Chapter 1

MABILIS na nilisan ni Krystal ang lugar matapos makita ang hindi kaaya-ayang eksena sa pagitan ng kasintahan at kapatid niya. Halos madapa na siya kakatakbo makaalis lang sa lugar na ‘yon. Walang ni isang luha ang pumatak mula sa mata niya dahil ang tanging itinatak niya sa isip niya ay ang ibalik ang ano mang sakit na ibinigay ng mga ito sa kanya.

Inilabas niya lahat ng damit mula sa malaki niyang cabinet at inilagay lahat ‘yon sa maleta. Isang bagay lang ang gusto niya ngayon, ito ay ang makatakas sa mga taong nanakit sa kanya.

Hanggang sa natagpuan niya ang sarili sa isang isla. Dito niya iginugol ang mga araw na nagdadalamhati pa ang puso niya at dito niya din pilit hinilum ang sugat na dala ng nakaraan. Nag-iwan ‘yon ng isang malaking marka sa pagkatao niya at mananatiling marka ‘yon hanggang sa nabubuhay siya unless makuha niya ang nais na paghihiganti sa dalawang tao na ang tanging alam gawin ay paglaruan siya.

Ipiniling niya ang ulo at nagpatuloy sa pagsusulat. “Mas maganda pang tapusin ko na muna ito kaysa isipin pa ang mga walang kwentang tao,” pagkausap niya sa sarili.

Nagpasya siyang lumabas muna para makalanghap ng sariwang hangin. Masyado na kasing suffocated ang utak niya dahil sa horror story na sinusulat niya at hindi na matino ang mga naiisip niya matakot lang ang mga readers niya.

Almost seven in the morning na pala. Maaga kasi siyang nagigising para magsulat kaya hindi niya na namalayan ang oras.

Narinig niya ang malakas na videoke sa katabing rest house. Nasanay na siya sa gano’ng klaseng ingay. Minsan pa nga hanggang madaling araw ang kasiyahan ng mga turista sa lugar. Bahagyang kumunot ang noo niya dahil saktong sa mukha niya ang sikat ng araw.

Hindi man niya maaninag ang mukha ng ibang tao pero may isang lalaki na katangi-tangi na malinaw sa paningin niya. Nakatayo ito sa gilid ng isang black Lamborghini. Sa sasakyan pa lang nito, malalaman mo na hindi ito ordinaryong tao lang. In short, mayaman.

He’s wearing a simple plain t-shirt and jeans. Naka-sideview ito kaya hindi niya makita ang buong mukha pero sigurado siyang mas guwapo pa ito sa mga artista sa bansa, lalo na sa ex-boyfriend niya. His t-shirt is perfectly fit to his broad chest and triceps. Literal na kumunot ang noo niya nang buksan nito ang passenger’s seat at iniluwa no’n ang isang hindi katangkaran at maputing babae.

Kasabay no’n ay ang pagbukas nito sa backseat na dahilan kung bakit bahagya siyang napaatras. Pakiramdam niya kasi mga tunay na modelo ang nakikita niya at anumang oras ay rarampa na ang mga ito ng naka-biniki lang.

Playboy. ‘Yan ang hinihintay niyang cue para iwasan ng tingin ang mga bagong dating na artista lalo na ang lalaki.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makakita ng bakanteng upuan at umupo doon. Ito na naman siya, mag-isa at nagmumuni-muni. Sa totoo lang, nasanay na siya mag-isa. Hindi din pala gano’n kasaya at gustuhin niya mang bumalik sa marangyang buhay na iniwan niya ay hindi niya kaya. Hindi niya kayang makita ang kapatid at ang dating kasintahan na ngayon ay may sarili ng pamilya.

“Alone?”

Isang tinig mula sa tabi niya ang nagpatigil sa ginagawa niya at binaling ang tingin kung sino man ‘yon. Nakatingin ito sa lawak ng karagatan pero wala siyang mabasa na anumang emosyon sa mukha ng katabi. Ginaya niya ang ginawa nito na nakatingin din sa malayo.

“Alone and bored.”

Humarap ito sa kanya. “I’m Nadia.”

Tinignan niya ito at ang nakalahad nitong kamay. “Krystal,” at tinanggap ‘yon.

“Do you live here or tourist?”

“I live here for two years now. I found my freedom in this island, that’s why I chose to be here at ‘wag nang bumalik sa dati kong buhay,” she burst out na kahit siya ay nagulat sa sinabi.

“Interesting. You can tell me your story. Don’t be bother, I can keep secrets.”

Hindi niya alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam niya samantalang wala pang ilang minuto na nakilala niya si Nadia.

“I am here for revenge.”

Marahas itong napatingin sa kanya at inaasahan niya na ‘yon.

“Revenge is not the answer.”

Bilib siya sa pagiging prangka nito at mukha itong walang pakialam kung masaktan man siya o hindi sa sasabihin nito.

“That’s the only thing I knew to forget all what they did to me. How they hurt me and how they made my life a living hell.”

“Do you think you’ll be happy if ever na makaganti ka na sa kanila?”

Bahagya siyang natahimik sa tanong nito. Magiging masaya nga ba siya? Oo.

“Magiging masaya ako kapag makita ko na silang nagdudusa at nahihirapan.”

“If that’s what makes you happy, then do it. Ang pagsisisi ay laging nasa huli, always remember that.” Alam niya ‘yon pero wala siyang pakialam doon. “Would you like to drink?” Nadia asked.

“Nah. It’s too early and—”

“Not now. Tonight. I want you to meet my friends.”

Gusto niya magkaroon ng kaibigan. ‘Yung mapagkakatiwalaan at sa itsura ng kaharap, sigurado siyang isa ito sa mga ‘yon.

“Sure. Count me in.”

“Anyway, saan ka nakatira?”

Tinuro niya ang bahay niya na katabi ng tinutuluyan nito. “There.”

Tumango-tango si Nadia. “See you tonight or if you want, pupuntahan ka na lang namin sa inyo.” Tumayo na ito at nagpagpag.

She smiled. “Much better.”

“Got to go. Baka hinahanap na ako ng dalawa kong kaibigan,” she said and waved her hands.

Naglakad na siya pabalik sa bahay niya nang mamataan sa ‘di kalayuan ‘yung lalaki kanina. May kausap itong dalawang babae na kapwa luwa na ang kaluluwa sa suot na two-piece bikini. Hindi siya naiinggit. She can wear those piece of thing pero hindi naman siya gano’n kalaswa tignan. ‘Yung dalawang kausap kasi nito ay parang halos ikiskis na nila sa lalaki ang katawan nila pero sigurado siyang hindi ito ‘yung mga babae na lumabas sa Lamborghini nito kanina. Iba na naman ang kasama.

Napatampal siya sa noo nang maalala ang mukha ni Nadia. Isa ito sa mga kasama ng lalaking haliparot kanina. Siguro ang sinasabing kaibigan ni Nadia ay ‘yung dalawa pang babae na kasama nito kanina na lumabas sa sasakyan.

Hindi niya na muling tinapunan ng tingin ang tatlo at naglakad na pauwi sa bahay niya. Actually, nabili niya ang bahay na ito one year ago kasi kailangan niya muna mag-rent doon for one year. Kaya gano’n ang ginawa niya bago napapayag ang may-ari na bilhin niya na lang.

“Manang, ano ‘yang niluluto n’yo?” tanong niya kay Manang Nelda.

“Kare-kare, hija, para sa ‘yo at para doon sa mga alaga ko sa kabilang bahay.”

“Manang, hindi ho ba kayo din ang caretaker diyan sa kabilang rest house?”

“Oo. Madami nga ang tao ngayon diyan, lahat ay kaibigan ng may-ari,” ani nito habang naglalagay ng ingredients sa niluluto.

“Nakita ko nga po. Akala ko nga may magaganap na fashion show dito sa resort dahil halos lahat ng naroon ay parang mga modelo sa isang magazine.”

“Ah, ‘yung mga babaeng kasama ng may-ari ay mga modelo ‘yung iba at may kaibigan din ‘yon na film director sa Paris.”

“Sino po ang nagsabi sa inyo ng mga ‘yan?”

Tumingin ito sa kanya. “E ‘di ‘yung may-ari mismo kasi nandoon ako kanina, inasikaso ko sila. Mabait ang binatang ‘yon, medyo pilyo nga lang.”

Lalaki pala ang may-ari. Kusang lumitaw sa isip niya ang imahe ng lalaking nakita niya kanina. Siguro, ‘yon ang may-ari. Hula niya lang naman ‘yon.

“Sige, Manang. Akyat po muna ako sa taas. Tawagin n’yo na lang po ako kapag may kailangan kayo.”

“Minsan, Krystal, subukan mo din makihalubilo sa mga tao sa paligid mo.”

Ngumiti lang siya ng tipid. “Susubukan ko po,” at tumakbo na paakyat ng hagdan.

Presko na ang pag-iisip niya ngayon kaya siguro naman ay makakapagsulat na siya nang maayos.

Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit romance novel ang ginagawa niya samantalang dapat ay suspense or horror ‘yon. Muli niyang binasa ang naisulat.

“Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at naghihintay na dumampi ang malambot niyang labi sa labi nito. Hinayaan niya ang sarili at tinugon ang mga mapupusok na halik ng guwapong bi—”

She exaggeratedly delete the story and turned off her laptop. She wants to shout because of frustration.

Bakit ba kasi parang mantsa ang mukha ng lalaki sa isip niya at hindi niya maalis ‘yon!?

“Krystal, may naghahanap sa ‘yo. Si Nadia,” sigaw ng matandang babae sa kanya mula sa ibaba.

Agad siyang tumayo at bumaba ng hagdan. Napangiti siya nang makita ang bagong kaibigan. Nakaupo ito sa single couch at naka-cross ang legs.

“What makes you busy up there?” tanong nito na tinuro ang bandang itaas kung saan siya nanggaling.

“Writing a story.”

Namilog ang mga mata nito. “So, writer ka? Romance?”

Tumango-tango siya at umupo sa mahabang couch. “Yes. I usually write suspense or horror story. And no, I don’t do romance novel or any story that involve the word love,” she emphasizes the last word.

The one side of her lips curve up. “You cannot write any story without inspiration especially when it comes to love. You really need to have one.”

Umiling siya. “I don’t have plan to write that kind of story. I found it hard.”

“Alam ko minsan nauubusan na ‘yang utak mo kakaisip ng isusulat. What did you usually do kapag gano’n na ang pakiramdam?” she asked curiously before sipping from a glass of beer. Beer? Seriously?

“I place myself as one of the characters in the story. I usually wore black dress para magmukha akong nakakatakot tapos haharap ako sa salamin while writing para nakikita ko ang itsura ko.” Yes, she’s weird. She likes being one anyway.

“That’s freaking weird. Kaya pala ganiyan ang itsura mo.” Tumaas ang dalawang kilay nito at itinuro ang damit at ang buhok niya.

Napasinghap siya. Nakalimutan niya magpalit at mag-ayos ng mukha. Pagkatapos niya kasing burahin ‘yung naisulat niyang romance story ay nagpalit anyo siya. Kailangan niya magmukhang nakakatakot sa sariling paningin niya para matapos niya na ang last chapter na isinusulat niyang horror story.

She hissed. “Yes. Nakalimutan ko na mag-ayos. Hindi ko kasi inaasahan na pupunta ka talaga dito.”

“I mean it. Kaya lang, hindi na nakasama ‘yung dalawa kong kaibigan. Hindi ko kasi sila makita.”

“That’s fine. I’m pretty sure na babalik pa naman kayo dito sa resort kaya madami pang chance na makilala ko sila.” She smiled to assure her na okay lang sa kanya ‘yon. “You want something to eat?”

Nadia raised her hand. “No, it’s okay. Aalis na din naman ako.”

Nagkibit-balikat lang siya. Ilang minuto lang ang tinagal nito at umalis na din. Siya naman ay bumalik na sa lungga niya at nagpatuloy sa pagsusulat. Masyadong madilim sa labas nang sumilip siya mula sa bintana.

At muli lang ulit lumingon nang mahagip ng mata niya ang isang lalaki na naglalakad at patungo sa pintuan ng bahay niya.

Bakit naman pupunta ‘yon sa bahay niya? Mukha itong lasing dahil hindi maayos ang paglalakad nito. Baka nagkamali lang ito ng bahay na pupuntahan? Dali-dali siyang bumaba para paalisin ito. Wala siyang paki kahit pangit ang itsura niya. Basta, dapat hindi ito makapasok sa bahay niya.

Binuksan niya ang pinto. Sinamaan niya ito ng tingin at mukhang effective naman dahil bahagya itong napaatras. Ayon lang naman ang gusto niya, ang mapaalis ito sa harap ng bahay niya. Magsasalita na sana siya pero mas pinili niyang ‘wag na lang at naglakad papalapit dito habang tinatapunan niya ito ng masamang tingin.

“Don’t move,” sabi nito na tila ba natatakot na makalapit siya.

Hindi siya huminto sa mabagal na paglalakad dahil gusto niyang marinig ulit ang boses nito. Gusto niyang magsalita ito kahit isang salita lang. Ito ‘yung lalaki na haliparot na nakita niya kaninang umaga pero gusto niya ang boses nito. Nabura no’n ang pagiging malanding lalaki nito sa isip niya.

“I want to hear his voice for the second time. Please talk. Come on,” bulong niya sa sarili.

Bumuka ang bibig niya upang nasa tanungin ito para marinig niya ulit ang boses nito na parang musika sa pandinig niya pero bigla itong sumigaw.

“Multo! Multo! May multo!” At tumakbo palayo sa kanya.

Kung kanina, naghahangad siya na marinig muli ang boses nito. Ngayon ay hindi na dahil sa pagsigaw nito at napagkamalan pa siyang multo.

Kumikibot-kibot ang labi niya habang sinusundan ng tingin ang lalaking tila nawala ang kalasingan dahil nakita siya.

Padabog siyang pumasok sa loob ng bahay at malakas na isinara ang pinto. Pumanik siya sa kwarto niya habang nagngingitngit ang kalooban. Sa ganda niyang ito, pinagkamalan siyang multo ng lalaking ‘yon?

Bilang ganti ay gagawin niya itong isa sa mga character sa story niya at ito ang pinaka-tatakutin niya hanggang sa himatayin ito sa takot.

She smiled wickedly and turned on her laptop. “I think I have my inspiration now. Enough for me to finish this story,” usal niya sa sarili na hindi mapalis ang mga ngiti sa labi.

Siguro ay attracted siya sa ka-guwapuhan ng lalaking ‘yon. Binatukan niya ang sarili dahil sa ideyang sumulpot sa utak niya.

“Hindi pwede! Hindi ko magagawa ang matagal ko nang pinaplano kung hahayaan ko ang sarili kong mapalapit sa hindi kilalang lalaki. Hindi maaaring mangyari ‘yon. Hindi!”