Chapter 47 Kenneth’s special announcement

Dinner time ang usapan nilang magkakabarkada, sabay na dumating si Charlotte at Verna, nagkita sila sa entrance ng isang restaurant sa may Tiendesitas, isang korean restuarant ang napili ni Carl. Maya maya dumating na din ang mag asawang doctor Andrea at Gerry, magkasabay din dumating sina Kenneth, Carl at Bernadette, huling dumating ang kambal.

Nagkuwentuhan sila sa mga kaganapan sa reunion, tawanan sila ng tawanan. Lumapit ang waiter at umorder na sila ng pagkain.

“Big cheers to Carl.” sabi ni Christine.

“Nope, big cheers sa ating lahat!” sabi naman ni Carl, nag toast sila ng inumin, at balik kwentuhan.

“Ken, kailan ang balik mo, akala ko sa February 28 pa , bakit mapapaaga yata, mamimiss ka namin uli, di kumpleto na naman ang barkada.” aniya ni Verna.

“Oo sa katapusan pa naman ako uuwi, ieenjoy ko ang bakasyon ko at babawi ako sa lahat.” sabi ni Ken.

“Tama, enjoy ka muna, matatagalan na naman ang balik mo nyan, may isa diyan mamimiss ka ng todo todo. “ sabay sulyap ni Andrea kay Bernadette, napangiti lang si Bernadette.

“Sister, magsalita ka naman!”sabi ni Charlotte.

“Ano naman sasabihin ko, madami pa akong i catch up sa grupo.” sagot ni Bernadette.

“Sandali labas lang ako may kukuhanin ako sa kotse, Carl pahiram ng susi may kukuhanin ako sa trunk.” pagbalik ni Ken, may dala siyang 3 paper bag.

“Para sa inyo eto, may mga pangalan na yan, di ko naibigay nung dumating ako.” nagpasalamat ang lahat.

“Alam nyo bago madgsimula ang event, di ako nagpahalata pero kabado ako na baka di dumating mga kinuha kong performers. E nakasulat na mga name sa invitation”pagbabalita ni Chris.

“Ang saya nga reunion, lahat nag enjoy lalo na mga teachers natin grabe nakita ko si Mam Rowena at Mam Edwina tawa ng tawa.”

“Very stunning at captivating ang beauty mo nung gabing yun Gurl ha!” sabi ni Chris kay Charlotte. As usual balik sa comedy tandem ang dalawa, asaran ng asaran at tuwang tuwa ang grupo buhay na naman ang mundo nila.

Pagkatapos ng hapunan, may kinuha si Ken sa bulsa ng pantalon, isang maliit na red box at binuksan nya, humarap kay Bernadette.

“Will you marry me.” Nabigla si Bernadette at napaluha.

“Yes i will.” sagot nya agad.

Sigawan ang grupo.

“Kailan ang kasalanan, hehehe!”

“Sa hinaba haba ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.” sabi ni Carl.