Chapter ELEVEN
“ARE YOU insane, Rhames? Gusto mong... What the fcking hell? You're really telling us this that you want us to beat you up?” Hindi makapaniwalang bulalas ng kaibigan at ka-bandmate ni Zurick na si Blu Delacroix.
“Nasisiraan ka na talaga ng bait, dude.” Dagdag pa ni Blu at himalang hindi natalisod ang pananagalog nito.
Blu Delacroix is a full blooded Italian. And like him, he also belongs to a wealthy and prominent clan back in Italy ngunit sadyang rule breaker itong si Blu Delacroix kaya naglayas ito at nangibang bansa where he could chase his real dream at iyon nga ang musika.
Zurick just coolly nodded kaya lalong dumilim ang mukha ni Blu Delacroix. Na-stress ang hinayupak sa ibig niyang mangyari.
But he had no choice.
Tumigas ang panga ni Zurick dahil sa tingin niya ay wala nga talagang balak umuwi si Reverie sa sarili nitong condominium sa gabing iyon. She was heartlessly killing him with too much worries.
Hindi niya lubos maunawaan ang ginagawa nitong pag-iwas sa kanya sa kabila ng mga effort na ipinapamalas niya makuha lamang ang loob nito. All he wanted is to show and prove to her that he's not just a good for nothing motherfucker and he could be a changed man. He's doing all of that ng kusa dahil gusto niyang baguhin ang impression ni Reverie sa kanya. Nais niyang patunayan dito na kaya niyang maging isang mabuting lalaki.
“Tell me, Rhames. You're planning all of this and you don't give a fck if you fcking get hurt just because you want to gain Reeve’s sympathy? Is that it?” Seryosong usisa sa kanya ng isa pa niyang ka-banda na si Al Cris Gauthier na fresh from the United Kingdom.
Sa katunayan ay naroon ngayon ang buong miyembro ng disbanded group nilang SoulDragon sa bansang France maliban lang siyempre kay Nigel Lasorda na ngayon ay naroon na sa Pilipinas kasama si Regina.
Sa huling pag-uusap ni Zurick at ang yaya ng kapatid niyang si Regina ay may binibili raw na property si Nigel sa isang probinsya at doon nito balak magpagawa ng bahay para sa kanila ni Regina.
Although everything came from scratch at pressure ay masaya si Zurick na unti-unti nang tinuturuan ni Nigel na tanggapin ang kapalaran nito kasama ang kapatid niyang si Regina. They're having a baby kaya nararapat lang na maging mabuti ito.
Zurick called Randall Lappiere, Al Cris Gauthier and Blu Delacroix and told them that he wanted to see them. Humingi kasi ng saklolo si Zurick sa mga ito para sa binabalak niyang palabas. He wanted to tame Reverie. Parang wala na siyang ibang makitang bagay na puwede niyang paglaanan ng kanyang oras maliban kay Reverie. Damn his original plan to move back to the United States and pursue his childhood ambition to be a Veterinarian. Isa pa’y alam naman niyang malabo rin iyong mangyari dahil sa lao’t madali ay papalapitan na niya ang kanyang ama sa chairmanship sa kanilang kompanya ngunit maging iyon ay ayaw na rin niyang isipin.
Sa isang iglap lang ay parang si Reverie na ang naging sentro ng kanyang ambisyon, ng kanyang mundo. Tanging ito lang ang nais niyang bigyan ng pansin sa kadahilanang hindi rin niya maunawaan. Ito lang ang natatanging babae na malakas ang epekto sa kanya at nakakatakot ang klase ng epekto nito sa kanya. Bawat hampas nito ng isang masakit na salita sa kanya, animo’y nawawasak na ang kalahati ng pagkatao niya. No one else ever submitted that kind of devastation in his life, tanging si Reverie lang. She became his weakness.
Si Reverie na nga ang katapat niya. She's like a curse. A sweet curse he would love to embrace.
“Bahala nga kayo kung ano ang gusto ninyong isipin basta gawin niyo lang iyon sinabi ko sa inyo, so we're cool. Sí?” Aniya atsaka ibinaling muli ang atensiyon sa cellphone niya kung saan nasusundan niya ang kinaroroonan ni Reverie sa pamamagitan ng tracking app.
Alam niya kung nasaang disco bar naroon si Reverie ngayon. Sa halip na sundan ito ay minabuti niyang mag-isip na lamang ng ibang paraan upang malapitan ito nang hindi siya itataboy. He was desperate to be near her. To guard her so he could make sure na maayos ang lagay nito segu-segundo.
She's his wife after all and that makes her his responsibility now. His top priority, he could state.
“Fine! Sige ba. Tutal sabik din naman akong manapak.” Nakangising saad ni Blu na pinangalawahan naman ni Randall.
Umakto pa ang mga ito na animo'y sasabak sa isang boxing match. “Ako naman ay matutupad na ang pangarap kong magulpi ang isang Zurick Rhames de Souza. Banas ako saiyo, p’re. Nasusulot palagi ng charm mo ang mga chicks ko kaya babawian kita. Pero yung talent fee namin, iyon ang una mong ihanda. Mabigat na aksyon ito plus dadrama pa kami. Tangina! Nag-disband lang tayo, aarti na tayo. Nakakawow itong mga sarili natin, ‘no? Lulupit.”
“You are blabbering nonsense shits again, Delacroix,” asik ni Randall kay Blu atsaka nila pinag-usapan ang detalye sa pinaplano nilang palabas.
Ngayon ay titiyakin na ni Zurick na mahahabag na ang damdamin ng pinakamatatag na babaeng kakilala niya. He'll do everything just to bring out the pleasurably soft side of a Reverie de Gracia.
“HUWAG MO namang masyadong diinan. Halatang may kaakibat na galit ang bawat dampi mo ng bulak sa sugat ko, a. Why can't you be gentle with me, my wife?” Nakasimangot na angil ni Zurick dahil totoong nasasaktan siya habang nililinis ni Reverie ang kanyang sugat sa mukha.
Mga hayop na ‘yon! Talagang tinotohanan na magulpi siya at bigyan siya ng pinsala.
Mabuti at nagawa nila nang maayos ang ibig niyang mangyari. Naipakita na niya kay Reverie ang kaawa-awa niyang estado ng walang naiwang dudusong bakas. Nasisigurado niyang hindi nito maiiisip na pakana niya ang lahat. Na siya mismo ang nagpabugbog sa kanyang sarili upang kaawaan siya ni Reverie at hindi na siya nito marahas na itaboy.
Iyon lang ay kung nasa panig niya ang kapalaran at hindi siya paghihinalaan ni Reverie sa susunod na mga araw.
“I told you not to get home late after your class. Umuwi ka nang naaayon sa pagkatao mo. Hindi gawain ng matinong estudiyante ang umuwi ng ganitong oras mula sa klase. Lalo pa’t alam mong may asawa kang naghihintay saiyo— ouch!” Daing ni Zurick nang lalong idiin ni Reverie ang bulak sa cheekbone niyang may sugat.
Tinabig ni Zurick ang kamay ni Reverie palayo sa kanyang mukha at kunwari ay naiinis siya.
At tunay namang naiinis siya dahil kanina pa walang kibo si Reverie. Nagprisinta lang itong linisin ang kanyang sugat tapos ay hindi na siya nito nagawang kibuin.
He started to feel uneasy under her unreadable stares. Hindi niya magawang hulihin ang maliliksing emosyon na dumadaan sa mga mata nito kahit ano pang subok niya.
Isa iyon sa pagkakatulad nito sa kapatid nitong si Trever de Gracia. Sadyang may pagkakataon talaga na walang sino man ang makakaunawa sa ano mang totoong nararamdaman ng magkapatid. Their eyes could be a lot more secretive and dangerous.
“Is it really hard for you to have a light conversation with me, Reeve? Nonsense ba akong kausap? Am I boring or. . . disgusting? Let me know.” He asked impatiently as he looked deeper into her eyes.
Huminga lang ito ng malalim at kapagkuwan ay umismid. Tahimik itong tumayo mula sa couch na kanilang inuupuan sa living room ng flat nito.
Lalo niyang ikinabahala ang patuloy na pananahimik nito. His jaw clenched. Kung may kapangyarihan lamang siya ay nais niyang alamin ang mga tumatakbo sa isip ni Reverie.
Tahimik na pinanood ni Zurick ang galaw ni Reverie habang nililigpit nito ang first aid kit.
Mukhang wala lang pala rito ang sinapit niya. Wala pa rin itong pakialam kahit na nabugbog siya. Nakakainit ng ulo! Hindi man lang ito nag-aalala ni katiting man lang.
Bullshit!
“Let’s talk tomorrow.”
Sa wakas ay saad nito.
“Why tomorrow if we can have the talking now, Reeve? I want to talk with you about a lot of things. Especially about us.”
“Bukas na sabi. Pagod ako, not to mention that I'm a little bit tipsy, too.” She quietly stated.
Sa inis ay napasabunot sa kanyang buhok si Zurick. Women are indeed difficult! And they're being more difficult when you want to understand them.
Nakakagago! Palibhasa ay wala naman siyang experience kung paano suyuin ang isang babae. Nasanay siya
na ang babae mismo ang lalambot sa isang pitik lang ng daliri niya.
Naglakad na palayo si Reverie. Nakamasid siya sa bawat hakbang nito. Nakamasid siya sa bigat sa bawat hakbang nito at nagugulumihanan siya sa pakiramdam na parang bumibigat na rin ang dibdib niya.
“Swe— Reeve, hoy. Ano... kumain ka muna bago matulog.” Kapagkuwan ay sabi ni Zurick nang nasa akto na si Reverie na papasok sa kabilang silid.
Akala niya ay lilingunin siya nito pero nagkamali siya. Huminto lang sandali si Reverie ngunit tumuloy din sa pagpasok.
“Hayst! Ang babaeng ito talaga. Sei in modo fcking duro, dolce signora.” Ngitngit ni Zurick bago nagpasyang matulog na rin.
He dropped himself on the bed and sighed. He stared at the ceiling.
You're so complicated and hard towards me ngunit bakit namlalambot ako sa tuwing ang lapit mo, Reverie de Gracia? Fck!
MABILIS NA ini-lock ni Reverie ang pinto ng silid ng pinsan niyang si Abigail pagkapasok na pagkapasok niya. Kagyat niyang nilundag ang kama upang maiwaksi ang kanina pang malakas na kabog ng dibdib niya.
Hindin na iyon huminto magmula nang makauwi sila ni Zurick. Sa bawat pagsagi ng balat niya sa balat ng lalaki ay nadadagdagan lamang ang pagwawala ng kung ano mang mga insekto kanyang sikmura.
Kakaiba ang pakiramdam na iyon ngunit hindi niya maikakaila ang ibig ipahiwatig niyon sa damdamin niya.
Dapat ay nilalabanan niya ang pakiramdam na iyon ngunit nahihirapan siya. Nahihirapan siya sa kadahilanang nagugustuhan na din niya na nasa tabi niya si Zurick. She liked him for making her heart pound faster.
Nais niyang tumili. Magwala. Tila ba naging hyperactive ang katawan niya ngunit ayaw lang niya iyong ipakita kay Zurick.
Hindi maaari.
Hindi pa!
Hindi niya puwedeng ipabatid sa lalaki ang malupit nitong epekto sa sistema niya. Iyong matindi niyang pag-aalala rito sa sinapit nito kanina ay isasarili lang muna niya.
KINABUKASAN AY naunang nagising si Reverie. Nagdadalawang-isip siya kung sisilipin ba niya si Zurick sa kabilang silid o hindi.
But her mind wanted to.
Subalit sa huli ay nagpasya na lamang siyang maligo muna at maghanda ng almusal pagkatapos.
Napagtanto niya na susubukan niyang pakitunguhan ng maayos si Zurick sa kabila ng lumalalang pintig ng kanyang puso. Susubukan lamang niya.
She was about to collect some ingredients from the refrigerator when the doorbell rang.
Halos manigas si Reverie sa kanyang kinatatayuan nang mapagsino ang panauhing nasa labas ng kanyang unit.
“M—MARKO?” REVERIE stuttered and her voice almost melted in her throat as she stared dumbfounded at the cop at her doorstep.
Inaasahan na niya na may otoridad na kakatok sa pinto niya dahil sa nangyari kagabi sa lalaking dinala niya sa kanyang flat subalit malayo sa hinagap niya na ang pulis na iyon ay walang iba kundi si Marko de Niro, her worthless ex-boyfriend. Her first heartbreak.
Damn straight!
Kinurap ni Reverie ang mga mata upang makasiguro na ito nga ang lalaking unang nanakit sa kanya. Baka kamukha lang ito ni Marko de Niro o marahil ay binibiro lang siya ng kanyang paningin.
“Reverie? Woah! Hey.” The cop's reaction was completely matched with hers.
Holy sht! He recognized her!
“Pulis ka?” Wala sa loob na tanong ni Reverie. Hawak-hawak pa rin niya iyong Hungarian sausage na nadampot niya sa loob ng ref na para sana sa almusal.
Marko struck his bright smile at her. Marko’s Italian features were roaring gorgeousness. Kayumanggi ang kulay ng balat nito pero makinis at mabalahibo. Kung ihahambing ang pangangatawan nito noong huli nuya itong nakita ay masasabi niyang malaki na ang iniunlad ng sarili nito. He improved a lot and evidence was obvious in every inch of his body.
“Sí, sí. Sub–Lieutenant de Niro at your service, baby Reeve.”
Napangiwi si Reverie si Reverie sa uri ng himig nito. Maharot pa rin ang hinayupak. Playboy madaling sabi. Iyon ang hindi nagbago sa lalaki. Marko might still be the egocentric playboy na kakilala niya noon. Tipo ng lalaki na inaayawan niya.
Just like... Nevermind!
“I am actually a republican guard most of the time but I was in the headquarters when an incident report came in and needed a respondent. I got intrigued with the woman who gave the report. Kapangalan mo kasi kaya naging interested ako and I'm glad that I didn't get disappointed.”
Ipinilig ni Marko ang ulo. “Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit Reverie de Souza ang ibinigay mong pangalan sa information.” De Niro gave her a skeptical look then again grinned at her.
Animo ay galak na galak talaga ang kumag sa muling pagkikita nila na taliwas naman sa nararamdaman niya. She had moved on but it doesn't mean that she wouldn't feel irritated towards this man. Ang kapal kasi ng mukha! Panay ngisi pa!
Umirap si Reverie. “Well, that's because I am already a married woman now, Marko.” Himig nagyayabang si Reverie nang ideklara iyon niya iyon dahilan naman upang mabura ang ngisi ni Marko.
Sandali pa’y awkward itong natawa na para bang nagbibiro lamang siya. Tumingin ito ng masuyo sa mukha ni Reverie. Nailang siya ng bahagya.
“Alright then. You're married but yeah, it doesn't actually matter to me as long I'm still single... by choice.” Makahulugang anito.
Umismid si Reverie. “And it doesn't matter to me as well whatever your civil status is, Marko.” She boredly said. “Sana lang naaalala mo pa kung bakit ka nandirito, Lieutenant de Niro.”
“Alright, alright. No need to get mad, babe. Pasok na ako ha, so we can discuss clearly about your complain.”
Napairap na lamang si Reverie nang kusa nang tumuloy ang pulis sa kanyang unit.
Nakakainis! Sa dinami-rami ng pulis sa France, bakit itong kengkoy pa na ito ang nandito upang mag-imbestiga? Nasira tuloy ang umaga niya.
Kung sabagay, naaalala pala niyang pangarap talaga ni Marko na maging isang pulis. Mabuti at nakamit nito ang gusto nito. Ang hindi lamang malaman ni Reverie ay kung bakit nasa France ito. Dapat kasi ay nasa Italya ito dahil taga-roon naman ito.
She was wondering why but she's lazy to ask.
“Where is your husband, baby?” Biglang tanong ni Marko.
Baby? Wtf! Hindi ba ito titigil sa kakatawag sa kanya ng ‘baby’?
Nagsalubong ang kilay ni Reverie. “Tulog pa! Ano’ng paki mo?”
“Woah! Stop being harsh on me, baby Reeve. You only make me think that you're still into me and can't yet move on. Don't you?” Marko grinned teasingly.
“Ang lakas pa rin ng tama mo sa utak, tsong!” Pambabara ni Reverie sa kahambugang taglay ni Marko.
“I am honestly doubting you, babe. If you're really married, where's your wedding ring then?”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Reverie sa tanong ni Marko.
Singsing niya?
Sht! E wala!
Wala siyang wedding ring. Paano naman siya magkakaroon ng wedding ring e kakaiba ang kasalan na naganap sa pagitan nila ni Zurick?
Tumaas ang isang kilay ni Marko de Niro, tila nagsususpitsa sa kanya.
“Fine, baby. I get it. Maybe it's your own little way of getting even. You're making me jealous. It might be like that, yes?”
Natahimik si Reverie at nag-isip ng sasabihin. Kinakain siya ng inis dahil sa kayabangan ni Marko. Nagsisi na tuloy siya na itinawag pa niya sa mga otoridad ang insidente.
“Buon giorno, il mio dolce signora.”
Sa kalagitnaan ng pagngingitngit ng dibdib ni Reverie ay biglang lumitaw si Zurick.
Nanigas ang katawan ni Reverie nang maramdaman nita ang pagpulupot ng matigas na braso ni Zurick sa kanyang bewang mula sa likod. Tila pa sinipa papunta sa ibang dimension ng mundo ang isip niya nang siilin pa ng malalim na halik ni Zurick ang kanyang nakaawang na mga labi.
It was crazy how she let him invade her mouth hotly. Halos makalimutan na niya ang presensiya ni Marko nang dahil sa halik ni Zurick.
Sa pagdating ni Zurick ay pakiramdam niya ang nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib.
Thanks to this Roman asshole!
She caught up some air to fill her lungs when Zurick released her lips. Nahuli pa niya itong sumulyap sa gawi ni Marko. Simpleng sulyap ngunit dama niya ang talim no’n.
“Anyway, here's your ring, my wife. Naiwan mo na naman sa banyo kagabi dahil marahil ay nawala na sa isip mo dahil sa ginawa natin sa banyo. And if you happen to forget it again, I swear you will be punished in our bed, wife. And you know exactly what I mean by that, sí, signora?”
Napatitig si Reverie sa mga mata ni Zurick at halos malaglag ang panga sa sinabi nito.
Hindi nakaimik si Reverie at ganoon din ang kanilang bisita. Titig na titig si Reverie sa singsing na isinuot sa kanya ni Zurick.
Saan galing ang singsing na ito? W—why does it perfectly fit in my finger? Naitanong ni Reverie sa sarili. Namamangha.
Reverie was not given a chance to ask Zurick about the ring because Zurick claimed her lips once more and kissed her harder.
Hindi iyon lumalim sapagkat narinig nila ang tikhim ni Marko.
Ay, bahala ka riyan, gago!
Zurick was about to pull away from Reverie when she chased his mouth and kissed him with an equal intensity. She felt Zurick grinned in between their kisses.
And they've shared a very passionate kiss in front of the man who broke her heart before and didn't value her worth. Somewhere in her heart, Reverie hopes Zurick isn't like Marko.
*****