong tumayo, ignoring the wound I’ve got.
“Maglilinis na po ako ng k’warto ninyo.” mahina at magalang kong sabi.
Hahawakan niya sana ako pero kusa na akong umiwas sa kaniya. Alam ko ang susunod niyang gagawin. Dali-dali akong lumabas ng k’warto. Tinungo ko ang guest room para linisin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Sa totoo lang, I admire her. She’s beautiful in and out, innocent, charming, lovable, thoughtful, and caring. S’ya ‘yong klase ng ina na hihilingin mong maging ina. But sad to say, hindi s’ya gan’yan sa’kin, kabaliktaran.
She hate me, disgust me. Ang tingin niya sa’kin ay isang patapon, basura, alipin, walang k’wenta, walang silbi, mahina, lampa, pangit, walang class, punching bag, at stress reliever. That’s who I am to her, but to me she’s still my mother. Muli akong napabuntong-hininga. Ginawa ko na lang ang dapat kong gawin.
Kinabukasan
Maaga akong gumising. Ayoko mang pumasok nang maaga pero ayoko namang maabutan sila. Maglalakad na lang ako papuntang school. Pagkababa ko, nakita kong aligagang nagpupunas ng sahig si Yaya.
“I’m sorry po, ipagtitimpla na lang po kita ulit.” hinging paumanhin ni yaya.
Nanatili akong nakatayo, pinagmamasdan lang sila. Pumasok sa kusina si yaya, napadako ang tingin ko sa dalawa. Si Dad ay nagbabasa lang ng newspaper habang si Mom, kita mo sa mukha niya ang sobrang inis.
“Napaka-inutil talaga!” iritadong sabi ni Mom.
Dumako ang tingin ko kay yaya. Mayroon siyang dalang bagong timplang kape.
“Madam, ito na po.” sambit ni yaya habang inaabot ang kape.
Taas kilay na kinuha ito ni Mom, humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko.
“Madam!” tili ni yaya.
Itinapon ni mom ang mainit na kape kay yaya,
“I don’t like it anymore.” Mom said.
Dumako ang mata ko sa kamay n’ya na mayroong hawak na knife. Mabilis akong kumilos, sinalag ang kutsilyong para kay yaya.
“Rhexyl!” singhap ni yaya.
Bumuhos ang dugo pagkatapos n’yang matanggal ang kutsilyong bumaon sa kamay ko.
“Tama na po. Ako na lang po ang gagawa sa pinag-uutos po ninyo. Ano po bang kailangan n’yo?” mahina kong sabi.
Tumaas ang sulok ng kan’yang labi. Tiningnan niya ako ng may ngiti sa labi. Ngiting mayr’ong hindi maganda. Ngiting hindi mo gugustuhing makita mula sa kaniya.
“What do I need? No, I don’t need anything. Lahat ba ng gagawin ko ay susundin mo?” nakakaloko n’yang tanong.
“Anything, just let my yaya alone.” determinado kong sabi.
“Rhexyl! Ano bang ginagawa mo? Ayos lang ako, ‘wag mo ‘kong alalahanin.” nag-aalalang sabi ni yaya.
Umiling ako kay yaya, siya na lang meron ako. Tanging s’ya lang ang nag-iisa kong pamilya.
“I want you to kill her for me.” sambit ni Mom.
Mabilis na napalingon ako sa kaniya. Kunot na kunot ang noo ko siyang tiningnan.
“Kill her?” I asked,
“Yes, kill her. Ayokong mabahiran ng mabahong dugo ang kamay ko. I don’t want to waste my energy on killing her. That is why, ikaw ang gagawa nito para sa’kin. Gagawin mo naman, ‘di ba?” wika ni Mom, kita ko sa mga mata n’ya ang kasiyahan.
Minsan tinatanong ko sa aking sarili. Siya nga ba ang aking ina? Dapat ko ba siyang igalang, irespeto at mahalin? Nakangiti niyang inabot sa’kin ang kutsilyong hawak n’ya. Marahan kong kinuha ito mula sa kan’ya. Kita ang dugong nanatili sa knife. Napalunok ako habang nakatingin dito.
“Rhexyl? Nak, bitawan mo ‘yan.” utos sa’kin ni yaya.
Hindi ko alam, pero titig na titig ako sa pulang likido. Then, the next thing I knew ------
“Rhexyl!” sigaw ni yaya.
“What the hell are you doing?” bulyaw naman sa’kin ni dad.
Natauhan ako bigla, marahan kong tiningnan ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa kamay ko. Lihim akong napangiwi sa sakit na nararamdaman ko. Na-realize ko na ang hawak kong kutsilyo ay nakakatutok kay Mom. Nanlaki ang mata ko. Sh*t! Humakbang s’ya palayo sa’kin, nanginginig na binitawan ko ang kutsilyo.
Malutong na sampal ang umalingawngaw sa buong lugar, sa lakas ay napasalampak ako sa sahig. Namanhid ang pisngi ko, naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo mula sa pumutok kong labi. Hindi kaagad ako nakagalaw, pakiramdam ko para akong hinampas ng matigas na bakal.
“I-I’m so-sorryy, Hindi ko naman intention na-------” nanginginig kong saad.
“Cut the bullshit! You are planning to kill my wife.” galit na galit na sabi ni dad.
Sunod-sunod ang pag-iling ko,
“N-no, I c-can’t do that. Hindi ko a-lam kung a-anong gin-ginagawa ko. I w-was l-lost.” Pagtatanggol ko sa sarili.
Nanlaki ang mata ko ng kinuha niya ang kutsilyo, palapit siya sa’kin. Ambang hahawakan niya ako, dahil sa taranta ko, tumayo ako at tumakbo palabas.
TheKnightQueen