Chapter 39 The hearing
Erelah.
Hindi ako kagaya ng ibang kalalakihan na gumagawa ng paraan upang makasama at mapasagot ang kanilang mga napupusuang babae, ngunit isa ako sa mga lalaki na pag masdan ka lamang sa malayo ay sabik na sabik na ako at buo na ang aking mundo.
Ang gaya mo, at ang gaya ko ay hindi pinag papalang makaisa at magkasama ng matagal, kahit naisin ko 'man na makasama ka ay wala rin magagawa. Ang gaya mo ay para lamang sa gaya mong normal na tao. At ang gaya ko ay nararapat lamang na mawala sa mundong ito. Isa ako sa mga tao na matagal ng hinahangad ang pumanaw at mawala sa mundong ibabaw, ngunit ng ika'y dumating, naging isa ako sa mga tao na normal na namumuhay sa mundong ito. Ngunit kahit anong pilit na pagtakpan ang tunay na ako, alam kong lalabas at lalabas ang katotohanan, isang bagay na matagal kong inaasam na mangyare, ang sabihin lahat ng aking pag kakamali sa harap ng nakararami at sa harap ng aking binibini. Erelah, ako'y iyong kamumuhian. Patawad.
Damon.
June 17 2022
Tahimik ang buong court room habang nakatingin kay Damon na nakaupo sa witness stand upang depensahan ang kanyang sarili, kagaya ng mga naunang tanongin, nanumpa si Damon na sasabihin ang katotohanan sa harap ng mga taong nanunuod sa kanya.
Napatingin pa si Damon sa aking gawi, isang malungkot na expression ang kanyang ibinigay saakin, isang expression na karaniwan ko lamang makita.
Naunang mag tanong ang abogado ni Damon, si Atty. Meilda, alam ko na kayang ipanalo ni Atty. Meilda ang kaso ni Damon, alam kong makaka labas si Damon sa kulungan at muli kaming mag kakasama sa labas.
Hindi ako makapaghintay na sabihin ng Judge na isang inosente si Damon, hindi ako makapaghintay na makalabas si Damon sa bilanguan at magamot upang kami ay magkasama sa labas.
Mamuhay ng tahimik at mapayapa, ang daming pumapasok sa aking isip na mga plano kapag lalabas na si Damon sa kulungan.
"Damon, naririnig mo ba ang mga pinag uusapan nila Chai at Achaz?"tanong ni Atty. Meilda, umiling si Damon.
"Naalala mo ba ang mga nangyayare sa tuwing lalabas sila Chai at Achaz?"tanong ni Atty. Meilda.
Umiling si Damon bilang sagot.
"Kelan lumabas sila Achaz at Chai?"tanong ni Atty. Meilda.
"Simula pagka bata ko." Sagot ni Damon.
Tumango si Atty. Meilda.
"Noong panahong naganap ang kagulohan sa amusement park, ikaw ba ang kumokontrol sa katawan mo?"tanong ni Atty. Meilda, umiling si Damon bilang sagot.
"Sino ang kumokontrol?"tanong ni Atty.
"Hindi ko alam, ang alam ko lang at ang naaalala ko ay natulog ako, pag gising ko nasa harap ko nalamang si Erelah at akmang sasaksakin ko siya kaya tinarak ko sa aking sarili ang kutsilyo upang hindi siya masaktan."sagot ni Damon, naalala ko ang panahon na iyon, ang panahon na kung saan unang beses kong matakot kay Damon at unang beses kong malaman ang tungkol sa sakit niya.
"Kung ganon, hindi mo alam kung ano ang nangyayare?"tanong ni Atty. Tumango si Damon bilang sagot.
"Kilala mo ba si Gazer?"tanong ni Atty. Meilda. Tumango si Damon bilang sagot.
"Si Havacco, kilala mo?"tanong ni Atty. Tumango muli si Damon bilang sagot.
"Lahat ba ng kanilang mga sinabi ay totoo?"tanong ni Atty. Tumango si Damon bilang sagot.
"Si Erelah, kilala mo ba siya?"tanong ni Atty. Kaya napatingin sa akin si Damon, ngumiti ako sa kanya ng mag tama ang aming mga paningin.
Isang malamig na titig lamang ang kanyang ginawa at ibinigay sa akin.
Erelah,
Kahit na anong mangyare, kahit na ano'man ang aking sabihin sa korte at sa harap ng ibang taong nanunuod sakin, alam ko na alam mo kung gaano kita kilala, mahal kita Erelah, ngunit ang oras na ibinigay sa atin ng panahon ay hindi akma para sa mga puso natin.
Ilang beses 'man kitang tanggihan at mag kunwaring hindi ka kilala, sa loob loob ko ay lubos akong nasasaktan, nasasaktan sa pagkat kailangan kong gawin ang ilang mga bagay na hindi karapat dapat gawin.
Patawarin mo ako Erelah, patawarin mo ako.
Damon.
June 17 2022
Napalunok ako ng hindi sumagot si Damon sa tanong ni Atty Meilda.
"Mr. Damon, uulitin ko ang tanong, kilala mo ba si Erelah." Tanong ni Atty. Meilda.
"Hindi." Sagot ni Damon habang nakatingin sa aking mga mata, napanganga ako sa sagot niya at dama ko sa aking dibdib ang sakit ng kanyang sagot sa tanong ni Atty. Meilda.
Napatingin si Havacco at Gazer sa gawi ko, maging si Draco at Atty. Meilda ay napakunot sa sagot ni Damon.
Anong nangyayare, anong sinasabi ni Damon na hindi niya ako kilala? Hindi ko maunawaan kung bakit itinanggi niya na kakilala niya ako.
Muling nag simula ang mga bulungan dito sa court room, napatingin sa akin ang ilang nanunuod.
"Objection your honor, Can I ask Mr. Damon about one thing?" Tanong ng kabilang abogado.
"Objection your honor, hindi pa ako tapos mag tanong sa kleyente ko." Singit ni Atty. Meilda na halatang hindi alam kung ano ang gagawin dahil sa sagot ni Damon.
"Damon." Bulong ko at kasunod noon ang pag buhos ng aking luha, anong nangyayare, anong tumatakbo sa isip mo Damon? Sa pag sagot mo palang ng 'Hindi' ay maaaring masira ang planong ginawa natin nila Atty. Meilda para mailabas ka.
"Order in the court." Sabi ng Judge saka tumahimik ang court room, tumingin ang Judge kay Atty. Meilda.
"May tanong ka pa ba sa kleyente mo?"tanong ng Judge kay Atty. Meilda, napatingin si Atty. Meilda kay Damon, halata sa mukha ni Atty. Meilda na hindi niya na alam kung ano ang sasabihin niya at itatanong niya kay Damon.
"I don't have any questions to ask your Honor." Sagot ni Atty. Meilda saka tulirong umupo sa kanyang upuan. Napalunok naman ako ng itaas ng kabilang panig na abogado ang kanyang kanang kamay.
"Your honor, permission to ask a question to Mr. Damon." Sabi ng kabilang panig na abogado. Tumango ang judge bilang sagot na sumasangayon siya na tanongin ng kabilang panig na Abogado si Damon.
Pinanuod kong tumayo ang abogado at mag lakad palapit kay Damon na hindi inaalis ang tingin sa akin. Anong nangyayare Damon? Bakit mo ako itinanggi?