Chapter 38 Witness lll
Erelah.
Marami akong mga bagay na nais sabihin sayo ngunit wala akong lakas upang gawin yon. Alam kong nasaktan kita sa aking mga sinabi noon pero kabaliktaran ng mga sinasabi ko ang tunay kong nararamdaman.
Mahal kita Erelah, unang kita ko palang sayo noong araw na pinigilan mo akong tumalon sa tulay. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo bakit mo ako pinigilan ngunit salamat, salamat sa pagkat dahil sa ginawa mong iyon ay nakita kita, isang mala angel na may mala angel na pangalan.
Sa loob ng ilang taon noon ko lamang naramdaman ang kakaibang pakiramdam, pakiramdam na kung saan ang bilis ng tibok ng aking puso, isang pang yayare na nakakapanibago sa akin.
Kung may isa akong hiling, iyon ay ang mayakap kang muli, Erelah.
Damon,
May 3 2022
Huminga ako ng malalim saka tumingin sa gusali ng korte kung saan muling gaganapin ang pangalawang pag dinig sa kaso ni Damon.
Ngayong araw muling gaganapin ang pangalawang pag dinig sa kaso ni Damon, kahapon matapos ang unang pagdinig ay sinamahan na lamang ako ni Gazer pauwi sa bahay.
Pinapakalma niya ako habang nasa byahe kami, alam niya kung gaano ako kasabik na makita si Damon at makausap ito ngunit wala kaming magagawa sapagkat gaya ng sabi ni Draco, kailangan naming patapusin ang pag dinig bago kausapin si Damon.
Nag simula akong maglakad papasok sa gusali kung saan muling gaganapin ang pagdinig, kanina pa ako nahuli sa pagkat hindi ako pinayagan ng boss ko na mag out ng maaga sa trabaho, imbes na 12 ay naririto na ako, alasdos nga ako nakarating dito at ngayon sigurado ako na may isa ng tapos na tanongin. Baka nga tapos ng tanongin ngayon si Havacco.
Nang buksan ko ang pinto mg court room kung saan naka assign ang hearing ni Damon, lahat ng mga mata ay napunta sa akin kaya medyo nahiya pa ako, tahimik at dahan dahan akong nag lakad patungo sa bakanteng upuan saka nahihiyang umupo. Napalunok pa ako at huminga ng malalim saka tumingin sa paligid.
Sa harap nakita ko si Gazer na muling tinatanong, hindi ko masundan kung ano ang mga bagay na pinag lalaban ng kabilang abogado pero base sa nakikita ko naiinis na naman si Gazer.
Napatingin ako sa gawi ni Damon na nakatingin lang kay Gazer, nakahinga ako ng maluwag ng makitang ayos lang siya at naririto siyang muli.
Hindi ko masyadong nauunawaan ang mga nangyayare ngayon ngunit sa mga oras na ito, tapos ng mag salita si Gazer at sa tingin ko ay si Draco na ang susunod na mag sasalita.
Nakita kong papunta sa witness stand si Draco at gaya ng ginawa naming mga witness, nanumpa rin siya na mag sasabi siya ng katotohanan.
"Mr. Draco, kaano ano mo si Damon?" Tanong ng kabilang panig na abogado.
"Kapatid." Maikling sagot ni Draco saka tumingin sa abogado na iyon. "Rephrase, its Chai." Pag tatama ni Draco sa abogado. Tumango tango ang abogado saka muling nag tanong.
"Si Chai at Damon ay iisa lamang hindi ba?" Tanong ang abogado sa kanya, kumunot ang nuo ni Draco. Maya maya pa ay huminga siya ng malalim.
"Chai is an Alter, nasanay lang ako na si Chai ang lagi kong kasama nong mga bata pa kami." Sabi ni Draco. Tumango ang abogado.
"Nasabi ni Mr. Gazer kanina at kahapon na si Damon ay nakita nila, sa paanong paraan nawala si Damon at napunta sa lansangan upang makita nila Gazer?" Tanong ng abogado.
"I was with my grandpa when the massacre happened at our house, pagkauwi namin ni lolo noon, natagpuan nalang namin ang mga magulang namin na wala ng buhay in a way na hindi karapat dapat, their heads is separated from their body and that is one of the happenings that I will never forget. We tried to search for Damon and akala namin he is also dead like our parents but hindi namin siya nakita sa bahay, so we conclude that time that maybe Damon is being kidnapped by those who kill our parents." Kwento ni Draco kaya napalunok ako.
Hindi ko alam ang tungkol sa nangyare sa magulang niya at sa buhay nila, ang tanging alam ko lang ay hinahanap niya ang kapatid niya na matagal ng nawawala, at yon ay si Damon. Noong nag sagawa sila ng DNA 3 Days after noon ay lumabas na ang result at sinasabi doon na tunay nga silang magkapatid. Siguro dahil narin sa maraming kapit si Draco kaya mabilis ang proseso ng DNA nila. Pero kahit na ganon, masaya ako para sa kanya dahil nakita niya na ang matagal niya ng hinahanap na kapatid.
"We search and give our best para hanapin si Damon but ilang years na ang lumipas at hindi parin namin siya nahahanap, hanggang sa ngayong taon na ito, saka lang namin siya nahanap ng dahil kay Erelah." Sabi ni Draco kaya ang ilang mga mata ay napunta na naman sa akin, napayuko ako at napapikit. Bakit kailangan niya pang sabihin yun. Nakakahiya!
"Mr. Draco, nahanap niyo ba kung sino ang gumawa noon sa magulang niyo?" Tanong ng abogado kay Draco, umiling si Draco bilang sagot.
"Hindi kaya si Damon ang may gawa noon since isa siyang psychopath gaya ng pinag lalaban ng kabilang panig?" Napatingin ako kay Draco at kay Damon na walang emosyon ngayon.
"Objection, walang karapatan ang kabilang panig na pag salitaan ng ganon ang kleyente ko." Singit ni Atty. Meilda.
"Objection, I'm just giving him a question." Sabi naman ng kabilang abogado.
"Objection, my client is not a psychopath. He may have a Multiple Personality disorder but its not right to call him a psychopath, do you know the differences between the MPD and Psychopaths?" Iritang tanong ni Atty. Meilda.
"Objection—"
"Order in the court, Let the peoples side finished his Question Atty." saway ng judge kay Atty. Meilda kaya napakunot ang nuo ko. Napaka Bias!
"Back to the Question Mr. Drac—"
"You have no rights to call my Brother as psychopath." Malamig na sabi ni Draco. Sa mga nakikita ko ngayon at base sa expression ni Draco ngayon, parang naging Damon 2. 0 siya dahil sa lamig ng kanyang awra.
"The Cased is close, the cased happens last 11 years ago, so why are you bringing up those questions?" Tanong ni Draco sa abogado ng kabilang panig, hindi umimik ang abogado saka natawa lang.
"To prove that your brother is Guilty."
"My brother is not guilty until the people of the court proved and declared that he is proven guilty." Malamig na sabi ni Draco kaya napalunok ako.
Napaisip ako bigla, siguro nakuha ni Damon ang pagka cold ni Draco, magkapatid nga talaga sila.
"I have no further questions your honor." Sabi ng abogado ng kabilang panig saka umupo sa kanyang upuan.
"Does the Defense have Question?" Tanong ng Judge kay Atty. Meilda.
"No questions your honor." Sabi ni Atty. Meilda kaya naman pinaupo na nila si Draco sa kanyang upuan.
"People of the court calls for Mr. Damon to defense himself." Napatingin ako kay Damon ng banggitin ng Clerk ang kanyang pangalan.
Napalunok ako ng magtama ang paningin naming dalawa.
Erelah.
Kung ano man ang aking mga sasabihin at ang aking gagawin sa loob ng korte, ito ay para sa nakakabuti ng lahat at para sa ikakatahimik ko.
Lagi mong tandaan, na sa kabila ng mga pinapakita ko at pinaparamdam na lamig sayo, kabaliktaran non ang pag mamahal ko para sayo.
Pagkaitan man ako ng kalayaan,
Pagkaitan man ako ng buhay,
Sa maikling oras at araw na pag sasama nating dalawa, sayo ko naman naramdaman na ako ay tunay na buhay at tunay na malaya.
Mahal kita, Erelah.
June 16 2022
Damon.