Chapter 38

"Aalis ka na ba talaga ngayon, Cin? Pwede bang bukas na lang? Hindi pa kita naipapasyal sa mga magagandang lugar dito sa Cerro Roca, eh. Bakit ka naman kasi bigla-biglang aalis. Ang daya mo naman," ang mangiyak-ngiyak na bulalas ni Andrea na kinita niya sa isang kainan na malapit sa terminal ng bus kung saan niya hihintayin ang mga tauhan ng pinsan.

"Kinontak na kasi ako ni kuya. M-Maayos na ang kalagayan niya sa Monte Vega kaya kukunin na niya ako rito," pagsisinungaling niya. Wala pa siyang natanggap ni isang tawag sa kapatid. Si Ate Lucy ang tumawag sa kaniya para ipaalam na ligtas na ang kaniyang kapatid pero napakahina pa nito para sunduin siya kaya sina Lucy na muna ang kukuha sa kaniya.

"Hindi mo pa nga ako nairereto sa kuya mo tapos basta mo na lang akong iiwan ngayon? Hindi ako papayag! Dito ka muna sa akin, please."

Umabrisiyete ito sa kaniya at humilig sa balikat niya. Natatawang niyakap niya ito.

"Sinabi ko na sa iyong 'wag ka kay kuya. Wala kang pag-asa doon kasi mga lalake rin ang hanap nun."

Nanlaki ang mga mata nito at hinampas siya sa braso.

"Bakla ang kuya mo? Iyong gandang lalaking iyon ay boys din ang hanap?" hindi makapaniwalang saad nito.

Tumango siya at nginitian ito. "Oo kaya maghanap ka na ng iba. Pwede ring kay Sir Zheryll mo na lang ibaling ang pagtingin mo kay kuya."

"Hoy! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo, Cin! Hindi ako pumapatol sa mga maligno at impakto, 'no! Asar ako palagi sa kaniya. Tapos wala na akong mapagsasabihan ng mga panlalait ko sa kaniya dahil aalis ka na rito. Iiwan mo na akong mag-isa rito!" maktol nito.

"Pwede mo akong tawagan. I'm just one call away."

Umiling ito. "Hindi lang tawag ang gagawin ko. Pupuntahan kita sa Monte Vega at dapat ipakilala mo na ako sa kuya mo, ha. Aakitin ko siya gamit ang alindog ko." Andrea flipped her hair and moved her eyes erratically.

"Ah teka nga pala. Nakalimutan kong itanong. Nakapagpaalam ka na ba kay Sir Langdon? Binayaran ka ba niya nang maayos? Naku, sabihin mo lang sa akin kung hindi dahil kukutusan ko talaga ang kutong-lupa na impaktong si Zheryll na iyon dahil siya ang nag-utos sa akin na hanapan ng assistant si Sir Langdon."

Her smiled dulled out at the mention of Langdon's name.

"Oo, binayaran niya ako nang malaki. At hindi na ako nagpaalam. Malalaman din naman niya mamaya kaya tatawagan ko na lang siya," aniya sa naninikip na dibdib.

"Mabuti naman para may pambayad ka ng tuition fee mo para makabalik ka na sa pag-aaral. Matalino ka, Cin. Sayang kung hindi ka magkakaroon ng degree. Alam mo naman sa panahon ngayon, degree at experience na ang labanan. Ang hirap nang makakuha ng trabaho kung high school graduate ka lang."

"Ikaw rin, Drey. Finish your studies. Sabay tayong maging degree holder gaya ng pangarap nating dalawa," nakangiti niyang pag-alala sa dating usapan nila.

Nangilid ang luha sa mga mata nito. "Oo naman. Sabay tayong ga-graduate. Sabay tayong aalis sa pagiging empleyado at magpapayaman." Tinitigan siya nito ng buong lungkot at hindi na napigilan ang sarili na yakapin siya. "Mami-miss talaga kita, Cin. Kung pwede lang na sumama ako sa iyo sa Monte Vega ay gagawin ko tutal wala naman akong pamilya rito. Kaso nga lang, nag-e-exist sa mundong ito ang laman-lupa na nagngangalang Zheryll. Hindi iyon mabubuhay nang wala ako sa tabi niya kaya pinagbibigyan ko na. Marami-rami na rin kasi akong nakupit sa kaniya. Nakokonsensiya ako kaya hindi ko magawang iwan."

She smiled and patted her hand. If only Andrea can see herself in the mirror every time he talks about Zheryll. She can relate for it's also the same thing she sees in the reflection whenever Langdon pops in her head.

Napaigtad na bumitiw ito sa kaniya nang umilaw ang cellphone ni Andrea sa mesa at pumailanlang ang kantang cocomelon.

"Tumatawag na naman ang labanos na kapre."

Lumabi ito sa kaniya saka tumayo at tinulungan siya sa kaniyang maleta. Ihahatid niya ito sa labas dahil doon na rin naman siya maghihintay sa kaniyang sundo. Umiiyak na nagyakapan pa uli sila.

"Mag-iingat ka ha. 'Wag pabayaan ang sarili," bilin niya rito nang nakasakay na ito sa kotse ni Zheryll.

Namumula ang mga mata na tumango ito. Hindi niya rin napigilan ang pagpatak ng mga luha.

Nagsimula nang umusad ang kotse kaya kumaway na siya sa kaibigan. Binuksan nito ang bintana at gumanti ng kaway sa kaniya.

"Bibisitahin kita sa Monte Vega, Cin! Hintayin mo ako roon! Promise iyan!" sigaw nito.

"Okay, Drey. Maghihintay ako sa iyo," ganti niya.

She sighed and went on her way when the car disappeared in her sight. Masakit para sa kaniya na umalis dahil na rin kay Andrea pero para ito sa kabutihan at katahimikan ng lahat. She also missed her family so much and she can't wait to hug them especially her brother.

Hila niya sa kaliwang kamay ang maleta habang naglalakad patungo sa tawiran papunta sa bus terminal kung saan siya susunduin ng mga pinsan nang may tumawag sa kaniya.

"Hello?"

"Cin... My angel."

Hindi agad rumehistro sa kaniya ang boses nito kaya ilang segundo muna siyang natahimik.

"Angel, how are you? Didn't you miss me?"

Nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi makapaniwalang tiningnan ang cellphone.

It's her brother's number!

"Kuya," she sobbed. "Kuya Nathan..." She burst into crying so she walked to the sidewalk where there are no people. Napakasaya niya dahil sa wakas ay narinig na rin niya ang boses nito pagkatapos ng ilang buwan! Her savior and her beloved brother is finally back in her life. "Kuya, you're alive. You're really alive." Tinakpan niya ang bibig nang lumakas ang tunog ng kaniyang pag-iyak.

Her brother chuckled in the line. "Of course, Cin. I am alive! For you, for us angel. I told you already they can't take me down. I'm too strong for them," pagmamayabang pa nito.

"I miss you so much, kuya. I want to see you now. I want to hug you so bad. I want to do things again with you. I love you so much, kuya."

Pinahid niya ang hindi na matapos-tapos na pagluha pero bigo siyang tuyuin ang mukha.

"I miss you too so much and I love you too my angel. Sorry for not getting you the soonest. You must have been so scared while I was away. I'm sorry for leaving. Hang in there, Cin. Lucy will get you and we will be together again. We'll see each other again, angel."

Suminghot siya. "I know. Have you been eating well, kuya? Nakakatulog ka ba nang maayos diyan? Were your body sore? I will massage you when I get there and I will cook you my favorite paella. I learned to cook it for you."

"Really? Is that so? Then come hurry, Cin. I want to hug my beautiful angel."

She wiped her tears away and began smiling wholeheartedly after the call. Pinagaan lang naman ng kapatid niya ang mabigat na kalooban niya.

Baon ang saya sa dibdib ay hinila niya ang maleta at naglakad pabalik sa tawiran. Her cellphone rang in her hand so she answered it.

"Hello?"

"Cin, where are you?"

She froze when she heard Langdon's voice.

"I... I am lea—"

Biglang may humintong puting van sa harap niya at lumabas ang dalawang lalake na naka-bonnet at hinablot siya papasok sa sasakyan. Shock and fear instantly paralyzed her especially when someone took out a cloth and covered her nose.

Nahulog ang salamin niya sa kalsada kasabay nang paghablot ng cellphone ng kung sinuman mula sa kamay niya. She still heard Langdon calling her name before everything went black to her.