Chapter 36: Tensyon

KINABUKASAN ay maagang naghanda sina Cloud upang dumalo sa hearing.

"Mag-ingat kayo lalo ka na." Paalala ni Ellah sa asawa habang inaayos ang necktie nito.

"I will, huwag ka rin lumabas ng bahay at takasan ang iyong bantay."

Napangiti si Ellah nang makitang seryuso ang asawa at ang lambong na naman ng aura nito. Pero mas okay na ang ganito kaysa noong hindi pa niya asawa ito, lagi na ang dilim ng aura ng mukha nito.

"Kailangan ko nang umalis." Mabilis at magaan na halik ang iginawad ni Cloud sa labi ng asawa.

Hinatid ni Ellah ang asawa hanggang sa labas ng pintuan. Nakita niya sina Jeydon na papasok na rin ng kotse.

Napalingon si Jeydonsa gawi nila Cloud. Napangisi siya nang mapagmasdan ang kaibigang abogado. May similarity ang ugali ni Ellah sa kaniyang asawa. Bigla tuloy niyang na miss ang asaw na naiwan sa Manil at ang kanilang anak. Muli siyang napatitig sa kaibigan nang ngumiti ito sa asawa nito. Hindi niya akalain na makapag-asawa ito. Sa lahat sa kanilang magkakaibigan ay ito ay mahirap pakibagayan. Ito rin ay may pinaka matigas ang kalooban sa kanila.

"Let's go." Tawag ni Dexter sa dalawa.

Pinapasok na muna ni Cloud ang asawa sa loob ng bahay bago sumakay ng sasakyan. Iisang kotse lang ang dala nilang magkaibigan at may nakasunod na tauhan nila bilang pag-iingat na rin. May naiwan din sa bahay upang maging bantay ng kaniyang asawa at ni Laila. Pansamantala itong nanatili muna roon upang samahan ang asawa niya dahil busy siya.

Pagdating sa court ay naroon na rin ang kabilang kampo. Si Jeydon ngayon ang magtatanong at isinalang sa interrogation set si Congressman Tony.

"Ano ang kaugnayan mo kay Lucas?" tanong ni Jeydon kay Tony.

"Wala akong natatandaang nagkaroon ako ng communication sa taong iyan." Pagkaila ni Tony, kinakabahan siya pero hindi iyon pinakita sa lahat.

Kamakailan lang ay nabunyag ang tungkol sa unamalyang ginagawa ni Lucas. Nabuksan na ang kaso nito at iniugnay ngayon sa kaso nila.

Napatango si Jeydon at binuklat ang hawak na folder. Pagtingin niya kay Cloud ay tumango ito bilang pagsang-ayon sa kaniyang next step.

"Sinasabi mo bang hindi mo kilala ang kriminal na ito?"

"Objection you, honor, lihis na po sa kaso ang kaniyang tanong. Walang kaugnayan ang aking kliyente sa kung ano mang kasong kinasasangkutan ni Mr. Lucas."

"Your, honor, may kaugnayan sa kaso ni Mayor Conrad ang kaso ni Mr. Lucas." Mabilis na paliwanag ni Jeydon at inabot sa hurado ang hawak na katibayan.

"Objection overruled." Matapos mabasa ang inabot ni Attorney Jeydon.

Bagsak ang balikat na bumalik sa pagkaupo si Gab nang marinig ang desiyon ng judge.

Muling humarap si Jeydon sa congressman. "Inuulit ko, kilala mo ba si Mr. Lucas o hindi?"

"Hindi ko siya kilala." Nanigas ang panga ni Tony habang matalim ang tinging ipinukol sa nagtatanong sa kaniya.

"Kung hindi mo siya kilala, bakit nasa poder mo ang anak niya?" diritsahang tanong ni Jeydon.

"Objection your, honor, kalabisan na ang kaniyang tanong at walang katuturang alegasyon laban sa aking kliyente." Mariin na pagtutol ni Gab.

"Your, honor, hindi ako maglalabas ng alegasyon na walang katibayan. Si Mr. Lucas po ay may anak at nasa pangangalaga ngayon ni Congressman Tony. Kaya nagsisinungaling siya nang sabihing hindi niya kilala si Mr. Lucas."

Mariing naikuyom ni Eliza ang kamao at nagtatanong ang tingin sa ama. Wala siyang ibang kilala na malapit sa ama o may iba pa itong tinuturing na anak bukod sa kaniya. Lalo siyang nagugulohan nang mag-ingay ang paligid at natuon ang tingin sa kaniya.

Napatingin si Tony sa gawi ng anak, nasa mukha nito na tila maiyak sa kung ano man ang marinig na kanyang sagot. Mahal niya ang dalaga at ito lang ang alam niyang manatili sa kanyang tabi kahit ano pa man ang mangyari. Hinayaan niya kanina na sumama ito sa kaniya bilang suporta. Kung alam niya lang na maungkat ang tungkol dito ay hindi na sana niya ito isinama.

"How dare you to accused me! Hindi ko siya kilala at huwag mong panghimasukan ang personal kong buhay!" Galit na napatayo si Tony at dinuro ang abogado. Ngunit tinalikuran lang siya nito at lumapit sa hurado.

"Your, honor, pahintulotan niyo po akong ipakita o iparinig sa inyo ang kuha mula kay Mr. Lucas upang patunayan na hindi lamang ako gumagawa ng kwentong ikakasira ng inyong butihing congressman." Pakiusap ni Jeydon sa hurado. Sinadya niya ang ganitong biglaang reveal upang hindi na makapalag pa ang kalaban.

Lalong nagkagulo ang mga naroon lalo na ang mga reporters na dumalo upang antabayanan ang nangyayari sa hearing. Walang nagawa ang judge kundi pagbigyan ang paglabas ng ebedensya.

Mabilis na binuksan ni Jeydon ang cellphone at ni-loud speaker bago e-play ang video.

"Pakiusap, huwag niyong ibunyag ang tunay na pagkato ng aking anak. Handa akong makulong at pagbayaran ang lahat ng aking kasalanan, ipangako niyo lang ang kaligtasan ng anak ko. Ayaw kong malaman niyang ako ang tunay niyang ama at hindi si Congressman Tony."

Nanatiling tahimik ang paligid nang maputol ang video napapaisip kung sino ang anak ni Lucas na nasa kamay ni Tony.

Halos dumugo na ang gilagid ni Tony dahil sa pangangalit ng ngipin nito. Kung kaharap niya lang si Lucas ay tiyak nabaril na niya ito sa ulo.

Iniwas ni Cloud ang tingin kay Eliza nang mapatingin sa gawi niya ito. Alam niyang inosinte ito at hindi niya intensyong saktan ang kalooban nito. Ngunit wala siyang ibang choice, kailangang mabunyag ang dapat mabunyag.

Tuloyan nang pumatak ang luha sa mga mata ni Eliza at galit ang nadarama para kay Cloud ngayon. Ayaw niyang maniwala sa naririnig at hindi niya kayang tanggapin.

"Your, honor, ang kabuuan ng video ay e-send ko sa inyo. Hinihiling ko ngayon na isagawa ang DNA test kay Congressman Tony at sa anak nito upang patunayan na pawang katotohanan lamang ang aking inilahad sa inyong harapan."

Bagsak ang balikat at tahimik si Gab, agad siyang nag-isip kung paano pabulaanan ang mga ibinunyag ng katunggali. Ang totoo ay nagulat siya sa inilabas ng katunggali at hindi niya alam paano pabulaanan iyon dahil wala siyang alam.

"Anak ko siya! How dare you to question me like that!" bulyaw muli ni Tony kay Jeydon habang kuyom ang mga palad.

"Your, honor, hindi sapat na katibayan ang kanyang pinakita. Maaring set up lamang iyan upang sirain ang pangalan ng ating mahal na Congressman." Mabilis na depensa ni Gab nang makabawi.

"Then, let's do the DNA test!" hamon ni Jeydon sa kalaban.

"Hindi ko kailangang gawin iyan! Ang lakas ng loob ninyo para sirain ang relasyon naming mag-ama! Pagababayarin ko kayo sa ginawa ninyong ito!" Bulyaw ni Tony habang dinuduro si Jeydon. Mabilis itong nilapitan ni Gab upang pakalmahin.

Si Eliza ay napatakip sa sariling mukha gamit ang palad habang humagulhol ng iyak. Nakaramdam ng panliliit sa sarili at nagtanim na rin ng galit kay Cloud. Kaya ba maging mabait ito sa kaniya at gustong mapalapit? Kung ganoon sa umpisa pa lang ay may alam na ito sa tunay niyang pagkatao at ginagamit siya upang mapalapit ito sa kaniyang ama.

"Your, honor, pagbigyan ninyo ang aming hiling upang patunayan na tama ang aming alegasyon. Sa inyo nakasalalay ngayon ang lahat upang manaig ang kabutihan at makamit ng mga biktima ang katarungan.

Nagkaroon ng break time sa paglilitis at nagpulong ang mga hurado at punong taga hukom. Alam nila Cloud na maaring pumanig ang hurado kina Congressman at hindi sila pagbigyan kaya itinuloy na niya ang plan b. Agad niyang tinawagan si Ruel upang bigyan ito ng go signal.

"Handa na po ba kayo?" tanong ni Ruel kina Don Felipe at Raiko, kasama si Angel Mae. Nang tumango ang mga ito ay pinapasok na ni Ruel ang pinatawag na taga media.

"Una po sa lahat ay pasensya na kung kailangan pa namin kayo piringan hanggang dito sa loob. Nag-iingat lamang po kami para sa kaligtasan ng mga biktima." Pauna ni Ruel nang itutok na sa kaniya ang camera at microphone ng reporter. Naka mask siya at suot ang sunglasses upang itago ang tunay niyang mukha, tanging sina Raiko lamang ang magpapakita ng mukha.

Sa opisina ay naputol ang pagpupulong ng mga hurado nang pumasok ang secretary.

"Sir, panuurin niyo po ang balita."

Naikuyom ng judge ang isang kamao habang pinapanuod ang live na balita mula sa isang sikat na reporter. Tama lang na nakaharap na sa camera ang matandang don na kilala sa kanilang bayan.

"Hindi lingid sa kaalaman ninyong lahat na nawala ang ikalawa kong apo noong bata pa siya. At ngayon ay nahanap ko siya ngunit hindi na maganda ang kaniyang kalagayan."

Napaluha maging ang reporter nang makita ang paghikbi ng matanda kasabay ng pagtulo ng mga luha nito. Itinutok ang camera sa babaeng nakaratay sa isang higaan at maraming aparatong nakakabit dito bilang life support.

"Hindi ko mapapatawad ang taong may kagagawan kung bakit napunta sa kamay ng sindikato ang aking apo. Ngunit wala na siya at ang kailangan ko na lang mapanagot ay ang utak ng sindikato. Nanawagan ako sa taong bayan na tulongan ako upang mabigyan ng katarungan ang itong nangyari sa aking apo!"

Ramdam ng lahat ng nanunuod ang lungkot at galit ng matanda habang nagsasalita. Awang-awa silang lahat lalo na nang ilahad ng isa pang biktima ang dinanas ng mga ito sa kamay ng sindikato. Maging sila ay naiyak at sa mga ito ang simpatya at gustong makamit din ng mga ito ang katarungan.

"Isa lang ang hiling ko bago mawala sa mundong ito, ang makulong ang taong nagtayo ng orginisasyong iyon upang wala ng mga batang mabiktima pa ng kahayupan nila." Kahit nanghihina ay nasa tinig pa rin ni Raiko ang katibayan ng loob nito.