Chapter 42 Killer’s Last Word
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kawalan, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, kung makikinig ba ako sa sarili kong gusto o tutuparin ko ang pangakong binitawan ko.
Hindi ko lubos maisip kung dapat bang maging makasarili ako o dapat bang pag bayaran ko lahat ng kasalanan ko.
Ayokong mabuhay sa mundo na merong mabigat na kasalanan. Dati pa'man bago ko siya makilala ay ninanais ko ng mawala.
Dati pa'man bago siya dumating sa buhay ko ay lagi ako nag hahanap ng paraan para matapos ang buhay ko ng walang nararamdamang sakit.
Ngunit nong dumating siya, nag bago ang ikot ng mundo ko. Naalala ko ang sinabi niya noon. "Kung may problema ka mag dasal ka, hindi solusyon ang pag papakamatay sa lahat ng problema mo." Yan ang laging tumatatak sa isip ko sa tuwing tatangkain kong mag patiwakal.
Isang araw sinubukan ko ang sinabi niya, nag dasal ako kahit na hindi ako marunong. Hindi ko nga alam kung paano yung sign of the cross kaya dineretso ko nalang sa pag sabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin. Humingi ako ng kapatawaran sa mga nagawa kong pag kakamali, humingi ako ng gabay kung itatama ko ba ang mga nagawa kong kasalanan.
Araw ng funeral ng tatay niya, may dala dala akong libro non. Ang naka tatak sa labas How to kill yourself without feeling pain, pero ang loob non ay bibliya. Nag simula na akong mag basa ng bibliya dahil sa nakita ko si Erelah na nag babasa ng bibliya isang gabi bago kami mag tungo sa lamay ng tatay niya.
Hindi ko alam kung bakit ako na kombinsi na mag basa rin ng bibliya, gusto ko kung ano ang ginagawa ni Erelah gagawin ko rin. Wala naman atang masama kung mag babasa rin ako ng kung anong binabasa ni Erelah.
Natigil lang ako sa pag babasa ng lumabas si Achaz, matapos niyang lumabas hindi ko na makita yung libro na dala dala ko. Sunod sunod rin ang nangyayare noon kaya wala na akong oras para hanapin ang libro nayon.
Araw araw sa bilanguan bago ako matulog ay nag dadasal muna ako, dasal na sana hindi lumabas si Chai o Achaz. Ngunit tila hindi naman pinakinggan ang panalangin ko dahil lumabas parin si Chai noon at Hindi lang si Chai kundi ang ibang Alters na meron si Chai.
Makasarili ba ako? Hinihiling ko kasi lagi sa kanya na sana hindi lumabas ang host at sana ako nalang ang host sa katawan na ito kahit na isa lang naman talaga akong Alter.
Sa tingin ko nag simula lang ang pag hiling ko non noong nakilala ko si Erelah, hindi ko alam kung bakit pero gusto ko nakikita ko siya lagi. Nakikita ko siya na masaya at ligtas. Sa tuwing lalabas si Chai nag aalala ako para sa kanya. Dahil baka kung anong magawa sa kanya ng baliw na host na yon.
Hanggang sa lumabas nga si Chai habang nag dadate sila ni Acahaz. Siraulo rin itong si Achaz, alam kong kasabwat siya ni Chai. Hindi naman mag aaya si Achaz na lumabas sila ni Erelah kung hindi siya inutusan ni Chai. Kung baga si Chai ang utak si Achaz ang katawan.
Noong panahon na unang ma encounter ni Erelah si Chai sobrang nag aalala ako para sa kanya, pinilit ko talagang lumabas para lang mailigtas siya dahil kitang kita ko kung paano siya kamuntikang saktan ni Chai.
Buti nalang sa braso ko naisaksak ang hawak ko noon at hindi kay Erelah. Masaya na ako noon na naligtas ko si Erelah kahit na alam kong natakot siya sa akin.
Tangina mo Chai bawas pogi points yon.
Hanggang sa nauwi ang lahat sa korte at pinakilala sa akin ni Erelah si Atty. Mielda, ang abogadong galing sa pamilya ni Draco, ang kapatid ni Chai at kaaway ng boss namin ni Gazer.
Ang liit nga naman ng mundo, biruin mong nakilala ni Erelah ang taong pumatay sa tatay niya at ang kapatid ni Chai.
Nakakatawa lang dahil nang malaman ni Draco na hindi si Chai ang lagi niyang kausap ay pinag tangkaan niyang gamutin si Chai para lang mawala kaming mga alter niya. Pero nong malaman niya na isang baliw ang kapatid niya tila nag bago ang ihip ng hangin at umayaw siya na pagalingin ang kapatid niya.
Ako yung isang tipo ng tao na hindi marunong mag pasalamat, kahit sila Gazer at Havacco ang tatanongin hindi pa nila ako nakikitang mag pasalamat o kahit sa kanila, hindi pa ako nag papasalamat. Pero kay Erelah. Laking pasasalamat ko na niligtas niya ako nong panahon na nais kong tumalon sa tulay pababa sa rumaragasang tubig. Ewan ko noong araw na yon naiinis ako sa kanya dahil pinigilan niya akong tumalon sa tulay pero nitong mga nakaraan lang sobra akong nag papasalamat sa kanya. Dahil kung hindi niya ako sinagip noon malamang ay hindi ko alam ang pakiramdam ng masaya at pakiramdam ng mag mahal.
Tama nga ang ilang nakakasalamuha ko tungkol sa pananaw nila sa pag mamahal. Hindi ito basta basta at hindi ito biro. Pag tinamaan ka tinamaan ka talaga, at si Erelah? Tinamaan ako sa kanya.
Bakit ko nga ba gustong mamatay? kung madami pa pala akong mga dapat alamin sa buhay, nag sisisi ako na kinulong ko ang sarili ko sa madilim kong mundo, nag sisisi ako na hinayaan kong naka stay kay Achaz at Chai ang atensyon ko. Nag sisisi ako sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Mapapatawad pa kaya niya ako? Kahit siguro ang pari kung mag kukumpisal ako sa kanya ay papaalisin niya ako sa bigat ng kasalanan kong nagawa.
Tama nga siguro ang mga taong napatay ko noon, 'Kakarmahin ka rin' at ito siguro ang malaking karma ko, ang iwan si Erelah at hindi tuparin ang mga pangakong binitawan ko.
Kung may hiling'man ako yun ay sana mapatawad niya ako.
Kung may nais'man akong sabihin? Hindi ko alam pero kung mababasa'man ni Erelah ang mga sulat na aking iiwan sa mga katagang yun at bawat katagang nakapaloob doon ay puno ng pag mamahal kong isinulat iyon at isa lang ang aking iiwan na mensahe para sa babaeng naging anghel sa aking buhay. Yun ay mawala'man ako sa mundong ginagalawan naming dalawa lagi akong nakabantay sa kanya kahit saan siya mag punta. At kung bibigyan'man ako ng pagkakataon na mabuhay muli sa susunod na buhay sya ay aking hahanapin at pinapangako ko na hindi na isang Cold na Damon o Alter na Damon ang makakaharap niya, kundi isang Damon na handang ibuhos ang kanyang pag mamahal para sa isang Erelah na gaya niya.
At kung totoo'man ang sinasabi nila na 'May ikaw sa ibang mundo' sana ang Damon sa mundong iyon ay hindi isang Alter o isang cold o isang serial killer. Sana masaya ang kwento ng Damon sa ibang mundo kasama ang sarili nilang mga Erelah.
At kung may huling mensahe'man ako para kay Erelah, yun ay ang..... Sa mga araw, Oras, Minuto at segundo kaming magkasama kahit sa saglit na panahon lamang. Walang segundong hindi ko naramdaman sa kanya na mahal ko siya. Mahal na mahal na mahal kita Erelah. Patawad.
"I love you Erelah."
"Perform the execution now." Sakto sa pag takip sa aking mukha ang pag tulo ng aking luha hanggang sa humagulgol ako dahil narinig ko ang pag sabi ni Erelah ng 'I love you too Damon' Dati gustong gusto kong mawala sa mundong ito. Ngayon natatakot na akong mawala, natatakot na akong iwan si Erelah.
Pero sadyang ganito ang nakalaan para sa buhay ko, ito siguro ang itinadhana na maganap sa buhay ko. Patawarin mo ako Erelah.
Naramdaman ko ang bultahe ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan at ang sakit nito sa aking pakiramdam hanggang sa unti unting namanhid ang aking buong katawan at unti unting pumikit ang aking mga mata.
"Patawad Erelah"