Chapter 36 Witness ll

Erelah POV

Matapos akong tanongin sa witness stand, tinawag nila si Gazer upang siyang susunod na titistigo sa kaso ni Damon. Hindi ko alam kung ilang oras na ang hiring ni Damon, pero kanina sinabi ng Judge na pagkatapos magsalita ni Gazer, babalik kami bukas para sa pangalawang pagtinig sa kaso ni Damon.

Napatingin ako sa gawi ni Damon na nakatingin kay Gazer, napalunok ako at napatanong sa aking sarili, totoo nga bang nabigyan namin ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama? Hindi ko nais isipin ang mga bagay bagay nayon ngayon sapagkat ang mahalaga lamang sa akin ngayon ay makalabas si Damon.

Inaamin ko na nais ko siyang makasama, hindi bilang kaibigan kundi mas lamang sa kaibigan. Marami akong mga bagay na nais gawin kasama siya kaya naman ang mas pinag tutuonan ko ng pansin ngayon ay ang makalabas si Damon gaya ng pangako ko sa kanya na ilalabas ko siya sa bilanguan.

"Mr. Rodolfo, AKA Gazer, gaano mo kakilala si Damon?" Tanong ng abogado ng kabilang panig. Tahimik ang paligid at talagang ang mga mata ng mga taong naririto ay nakatuon lamang kay Gazer at sa abogadong nag tatanong sa kanya.

"Simula pagkabata namin." Sagot ni Gazer. Tumango tango ang abogado.

"Matalik kayong magkaibigan tama ba?" Tanong ng abogado ulit.

"Oo."

"Base sa nabasa kong record, sa iisang bahay lamang kayo nakatira ni Damon noong mga bata pa kayo, nasan ang mga magulang niyo?" Tanong ng abogado kay Gazer.

"Maagang nawala ang mga magulang ni Damon, habang ako naman laking kalye ako." Sagot ni Gazer, ngayon ko lamang nalaman ang tungkol sa bagay naiyan, hindi naman kase palakwento si Gazer sa akin. Ngunit ngayon, nauunawaan ko ng kaya pala malapit na malapit siya kay Damon ay dahil parang kapatid na ang turing nito sa kanya, sabay silang lumaki sa iisang bubong.

"Maaari ko bang malaman kung paano niyo nagagawang bayaran ang bills niyo noon ng kayo kayo lamang?" Tanong ng abogado kay Gazer.

"Nag tatrabaho kami habang nag aaral." Sagot ni Gazer. "Saka tinulungan kami ng dating doctor ni Damon." Dagdag ni Gazer. Tumango tango ang abogado saka muling nag tanong kay Gazer.

"Totoo ba na may sakit ang kaibigan niyo?" Tanong ng abogado kay Gazer.

"Oo." Sagot ni Gazer.

"Maaari mo bang isalaysay sa amin kung paano niyo natuklasan na may sakit si Damon?" Tanong ng abogado kay Gazer.

Biglang natigilan si Gazer at napatingin sa gawi ni Damon, saglit lamang iyon pero puno ng mga ibig sabihin ang titig na iyon, isang titig na hindi ko maunawaan kung takot ba o lungkot ang nakita ko.

"Noong mga bata pa kami, napapansin namin na nag iiba ang ugali niya sa amin. Mas nasanay kami sa awra niya na malamig at malamig ang pakikitungo sa amin, pero pagkatapo ng ilang oras o ilang araw bigla bigla nalang umiinit ang ulo niya, nagiging matured minsan at madalas nagiging... nagiging palatawa."Sabi ni Gazer.

"Hindi niyo ba naisip na baka parte lamang iyon ng kanyang pag uugali ni Damon? Na normal lang para sa isang tao ang maging maiinitin ang ulo at masiyahin?" Tanong ng abogado kay Gazer.

"Bata pa nga kami noon, mukha bang may alam kami nong mga musmos palang kami? syempre nasa isip namin non laro, kain at kung paano kami mabubuhay." Iritang sabat ni Gazer kaya nanlaki ang mga mata ko, halatang naiinis na siya sa abogado.

"Mr. Gazer." Saway ng Clerk sa kanya, huminga siya ng malalim saka tumingin sa kung saan.

"Eh di Sorry." Sabi niya kaya natawa ako.

Kahit kailan, talagang mainitin at pikin si Gazer pagdating sa ibang mga tao. Iba ang pakikitungo niya sa akin at sa mga kakilala niya, bagay na pinag papasalamat ko dahil hindi na ako babarahin ni Gazer kung sakali.

"Mr. Gazer, para sa huling katanungan, Nasaan na yung doctor na sinasabi mo na tumulong sa inyo noon?" Tanong ng abogado kay Gazer, napansin ko na bigla na naman siyang natigilan at bigla siyang namula, isang bagay na alam kong napansin rin ng abogadong kaharap niya ngayon.

"Mr. Gazer?" Tanong ng abogado kay Gazer, biglang hindi na mapakali ang mga mata ni Gazer, kung saan saan na siya tumitingin at umiiwas ng tingin.

"H-Hindi ko na alam." Sagot ni Gazer, isang mahabang katahimikan ang bumalot sa kwarto kung saan naruruon kami, napansin ko na napatitig si Gazer kay Damon at napalunok.

Tumango ang abogadong kaharap ni Gazer saka tumingin sa judge.

"Thank you. I have no further questions." Sabi ng abogado ng kabilang panig saka bumalik sa kanyang upuan.

"Does the defense wish to ask any questions?" Tanong ng Judge kay Atty. Mielda.

"Yes your Honor." Sagot ni Atty. Saka tumayo sa kanyang kinauupuan at nag tungo sa harap ni Gazer na hanggang ngayon ay namumula parin.

"Mr. Gazer, magandang araw sayo. Base sa mga sinabi mo kanina, kayo ni Damon ay mag kababata tama ba?" Tanong ni Atty. Mielda kay Gazer, tumango tango si Gazer bilang sagot. May binasa sa papel si Atty. Mielda saka muling tumingin kay Gazer.

"At napapansin niyo na may pag babago sa kaibigan niyo tulad ng pag babago ng kanyang kataohan, tama ba?" Tanong ni Atty. Mielda. Muli na namang tumango si Gazer bilang sagot.

"Base sa mga nakalap kong impormasyon, Hazel Ann Sumoba ang pangalan ng dating doktor ni Damon at ang doktor na tumulong sa inyo, tama ba?" Tanong ni Atty. Mielda kay Gazer, napalunok si Gazer saka muling tumango.

"Ayon sa mga result sa lab at test na ginawa ni Doc. Hazel kay Damon, lumalabas na may labing dalawang alter sa katawan ni Damon, kasama naruon si Chai at Achaz na siyang kumukontrol noon sa katawan ni Damon ng maganap ang krimen."Sabi ni Atty. Mielda at may inabot na papel sa judge.

"Base rin sa isang video recorded na nakunan noong labing apat na taong gulang si Damon, porsigido si Damon na alisin ang mga alter na nasa katawan niya."Sabi ni Atty. Mielda, napalunok ako at napatingin ako kay Damon.

Alam ko sa sarili ko na hindi si Damon ang host sa katawan na yan kundi si Chai na siyang may problema sa pag iisip, ngunit dahil sa nais naming mga malalapit kay Damon na makalaya siya, kailangan naming palabasin na si Damon ang Host upang ng sa ganon ay maibasura ang kaso ni Damon at makapag focus siya sa pag papagamot.

"Mr. Gazer, naka enkwentro niyo na ba si Chai?" Tanong ni Atty. Mielda kay Gazer.

"Oo, noong papainumin sana namin siya ng gamot noon, pero sinugod niya ako at muntik ng saktan, mabuti na lamang ay may bantay noon." Sagot ni Gazer, muling humarap si Atty. Mielda sa Judge.

"Your Honor, Si Chai ay isang bayolenteng Alter, si Achaz ay isang mainitin at madamdaming Alter, base sa aking pag aaral bilang ako ay isang psychologiest, hindi nag sasakit sakitan si Damon, meron talaga siyang Multiple Personality Disorder at nakuhanan ko ng video ang pag papalit ni Damon ng kataohan habang siya ay aking kinakausap noon." Sabi ni Atty. Mielda.

"Permission to play the video your Honor." Sabi ni Atty. Mielda, tumango ang judge kaya naman nilabas ni Atty. Mielda ang usb sa kanyang bulsa at isinalpak sa isang laptop na naka konekta sa isang projector.