KABANATA 2

ABELA SCHENEDER-RIOS

"Kamusta ang school niyo?" tanong ko sa kanila nang matapos kaming kumain ng hapunan sa hapag.

Unti-unti ko nang muli napapalapit sila sa akin, kahit na may kaunting agam-agam pa rin ako.

"Ok naman po," nakatungong-saad ni Trasha.

"Gano'n ba? Wala naman bang nang-aaway sa inyo ro'n?"

"Wala po, mabait po sila."

"Ahmm, mommy, puwede po ba kaming pumunta kayla m-mommy Treya bukas? Wala naman po kaming pasok," paalam ni Tres.

Napatingin naman ako sa kaniya, eto na naman 'yung pakiramdam na parang lalayo na sila sa akin.

"B-bakit?" utal kong saad.

"Ahh, ano po, nag-promise po kasi kami sa kaniya na sasamahan namin siyang mag-mall. Kung ok lang po sa 'yo?"

Treya na naman...

Unti-unti na akong naririndi sa pangalan na 'yan. Hindi ba puwedeng ako naman?

Ayaw ko sanang pumayag pero...

"Ha? Ah, o-oo, p-puwede naman. Basta umuwi kayo nang maaga, ha? Kasi paglulutuan ko kayo ng mga paborito niyong pagkain."

"Talaga po?! Yes!" nalungkot ako nng makita ang mukha nilang masaya.

Ok lang sanang araw-araw silang masaya kung ak lang ang dahilan.

"Hmm..."

"Puwede po bang isama si daddy? Alam ko pong nami-miss na rin niya si mommy Treya."

Anak, paano naman ako? Hindi niyo ba ako isasama?

Para akong nabingi dahil ro'n. Lahat na nga kayo ay aalis, tapos isasama niyo pa ang daddy niyo?

"H-ha? Ah, eh, baka may trabaho pa ang daddy niyo, tiba, hubby?" please say yes, please...

"Of course..." napahingan ako nang malalim doon. "not..."

Kaagad akon napatingin sa kaniya, katulad nang mga bata ay masaya rin ang mukha niya.

Ang sakit lang dahil hindi na naman ako ang dahilan n'yon.

"Wala naman akong pasok bukas, so, ok lang."

"G-ganun ba? Akala ko..." pahina na nang pahina ang boses ko.

"Bel, ok lang bang samahan ko ang mga bata?"

Hindi! Pero may magagawa ba ako? Parang gusto ko na lang mawala para maging masaya at malaya na kayo ng mga anak natin, pero hindi pa puwede.

"Ahh, ano."

"Bel?"

"O-oo, puwede, basta umuwi kayo kaagad bago mag tanghalian."

"Yes! I'm excited!

Ilang oras na ang dumaan ay napag-pasiyahan naming matulog na. Pasado alas-nuwebe na, kailangan pang matulog ng mga bata.

Pinauna ko na ang asawa ko sa kuwarto namin upang samahan ang mga anak ko sa kuwarto nila.

"A-anak, puwedeng magtanong si mommy?"

"Ano po 'yon?"

"Gaano kabait si m-mommy Treya niyo?"

"Si mommy Treya po? Super bait po, maalaga po siya kapag pumupunta po kami nila daddy sa bahay nila, ang sweet po nila ni daddy. Nilulutuan rin po niya kami ng masarap na food," Triv said.

"Oo nga po, palagi po siya play sa amin, turuan niya rin si Ate Trasha ng homework niya," Traj said.

Nagsisang-ayunan naman ang iba pa nilang mga kapatid.

Ako dapat gumagawa no'n pero bakit sa iba niyo natatanggap?

"Talaga? So, paano kapag wala si mommy, sinong gusto mong maging mommy?"

"Si mommy Treya," ang sakit lang.

"B-bakit?"

"Kasi po meron siya kapag wala ka," double kill.

Ano pa?

"Sinong gusto niyong maging mommy, si Mommy Treya o ako?"

Please, ako naman...

"Si mommy Treya po."

There, Abela. The answer to your questions...

Muling kumirot ang puso ko dahil ro'n, kung puwede lang sanang mawala ay baka nagawa ko na.

1 down, 2 more...

Malapit na...

Bukas ay gusto ko silang sundan sa mall, gusto kong makita kung paano mapasaya ni Treya ang mag-aama ko.

Panibagong araw, panibagong sakit na kakaharapin ko.

"Bel, aalis na kami."

Tumango naman ako bago ko sila binigyang ng isang pekeng ngiti. Kung nakayayaman lang ang pagpapanggap siguro ay yumaman na ako.

"Ok, ingat kayo."

Kumaway ako sa kanila, ilang saglit pa ay, hindi ko na nakita ang sasakyan nila.

Dali-dali naman akong pumara ng taxi nang mapadaan ito.

"Manong, pakisundan po 'yung kotse na 'yon."

Nagtakha ako nang ilang oras ang byahe namin, hindi ko na rin nakita ang sasakyan ng asawa ko.

Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng hilo, napatingin ako sa driver nang bigla itong ngumisi sa akin sa salamin niya sa harap.

Hindi ko napansin na nakasuot siya ng cap na itim, may suot na mask. Purong itim ang suot niya.

Napansin ko na lang na sa isang kagubatan niya ako dinala, malayo sa city.

Hindi 'ko alam kung saang lugar 'to, pero isa lang ang nararamdaman ko, natatakot ako.

Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko magawa dahil unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

"H-hubby, p-please h-help m-me..."

~~

THIRD PERSON'S POV

Masayang naglalaro ang mga anak ni Abela sa isang mall kasama ang kanilang tatay at ang pangalawang nanay nila.

Maraming tao ang napapatingin sa kanila dahil sa angking kagandahan ng kanilang itsura, para silang masayang pamilya kung titingnan nang nakararami.

"Daddy, mommy! I'm gonna pee," tawag sa kanila ni Troy.

"Wait me there, hon, samahan ko lang anak natin."

Mahinhin namang tumawa ang babae.

"Alright, bilisan niyo," hinalikan ng lalaki ang babae sa noo bago tuluyang pumunta sa cubicle.

"Mommy Treya, play with us!" Trei said.

"Paano 'yan? I don't know how to play those games."

"Turuan po kita," at nag-pout ang bata sa kaniya.

"Alright," natatawang saad ng babae.

Bago tuluyang pumunta sa tapat ng nilalaro ng bata ay may biglang tumawag sakaniya.

Napalinga sa paligid ang babae bago sinagot ang tawag.

"Natapos niyo na ba ang pinapatapos ko?"

"Yes po, Boss. Nakahanda na ang lahat."

"Good, pupunta ako diyan mamaya, bantayan niyong maigi 'yan at baka makatakas."

"Masusunod, Boss."

Pagkapatay ng tawag ay siya ring pagdating ni Travis kasama ang anak niyang si Troy.

"We're done, mommy Treya."

"Is that so? Ok, let's play."

~~

ABELA SCHENEDER-RIOS

Nagising ako sa lamig na nararamdaman ko, doon ko lang na-realize na dinukot ako.

"T-tulong! May tao ba diyan?!" natatakot kong sigaw sa loob ng maliit na madilim na kuwartong ito.

Nagsisi akong sundan pa ang mag-aama ko.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa bilis ng kabog n'yon, nahihirapan akong huminga.

Nanghihina akong napatingin sa pintuan ng bumukas 'yon.

Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay.

"S-sino k-ka?!" takot kong sigaw sa taong pumasok sa loob ng kuwartong kinalalagyan ko.

Nakasuot siya ng itim na t-shirt at pantalon. Hindi ko rin mawari kung babae o lalaki ba siya. May sout rin siyang itim na cap.

"Kamusta ang buhay mo? Hahaha!"

Hindi ko mabosesan ang boses niya dahil parang mayroon siyang kinabit na device na nakapagbabago ng boses. Parang boses robot.

"S-sino ka?! Pakawalan mo ako rito!"

"Hindi pa puwede, kailangan mo pang mahirapan, hahaha!"

"Baliw!"

"Manahimik ka!"

Nagulat ako ng sinampal niya ako sa pisngi, napatagilid ang mukha ko dahil sa lakas ng impak n'yon.

"Ano bang kasalanan ko sa 'yo?!"

"Kasalanan?! Marami! Kulang pa 'yan! Tiyak na ikamamatay mo ang susunod kong gagawin sa 'yo!"

"Nahihibang ka na! Wala akong matandaan na may ginawa akong kasalanan!"

"Isipin mo na wala, pero ito ang tatandaan mo, maghanda ka sa sakit na ipadudulot ko sa 'yo."

Sinamaan ko siya ng tingin kahit na may takot akong nararamdaman.

"Lalong lalo na ang pamilya mo."