Chapter 41 I love you Damon

"Naisumite na sa malacañang ang papel ng kauna unahang tao na napatunayang salarin sa pag kitil ng mahigit di bababa sa isang daan natao at isinailalim sa Death penalty nitong nakaraang lingo. Kinikilalang siya ang muling kauna unahang pilipino na isinailalim sa kaparusahang Death penalty matapos ang ilang taon mula ng pinasawalang bisa ang death penalty noon matapos ang panahon ni dating pangulo Ferdinand Marcos. Ang labi ng naturang Serial Killer ay susunugin at ilalagay sa north cemetery sa Manila. Samantalang hindi na sumasagot sa tawag ang kanyang abogado upang sagutin ang aming mga tanong.."

Pinatay ko ang television saka tumingin sa bintana ng aking kwarto kung saan tanaw ko rito ang mga nag lalarong bata sa playground malapit sa kinatatayuan ng aming bahay.

Ilang minuto akong tumulala hanggang sa naramdaman ko na naman muli ang pag agos ng aking luha habang hindi inaalis ang aking paningin sa mga batang nag lalaro.

Dahan dahan akong natawa habang nakatingin sa labas hanggang ang aking tawa ay naging mga hagulgol na sumisigaw sa sakit na aking nararamdaman.

"Erelah." Dahan dahan akong tumigil sa pag iyak at lumingon sa tumawag sa akin. Muli ko na namang nakita ang isang lalaki kasama ang ibang mga lalaki na nakasuot ng kulay puti na damit.

"Kailangan mo ng kumain at uminom ng gamot." Sabi ng tumawag sa akin. Tinitigan ko lang siya saglit saka muling binalik ang paningin ko sa bintana.

Nawala ang mga batang nag lalaro sa bintana, naging kulay puti nalamang ito na pader hanggang sa mawala narin ang bintana na pinag mamasdan ko at napalitan ito ng kulay puting pader.

"Pagtapos n'on ay mag pahinga ka na." Dagdag ng lalaking tumawag sa akin.

"Dumating na ba siya?"tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa kulay puting pader na nasa harap ko.

"Wala na siya Erelah." Sagot niya kaya natawa ako at tumingin sa kanya.

"Paano mo nasabing wala na siya?"tanong ko habang nangingibabaw ang luha sa aking mga mata.

Hindi siya nakasagot kaya natawa ako ng malakas dahilan para hawakan ako ng dalawang lalaking naka kulay puti na kasama niya.

"Bitawan niyo ako!" Sigaw ko at pilit na nag pupumiglas. "Bitawan niyo ako isusumbong ko kayo kay Damon!" Sigaw ko at akmang kakagatin ang isang naka hawak sa akin ng may kung anong itinurok sa akin sa balikat dahilan para manghina ako.

"Bitawan niyo ako.... Hindi ako baliw." Bulong ko bago ako mawalan ng malay.

"Damon... Tulongan mo ako."

~~

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang lalaking tumurok sakin ng pampatulog sa harap ko at may hawak na pagkain.

"Dumating na ba siya?"agad na tanong ko. Tumingin ang lalaki sa akin saka umiling. Natawa ako saka tumingin sa isang gilid kung saan naruruon ang camera na hindi ko alam kung para saan.

"Kailan daw siya dadating?"tanong ko. Hindi sumagot ang lalaking nasa harap ko.

"Kailangan mo ng kumain Erelah." Sabi nito saka itinutok sa bibig ko ang kutsara na may lamang pagkain. Pinag masdan ko lang ito saka pinag masdan ang lalaking may hawak noon.

"Babalik pa naman si Damon hindi ba?"tanong ko. Walang reaksyon sa kanyang mukha.

"Nangako si Damon sa akin na lalabas siya, hindi ba Gazer?" Tawag ko sa kanya dahilan para magulat siya. Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

"Nanalo tayo hindi ba? Naipanalo natin ang kaso hindi ba?"tanong ko. Namuo ang luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Hinihintay ko parin na bumalik si Damon." Bulong ko saka tumingin sa mga camera na nasa isang sulok. Hindi ko alam kung para saan ang mga camera na iyon. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa akin ngayon, ang alam ko lang ay nangako sa akin si Damon na babalik siya para sa akin.

"Erelah, wala na siya." Malungkot na sabi ni Gazer na nasa harap ko. Napangiti ako ng sarkastiko sa kanya.

"Babalik siya." Sabi ko habang hindi parin tumitingin sa kanya.

"Patay na siya Erelah." Automatikong nanigas ang aking katawan habang nakatingin sa mga camera na nasa gilid. Dahan dahan akong tumingin sa kanya at pinag aralan ang kanyang expression.

Nakita ko ang pag tulo ng kanyang luha habang nakatingin sa hawak niyang pagkain.

"Ilang lingo na ang lumipas simula ng mamatay siya. Nandon ka nong pinatay siya Erelah." Sabi niya dahilan para tumulo ang luha ko at maalala ang mga nangyare ilang lingo na ang lumipas.

"Mamamatay tao!"

"Dapat sa kanya mamatay!"

"Patayin ang baliw na yan!"

"Damon..." Bulong ko habang nakatingin sa kanya sa labas ng isang malaking salamin.

Sa loob nakalagay ang maraming camera kung saan mapapanuod sa buong bansa ang pag patay kay Damon.

Sa gitna ng salamin naka upo sa isang upuan si Damon at may mga aparato na naka kabit sa kanyang katawan. Walang expression ang kanyang mukha gaya ng pinapakita niya noon sa hiring.

Patuloy lang sa pag batikos ang mga taong naririto katabi ko at manunuod kung paano paslangin si Damon. Gaya ni Damon wala rin mababakas na emosyon sa aking mukha, matapos niyang umamin sa korte kung paano niya nais na paslangin ang aking ama nong mga oras na iyon naramdaman ko na pinag tutulongan nila akong mag kapatid.

"5 minutes." Napatingin ako sa nag salita sa loob. Soundproof ang loob ng salamin kaya hindi maririnig sa loob ang ingay ng mga taong naririto kasama ko.

Napatingin ako sa isang gilid ng salamin at nakita sila Gazer at Havacco na umiiyak habang nakatingin kay Damon. Agad silang nag tungo kay Damon ng payagan sila ng ilang bantay na naruruon at niyakap ito habang umiiyak. Nanigas ang aking panga at nanatiling malamig ang aking tingin sa kanila habang pinapanuod sila.

Hindi ko lubos maisip na kayang pumatay ni Damon para lang sa boss niya. Hindi ko lubos maisip na pinag paplanohan niya palang patayin ang aking ama.

Hindi 'man siya ang pumatay sa akin ama, masama parin ang loob ko sa kanya dahil sa binilog niya ang aking ulo, pinalabas niya na nabaril siya ng mga taong pumatay sa aking ama kahit na ang totoo ay siya ang bumaril sa sarili niya.

Gustong gusto kong tulongan si Damon, gustong gusto ko sya. Gustong gusto.

Muling bumalik ang alaala ko kung saan inamin ni Damon ang lahat ng kanyang kasalanan sa korte.

Naiyukom ko ang aking kamay dahil sa galit na nararamdaman ko, hindi kay Damon kundi kay Draco. Galit ako oo. Pero hindi yun para kay Damon, naiinis ako kay Damon dahil bakit kailangan niya pang mag sinungaling sa akin.

Ang akala kong hustisya na nakamtan ko noon para sa aking ama ay hindi pa pala nakakamit.

"The time has come." Napatingin ako sa nag salita, nakita ko na pinapaalis na nila sila Gazer at Havacco sa tabi ni Damon na wala paring emosyon sa mukha. Hindi siya malungkot, hindi siya masaya. Hindi siya umiiyak. Walang emosyong Damon gaya ng dati.

"The apparatus are all ready." Rinig kong sabi ng isang officer sa loob.

"Chai Achaz 'Damon' Hussein, ikaw ay napatunayang pumatay ng mahigit isang daang tao sa loob ng ilang taon mula ng ikaw ay bata pa. Napatunayan ng korte na ikaw ay guilty sa kasong homicide, murder at iba pang mga pag labag sa batas pang tao. Kaya sa araw na ito July 31 taong 2022 ikaw ay paparusahan sa iyong mga sala sa paraan ng Electrocution under death penalty." Rinig kong sabi ng isang officer sa loob. Napalunok ako habang nakatingin kay Damon na wala paring emosyon sa kanyang mukha.

Habang nakatingin sa kanya, naalala ko ang mga panahon na kung saan pinaramdam niya sa akin kung paano maging masaya, kung paano niya ako asarin sa pamamaraan ng pag sabi na "mag papakamatay ako."

Kung paano niya ako tignan ng malamig kahit na alam kong concern siya sa akin at kung paano niya sabihin ang salitang "promise"

Agad na tumulo ang luha ko ng magawi sa aking dereksyon ang kanyang mga mata.

"Any last word Mr. Damon?"tanong ng isang officer na malapit sa kanya. Hindi inalis ni Damon ang tingin niya sa akin. Hinintay ng Officer ang kanyang sasabihin pero lumipas ang isang minuto hindi siya nag salita, nanatili lang syang nakatingin sa akin.

"Perform the electrocution." Utos ng General.

Hinanda ng mga officer si Damon, akmang lalagyan na si Damon ng takip sa ulo ng mag salita sya.

"I love you, Erelah." Sabi niya na nag patigil sa mga naruruon at pati narin sa akin. Tila natunaw ang malamig kung puso at ang pader na ginawa ko ng marinig ko yun sa kanya habang siya ay nakatingin sa akin.

Ngayon, nakikita ko na ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakikita ko ang pag sisisi sa kanyang mukha, ngumuti siya sa akin, isang ngiti na lagi niyang pinapakita sa akin noon kapag kami lamang dalawa ang mag kasama.

Sunod sunod na tumulo ang luha ko ng takpan na nila ang mukha ni Damon, agad akong napahawak sa salamin na para bang pinipigilan ko ang gagawin nila kay Damon.

"Damon... Damon..." Sabi ko at patakbong nag tungo sa pinto papasok sa loob ng salamin. Pag pasok ko nakita ko na pumupwesto na ang mga opisyal sa pwesto nila.

"Damon I love you too!" Sigaw ko dahilan para mapatingin ang mga taong nasa loob sa akin. Natigilan rin ang mga nasa tabi ni Damon at napatingin sa akin.

Akmang lalapitan ko si Damon ng pigilan ako nila Gazer at Havacco sa pag lapit sa kanya.

"Damon mahal na mahal na mahal kita!" Sigaw ko habang nakatingin kay Damon na may takip na ang mukha. Hindi ko makita kung siya ba ay nakangiti o umiiyak, nais ko siyang lapitan para yakapin kahit saglit lang ngunit huli na ang lahat.

"Execute Mr. Damon now." Utos ng heneral kaya napahinto ako saglit at kitang kita ko mismo kung paano mamatay si Damon sa electric chair na inuupuan niya. Tila tumigil ang aking mundo habang nakatingin kay Damon na unti unting nalalagutan ng hininga.

"Damon!" Sigaw ko at humagulgol sa loob kung saan naruruon si Damon.

"Damon! I love you!" Umiiyak kong sigaw at sa pangalawang beses, naramdaman ko na naman ang pag turok ng isang karayom sa akin unti unting nanghina ang aking katawan at umikot ang aking paningin.

"I love you, Damon."