KABANATA 1

ABELA SCHENEDER-RIOS

Nang pumasok ako sa kuwarto naming mag-asawa ay nakita ko siyang nakahiga sa aming kama. Nakatulog siguro dahil sa pagod.

Lumakad ako papunta sa harap niya at pinagmasdan ang mukha nang mabuti.

Ang lalaking mahal ko...

Tumabi ako sa paghiga sa kaniya, hindi na ako nag-abala pang mag-hugas ng katawan dahil mas gusto kong pagmasdan ang mukha niya.

Hinaplos ko ang pisngi niya, tinitigang maigi ang mata, pilik-mata, kilay, ilong at labi niya.

Sinong mag-aakala na sa akin siya maikakasal? Ang lalaking pinapangarap ng karamihan.

Siya 'yung lalaking gusto kong makasama pang-habang buhay. Ang lalaking aalagaan at mamahalin ko ng lubusan.

"Mahal na mahal kita, hubby, kahit hindi na ako ang mahal mo..." hinalikan ko siya sa kaniyang noo bago humiga sa tabi niya.

Tumalikod ako sa kaniya dahil alam kong napipilitan lang siyang tabihan ako. Ang dami kong what if na naiisip, what if iwan niya ako? What if kunin niya ang mga anak ko?

Nami-miss ko na ang dati naming bonding...

"Wahh, mommy! Si daddy, oh!" tiling sigaw ni trasha sa akin, natatawa na lumapit naman ako sa kanila bago nakisali.

Dumating rin ang triplets at nakisali.

"Time pers! Hahaha! Stop!"

"Run! Babies, run!"

"Wahh!"

"Hahaha!"

"Bel! Gotcha!"

"Oh my! Hahaha!" natatawa kong saad nang ako ang hulihin ng asawa ko.

Ang mga anak naman namin ay natatawa rin habang nakaturo ang mga daliri sa amin ng daddy nila.

"I love you!"

"I love you, too. I love you, all!"

Tahimik akong humagulgol ng biglang nag-flash back sa akin ang alaala naming pamilya.

Masaya pa kami noon, pero ano nang nangyari ngayon?

Nang matapos ay muli kong tinuyo ang mga luha ko bago dumiretso sa banyo, napatingin ako sa salamin.

Kitang-kita ang mga namamaga kong mata dahil sa iyak, nakikita rin ang sakit sa mga mukha at mata ko. Wala nang buhay ang dating may buhay kong mukha.

Naghilamos ako bago lumabas at pumunta sa kuwarto ng mga bata upang kunin ang tray nila.

Dahan-dahan kong binuksan ang sedura ng pinto nila, maingat akong pumasok upang hindi sila magising, bahagya akong napangiti ng makita ko ang ayos nila.

Lumapit ang isa isa sa kanila at marahang hinalikan sa kanilang mga noo.

"Mahal na mahal ko kayo mga anak."

Patagal na nang patagal, lumalaki na sila. Hindi ko man lang namalayan ang paglaki nila, hindi ko na rin alam kung ano ang mga bago nilang gusto.

Tuwing awarding nila ay 'yung asawa ko ang pumupunta dahil alam ko namang hindi na sila sanay sa presensya ko.

Naalala ko no'n, awarding ng panganay at triplets ko sa stage, patago akong nanonood sa kanila habang sinusuotan sila ng medal.

Ako sana ang kasama nila pero iba ang gusto nilang nakasama sa awarding. Ang akala ng iba si Treya ang mommy nila, pero hindi nila alam na ako ang tunay na mommy.

Habang sila ay masaya ako naman ay lumuluha dahil sa nasaksihan. Gusto kong ako ang magsabit sa kanila ng medal pero iba ang gumagawa.

Gusto kong maranasan muling mag-picnic kami sa park. Gusto kong makita ang mga ngiti nila sa labi na ako ang dahilan.

Gusto ko nang sumuko pero hindi pa puwede, hindi pa ako puwedeng mapagod. Bawal akong mapagod kapag sila ang usapan, sila na lang ang nagiging lakas ko.

Gusto kong ipag-sigawan sa mundo na ako ang mga magulang nila pero hindi ko puwedeng gawin dahil baka lalo lang silang lumayo sa 'kin.

Ikamamatay ko kung isang araw bigla nila akong iwan, hindi ko kakayanin 'yon.

Nagising ako nang may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko, unti-unti akong napadilat upang makita kung sino 'yon.

"Good morning, Bel..."

Kaagad akong napangiti dahil ro'n. Bumungad sa akin ang mukha ng asawa ko, pansamantalang nawala ang sakit sa loob ko nang makita ko ang maaliwalas niyang mukha.

Tanga ba ako o sadiyang tuluyan na akong namanhid? Parang wala na sa akin ang sakit na dinulot nila sa akin.

Kakayanin ko kahit paulit-ulit nila akong saktan, makasama ko lang sila. Makita at malapitan ko lang sila ay ayos na ako, titiisin ko muna 'yung sakit.

"Good morning, hubby," at saka siya inakap sa kaniyang leeg.

"I'm sorry..." halos pabulong niyang saad.

Ang kaninang sayang naramdaman ay mabilis na napawi, parang alam ko na kung ano ang ikina-hihingi niya ng tawad.

Kahit na paulit-ulit niya akong saktan patalikod, ok lang sa akin, atleast sa akin siya umuuwi.

"Huh? Wala ka namang ginawang kasalanan," pag-papanggap ko. Wala naman talaga kung patuloy pa rin akong mag-bubulag-bulagan.

"I'm sorry, I'm sorry," paulit-ulit niyang saad.

"It's ok." At saka bumangon. "Nagugutom ka na ba? Teka, anong oras na ba?"

"8:30 na nang umaga."

"Ano? Teka, bumangon at kumilos ka na diyan, mag-luluto na ako ng breakfast natin. Baka nagugutom na ang mga bata."

Bago lumabas ay hinalikan ko muna siya sa kaniyang noo.

Hanggang kailan ba ako mag-papanggap na wala lang sa akin ang sakit?

Pumunta muna ako sa kuwarto nang mga bata, pagpunta ko ro'n ay nakita ko silang mga gising na at nag-aayos na nang sarili.

"Good morning, mga anak."

Bahagya akong lumakad papunta sa kanila para sana mahalikan ang noo nila, pero muling kumirot ang puso ko nang umatras sila.

Nangingilid ang mga luha ko dahil parang hindi nila ako nakasama no'ng panahong ok pa ang lahat.

"A-ahm, a-ano, puwedeng p-pahalik si m-mommy sa noo niyo?" Nag-pilit akong ngumiti sa kanila, hindi nakaligtas sa akin ang pasimple nilang tinginan.

Kung tutuusin, ay parang hindi pa sila mga bata dahil sa kinikilos nila.

"P-puwede?" halos paki-usap kong tanong nang hindi sila sumagot sa akin.

"O-opo..." si Troy ang sumagot, isa sa mga bunso ko.

Halos tumulo na ang luha ko dahil do'n, simpleng salita lang pero parang may humahaplos na sa puso ko.

Ang quadruplets na limang taon ko lang nakabonding, nakatawanan, nakausap ng maayos at nahawakan.

Parang bago na lang ulit sa akin ang mga nangyayari, gustong-gusto ko na silang hagkan pero ayaw ko namang lumayo sila nang tuluyan sa akin.

Hangga't maaari ay dahan-dahanin ko muna sila, dahil alam kong hindi na sila sanay sa presensiya ko.

"T-thank you," halos basag na ang boses kong saad.

Isa-isa ko silang tiningnan bago lumapit nang dahan-dahan.

"Lagi niyong tatandaan na mahal na mahal kayo ni mommy."

Una kong hinalikan ang mga bunso, sunod ang mga triplets ko bago sinunod ang panganay ko.

Ang panganay ko...

"O-oh, sige, maligo at mag-handa na kayo, baka ma-late pa kayo sa paaralan niyo."

I love you, babies...

~~

"Bel, aalis na kami, mag-ingat ka rito."

Napaangat ang tingin ko sa asawa ko nang magsalita siya, hindi ko na namalayan na tapos na silang kumain. Lahat sila ay nakatayo na habang ako ay nakaupo pa rin sa kina-uupuan ko.

"H-ha? Ah, oo, sige. H-hatid ko na kayo sa labas."

Dali-dali akong tumayo, upang samahan silang ihatid sa labas.

Naunang lumabas ang mga bata bago kami sumunod nang asawa ko, nakahawak ako sa kaniyang kamay, dinaramdam ang init sa kaniyang palad.

"Ingat sa pagda-drive, ha? May kasama kang mga bata, I love you..."

"Hmm, ikaw rin, be safe. Alis na kami, bye," hinalikan niya ako sa noo bago pumasok sa kotseng kasiya ang sampung tao, van.

Nasaan na ang I love you, too ko?

Pinagmasdan kong umandar ang sasakyan bago ko napag-pasiyang ligpitin na ang kinainan namin.

***

Ilang buwan na ang nakaraan, kahit papaano ay unti-unti ko nang nararamdaman na lumalapit muli ang loob sa akin ng mga anak ko.

Gusto kong mag-tanong sa kanila kung bakit sila biglang lumayo sa akin ay hindi ko magawa.

Minsan napapa-isip ako, na kung saan malapit ko na ulit silang makasama nang walang ilangan at layuan, ay siya namang muling may papasok na problema sa akin.

May kasalanan ba ako sa diyos? Bakit parang sobra naman yata ang parusa niya sa akin? Gusto ko lang naman makasama ang pamilya ko, pero bakit ang daming hadlang?

"M-mommy... M-may ibibigay p-po k-kami," naputol ang paglalayag ng isip ko nang bigla akong tinawag ng anak ko.

"Ano 'yon?"

Napatingin ako sa kamay nilang nakatago sa likod nila, ilang saglit pa ay ipinakita nila sa akin ang mga papel na hawak nila.

Nagtaka naman ako dahil binigay nila sa akin 'yon.

"P-para saan 'to?"

"P-pinabibigay po ng teacher namin para sa mga m-mommy."

Masyado na ba akong emosyonal? Kaunting pagpapakita lang nila sa akin ay naiiyak na ako.

"Happy Mother's Day po."

Finally, After ng ilang years, binigyan na nila akong muli ng Mother's day letter, kahit na simple lang ay sobra akong naiiyak.

"T-thank y-you..." basag ang boses kong saad.

Pagkatapos nilang ibigay ay umalis na sila, habang ako ay patuloy na lumuluha hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya.

Muli ko na naman naramdaman ang saya nang isang magulang. Alam kong may panahon na muli kaming mag-kakaayos. Pero hanggang kailan kaya ako maghihintay?

Dear, Mommy.

I don't know what to say, but, sorry for making you cry, sorry for making you sad, sorry for everything. I know that I old enough, dapat alam ko na po ang tama sa mali pero sana maintindihan niyo kung bakit kami lumalayo sa iyo, ayaw lang po namin na mapahamak ka. Lagi niyo pong tatandaan na mahal ka namin, again we're sorry for everything we did. Happy Mother's Day!

love, Trasha.

Dear, Mommy.

First of all, Happy Mother's Day! Sorry for ignoring you, someday we gonna tell you the reason kung bakit ka po namin na-ignore, always remember that we love you.

love, Triv, Tres, and

Trej.

Dear, Mommy.

Happy Mother's Day! WE LOVE YOU, MUAH!!!!!!!!

love, Trei, Tran,

Trav and Traj

Napatawa naman ako sa message ng mga bunso ko, kahit na simpleng salita lang ay parang may humahaplos na kamay sa puso ko.

Sana palaging ganito, kung ano mang dahilan nila ay maghihintay ako, at sana kayanin ko kung ano man 'yon.

Ilang linggo na lang ay kaarawan na nang quadruplets, magsa-sampung taon na sila, ang bilis ng panahon.

Patagal na nang patagal ay lumalaki na sila, mayroon na rin akong inihandang regalo para sa kanila.

Espesyal ang mga iyon dahil ako pa mismo ang gumawa. Sana pag-tumanda na sila at may sari-sariling pamilya ay maalala pa nila ako.

Kahit kaunting kamusta lang ay ayos na ako, atleast kahit papaano ay naaalala nila ako.

Gusto kong makita silang masaya sa mamahalin nila sa buhay, gusto kong makita kung paano ako magkakaroon ng apo sa kanila. Advance na ba ako mag-isip dahil nasa future na nila ako? Siguro naman ay hindi, dahil ang mga katulad kong magulang ay gugustuhin maging masaya ang mga anak nila sa makakasama nila habang buhay.

Gusto kong makita silang lahat na maikasal sa taong mahal nila, kung buhay pa ako sa panahong 'yon.