Chapter 37 Video Record
"Mr. Damon, Ako si Atty. Mielda, isang abogado at psychiatrist, ako ang hahawak sa kaso mo." Isang malamig na titig lamang ang binigay ni Damon habang nakatingin sa kaharap niyang tao.
"May mga papers ako ditong dala, papers na makakatulong sayo upang linisin ang pangalan mo. May ilan rin na hiningi ko galing sa dati mong tinutuloyang hospital." Sabi ni Atty. Mielda habang nilalabas ang ilang papel sa harap ni Damon.
"Damon, may mga pagkakataon ba na nakakausap mo ang mga alter mo?" Tanong ni Atty. Meilda kay Damon, hindi sumagot si Damon sa halip siya ay huminga ng malalim saka tumingin sa ibang gawi.
"Kailan ko makikita ulit si Erelah?" Tanong ni Damon kay Atty. Mielda.
"Wala pang kasiguradohan Damon, under restriction ka dahil sa mga nangyare nong nakaraan, kung makikipag tulungan ka sa akin para malutas ang kaso mo ay masisigurado ko na makikita mo na si Erelah."
"Dumalaw na ba ulit si Erelah sa akin habang tulog ako?" Tanong ni Damon sa kaharap niya, umiling si Atty. Meilda bilang sagot, mas lalong lumamig ang awra ni Damon. Humarap si Damon sa bintana, bakas sa kanyang mga mata ang lungkot habang nakatingin sa labas.
"Masyado atang nasaktan si Erelah sa mga nasabi ko." Sabi ni Damon.
"Damon, may kailangan kang malaman." Seryosong boses ni Atty. Meilda kaya napatingin si Damon sa kanya. "Nitong mga nakaraan, makailang ulit na lumalabas si Chai at Achaz, hindi mo ba naalala ang mga pangyayareng iyon?" Tanong ni Atty. Meilda, malamig na titig lamang ang sagot ni Damon saka umiling.
Huminga ng malalim si Atty. Meilda saka may pinaandar na voice record at pinarinig kay Damon.
"PAPATAYIN KITA! PAPATAYIN KITA! HAHAHAHAHAHA."
"Damon huminahon ka!" Boses iyon ni Draco na halatang natatakot sa kanyang kapatid.
"PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT SA ORAS NA MAKALABAS AKO RITO!"
"Damon!"
"Hawakan niyo siya, Nurse turukan niyo na siya ng pampatulog."
"PAPATAYIN KO KAYONG---"
Natigil ang boses sa voice recorder ng patayin ni Atty. Meilda ang device.
"Yan ang voice record na nakuhanan nong isasailalim sana kita sa isang test." Sabi ni Atty. Meilda. "Bigla na lamang lumabas si Chai nong mga panahong iyan, wala ka bang naalala?" Tanong ni Atty. Meilda, umiling si Damon at biglang napayuko.
"Hindi rin namin pwedeng ilabas ka sa pasilidad para makita mo si Erelah sapagkat walang kasiguradohan kung kailan muling lalabas si Chai." Sabi ni Atty. Meilda, tumango lang si Damon saka tumingin sa gawi ni Atty. Meilda na may ngiti sa labi.
"Nauunawaan ko." Nakangiting sabi ni Damon. "Talagang mapanganib nga si Chai kaya nauunawaan ko kung ipag kakait niyo sa akin na makita si Erelah." Sarkastikong sabi ni Damon.
"Hindi namin pinag kakait sayo na makita si Erelah, Damon. Ayaw lamang namin na may mapahamak na naman ng dahil kila Chai at Achaz." Paliwanag ni Atty. Meilda.
"Bakit, Mapanganib ba ako?" Tanong ni Damon na nag patingil sa kaharap niya, ngumiti si Damon kay Atty. Meilda saka inulit ang tanong.
"Mapanganib ba ako para ayo?" Tanong ni Damon.
"Sinasabi ko na nga ba, hindi si Damon ang kausap ko. Achaz" Sabi ni Atty. Meilda kaya biglang natawa ang kaharap niya.
"Hindi ko kayang gayahin ang cold aura at cold look ni Damon, malayo ang pinag kaiba naming dalawa." Sabi ni Achaz.
"Totoong malayo ang pinagkaiba niyo."
"Sa tingin mo, sino sa amin ni Damon at Chai ang mabait?"Tanong ni Achaz kay Atty. Meilda.
Deretsong nakatingin si Atty. Meilda kay Achaz na nakangiti sa kanya ng nakakaloko.
"Wala." Sagot ni Atty. Meilda. "Walang mabait sa inyo dahil parehas lamang kayong sakit sa ulo." Deretsang sabi ni Atty Meilda na kinatawa ng malakas ni Achaz.
Umiling iling si Achaz saka napahawak sa kanyang baba habang bumababa naman ang posas na nakakabit sa kanya.
"Sa tingin mo, si Chai. Mabait ba siya?" Tanong ni Achaz.
"Hindi." Sagot ni Atty. Meilda at sa isang iglap ay muling nagkagulo sa video record, nagkaruon ng mga lalaki na umaawat kay Achaz na nag wawala. Sumisigaw ito ng 'Papatayin kita' habang si Atty. Meilda ay walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.
Namatay ang video record at isang mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng court room. Napalunok ako at napatingin sa gawi ni Damon na walang emosyong nakatingin sa harap.
Naramdaman ko ang pag init ng gilid ng aking mata, hanggang sa tuloyan ng tumulo ang luha na aking pinipigilan.
Matapos kong mapanuod ang video record, isa lang ang namuo at napagtanto ko sa aking utak. Na sa loob ng ilang araw na hindi ko pag paparamdam kay Damon matapos ang mga masasakit na salitang binitawan niya sa akin, na mimiss niya ako, hinahanap niya ako at noong panahong kailangan niya ako ay wala ako sa tabi niya.
"That's all your Honor." Banggit ni Atty. Meilda, umayos sa kanyang kinauupuan ang judge saka tumingin sa mga taong naririto.
"We will continue this hearing tomorrow at 12 PM. Court is adjourned." Pagkasabi non ng judge ay tumayo na ang mga abogadong nasa harap, may sinasabi pa ang clerk pero hindi ko na iyon pinakinggan pa, agad akong tumayo at akmang lalapit kay Damon ng harangan ako ni Havacco at Gazer.
"Erelah." Sabay nilang sabi.
"Kailangan kong kausapin si Damon kahit saglit lang." Nang hihinang sabi ko sa dalawa, umiling sila saka huminga ng malalim.
"Pinag babawal na makausap si Damon sa loob ng tatlong araw habang umuusad ang kaso at hearing ng kaso niya." Napatingin ako sa nag salita sa likod nilang dalawa. Si Draco.
"Kahit isang minuto lang pakiusap, gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya." Sabi ko, hindi kumibo ang tatlo kaya mas lalong tumulo ang luha ko.
"Bakit.. bakit hindi niyo manlang sinabi sa akin na hinahanap ako ni Damon?" Umiiyak na tanong ko.
"Dahil alam namin na pupuntahan mo siya Erelah." Sagot ni Havacco.
"Malamang pupuntahan ko siya dahil kailangan niya ako."
"Mahigpit na binilin sa amin ni Atty. Meilda na wag sabihin sayo, Erelah sa loob ng mga araw na hinahanap ka ni Damon hinahanap ka rin ni Achaz at Chai para saktan." Sabi ni Draco at may nilabas sa kanyang bulsa, pinlay niya sa harap ko ang isang video kung saan sumisigaw si Damon ng Erelah at ng Papatayin kita.
Napatakip ako sa aking bibig, hindi dahil sa takot dahil sa napanuod ko kundi dahil sa awa na nakikita ko, Tatlong mga lalaki ang pumipigil kay Damon at naka kandado at kadena ang kanyang mga paa at kamay habang may kung anong nakasalpak sa ulo niya.
"Hintayin mo nalamang na matapos ang pag dinig Erelah, makakausap mo rin si Damon, kahit ako rin ay nais siyang kausapin pero wala tayong magagawa, dahil sa oras na lumabag tayo at kausapin si Damon, aakusahan tayo ng kabilang panig na pinag uusapan natin ang kung ano ang dapat sabihin dito sa loob ng korte." Sabi ni Gazer, napatingin ako sa gawi ni Damon na nakatayo na at handa ng ilabas sa korte, napatingin sa dereksyon ko si Damon dahilan para mas lalong tumulo ang luha ko. Isang tingin na may lungkot sa mga mata.
"Damon."Banggt ko sa kanyang pangalan, pinanuod ko ang pag labas niya sa court room hanggang sa kaming apat nalamang ang natira dito.
"Ipapanalo natin ang kaso Erelah."