Chapter 35: Ang nawawala

HUMIGPIT ang bantay ng kalaban sa paligid," paanas na ani ni Micko kay Cloud. Ang balak niya ay puntahan sina Ashton sa pinagtaguan nito ng tatlong bihag.

"Marahil ay alam na niya ang nangyari sa tatlo niyang tauhan." Matalim ang tingin sa malayo ni Cloud habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng suot na short. Gabi na at bukas ay maroon na muling hearing sa kaniyang kaso.

"Narinig ko nga pala kanina na kausap ng asawa mo sa cellphone nito ang iyong ina. Kailangan na mag-ingat siya dahil baka may tao si Tony dito sa loob ng bahay."

"Pagsabihan ko siya," maiksing tugon ni Cloud sa kaibigan. Maraming katulong sa loob ng bahay at tama ang kaibigan, hindi niya kilala ang mga ito lalo na at ang ilan ay galing kay Conrad noon.

"Matulog ka na at maaga pa tayo bukas. Ako na muna bahala magmatyag sa paligid." Patulak niyang pinaalis si Cloud. Si Dexter ay nagpapahinga na rin sa silid nito kasama si Jeydon.

Bago pumasok sa silid nilang mag-asawa ay sinilip muna ni Cloud ang dalawa. Alam niyang gising pa ang mga ito at pinag-aaralan ang maging strategy bukas sa Court. Pinagbuksan siya ni Dexter at agad niyang nakita si Jeydon na seryusong nakatitig sa hawak nitong papelis. Mukhang biglang nag-matured ang kaibigan at may suot pa itong eyeglasses.

"Relax ka lang bukas at tiyak na may inihanda silang pasabog upang malito ka at hindi makaisip ng tamang depensa." Hinawakan niya sa balitat si Jeydon.

"Alalahanin mo, huling alas natin si Lucas." Paalala na rin ni Dexter kay Jeydon.

Napabuga ng hangin sa bibig si Jeydon. Ito ang unang malaking kasong hahawakan niya. Nasa mga kamay niya ngayon nakasalalay ang kalayaan ng kaibigan. Kung noon ay nagawa siya nitong ipagtangol sa harap ng hurado, ngayon ay siya naman at ayaw niyang biguin ito. Hindi maari si Micko at baka makilala ito ng kalaban bilang si Kiko. Si Dexter naman ay may tinutukan na ibang kaso.

"Kaya mo iyan, may tiwala ako sa iyo!" Muling tinapik ni Cloud sa balikat si Jeydon at namaalam na sa dalawa.

Pagpasok ni Cloud sa silid nila ay tulog na ang asawa. Natutuwa siya at naging masunurin na ito sa kaniya. Niyaya itong lumabas kanina nila Eliza ngunit hindi sumama kahit pinayagan niya. Sinisiguro lamang niya ang kaligtasan nito at kahit saan magpunta ay may nakasunod na tauhan nila bilang bantay nito.

Kinabukasan ay maagang naghanda ang lahat at nine ng umaga ang simula ng hearing.

"Huwag ka munang lumabas ng bahay ngayon, okay?" bilin ni Cloud sa asawa habang inaayos nito ang suot niyang necktie.

"Opo, dito lang ako sa bahay at magdadasal upang manalo kayo sa kaso." Malambing siyang nanguyapit sa batok ni Cloud at tumingala dito upang masilayan ang mapanga at guwapo nitong mukha.

Mabilis niyang ginawaran ng magaan na halik sa labi ang asawa nang humaba ang nguso nito. "Kailangan ko nang umalis."

Nakangiting lumayo si Ellah sa asawa at sinundan ito hanggang makalabas ng bahay.

Napalingon si Jeydon sa mag-asawa bago pa siya makasakay ng kotse. Bigla niyang naalala ang asawa na naiwan sa Manila dahil kay Ellah. May similarity ang ugali ng dalawa at napangisi siya nang mapatingin kay Cloud. Hindi niya akalain na sa isang Ellah lang pala ito mahulog. Ang akala niya noon ay tatandang binata na ito dahil sa ugali nito.

"Let's go." Tawag ni Dexter kay Jeydon na nasa loob na ng kotse.

Umangat ang dalawang kilay ni Cloud nang mapasulyap kay Jeydon. Alam niya ang ganoong tingin nito sa kaniya. Bago pumasok sa sasakyan ay seninyasan niya ang asawa na pumasok na sa loob ng bahay. Hindi niya maitago ang ngiti sa labi nang mag-flying kiss ito sa kaniya bago isinara ang main door. Saka lang nabura iyon nang sabay na tumikhim ang dalawang kaibigan na nasa loob na ng sasakyan at siya na lang ang hinihintay.

Pagdating sa court ay halos ilang minuto lang ang pagitan at dumating na rin ang mga nasa kabilang panig at ang mga hurado.

Sa pagsisimula ay muling nanumpa ang bawat panig sa harap ng hukuman. Unang tumayo ay si Jeydon upang lapitan ang tumatayong witness laban kay Cloud. Siya naman ngayon ang magtatanong dito.

"Siya nga ba ang nagbigay sa iyo ng maling impormasyon upang lumusob sa bodega? "

Nangunot ang kilay ni Gab pagkarinig sa walang paligoy-ligoy na tanong ni Jeydon sa witness.

Tinitigan muna ng pulis ang mukha ni Wigo na nasa larawan bago sumagot. "Opo!"

Pinagsiklop ni Jeydon ang dalawang palad at matiim na tinitigan ang witness. "Maari mo bang isalaysay sa amin ang saktong salita na sinabi sa iyo ng lalaking iyan?" kalmado niyang utos sa pulis.

Tumingin muna ang pulis kay Gab, nang tinanguan siya nito ay nagsimula siyang maglahad.

Napatango si Jeydon matapos marinig ang salaysay ng witness. "Maari ko bang malaman kung sino ang kasama mong pumunta sa bodega?" Tumikhim si Jeydon nang sinabi ng witness na kasama nito ang hepe ng pulisya.

"Ayon sa unang diklarasyon, walang nakuhang illegal na kargaminto sa bodega nang salakayin ninyo ito. Pero sa ikalawang hearing ay biglang nagkaroon ng illegal at isa ang bodega na iyon na nasa listahan."

"Objection, your honor," Kinuwestyon ni Gab ang aligasyon ni Jeydon. " Lihis na po sa topic ang kanyang katanongan at hindi sakop ng kaalaman ng witness ang bagay na iyan."

"Objection, sustained! Bagohin ang tanong."

Ngumiti lang si Jeydon kay Gab bago muling humarap sa witness na halatang kabado na. Halatang may pinapanigan din ang hurado sa ginawa nito kaya medyo nahihirapan siya.

"Sino ang bumaril kay Mayor Conrad?" muling tanong ni Jeydon sa witness.

"Objection your, Honor!" muling sansala ni Gab. "Hindi sinasadyang nabaril ang Mayor nang gabing iyon."

"Your, honor, diritso lamang ang aking tanong sa witness." Kontra ni Jeydon kay Gab.

"Itama ang tanong." Deklara ng hurado kay Jeydon.

"Asar!" naibulong ni Jeydon sa sarili, sininyasan siya ni Cloud na tinangoan naman niya. Muli siyang humarap sa witness. "Nakita mo ba kung sino ang namali sa pagbaril kay Mayor Conrad?"

Biglang kinabahan ang witness, hindi siya maaring magsinungaling dahil nakuha ng kalaban ang baril na bumaon sa katawan ng mayor. "Si Chief Inspector po." Napilitang bunyag nito.

"Tauhan ni Congressman Tony ang hepe na iyan, 'di ba?"

"Objection, Your Honor!" Muling tumayo si Luis. " Hindi—"

"Your, Honor!" mabilis na pinutol ni Jeydon ang iba pang nais sabihin ni Gab. "Gusto ko na ring pabuksan ang kaso ni Congressman Ted na siyang pinararatangang pumatay kay Mayor Conrad."

Lumakas ang ingay sa paligid mula sa mga taong naroon kasama ang mga reporters.

"Kami ang dapat magpasya sa kasong iyan!" galit na sikmat ni Luis kay Jeydon.

"Kung kayo ang hihintayin namin ay aabutin tayo ng siyam-siyam. May mga trabaho kami na kailangang balikan sa Manila. Beside of that, hindi ba at kamag anak ng aking kliyente si Congressman Ted?" Mapang-uyam na ngumiti si Jeydon sa katunggali.

Kuyom ang mga kamao ni Tony na nakikinig lamang sa hearing. Nakaramdam na siya ngayon ng alinlangan na maipanalo ang kaso na pagdidiin sa kamag-anak ng katunggali.

"Your, honor, gusto ko lamang ipaalam sa lahat na ang aking kliyente ay ang nawawalang pamangkin ni Congressman Ted. Isa siya sa biktima ng sindikato kasama ang apo ni Don Felipe, mahigit sampung taon na ang nakaraan. Pahintulotan ninyo kami na mailabas at matukoy ang puno't dulo ng kasong ito. Kung sino ang kasabwat ni Mayor Conrad, hawak po namin ang tao na siyang kumuha ng mga kabataan mahigit sampung taon na ang lumipas." Matapang at seryuso ang mukha na nakipag tikisan ng tingin si Jeydon sa hurado.

"Alam mo bang maaring madagdagan ang kaso ng iyong kliyente kung hindi mo mapanindigan iyang alegasyon mo laban kay Congressman Tony?" Tanong ng taga hukom habang hawak ang folder na inabot ni Jeydon.

"Alam ko po, Your Honor." Mababang loob na tugon ni Jeydon sa hurado.

Pinag-aralan ng hurado ang papelis na bagong bigay ni Jeydon. Ngunit hindi pa rin sapat iyon at pinabulaanan ng kabilang kampo. Pinalabas din na panirang puri lamang ang bentang ng mga ito sa congressman. Inayos ng hurado ang sunod na hearing at kailangan nang iharap nila Cloud ang witness na magdidiin sa congressman. Maging si Don Felipe ay kailangan din lumabas.

"Kailangan nating mahanap ang ebedensya upang patunayang sangkot siya sa illegal na gawain ni Conrad." Sapo ang ulo na ani Cloud. Naroon sila ngayon sa isang silid ng mansyon nila Ellah kasama sina Dexter at Jeydon. Si Micko ay binisita ang bihag at si Wigo na nagpapagaling pa sa sugat na natamo.

"Magaling din makahanap ng butas ang abogado niya." Panay ang buntonghininga ni Dexter.

"May nakakilala kay Wigo nang pumasok ito ng kulongan. Malaki ang posibilidad na baliktarin tayo at ebentang na tauhan natin ang kriminal na iyon. Mukhang hindi na natin siya magamit laban sa kanila." Problemadong pahayag ni Jeydon.

"Kailangan nating mag-isip ng ibang strategy. Hindi pa natin pwedeng ilabas agad si Lucas dahil baka mabaliktad ang lahat."

"Tama ka," sang-ayon ni Dexter kay Cloud.

"Kailangan natin nang pahinga kahit kaunti, mauna na ako." Unang tumayo si Jeydon at sumunod si Dexter. Naiwan si Cloud na malalim ang iniisip.

Tahimik ang kabahayan at sinigurado ni Cloud na mahigpit ang bantay sa paligid nang kinaroonan nila. Makalipas ang kalahating oras ay nagpagpasya niyang tumayo at pumasok sa silid nilang mag-asawa. Tulog na si Ellah dahil nilagyan niya muli ng pampatulog ang gatas na ininum nito kanina. Napatitig siya sa maamong mukha ng asawa bago inilibot ang paningin sa apat na sulok ng kanilang silid.

"Bukod sa ibang silid, ito na lang ang hindi ko natignan." Bulong ni Cloud sa kawalan.

"Ang tuso mag-isip ay hindi basta magtatago ng ebedensya sa lugar na madaling mahulaan." Sagot niya sa sariling katanongan sa isip. Mabilis siyang kumilos at hinalughog ang bawat sulok ng silid.