Chapter 43 Epilogue

"Erelah." Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Si Damon. Nakangiti siya sa akin ng kay ganda habang may hawak na isang maliit na tray at may laman na mga gamot.

"Oras na para uminom ng gamot." Sabi ni Damon sa akin kaya napangiti ako at tumango tango bilang pag payag sa sinabi niya, nakangiti siyang lumapit sa akin saka iniabot ang isang capsul ng gamot, nakangiti ko iyong kinuha sa kanya saka niya inabot ang isang basong tubig, muli ay kinuha ko ito sa kanya habang nakangiti at hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Pinakita ko sa kanya kung paano ko inumin ang gamot at binuka pa ang aking bibig para patunay na nainom ko ang gamot na ibinigay niya sa akin, hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya, pakiramdam ko pag inalis ko ang tingin ko sa kanya ay mawawala siya ng tuloyan at matagal na naman bago siya makabalik.

Ayokong mangulila muli sa kanya kaya maski pagkurap ay hindi ko ginagawa.

"Mag pahinga ka na muna Erelah." Sabi niya kaya agad akong umiling iling.

"Ayaw." Mabilis kong sabi habang nakatingin sa kanya.

"Erelah, kailangan mong mag pahinga, sige ka lalaki ang eyebags mo." Sabi niya kaya nag pout ako dahilan para matawa siya.

"Ayoko, iiwan mo na naman ako pag natulog ako." Sabi ko, dahan dahang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin.

"Erelah--" Hindi ko na siya pinakinggan pa at agad siyang niyakap.

"Ngayon ka na ngalang ulit nag pakita sa akin tapos sasabihin mo matulog ako? Ayoko Damon, ayaw." Sabi ko habang yakap yakap siya, hindi siya sumagot kaya napangiti ako at pumikit panandalian.

"Saan ka ba kasi nag punta Damon? Ang tagal tagal mong bumalik?" Tanong ko habang yakap yakap siya, hindi siya sumagot kaya mas lalo kong hinigpitan ang pag kakayakap sa kanya.

"Alam mo ba, may isang lalaki na laging nag sasabi sakin na wala ka na daw at hindi ka na daw babalik. Alam mo hindi naman ako naniniwala sa kanya, alam kong babalik ka at hindi ka nawala, siguro baliw yung lalaki na yon at may gusto sa akin kaya sya nag papapansin ng ganon." Sabi ko saka ngumiti.

"Alam mo kahit anong paninira ang gawin sayo ng lalaking iyon, hindi ako maniniwala. Alam ko naman na hindi totoo ang mga yon. Hindi ba Damon?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Huminga ako ng malalim saka ngumiti ulit.

"Naalala ko yung sinabi mo sa akin noon, pwede mo ba ulit sabihin Damon?" Tanong ko habang yakap yakap siya.

"Erelah." Sabi niya. "Wala na si Damon." At sa isang iglap biglang nag bago ang boses niya, dahan dahan akong humiwalay sa pag kakayakap sa kanya at tinignan kung sino siya. Nag bago rin ang kanyang mukha.

"Sino ka? Hindi ikaw si Damon." Sabi ko at tinulak ang lalaking kaharap ko. Agad kong nilibot ang aking paningin para hanapin si Damon ngunit wala akong nakitang Damon dahilan para kumirot ang aking puso at sunod sunod na nagsipatakan ang aking mga luha. Nasaan na naman si Damon? Kanina lamang ay yakap yakap ko siya bakit biglang nawala na naman siya? Iniwan niya na naman ako. Mag isa na naman ako. Wala na naman siya, Umalis na naman siya.

"Erelah, matagal ng patay si Damon, kailangan mo ng tanggapin yun." Sabi ng lalaking nasa harap ko, umiling ako saka lumayo sa kanya.

"Hindi, hindi pa siya patay ano bang pinag sasabi mo? nababaliw ka na." Sabi ko habang lumuluha. Yan nalang lagi ang sinasabi ng lalaking yan kapag nawawala si Damon, lagi niyang sinasabi na namatay na si Damon at kailangan ko na itong tanggapin, hindi pa siya patay, nakikita ko si Damon, nakakasama ko si Damon kaya paanong patay ang isang Damon kung nakakasama ko siya?

"Erelah, dalawang taon ng wala si Damon, kailangan mo ng tanggapin iyon." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, gaya ko ay lumuluha rin siya, ngunit hindi ko alam kung bakit siya lumuluha, nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, nakikita ko rin ang pangungulila sa kanyang mga mata, pero hindi ko maunawaan kung bakit siya nalulungkot, sino ba siya? Bakit gaya ko ay nasasaktan rin siya?

"Erelah, Kailangan mo ng mag pagaling sapagkat na mimiss ka na ng iyong ina." Bigla akong natigilan sa sinabi niya, napatitig ako sa kanya at pinag aaralan ang kanyang expresyon, namimiss na ako ng aking ina?

"Bakit ako mag papagaling kung wala naman akong sakit?" Natatawa kong tanong sa kanya, tumingin siya sa akin ng pagkalungkot lungkot.

Natawa lang ako saka binaling ang aking atensyon sa isang sulok, dahan dahang nawala ang aking pag tawa hanggang sa napalitan ng pag iyak ang aking pag tawa. Hindi na ako natutuwa sa paulit ulit na nangyayare, Sa tuwing mawawala si Damon itong lalaki na kasama ko ngayon ay laging sinasabi na wala na si Damon at kailangan ko ng tanggapin yun.

Gusto kong magalit kay Damon dahil lagi niya nalang ako iniiwan sa lalaking ito. Ngunit sa tuwing nakikita ko si Damon nananabik akong yakapin siya at mahawakan.

"Erelah."Tawag sa akin ng lalaking kasama ko. "Mag pahinga ka na muna." Sabi niya at doon ko lang namalayan na nakalapit na siya sa akin at kung may anong itinurok sa aking braso dahilan para manghina ako at mawalan ng ulirat.

~~

Gazer POV

"Kamusta siya?"Tanong sa akin ni Havacco pagkalabas ko sa kwarto ni Erelah, umiling ako bilang sagot, alam niya na ang ibig sabihin noon na hindi parin magaling si Erelah at hindi parin siya pwedeng ilabas dito sa mental.

Ilang linggo matapos ang pagsasagawa ng Death penalty kay Damon noon 2 years ago na ang nakalipas, nakita namin sa bangketa si Erelah, sobrang dumi niya at wala sa pag iisip, may kaaway pa nga siyang bata noong nakita namin siya ni Havacco. Yun lang muli ang pagkikita namin ni Erelah matapos isagawa ang death penalty kay Damon. Hindi namin alam na naging ganon ang kalagayan niya kung hindi pa namin siya hinanap noon.

Na diagnosed siya ng doctor na may trauma and stress nong panahong dinala namin siya sa hospital dahil nag aalala kami sa kalagayan niya, sobrang payat niya. Matapos noon ay dinala namin siya sa isang psychiatrist para masuri si Erelah at napag alaman namin na na trauma siya dahil sa nakita niya kung paano mawalan ng buhay si Damon. Hanggang sa tumagal mas lalong lumalala ang sitwasyon ni Erelah, 2 weeks ng makita namin sya na diagnosed siya na merong mental PTSD o mas kilala bilang Post Traumatic Stress Disorder na kung saan laging nakikita ng psychiatrist sa kanya ang mga sintomas nito. Hanggang sa mag iisang buwan na ng makita namin siya, mas lalong lumalala ang sakit niya.

Nag wawala na siya, nag hahalucinate at minsan lang kung kumain. Doon ko lang nakita kung paano mangulila si Erelah kay Damon, hindi ko naman alam na may nararamdaman siya para sa kaibigan namin, at ganon din kami kay Damon, hindi rin namin alam na may nararamdaman si Damon kay Erelah, dahil ang pag kakakilala namin kay Damon ay isang taong walang emosyon at malamig ang puso.

Hanggang sa lumipas ang dalawang taon, walang nag babago kay Erelah, palagi parin siyang nag wawala at nag hahalucinate, ang malala ay nakikita nya sa amin si Damon sa tuwing papainumin namin siya ng gamot, lumapit na sa amin ang nanay ni Erelah, nag aalala narin ito para sa anak niya, nag tatanong kung anong nangyare sa kanya at bakit nag kaganon sya, hindi namin siya masagot, ang tanging sinasabi nalang namin ay nakita namin si Erelah na ganon ang kundisyon. Dahil kapag sinasabi pa namin ay pangalan ni Damon sigurado akong magagalit ang nanay niya, alam ng nanay niya ang tungkol sa nangyare kay Damon.

Lahat ng tao sa bansa ay alam kung anong nangyare at anong kaso ni Damon, madaming bumatikos sa death penalty pero marami rin ang nag sasabi na ayos lang ang death penalty at naparusahan si Damon noon, at least daw napag bayaran na ni Damon ang mga kasalanan niya, bagay na kinaiinis namin sa tuwing makakarinig kami ng ganong mga sabi sabi.

Hanggang ngayon, mahirap para sa amin ang nangyare kay Damon, pero habang tumatagal ay unti unti nalang naming tinatanggap ni Havacco ang nangyare at iniisip nalang namin na kailangan naming tulongan si Erelah, dahil baka magalit si Damon sa amin pag pinabayaan lang namin ang babaeng pinaka mamahal niya.

Matapos niyang mawala may ibinigay na sulat sa amin ang lawyer na kalaban ni Atty. Mielda sa kaso ni Damon, napag alaman namin na ang abogado na yon ay ang kababata namin ni Damon, si Shawn, simula ng lumayas si Shawn noon dahil sa takot kay Damon wala na akong naging balita sa kanya, yun narin ang huling pag kikita naming dalawa ni Shawn.

Sa sulat na ibinigay sa amin ni Shawn nakapaloob doon ang pangalan ko at ni Havacco.

Gazer, Havacco. Alam kong sa oras na mababasa niyo ito ay wala na ako, ibinigay ko ito kay Shawn dahil sya nalang ang mapag kakatiwalaan ko, bago mag simula ang trial ay sinabi ko lahat kay Shawn ang buong katotohanan, katotohanan na hindi ko binanggit kay Mielda sa pagkat alam ko na kapag sinabi ko sa kanya ang katotohanan ay gagawa siya ng paraan para mapalabas ako dito sa kulongan, at sa oras na makalabas ako ay papatayin ako ni Draco kaya naman mas mabuti nang mamatay na ikinukumpisal ko ang aking mga kasalanan kesa sa mamatay at masunog sa impyerno ang aking kaluluwa.

Nais kong bantayan niyo si Erelah kahit sa huling hininga ninyong dalawa, hindi ko alam kung magagawa niyo ba ito pero alam ko na maasahan kayo. Kung magagawa niyo man ito salamat, kung hindi salamat parin. Gazer, simula pagkabata naniwala ka sa akin, pinaniwalaan mo lahat ng mga sinasabi ko at hindi natakot sa tuwing lalabas si Chai at Achaz, dahil sa iyo naramdaman kong magkaruon ng isang kapatid, isang kapatid na dapat kay Draco ko mararamdaman.

Havacco, simula ng makilala mo kami at sumama ka sa amin sa isangng misyon noon, hindi ka na maalis alis sa tabi ni Gazer kaya pati ako pinipeste mo, pero salamat dahil muli naming naramdaman ni Gazer na kasama namin si Shawn.

Kulang ang salitang salamat sa inyong dalawa, sa tuwing nalalagay ako sa kapahamakan kayo ang laging bumaback up sa akin para malusutan lahat ng iyon. Nag usap na kami ni Shawn tungkol sa mga maiiwan ko, lahat ng iyon ay nakapangalan sa inyo kaya sana mag bagong buhay narin kayo, AHHAAHAH.

Si Erelah, gusto kong siya naman ang pestihin niyo at gulohin at protektahan dahil gaya niyong dalawa siya ay mahalaga rin sa akin. Hihintayin ko kayong dalawa sa pinto ng impyerno kaya mag bago na kayo. Hanggang sa muli mga kapatid.

~Damon.

Maliban sa sulat na iniwan ni Damon para sa aming dalawa ni Havacco, ibinigay rin sa amin ni Shawn ang ilang sulat na para kay Erelah na hanggang ngayon ay hindi niya pa nababasa dahil sa kalagayan niya.

Umaasa kami at hihintayin namin ni Havacco na dumating ang araw na kung saan gagaling si Erelah at mababasa ang mga liham na iniwan ni Damon para sa kanya.

~~~

Third Person POV

"Erelah." Tumingin si Erelah sa salamin kung saan nakikita niya ang kanyang sariling repleksyon, ngumiti siya at hinawakan ang suklay na malapit sa kanya.

"Kailan ka makakalabas?" Tanong ng isang boses sa kanya, nakangiti lang siya habang patuloy na sinusuklay ang kanyang mahabang itim na buhok.

"Malapit na." Nakangiting sagot ni Erelah.

"Talaga ba?"Tanong ng isang boses sa kanya. "O baka naman hindi ka na naman makalabas dahil sa mga bantay mo." Natatawang sabi ng isang boses sa kanya dahilan para unti unting mawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Alam mo para makalabas ka na kaagad, ganito ang gawin mo." Bulong naman ng isa pang boses sa kanya.

"Patayin mo sila at agawin mo ang susi sa gwardya para makalabas ka na, nag hihintay na sa labas si Damon."

"Oo nga Erelah, pinag hihintay mo si Damon sa labas."

"Sige ka aalis na naman si Damon."

"Diba sabi mo ayaw mong umaalis siya?"

"O baka naman hindi niya kaya kasi duwag siya?"

"Duwag ka ba Erelah?"

"Duwag ka pala eh."

"GAHAHAHAHA duwag si Erelah."

"AHAHAAHAH Hindi kaya."

"Ano ba tumigil na kayo!" Naluluhang sigaw ni Erelah habang nakatakip sa kanyang dalawang tenga.

"Wala ka pala Erelah eh, Duwag."

"Tama na!" umiiyak na sigaw ni Erelah saka binato ang hawak niyang suklay sa katapat na salamin dahilan para mabasag ang salamin na nasa harap niya.

"Anong nangyayare Erelah?" Napalingon si Erelah sa pinto ng may pumasok na babae sa silid niya, nakasuot ito ng puting uniporme, napalunok si Erelah saka umatras.

"Pag kakataon mo na ito Erelah, nakabukas ang pinto." Bulong ng isang boses sa kanya.

"Erelah lumayo ka jan baka mabubog ka." Sabi ng babae at agad na kumuha ng walis at dustpan, agad namang kinuha ni Erelah ang isang matalim na bubog na malapit sa kanya at itinago ito sa likod niya.

"Haynako Erelah, naririnig mo na naman ba sila?" Tanong ng babae kay Erelah saka lumapit kay Erelah para walisin ang mga bubog na nag kalat sa sahig.

"Patayin mo na sya Erelah saka ka tumakbo palabas ng pinto bilis!" Bulong ng boses kay Erelah.

"Oo nga nasa labas si Damon nag hihintay sayo."

"Damon..."Banggit ni Erelah sa pangalan ni Damon dahilan para matigilan sa pag wawalis ang babae at lumingon kay Erelah na ngayon ay may nakakatakot na ngiti.

"Nag hihintay si Damon sa labas." Sabi ni Erelah saka nilabas ang matalim na bubog na hawak niya dahilan para matakot ang nurse sa kanya.

"Erelah ibaba mo yan--" Hindi na natuloy ng nurse ang kanyang sasabihin ng itarak ni Erelah sa leeg ng babae ang hawak nitong matalim na bubog at nag sitalamsikan ang dugo sa puting gown na suot ni Erelah at sa sahig.

"Takbo Erelah, nasa labas na si damon!" Bulong ng isang boses kaya nakangising lumabas si Erelah sa silid niya at sumakay sa elevator.

~~~

'Breaking news, isang pasyente mula sa isang mental ang nakatakas kaninang umaga, Alas dies pasado, nakita sa kanyang kwarto ang isang bangkay ng nurse at sa labas ng pasilidad nag kalat ang ilang bangkay ng pasyente at mga gwardya, higit kumulang apat na pong tatlo ang nakitang bangkay sa loob ng St. Joseph Mental Institution. at Kinikilala ang salarin na si Auerelah Donovan o mas kilala bilang Erelah, kung makikita niyo man ang babaeng nasa larawan agad na tumawag sa autoridad at mag bigay ng impormasyon kung saan huling nakita ang suspek.'

Tuloy tuloy sa pag pasok si Erelah sa isang pampublikong CR at agad na nilock ang pinto at pinatong ang ninakaw niyang damit sa isang lagayan.

"Lagot ka Erelah, hinahanap ka." bulong ng boses sa kanya kaya agad siyang lumapit sa salamin ng cr saka tinignan ang duguang repleksyon sa salamin.

"Hindi dapat nila ako mahuli, hinihintay ako ni Damon."Aligagang sabi ni Erelah saka nilabas ang gunting na may dugo mula sa kanyang bulsa, agad niyang pinutulan ang kanyang buhok ng pagka iksi iksi saka muling tumingin sa salamin.

"Mag kikita na kami ni Damon." Pakanta niyang sabi saka pumasok sa isang cubicle at tinanggal ang suot niyang puno ng dugo saka pinaliguan ang kanyang duguang katawan.

"Mag kikita na muli kami ni Damon."Pakanta niyang sabi habang naliligo.

Matapos niyang maligo ay pinalitan niya ang kanyang suot na damit saka muling tumingin sa salamin, ngumisi siya ng makita niya ang malinis na siya.

"Mag kikita na ulit kami ni Damon."Sabi niya habang nakatingin sa salamin.

Nakangisi siyang lumabas sa CR saka tuloy tuloy na nag lakad na para bang walang nangyareng pag patay.

"Damon, papunta na ako."

~~~~~~The End~~~~~