CHAPTER TWELVE

"PUWEDE mo ba akong ihatid hanggang sa labas ng unit mo, babe— I mean, Reeve?"

Parang hinagis na bola ang paningin ni Zurick papunta sa mukha ng kanilang bisita. Lantarang tumigas ang kanyang bagang habang pinupukol niya ng matalim na titig ang lalaki na humihiling sa asawa niya.

It seemed like eternity having that man inside Reverie's unit. Kanina pa niya ibig ihagis palabas ang panauhin. Banas siya sa dahilan kung bakit ito pa ang narito at lalong banas siya sa presensiya nito dahil kanina pa ito sumusubok na dikit-dikitan siya.

Sandaling napaawang ang bibig ni Reverie bago nito pinagbigyan ang kanilang bisita.

"S–sure..." Alanganing tugon niya na ikinalapad ng ngiti ng pulis.

Lalo namang dumilim ang paningin ni Zurick sa sagot ni Reverie.

"Disabled ka ba at kailangan mo pang magpahatid?" Patuyang sabad ni Zurick na kanina pa nais tuldukan ang usapan ni Reverie at ng pulis na hinala niya ay matagal nang kakilala ni Reverie and it really intrigued him to death.

Kanina nang nagsimula itong mag-imbestiga patungkol sa insidenteng kinasangkutan ni Zurick kagabi ay napansin niya ang pagkailang ni Reverie habang nakikipag-usap sa lalaki. Nahuli niya rin itong panay ang simangot sa tuwing tinititigan ito ng kanilang bisita.

"Zurick, ano ba?" Suway ni Reverie sa kanya dahil sa hindi maayos na trato niya sa pulis.

Ano ang magagawa kung ayaw na niya sa katauhan nito kahit ngayon pa lamang niya ito nakikilala?

"What? Gusto niyang umalis, e 'di sana kanina pa. And one more thing, ako ang biktima sa insidente kaya ako ang magpapasya kung hahabulin ko ang mga may gawa sa akin no'n o hindi. I never asked for help. I have money and power and I can easily hunt those retards anytime if I want to."

"Wow! Now you're using that signature arrogant tone of yours. Bakit? May nagawa ba iyang pera at kapangyarihan mo kagabi noong binugbog ka? Wala 'di ba kaya huwag kang magyabang, de Souza."

Tumayo na si Reverie mula sa upuan niyang nasa harapan ng coffee table. Nagkakape kasi silang tatlo kanina habang umuusad ang imbestigasyon ni Marko.

"Anong yabang? Hindi ako nagyayabang dito ha!" Tumayo na rin si Zurick.

Hindi naman niya gusto na makasagutan si Reverie. Masyado lang talaga siyang natatangay sa init ng kanyang ulo.

"Then shut up!" Asik ni Reverie.

Dala ng matinding inis ay ginulo ni Zurick ang basa pa niyang buhok. Dahil sa ikinilos niya ay hindi sinasadyang matanggal ang pagkakabuhol ng tali ng suot niyang roba. He was fresh from bath when he noticed Reverie talking to a boastful man in a cop's uniform.

"Damn!"

"Hey, hey! I guess you're acting too harsh, man. Hindi dapat ganiyan ang trato mo sa isang babae. Lalo na sa asawa mo." Pagtatanggol ni Marko na nasa panig siyempre ni Reverie.

Nanlisik ang mga mata ni Zurick habang napaismid naman si Reverie.

"Don't meddle with us, boy! Sino ka ba sa akala mo para makisawsaw sa usapan naming mag-asawa? At puwede ba, huwag mo akong maturu-turuan sa kung paano ko tatratuhin ang asawa ko. I would never ask for anyone's advice on how I become a husband dahil iyang asawa ko, reyna na ‘yan ng buhay ko. I know how to treat her as the queen of my universe. Baka ako pa magturo saiyo, ‘kala mo." Mabigat na asik ni Zurick sa pulis. Pagak na tawa naman ang isinukli nito sa kanya kaya lalong nagliyab ang galit sa sistema niya.

"Hoy, t—tumahimik ka nga, Rhames. Parang ihahatid ko lang naman sa pinto itong tao, dami mo nang sinabi." Nanggigil na sabi ni Reverie. "Let's go, Marko. Ihahatid na lang kita sa lobby."

Tila bumagsak ang balikat ni Zurick sa alok ni Reverie sa bisita nila.

Hindi na niya napigilan nang nauna nang nagmartsa palabas ng unit si Reverie. Kaagad namang sumunod ang pulis na sandali pa siyang nilingon at nginisihan.

"Anyway, ex lang naman ako ng asawa mo, p're. First love to be exact and you know what? Ngayong nakilala na kita, pakiramdam ko ay nais ko siyang agawin mula saiyo. I can't believe that she married a man like you."

He was her what? Ex? First love?

Parang batong nakakuyom ang mga kamao ni Zurick hanggang sa naglaho na ang pulis. Naiwan siyang nagpipigil ng matinding galit. Gusto niyang basagin ang bungo ng lalaking iyon.

A man like me? Oh damn you! A man like me can shower her rainbow and unicorn if she will just let me. Goddammit! Ngitngit niya at bumalik sa silid upang magbihis. Sira na ang araw niya kaya nais niyang magpalamig muna.

Handa na sanang umalis si Zurick nang sakto namang bumalik sa unit si Reverie. Hindi na siya nagulat sa namataan niyang babae sa likuran nito.

Sinadya niyang hindi pansinin si Reverie. Hindi dahil sa naiinis siya rito kung hindi ay ayaw lang niyang sabayan ang init ng ulo nito. Alam niyang galit ito sa kanya at hindi iyon maikakaila sa kilos at pananalita nito.

Magalang na binati siya ng babaeng kasama ni Reverie. It was Sonia, their maidservant.

"Leave the luggage in there then you can go." Malaharing utos niya sa katulong na walang pasubaling sinunod naman ng katulong.

Laman ng luggage na iyon ang ilan niyang mga damit at personal stuffs. Ipinahatid niya iyon sa unit ni Reverie dahil balak na niyang manatili roon. Wala siyang ideya sa ano mang patutunguhan ng ginagawa niya. Basta't ang alam niya ay nais niyang nasa malapit lang siya ni Reverie. No more whys.

"Ganiyan ka ba talaga?"

Natigil si Zurick sa paghakbang nang magsalita si Reverie. Bakas sa himig nito ang disappointment.

He took a deep sigh. Aktong hahakbang na naman siya at babalewalain kunwari si Reverie nang magsalita ito ulit. Sa puntong iyon ay mas tumaas na ang boses nito. Animo'y nanenermon.

"Ganiyan ka ba talaga makitungo sa kapwa mo? You're being insensitive and arrogant. Si Marko na wala namang ginawang masama saiyo ay binabara mo kanina. Minura mo pa. Ngayon naman iyong maid ninyo ay parang tutang tinaboy mo. Ano bang ugali mayroon ka? Why are you like that?"

HULI na nang pinagsisihan ni Reverie ang mabibigat na mga salitang ibinato niya kay Zurick. Hindi niya intensiyon na kuwistiyunin ang pagkatao nito.

Wala naman talaga siyang paki kung gaano pa kasama ang ugali nito pero sa himig niya ay parang mayroon na.

Umapaw sa guiltiness ang dibdib niya dahil sa pananahimik ni Zurick. Babawiin na sana niya ang kanyang sinabi ngunit mabilis na itong nakaalis.

Sumapit ang gabi at walang Zurick na bumalik. Maghapon na nakatulala lamang si Reverie sa loob ng unit niya at nakatitig sa luggage na inihatid ng kasambahay sa mansiyon ng mga de Souza.

Napakagat labi siya. She's not that dense not to realize that she maybe hurt Zurick when she threw those words to him like a venomous dagger. Hindi naman niya gaanong kakilala ito ngunit kung husgahan niya ito ay wagas.

She's sorry for saying that towards him. Hindi siya dapat ganoon kasama kay Zurick. Hindi dapat. Hindi rason na may atraso ito sa kanya upang habambubay niya itong ituring na parang sumpa sa mundo.

She isn't that heartless at all.

Midnight came and there still no Zurick came. As if naman na doon ito nakatira at hinihintay pa niyang umuwi.

Napailing siya. Dahil hindi pa naman siya dinadalaw ng antok kaya naisip niyang usisain ang laman ng luggage.

Karamihan ay mga damit lang naman. Apat na distressed jeans na hilig isuot ni Zurick, personal stuffs.

Muntik pa niyang mabatukan ang sarili nang matagpuan niya ang kanyang sarili na inaamoy ang isang damit na nandoon. Kinilig pa siya na kaagad naman niyang pinigilan.

Akmang isasarado na niya ang maleta nang nagising ang atensyon na dahil sa maliit na notebook na nakasiksik doon.

She checked it of course. Sa unang mga pahina ay puro composition lang ng mga kanta at guitar chords. Hinangaan pa niya ang sulat kamay ni Zurick. Ang linis at ang wasto kasi. May ilang cursive lines pa siyang nakita roon na calligraphy ang font. Ang galing.

Then on the last pages ay bumigat na ang paghinga niya nang matuklasang kakaiba na iyon.

Mistulan itong diary o confession sheets.

Pigil-hininga si Reverie habang binabasa ang mga nakasulat doon. Ngunit isang linya talaga ang nagpabigat sa puso niya.

Zurick's line is,

I felt we were complete and solid, happy and more but that night changed my viewpoint when I witnessed how my father cheated on my mother with our goddamn maidservant. Not once but frequently.

Napapitlag si Reverie mula sa pagmumuni-muni nang may kumatok sa unit niya.

Her jaw abruptly fell into the floor when she opened the door and saw the guy who took Zurick home.

To her home.

"Nalasing ang gago. Ayaw sa penthouse ko kaya dito ko na dinala." Anang lalaki na may dala sa lasing na si Zurick.

Tulala pa rin si Reverie. Wala isang salitang namutawi sa kanyang bibig hanggang sa naipasok na ng lalaki si Zurick sa loob ng kanyang silid.

Kinakabahan siya. Nagugulumihanan.

"Sorry if he's always like that. Childish and stupid. Kung masyado ka na niyang ginagambala rito sa France, just let me know, Reeve. I'll make a way to draw that Roman asshole away so he could not bother you anymore. Hindi ko na rin kasi maintindihan ang kinikilos nitong si de Souza mula nang magkalapit kayo." Ngumiti ang lalaki.

It's none other than Eszio Favian, a dearest friend of his brother.

How come?

"K–kuya Esz? Why? How? Magkakilala kayo?" Sa wakas ay naitanong niya.

"I don't know his reason why he hid this from you, Reeve but yes. Zurick is our best friend, too. Hindi lang siguro kayo nagkakilala noong bumibisita ka sa States para dalawin ang Kuya Trever mo. Masyado kasing abala sa career iyang isang iyan noon kaya palaging MIA." Tipid na tumawa si Eszio na nag-strech pa na halatang pagod sa pag-alalay sa lasing na si Zurick.

Nanlaki ang mga mata ni Reverie sa idineklara ni Eszio.

No way!

Damn, no way!

"Hey, you look like a scared cat, missy. Relax! Walang alam ang Kuya mo sa totoong relasyon mo ngayon kay Zurick na kamakailan ko lang din nalaman. Ako pa lang ang sinabihan niya tungkol sa instant marriage ninyo. Kahit si Dozier ay hindi alam ang tungkol sa inyo."

"Oh God!"

"Don't be afraid to reveal everything. You're so safe as long as you're with Zurick. He might be a pvssy but believe me when I say that he can protect you if you only just give him reason to do so. Trust me with this, Reeve. Mukhang gago lang iyan pero hindi siya iyong tipo na bibitawan ka sa ere."

Hindi maipaliwanag ni Reverie kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam niya pagkatapos niyang marinig ang mga katagang iyon mula kay Eszio. Mula sa taong mas nakakakilala sa lalaking parating hinuhusgahan niya.

He's not what exactly she thinks he is. Si Eszio na mismo ang nagsabi no'n.

Natatakot siya sa posibilidad na magugulo ang lahat kapag nalaman ng kapatid niyang si Trever na nagpakasal siya sa matalik nitong kaibigan. Alam niyang magkakagulo. Umpisa pa lang noong mabuo ang pagkakaibigan ng mga ito ay mahigpit nang ibinilin sa kanya ng kapatid na walang sino man sa mga kaibigan nito ang maaaring pumorma sa kanya.

No one!

Pero ngayon...

"Ugh..."

Nagmamadaling pumasok si Reverie sa silid niya kung nasaan si Zurick. May idinadaing ito. Nagsasalitang tulog.

"I don't wanna be like you. I won't." Hirap ang tinig ni Zurick at panay galaw ng kaliwang binti nito.

Sumikip ang dibdib ni Reverie habang pinapakinggan ang hinaing ng isang lasing. Zurick looks helpless on her bed. So fragile. Tila ito batang nais magsumbong. Malayo sa aroganteng Zurick na parati niyang sinusungitan.

Alam niyang ang ama nito ang tinutukoy nito.

Napabuntong-hininga siya at pilit nilalabanan ang paninikip ng kanyang dibdib. Umupo siya sa paanan ni Zurick upang hubarin ang boots nito.

"You don't want to be like him. Ayaw mong maging cheater pero player ka. Ayst! Playboy ka e. Dapat hindi ka ganiyan. Ang dami mong babaeng pinaasa." Salita ni Reverie.

Inis niyang inalis pati ang medyas ni Zurick.

Lumipat siya sa gilid ni Zurick at sinunod ang tops nito. Hindi na siya nagpakimi pa sa kadahilanang nakita na rin naman niya iyon.

Pinag-initan siya ng pisngi sa alaalang sumiksik sa kanyang isipan.

Nakita na nga naman niya lahat pero bakit ganoon? Bakit nakukuryente pa rin siya sa tuwing lumalapat ang balat niya sa katawan ni Zurick? Umiinit pa ang paligid niya.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Sandali pa ay hindi niya napansing nakatulala na pala siya sa guwapong mukha ni Zurick.

"Stop manwhoring around, Romano demone. And I'm sorry. I'm sorry kung nahusgahan kita. Naiintindihan na kita. Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang trato mo sa katulong ninyo. I'm truly sorry. Pero sana pangatawanan mo iyong sinabi mo na hindi ka tutulad sa cheater mong ama." Huminga nang malalim si Reverie at marahang hinaplos ang mukha ni Zurick.

"Please... don't ever be like your father. Please don't cheat. Don't cheat... on me."

"I won't..."

Marahas na napasinghap si Reverie sa hindi inaasahang pagmulat ng mapupulang mga mata ni Zurick. Nanlaki ng husto ang kanyang mga mata dala ng gulat at mabilis na tinubuan ng hiya ang kanyang sarili.

No way. Tell me he didn't... he didn't hear me. No.

Nagha-hyperventilate na siya. Tila nasa isang karera ang puso niya.

Aktong tatakbo siya palabas ng silid nang marealize niyang gising talaga si Zurick subalit mabilis nitong nahuli ang bewang niya.

"Ohhh..." Natatarantang singhap niya. Ang kamay niya na nasa shirt pa rin ni Zurick ngayon ay nanginginig na.

Bakit siya kinakabahan ng labis?

"Kung sigurado akong ikaw na, ikaw lang talaga. Cheating will be lost in my vocabulary. I can play along with any women out there but I won't never play the heart of the woman who'll capture mine. Kung ikaw

nga ang para sa akin, ayaw ko nang sumalungat pa. Sana ay ikaw na, Reverie de Gracia."

OMG. Sino ba ang lasing? Ako o siya? Ako ba? Tinamaan yata ako.