SIMULA

ABELA SCHENEDER—RIOS

Bakit ba hirap na hirap kayong mahalin ako?

Hindi ba ako parte ng pamilyang 'to?

Gusto ko lang naman na makasama kayo, pero lagi kayong wala rito sa bahay.

Nagising ako nang may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko, unti-unti akong napadilat upang makita kung sino 'yon.

"Good morning, Bel..."

Kaagad akong napangiti dahil ro'n. Bumungad sa akin ang mukha ng asawa ko, pansamantalang nawala ang sakit sa loob ko nang makita ko ang maaliwalas niyang mukha.

Tanga ba ako o sadyang tuluyan na akong namanhid? Parang wala na sa akin ang sakit na dinulot nila sa akin.

Kakayanin ko kahit paulit-ulit nila akong saktan, makasama ko lang sila. Makita at malapitan ko lang sila ay ayos na ako, titiisin ko muna 'yung sakit.

"Good morning, hubby," at saka siya inakap sa kaniyang leeg.

"I'm sorry..." halos pabulong niyang saad.

Ang kaninang sayang naramdaman ay mabilis na napawi, parang alam ko na kung ano ang ikina-hihingi niya ng tawad.

Kahit na paulit-ulit niya akong saktan patalikod, ok lang sa akin, at least sa akin siya umuuwi.

"Huh? Wala ka namang ginawang kasalanan," pagpapanggap ko. Wala naman talaga kung patuloy pa rin akong mag-bulag-bulagan.

"I'm sorry, I'm sorry," paulit-ulit niyang saad.

"It's ok." At saka bumangon. "Nagugutom ka na ba? Teka, anong oras na ba?"

"8:30 na nang umaga."

"Ano? Teka, bumangon at kumilos ka na diyan, magluluto na ako ng breakfast natin. Baka nagugutom na ang mga bata."

Bago lumabas ay hinalikan ko muna siya sa kaniyang noo.

Hanggang kailan ba ako magpapanggap na wala lang sa akin ang sakit?

Pumunta muna ako sa kwarto nang mga bata, pagpunta ko ro'n ay nakita ko silang mga gising na at nag-aayos na nang sarili.

"Good morning, mga anak."

Bahagya akong lumakad papunta sa kanila para sana mahalikan ang noo nila, pero muling kumirot ang puso ko nang umatras sila.

Nangingilid ang mga luha ko dahil parang hindi nila ako kasama no'ng panahong ok pa ang lahat.

"A-ahm, a-ano, puwedeng p-pahalik si m-mommy sa noo niyo?" Nag-pilit akong ngumiti sa kanila, hindi nakaligtas sa akin ang pasimple nilang tinginan.

Kung tutuusin, ay parang hindi pa sila mga bata dahil sa kinikilos nila.

"P-puwede?" halos paki-usap kong tanong nang hindi sila sumagot sa akin.

"O-opo..." si Troy ang sumagot, isa sa mga bunso ko.

Halos tumulo na ang luha ko dahil do'n, simpleng salita lang pero parang may humahaplos na sa puso ko.

Ang quadruplets na limang taon ko lang nakabonding, nakatawanan, nakausap ng maayos at nahawakan.

Parang bago na lang ulit sa akin ang mga nangyayari, gustong-gusto ko na silang hagkan pero ayaw ko namang lumayo sila nang tuluyan sa akin.

Hangga't maaari ay dahan-dahanin ko muna sila, dahil alam kong hindi na sila sanay sa presensya ko.

"T-thank you," halos basag na ang boses kong saad.

Isa-isa ko silang tiningnan bago lumapit nang dahan-dahan.

"Lagi niyong tatandaan na mahal na mahal kayo ni mommy."

Una kong hinalikan ang mga bunso, sunod ang mga triplets ko bago sinunod ang panganay ko.

Ang panganay ko...

"O-oh, sige, maligo at mag-handa na kayo, baka ma-late pa kayo sa paaralan niyo."

I love you, babies...

~~

"Bel, aalis na kami, mag-ingat ka rito."

Napaangat ang tingin ko sa asawa ko nang magsalita siya, hindi ko na namalayan na tapos na silang kumain. Lahat sila ay nakatayo na habang ako ay nakaupo pa rin sa kina-uupuan ko.

"H-ha? Ah, oo, sige. H-hatid ko na kayo sa labas."

Dali-dali akong tumayo, upang samahan silang ihatid sa labas.

Naunang lumabas ang mga bata bago kami sumunod nang asawa ko, nakahawak ako sa kaniyang kamay, dinaramdam ang init sa kaniyang palad.

"Ingat sa pagda-drive, ha? May kasama kang mga bata, I love you..."

"Hmm, ikaw rin, be safe. Alis na kami, bye," hinalikan niya ako sa noo bago pumasok sa kotseng kasiya ang sampung tao, van.

Nasaan na ang I love you, too ko?

Pinagmasdan kong umandar ang sasakyan bago ko napag-pasiyang ligpitin na ang kinainan namin.

"Kumain na ba kayo mga anak?" nakangiti kong tanong sa kanila habang isa-isa silang tinitingnan. "Naghanda ako ng mga paborito niyong ulam sa dining area."

"Ahmm... I'm not hungry po. I'll go upstair po muna, mamaya na lang po ako kakain kapag gutom po ulit ako," saad ni Trasha, ang panganay ko. 16 years old

Alam ko na ang susunod na mangyayari, kahit na nasasaktan sa patuloy nilang pag-iwas sa 'kin ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kanila.

"Kami rin po, may assignment pa po pala kaming gagawin, sasabay na lang po kami kay Ate," sabi ng triplets na sina Triv, Tres, at Trej. 12 years old.

Napipilitan akong tumango sa kanila at saka sapilitang ngumiti, ayaw kong makita ng asawa ko ang lakas ng impak sa ginawa nilang pag-iwas sa 'kin.

"Kami rin po, mag-play pa po kami sa room namin. Kumain na po kami kayla mommy Treya," ang mga bunso ko na sina Trei, Tran, Trav, at Troy. 9 years old.

"A-ah, gano'n ba mga a-anak? Oh, sige, itatabi ko na lang ito para sa inyo mamaya," hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ko.

Tumango naman sila bago umakyat sa kanilang kuwarto, nang mawala sila sa paningin ko ay humarap naman ako sa asawa ko na nakatingin sa kin.

"T-tara, hubby. Pagod na rin siguro sila, tayo na lang ang kumain, alam kong gutom ka na rin."

Imbis na sumunod sa sinabi ko ay nakatingin pa rin siya sa akin.

"Hubby..."

Doon na siya natinag nang muli ko siyang tinawag.

"Hmm... Ok, let's eat."

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain, napatingin ako sa bakanteng mga upuan. Ang mga upuan ng mga anak ko.

Muli na namang nanumbalik sa utak ko ang dati naming masayang pamilya.

Gusto ko na ulit bumalik ang sigla ng pamilya namin, pero hindi ko alam kung paano gawin.

"Bel..." umangat ang tingin ko nang tinawag niya ako, ilang taon na ba kaming mag-asawa? 13 years, pero bel pa rin ang tawag niya sa akin.

"Hmm?" at ngumiti nang bahagya sa kaniya.

"Are you ok?" tanong niya sa akin.

I'm not ok, hubby. Gusto ko nang bumalik ang mga bata sa akin, gusto ko ulit maranasang makalaro sila. Gusto ko sanang sabihin ang mga katagang iyan pero baka mainis siya sa akin.

"I'm ok..." halos pabulong kong saad, tiningnan niya lang kung nagsasabi ako ng totoo. "Hubby, stop staring. I'm ok."

"Are you sure?"

No. "Yes po, a hundred for sure! Don't worry about me, ok?"

Tumango naman siya sa akin, at saka muling pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi rin nagtagal ay natapos na kaming kumain. "Hubby, magpahinga ka na ro'n sa kuwarto natin, ako nang magliligpit sa pinag-kainan natin."

"Sumunod ka ok?"

Ngumiti naman ako sa kaniya bago tumango. "Opo."

Hinalikan niya muna ako sa noo bago pumanhik sa aming kuwarto, nang wala na akong makita ni anino niya ay doon na kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit lang na kahit sa hapag-kainan ay ayaw akong makasama ng mga bata. Lalo na nang marinig ko na kumain sila kasabay ng mommy Treya nila.

Gano'n na ba niya nakuha ang loob ng mga anak ko? Bakit parang ang dami kong kasalanan? Wala naman akong natatatandaan na may ginawa akong mali.

Mali ba na nakilala at minahal ko ang daddy nila? Kaunti na lang ay iisipin ko nang mas gusto nilang maging mommy si treya kaysa sa akin.

Ako ang nagluwal sa kanila pero pakiramdam ko isang lang akong basura.

Naiisip ko ulit ang asawa ko, alam kong kumain na siya ro'n kayla treya, pero pinilit niya lang ang sarili niyang sabayan akong kumain kasi alam niyang hindi ako sasabayan ng mga anak namin na kumain.

Tinuyo ko ang mga luha ko bago magsimulang mag-ligpit ng mga kinainan namin ng asawa ko. Kailangan kong matapos agad ito dahil dadalhan ko pa ang mga anak ko ng mga gatas nila, hindi ako sure kung kakain pa ba sila dahil alam kong busog na sila.

Tahanan pa ba ang matatawag sa ating bahay kung ako lang ang nakatira sa malaking mansiyon na 'to.

I just want to feel love, gusto 'ko kayong alagaan pero kahit na patuloy akong lumalapit sa inyo ay lumalayo kayo.

Kung mawala ba ako ay mag-aalala kayo? I think no.

Baka nga matuwa pa kayo, dahil wala na ang isang taong nanggugulo sa buhay niyo.

Minsan napapaisip ako kung mahal at nag-aalala kayo sa 'kin.

Nandito ako sa bahay, patuloy na hinihintay kayo, ayoko 'mang isipin na nando'n na naman kayo sa kaniya, ay palagi 'kong naiisip.

Nasasaktan ako dahil pamilya ko kayo.

Naghihintay na sana ay maalala niyo na nandito pa ako, hindi lang ako isang anino na parang hindi niyo ako nakikita.

Pero alam kong darating ang araw na mamahalin niyo rin ako balang araw, balang araw...

Nandito na naman ako sa bahay, nag-iisa, nakasiksik sa gilid habang nag-iisip kung paano ko kukuhain ang atensyon ng pamilya ko.

Gustong-gusto ko silang makausap nang pang-matagalan, ang kaso lang ay lumalayo sila sa 'kin na akala mo ay may nakakahawa akong sakit.

Gusto ko lang naman silang alagaan, makita, makasama at mahawakan.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, para akong basura na tinatapon kapag hindi kailangan.

Nami-miss ko na ang bonding naming magka-pamilya, hindi ko alam kung bakit dumating ang pagkakataon na to.

Masaya naman kami pero bakit biglang nag-iba?

Nandito ako ngayon sa kuwarto, sa isang sulok nakasiksik habang nakatulala. Maraming tumatakbo sa isipan ko pero niisa sa mga 'yon ay wala akong maintindihan.

Gulong-gulo na ako, kapag wala sila doon na lumalabas ang sakit na kinikimkim ko. Pero kapag nandito sila, hindi ko pinapahalata na nasasaktan ako sa pakikitungo nila sa 'kin.

Mamaya uuwi na sila, kailangan ko silang lutuan ng mga paborito nilang pagkain. At sana naman ay kainin na nila, nagbabaka-sakali lang ako.

Tumayo na ako sa kinuupuan ko, tumingin sa orasan, mag-aalas-sais na. Kailangan ko nang makaluto ng ulam at kanin.

Ilang oras ba akong nakatulala rito sa loob ng kuwarto ko? 5 hours? 6 hours? 7 hours? Hindi ko na alam, basta ang alam ko simula nang pumasok na sila sa mga trabaho at paaralan nila.

Tahimik ang buong mansion, para akong nasa haunted house dahil sa tahimik, idagdag mo pa ang aircon na palaging nakabukas.

Nagluto na lang ako ng kare-kare, Caldereta, Fried Chicken at gumawa rin ako ng vegetables salad. Napangiti ako ng matapos ko ng niluto ang mga ulam.

Inihain ko na rin, agad akong napatingin sa isang malaking wall clock sa dining area. 7:30 p. m.

Agad akong pumunta sa malaking pinto ng mansion nang marinig ko ang tunog ng kotse sa labas ng mansion. Alam kong sila na 'yon.

Kumakalabog ang dibdib ko habang hinihintay sila sa pinto, palagi na lang nangyayari 'to simula ng mangyari ang pagiging ilag nila sa 'kin.

"Welcome home..." bati ko sa kanila, 'yung iba sa kanila ay napapatingin lang sa 'kin, habang 'yung iba naman ay diretso lang ang lakad papasok ng mansion.

Kumirot ang dibdib ko dahil sa nangyari, wala 'man lang bumati sa 'kin, niisa sa kanila. Napangiti ako nang mapait.

Muli akong tumingin sa pinto, inaabangan ang lalaking kalahati na yata ng buhay ko.

"Welcome home, Hubby..." ngumiti siya sa 'kin, dahil do'n ay bahagyang nawala ang sakit sa dibdib ko.

"Bel... Come here..." bahagyang nangilid ang luha ko dahil sa rahan ng boses niya, hindi ko 'yon pinakita sa kaniya.

Nakayuko akong naglakad papalapit sa kaniya bago tuluyang lumapit. Hinapit naman niya ako sa baywang ko at marahan na yumakap at hinagkan ako sa noo.

Tuluyan nang nahulog ang mga luha ko nang tuluyan niya akong niyakap, my life...

"How's your day?" mahina kong tanong sa kaniya. Kahit na mahina alam kong rinig niya 'yon.

"Hmm... Fine. How about you?"

I'm not fine. Gusto ko sanang sabihin ang katagang yan pero ayaw kong mai-spoil ang oras namin.

"I'm fine too..." Humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Are you tired?"

"No. But I'm hungry," bahagya naman akong napatawa dahil sa sinabi niya bago pasimpleng pinunasan ang luha ko.

Humiwalay na ako sa kaniya at saka dahan-dahang tumingala, nakatingin siya sa 'kin na para bang sinusuyod nang mga mata niya ang pagkatao ko.

Hindi ko pinakitang nasasaktan pa rin ako dahil sa nangyari kanina. Masaya akong ngumiti sa kaniya para ipakitang ok lang ako, kahit na ang totoo ay hindi.

"Tara, kumain muna kayo. Ipinaghanda 'ko kayo ng mga anak natin..."

Bitbit ang mga gatas ng mga anak ko ng makapunta ako sa tapat ng kuwarto nila, sa iisang kuwarto na 'to sila nagsi-siksikan. Kung pagbabasehan ay limang silid ang nasa iisang kuwarto na ito.

Ayaw nilang maghiwalay lahat noong mga bata pa sila, kaya napag-pasiyahan naming mag-asawa na gawing iisang kuwarto ang limang kuwarto.

May kaniya-kaniya silang closet at C. R. gano'n rin ang mga kama nila. Sa dalawang king size bed na kasiya ang 4 na tao sila natutulog habang ang panganay ko naman ay may sariling kama.

Napahinto ako sa pagpasok ng marinig ko silang nag-uusap, kaya napagpasiyahan kong makinig na dapat ay hindi ko na ginawa.

"Ate, gusto mo po bang tumira sa house ni mommy Treya?" tanong ni tres, isa sa mga triplets ko.

Bahagyang kinabahan ang puso ko dahil sa tanong niyang 'yon.

"Hmm... Oo, gusto ko sa house ni mommy Treya, she's kind. Why?" sagot naman ni Trasha.

Muling kumirot ang dibdib ko dahil sa narinig, kahit gusto kong umalis na sa kuwarto nila ay hindi ko magawa dahil parang napako sa sahig ang mga paa ko.

Mabuti na lang at hindi ko nahuhulog ang hawak kong tray na may lamang baso at gatas.

"Ako din po, Ate. Sobrang bait ni mommy Treya, gusto kong siya na lang ang maging mommy natin," sabi ni tres.

Muli na naman sumikip ang dibdib ko dahil doon. Paano naman ako mga anak?

"Yeah, me too. I want mommy Treya, I saw mommy Treya and daddy kanina sa kitchen, they kissed each other's lips."

Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil doon, ang kaninang sakit sa dibdib ko ay lumala. Para akong tinatarak ng libo-libong punyal sa puso ko, muli na namang nangingilid ang luha ko.

"Really?! Wow! If I know, our daddy loves our mommy Treya so much. I want our daddy for mommy Treya." Triv said.

"Me too..." Trej said.

"Me three!" Tran said.

"Me four!" Trei said.

"Me five!" Troy said.

Isang boses na lang ang inaabangan ko ngunit wala akong narinig na salita sa kaniya pero 'yon ang akala ko.

Akala ko hindi siya sasang-ayon sa mga kapatid niya ngunit nagkamali ako.

"Me six..." Trav said...

Para akong mababaliw dahil sa narinig, sarili kong mga anak, iba ang gustong maging mommy.

Tulala lang akong nakatitig sa pinto nilang nakaawang. Nang hindi ko na sila narinig na nag-uusap ay nilapag ko ang tray sa lahat upang punasan ang mga luha ko, sinigurado kong hindi nila mahahalata na umiyak ako.

Kumatok muna ako sa pintuan nilang medyo nakaawang bago pumasok nakita ko silang napatingin sa akin nang pumasok ako sa kuwarto nila.

Ang iba sa kanila ay parang namumutla ang iba naman ay sa ibang direction tumingin. Nagpilit akong ngumiti sa harap nila.

"Ahmm... Naistorbo ko ba kayo mga anak? Ito 'y-yung mga gatas niyo, uminom muna kayo bago kayo matulog, ok? Babalik na lang ulit ako mamaya kapag tulog na kayo para kunin ang t-tray."

Nilapag ko na ang tray sa isang table bago dumiretso sa pintuan. Tumingin muna ako sa kanila bago lumabas.

Napasandal ako sa pinto nila habang nakatulala, gustong gusto ko pa sana silang maka-kwentuhan pero parang hindi na yata kakayanin ng katawan ko.

Para akong nanghihina, biglang nawalan ng lakas. Tumingin naman ako sa kuwarto naming mag-asawa, mga sampung hakbang lang ang layo, bago ngumit ng mapait.

Binura ko sa isipan ko ang sinabi ng anak kong paulit ulit na nag-e-echo sa aking tenga.

"Yeah, me too. I want mommy Treya, I saw mommy Treya and daddy kanina in the kitchen, they kissed each other's lips."

"Yeah, me too. I want mommy Treya, I saw mommy Treya and daddy kanina in the kitchen, they kissed each other's lips."

"Yeah, me too. I want mommy Treya, I saw mommy Treya and daddy kanina in the kitchen, they kissed each other's lips."

They kissed…